Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Sa Paglipas

Batid ng langit ang hinaing ng lahat ng sumiklab ang pandemya.

Tila isang bangungot kung isipin na sa loob ng halos dalawang

taon ay tayo’y nakatanikala sa ating mga tahanan, walang magawa

kundi ang sumabay sa agos ng sanlibutan – mag-ingat at

manampalataya. At sa muling pagbubukas ng ating mga sarili sa

bagong normal, ano nga ba ang nag-udyok satin upang ito’y

masimulan?

Komunikasyon. Ang hirap isiping nakayang baliin ng pandemya

ang nakasayan. Ang sistema ng komunikasyon ay nagbago mula sa

face-to-face tungo sa online world kung saan tayo’y napilitang

gamitin ang iba’t ibang platforms ng komunikasyon kabilang na

ang facebook, zoom, Microsoft Teams, atbp. Mahirap man, hindi

nakasanayan, dahil sa naising makamit pa rin ang nararapat na


paglilingkod at katarungan para sa bayan at maipagpatuloy ang

nahadlangang mga pangarap ay tiniis natin ang pagsubok na ito. Sa

pamamagitan ng tulong ng internet, nakapagbahagi ng mga

subsidiaries ang pamahalaan, naipagpatuloy ang edukasyon ng

kabataan at nabuksan ang kabanata’t napalawig ang online

business sa bansa. Sa inaasam na pagbabalik ng ekonomiya, baon

natin ang leksyon na ito upang mas mapag-igi ang nakaraan.

Malawakang pagkonsider ng internet sa mga sangay ng

pamahalaan gaya ng pagkuha ng appointments. Pati pagtestido’y

maaari na ring online upang maiwasan ang ‘di pagkakaintindihan.

Pagkaka-isa. Paano nga naman natin ito magagawa kung hindi

tayo nagkikita-kita? Ultimo magtabi’y hindi natin magawa? Pati

ang pagkakakilanlan ay nakapagtataka sapagkat ang face mask ay

siyang ating pangunahing sandata laban sa sakit. Kinaharap natin

ang pagsubok ng online sa panahon ng pandemya. Gayunpama’y


hindi ito naging hadlang upang ang likas ng pusong matulungin ay

mapigil. Isang halibawa ang mga NGOs na matapang na hinarap

ang banta ng pandemya makamit lang ang mithi. Isa ring

halimbawa ang samahan ng mga netizens na sinusupil at

binibigyang babala ang kapwa netizens sa ang tumaas ding isyu ng

mga scammers at dummies. At sa pagtapos ng pandemya, mas

lalong nahumaling ang isa’t isang magtulungan at palawigin ang

nasimulang mga proyekto upang mas maabot ang mga nawalan ng

pag-asang isatinig ang hinaing.

Pananampalataya. Wika nila’y iba-iba tayo ng paraