Fil8 q4 Mod2 v3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

8

Filipino 8
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
Florante at Laura

n I
alaa
BIL
m Bah I
Pa G
ri
ng A
-a
a
P IN
P ag
D II
H IN
Learning Area- Filipino - Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 4 – Modyul 2: Florante at Laura- Kay Selya at Sa Babasa Nito

First Edition, 2020


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintuloy mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones, PhD
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio. PhD

Development Team of the Module

Writer(s): Jesusa V. Sulayao

Reviewer(s): Girlie T. Sumastre, Jesusa V. Sulayao

Illustrator(s): Loreto B. Demetillo Jr.

Layout Artist: Jesusa V. Sulayao

Management Team

Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Conniebel C. Nistal, PhD


Assistant Schools Division Superintendent

Pablito B. Altubar, CID Chief

Members: Arlene A. Micu, EPS Filipino


Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Gingoog City
Office Address: Brgy. 23,NationalHighway,Gingoog City
Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
88
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 2

Florante at Laura
Talaan ng mga Nilalaman
Paunang Salita..................................................................................................i
Alamin................................................................................................................i
Pangkalahatang Panuto..................................................................................ii
Mga Aykon ng Modyul..........................................................................................................ii
Leksyon 2-3........................................................................................................1
Kay Selya at Sa Babasa nito...............................................................................1
Alamin...................................................................................................................................1
Subukin.................................................................................................................................1
Balikan..................................................................................................................................2
Husgahan Mo!......................................................................................................................2
Tuklasin................................................................................................................................2
Pagyamanin........................................................................................................................13
Isaisip.................................................................................................................................14
Isagawa..............................................................................................................................15
Tayahin...............................................................................................................................16
............................................................................................................................................17
Karagdagang-gawain.........................................................................................................17
Pagbati!..............................................................................................................................17
(Ikaapat na Markahan)....................................................................................18
Alamin.............................................................................................................18
.........................................................................................................................18
Susing Sagot (Key to Answers)...................................................................20
Sanggunian....................................................................................................22
Paunang Salita
Kilala ang Pilipinas sa mayaman nitong kultura. Kahit nga ibang bansa ay
humahanga rito. Sa sining man o sa panitikan, hindi kailanman nahuli ang bansang
Pilipinas.

Upang hindi makalimutan ang ating panitikan, ating balikang muli ang pagyakap at
pakikipagsabayan sa agos at daloy ng ating panitikan. Magpalit man ng anyo ang ating
panitikan at magbago man ito sa paglipas ng panahon, hinding-hindi natin maipagkakaila na
ang Panitikang Pilipino ay bahagi na ng ating pagkakakilanlan.

Alinsunod sa New Normal Classroom bunsod ng Covid ’19, naisipan ng Kagawaran


ng Edukasyon na bumuo ng mga kagamitang pampagkatuto para sa mga mag-aaral upang
mapalawak ang kanilang kaalaman at muli nilang makilala ang sariling panitikan gamit ang
modyul na ito ng Asignaturang Filipino.

Pinag-igihan ang pagbuo ng modyul na ito upang ang mga mag-aaral ay patuloy na
matuto sa kabila ng banta ng pandemyang kinakaharap. Lubos ang paniniwala ng
Kagawaran ng Edukasyon na ang dekalidad na edukasyon ay kayang makamtan ng mga
mag-aaral sa paraang ito. Malaki ang paniniwala ng Kagawaran na ang pagkatuto ay hindi
lamang makakamit sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan.

Alamin

Sa Modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na matatamo ang


sumusunod na kasanayang pampagkatuto:

. A. Nabibigyang -kahulugan ang matatalinghagang pahayag sa


binasa F8PT-IVa-b-33
B. Naibibigay ang sariling puna sa kahusayan ng may-akda sa
paggamit ng mga salita at pagpapakahulugan sa akda
F8PU-IVa-b-35

C. Nailalahad ang sariling karanasan o karanasan ng iba na


may temang pag- ibig, gaya ng sa akda F8PD-IVc-d-34
D. Nailalahad ang damdamin o saloobin ng may- akda, gamit
ang wika ng kabataan F8WG-IVa-b-35
Subukin
Panimulang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Bilugan ang titik ng iyong sagot
1. Sa kanya inialay ni Baltazar ang Florante at Laura.
A. Ma. Ana Ramos B. Ma. Asuncion Rivera C. Ma. Ana Rivera
2. Sa kanila nakiusap si Balagtas na huwag babaguhin ang tula.
A. Manunulat B. Makata C. Mambabasa
3. Siya ang taong tinukoy ni Balagtas na malimit magbago ng tula na sa kalauna’y lalong
pumangit ang ginagawang tula.
A. Sigesmundo B. Lope K. Santos C.Joseng Sisiw
4 .Ito ay kasingkahulugan ng salitang kulang sa unang saknong.
A. Pagod B. Kapos C. Bukal
5. Ito naman ay kasingkahulugan ng salitang kulang sa ikalawang saknong.
A. Mura B. Bubot C. Hilaw
6. Ang tanging naiwan kay Kiko mula ka Selya.
A. Singsing B. Kwintas C. Larawan
7. Naging libangan ni Kiko sa loob nga kulungan.
A. Pag-awit B. Pagsulat ng Kwento C. Pagsulat ng tula
8. Sinisi ni Kiko ang kanyang sarili dahil sa mabilis na pagkawala ng:
A. kanilang pag-iibigan B. alaala ng pag-ibig C. kanyang pag-ibig kay Selya
9.Ito ay madalas magunita ni Kiko.
A. Paglubog ng araw B.Malungkot na lumipas nila ni Selya C. Masayang lumipas
nila ni Selya
10. Nakaranas ng kahirapan si Kiko dahil sa________
A. kakulangan ng pera B.pagsuway sa magulang C. pangingibig kay Selya
11. Ano ang kasingkahulugan ng salitang lumawig?
A. tumagal B. lumayo C, dumako
12. Ito ang kasingkahulugan ng salitang hilahil.
A, dusa B. kaligayahan C. pag-ibig
13. Wala na siyang werpa kaya siya ay nadapa sa kakatakbo. Anong salita ang wika ng
kabataan?
A. nadapa B. katatakbo C. werpa
14. Sumama siya sa kanyang kaibigang tiboli. Anong salita ang wika ng kabataan?
A. tiboli B. sumama C. kaibigan
15.Pinakamababang antas ng salita.
A. Balbal B. Baliktad na salita C. Kolokyal
Aralin Leksyon 2-3: Kay Selya
2 at Sa Babasa Nito

Alamin

Para sa Mag-aaral

Tungkol saan ang Araling ito?

Gusto mo bang malaman kung bakit nabigo sa pag-ibig si Kiko? Sino kaya ang
naging inspirasyon niya sa pagsulat nga “Florante at Laura?
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga leksiyon tungkol sa inspirasyon at
kabiguan ni Francisco Baltazar.Nagpapakita rin ito ng mga katotohanangpangyayari
at higit sa lahat, ito’y nagtuturo sa mga mambabasa nga kalagayan nga mga Pilipino
sa panahon ng Kastila.
Mapapaunlad at malilinang din ang inyong kritikal na pag-iisip sa
pamamagitan ng mga gawaing nilikha ng may akda na hahamon sa inyong
kakayahan at karanasan

Tuklasin

Naranasan mo bang mabigo sa pag-ibig? Alamin natin ang mga sakripisyong


inialay para sa minamahal.
Gawain 2.1: Tula ko, para sa ‘yo!

Panuto 1: Basahin ang tula sa ibaba..


Para Sa Mahal Ko

Pag-ibig ko sa ‘yo ay totoo


Hindi ito kailanman magbabago
Kahit laitin man nila ako
Ikaw aking mahal ay sinisinta ko

Sa akin ka lang habambuhay


At kung ako ay mararatay
Kahit ako man ay maging bangkay
Ikaw pa rin sa aking buhay

Panuto 2. Sagutin ang mga tanong at isulat sa patlang ang sagot.

1. Sa unang saknong, paano ipinaglaban ng may-akda ang kanyang


pagmamahal?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
_______________________________

2. Sa ikalawang saknong, ano ang hahantungan sa kanilangpag-iibigan?


_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________

Gawain 2.2 : Kahulugan ko,hanapin mo!

Panuto: Hanapin sa Hanay A ang kasingkahulugan ng mga salitang nasa


Hanay B. Isulat sa patlang ang titik ng napiling sagot.

Hanay A Hanay B

1. pagsaulan A. dusa

2. hilahil B. mawawala

3. pagdaralita C balikan

4. lumawig D. paghihirap

5.mapaparam E. tumagal

F. paghamak
Suriin
Tapos mo ng sagutin ang mga Gawain. Magaling! Ngayon, handa ka
na bang alamin kung kanino inialay ni Kiko ang awit na Florante at
Laura? Tara na at tunghayan.

Gawain 3: Halina’t Magbasa!


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga saknong sa ibaba.

7 Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw


sa lansanga’t ngayong iyong niyapakan;
Kay Selya sa Ilog Beata’t Hilom na mababaw,
yaring aking puso’y laging lumiligaw.
1 Kung pagsaulan kong basahin sa isip
ang nangakaraang araw ng pag-ibig, 8 Di mamakailang mupo ng panimdim
may mahahagilap kayang natititik sa puno ng manggang naraanan natin;
liban na kay Selyang namugad sa dibdib? sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,
ang ulilang sinta’y aking inaaliw.
2 Yaong Selyang laging pinanganganiban,
baka makalimot sa pag-iibigan; 9 Ang katauhan ko’y kusang nagtatalik
ang ikinalubog niring kapalaran sa buntung-hininga nang ika’y may sakit,
sa lubhang malalim na karalitaan. himutok ko noo’y inaaring-Langit,
Paraiso naman ang may tulong-silid.
3 Makaligtaan ko kayang ‘di basahin,
nagdaang panahon ng suyuan namin? 10 Liniligawan ko ang iyong larawan
kaniyang pagsintang ginugol sa akin sa Makating ilog na kinalagian;
at pinuhunan kong pagod at hilahil? binabakas ko rin sa masayang do’ngan,
yapak ng paa mo sa batong tuntungan.
4 Lumipas ang araw na lubhang matamis
at walang natira kundi ang pag-ibig, 11 Nagbabalik mandi’t parang hinahanap,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib dito ang panahong masayang lumipas;
hanggang sa libingan bangkay ko’y maidlip. na kung maliligo’y sa tubig aagap,
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.
5 Ngayong namamanglaw sa pangungulila,
12 Parang naririnig ang lagi mong wika
ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
Tatlong araw na di nagtatanaw-tama
nagdaang panaho’y inaalaala,
At sinasagot ko na may sabing tuwa
sa iyong larawa’y ninitang ginhawa.
Sa isa katao’y marami ang handa

6 Sa larawang guhit ng sintang pinsel, 13 Anupa nga’t walang di nasisiyasat, ang pag-
kusang inilimbag sa puso’t panimdim iisip ko sa tuwang kumupas, sa kagugunita,
nag-iisang sanlang naiwan sa akin, luha’y lalagaslas, sabay ang taghoy kong “O,
at ‘di mananakaw magpahanggang libing. nasawing palad!”

14 Nasaan si Celing ligaya ng dibdib? Ang suyuan


nami’y bakit di lumawig? Nahan ang panahong
isa niyang titig, ang siyang buhay ko, kaluluwa’t

5
15 Bakit baga noong kami’y maghiwalay, ay 19 kung kasadlakan man ng pula’t pag-ayop,
di pa nakitil yaring abang buhay? Kung tubo ko’y dakila sa pununang pagod, kung
gunitainka’y akong kamatayan, binabasa mo’y isa mang himutok ay alalahanin
sa puso ko Celia’y di ka mapaparam. yaring naghahandog.

16 Itong di matiis na pagdaralita, nang dahil 20 Masasayang nimpas sa Lawa ng Bai,


sa iyo, o nalayong tuwa, and siyang umakay sirenas, ang tinig ay kawili-wili, kayo ngayo’y
na ako’y tumula, awitin ang buhay ng isang siyang pinipintakasi, ng lubhang mapanglaw
naaba. na musa kong imbi.

17 Celia’y talastas ko’t malabis na umid, 21 Ahon sa dalata’t pampang na naglipid,


mangmang ans musa ko’t malumbay ang toonohan ng lira yaring abang awit, na
tinig, di kinabahagya kung hindi malait, nagsasalitang buhay ma’y mapatid, tapat na
palaring dinggin mo ng tainga’t isip. pagsinta’y hangad na lumawig.

18. Ito’y unang bukal ng bait kong kutad, na 22 Ikaw ay bulaklak niring dili-dili, Celiang
inihandog sa mahal mong yapak, tanggapin sagisag mo’y ang M.A.R. sa birheng mag-ina’y
mo nawa kahit walang lasap, nagbuhat sa ipamintakasi ang tapat mong lingcod na si F.B.
puso ng lingcod na tapat.

Pagbibigay ng Puna
Ang pagkabigo ni balagtas kay Ma. Asuncion Reyes ay nagsilbing inspirasyon upang
mabuo ang isang dakilang awit na ‘Florante at Laura.” Inialay it okay Ma. Asuncion Rivera
na tinagurian niyang Selya na hango sa santong Sta. Cecilia, na santo patrona ng mga
taong may hilig sa musika. Sa tunay na buhay, mahusay tumugtog ng lira si Ma. Asuncion
Rivera kaya inihalintulad ni Balagtas ang pangalang Selya rito. Ipinadama sa atin ni balagtas
ang masaklap na karanasan niya sa pag-ibig, ang matinding panibugho na dulot ng
pagpapakasal ni Selya kay Nanong Kapule at ang kawagasan ng pag-ibig niya kay Selya.
Binanggit sa tula ang mga pook ng Pandacan at Makati bilang paggunita sa masasayang
araw at malulungkot na pangyayari sa buhay ni Balagtas at ni Selya.

Magaling! Natapos mong basahin ang tungkol kay Selya, ipagpatuloy ang tungkol sa
Babasa nito.

Sa Babasa nito 4 Kung sa pagbasa mo’y may tulang


malabo,
bago mo hatulang katkatin at liko,
1 Salamat sa iyo, O nanasang irog,
pasuriin muna ang luwasa’t hulo
kung halagahan mo itong aking pagod;
at makikilalang malinaw at wasto.
ang tula ma’y bukal ng bait na kapos,
pakikinabangan ng ibig tumarok.
5 Ang may tandang letra alinmang
talat di mo mawatasa’t malalim na
2 Kung sa biglang tingi’y bubot at
wika,ang mata’y itingin sa dakong
masaklap palibhasa’y hilaw at mura ang
ibaba, buong nahuluga’y mapag-
balat ngunit kung namnamin ang sa
uunawa.
lamang lasap masasarapan din ang
babasang pantas
6 Hanggang ditto ako, O nanasang
pantas sa gayong katamis Wikang
3 Di ko hinihinging pakamahalin mo,
masasarap, ay sa kabango ng tula’y
tawana’t dustain ang abang tula ko;
umalat.
gawin ang ibigi’t alpa’y nasa iyo.
Ay huwag mo lamang baguhin ang
berso.

6
Pagbibigay ng Puna
Nagbibigay ng paalala si Balagtas sa mga mambabasa na huwag pakialaman ang
awit na sinulat niya, panatilihin ang anyo at ang nilalaman ng kanyang tula. Hindi nagkamali
si Balagtas sa pagbibigay niya ng babala sapagkat umani ng papuri at kinilala rin ng ibang
bansa ang akda niyang Florante at Laura. Napakataas ng uri ng akda niyang ito na
ginagamitan niya ng mga matalihagang pananalita, gumamit din siya ng iba’t ibang sagisag
na lalong ikinaganda ng awit. Nag papakita rin ito ng mga makatotohanang pangyayari at
higit sa lahat, Ito’y nagtuturo sa mga mambabasa ng kalagayan ng mga Pilipino sa panahon
ng Kastila. Sa kasalukuyan, ang Florante at Laura ay itinuring na epiko ng mga Tagalog.

Binabati kita! Nabasa at naintindihan mo ang mga saknong ng tula? Upang masukat
ko ang iyong naunawaan, sagutin at ipaliwanag ang aking ibibigay na katanungan.

Pagyamanin

Gawain 4.1 : Tanong ko, sagutin mo!

Panuto: Sagutin ang mga katanungan..Isulat sa patlang ang iyong sagot.


1. Kung ikaw ay mabigo sa pag-ibig,ano ang iyong gagawin? Magbigay ng dalawang
payo o solusyon para hindi masira o mapahamak ang buhay ng taong nasawi sa pag-ibig.
______________________________________________________________________

2. Sang-ayon ka ba sa manaagng pakikipagsapalaran ng mga kabataan ngayon sa


pag-ibig? Pangatwiranan.___________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3.Magbigay ng mungkahi kung paano mapanatiling maganda ang samahan ng


pamilya.__________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

7
Gawain 4.2: Pahayag ko, suriin mo!

Panuto: Suriin ang bawat pahayag.Sang-ayon ka ba o hindi sa mga pahayag?


Pangatwiranan ang iyong sagot sa bawat patlang.

1. Naglalahad ng katotohanan at madamdamin ang mga akda ni Francisco Balagtas.


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Masyadong malalim ang mga salita ng Florante at Laura. Ayoko nang basahin
ito._______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Tingnan mo, ang ganda ng aklat na ito. Ang gaganda ng mga pati na ang papel
na ginamit.__________________________________________________________
_______________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Isaisip

Gawain 5.1: Tanong ko, ipaliwanag mo!

Panuto: Upang mas mapalalim pa ang iyong kaalaman tungkol kay Francisco
Baltazar, ipaliwanag ang iyong sagot sa bawat bilang.
Panuto: Upang mas mapalalim pa ang iyong kaalaman tungkol kay Selya,
ipaliwanag ang iyong sagot sa bawat bilang.

1. Anong uring pag-ibig ang iniukol ni Balagtas kay Selya?


______________________________________________________

2. Magbigay ng isang reaksyon sa epekto ng pag-ibig ni Balagtas kay Selya.

3. May kinakatakutan si Balagtas na mangyari.Ano ito? Ibig sabihin, wala ba siyang


tiwala kay Selya? Ilahad ang iyong sagot.

___________________________________________________________________

Magaling! nasagutan mo na ang mga katanungan sa itaas. Ngayon, ipagpatuloy


mo ang kaalaman nasimulan naIpaliwanag ang kasabihan sa ibaba.

Gawain 5.2: Kasabihan ko, ipaliwanag mo!

Panuto: Isulat ang iyong naintindihan na ibig ipakahulugan sa kasabihan. Isulat ang
iyong paliwanag sa espasyong nakalaan.

8
“ Bago mo punahin ang uling sa mukha ng iba,
alisin mo muna ang sa iyo.”

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Isagawa

Magaling! Talagang alam mo ang kasabihan.Tama ang iyong paliwanag.


Ngayon, gawin ang Gawain 6.

Gawain 6: Wika ko, gamitin mo!

Wika ng kabataan- mga wikang kalimitan ginamit ng mga kabataan ngayon.


Balbal/slang-Antas ng wika na itinuturing na pinakamababa ang
antas.Maaring tawagin nag salitang kalye o lansangan. Tinatawag din itong
singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong mga salita.
Halimbawa:yosi-sigarilyo,praning-baliw,parak-pulis , juding-bakla,eskapo-
takas sa bilangoan,istokwa-naglayas,tiboli-tomboy, erpat-papa, ermat-
mama,syota- kasintahan
Salitang binaliktad- salitang ginamit na pabaliktad
Halimbawa: pulis-lispu, power- werpa, malupit-petmalu, idol, lodi, gutom-
tomgu,

Panuto A: Pumili ng limang wika ng kabataan sa loob ng kahon at gamitin sa pangungusap


upang mailahad ang saloobin o damdamin sa mga sitwasyong ibibigay. Dalawa o tatlong
pangungusap sa bawat bilang. Isulat ito sa patlang.

1. Inagaw sa’yo ng iyong matalik na kaibigan ang iyong kasintahan sapagkat sila ang
palaging magkasama dahil kaunti lang ang iyong panahon para sa kanya dahil sa iyong
trabaho.
a._____________________________________________________________________
b._____________________________________________________________________
c._____________________________________________________________________
2. Malaki ang maitutulong sa pagpapaunlad sa ating sarili, sa pag-ibig natin sa
kapwa,lalo na sa pagmamahal ng mga magulang sa atin.Kailangan iwasan ang masamang
impluwensya ng barkada.
a.______________________________________________________________________

9
b.______________________________________________________________________
c.______________________________________________________________________

Lagumang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Bilugan ang titik ng iyong sagot
1. Siya ang taong tinukoy ni Balagtas na malimit magbago ng tula na sa kalauna’y lalong
pumangit ang ginagawang tula.
A. Sigesmundo B. Lope K. Santos C.Joseng Sisiw
2. Naging libangan ni Kiko sa loob nga kulungan.
A. Pag-awit B. Pagsulat ng Kwento C. Pagsulat ng tula
3. Sa kanya inialay ni Baltazar ang Florante at Laura.
A. Ma. Ana Ramos B. Ma. Asuncion Rivera C. Ma. Ana Rivera
4 . Ito ay madalas magunita ni Kiko.
A. Paglubog ng araw B.Malungkot na lumipas nila ni Selya C. Masayang lumipas
nila ni Selya
5. Ito naman ay kasingkahulugan ng salitang kulang sa ikalawang saknong.
A. Mura B. Bubot C. Hilaw
6. Ang tanging naiwan kay Kiko mula ka Selya.
A. Singsing B. Kwintas C. Larawan
7. Sa kanila nakiusap si Balagtas na huwag babaguhin ang tula.
A. Manunulat B. Makata C. Mambabasa

8. Sinisi ni Kiko ang kanyang sarili dahil sa mabilis na pagkawala ng:


A. kanilang pag-iibigan B. alaala ng pag-ibig C. kanyang pag-ibig kay Selya
9. Ito ay kasingkahulugan ng salitang kulang sa unang saknong.
A. Pagod B. Kapos C. Bukal
10. Pinakamababang antas ng salita.
A. Balbal B. Baliktad na salita C. Kolokyal
11. Sumama siya sa kanyang kaibigang tiboli. Anong salita ang wika ng kabataan?
A. tiboli B. sumama C. kaibigan

12. Ito ang kasingkahulugan ng salitang hilahil.


A, dusa B. kaligayahan C. pag-ibig
13. Wala na siyang werpa kaya siya ay nadapa sa kakatakbo. Anong salita ang wika ng
kabataan?
A. nadapa B. katatakbo C. werpa
14. Ano ang kasingkahulugan ng salitang lumawig?
A. tumagal B. lumayo C, dumako
15. Nakaranas ng kahirapan si Kiko dahil sa________
A. kakulangan ng pera B.pagsuway sa magulang C. pangingibig kay Selya

10
11
Susi ng Pagwawasto

12
13
Sanggunian

14
Aklat:
Guimarie, Aida M. “Florante at Laura ni Francisco Baltazar” AMOS BOOKS, INC.

Manlapuz, Carolina Dizon “Ginintuang Pamana, Florante at Laura” Innovative


Educational Materials, Inc. 2006

Internet:
blogspot.com/2017/08/talambuhay-ni-francisco-balagtas.html

https://brainly.ph/question/519853#readmore

15
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education — Division of Gingoog City
Brgy. 23, National Highway, Gingoog City
Telefax: 088-328-0108 / 088328-0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph

16
17

You might also like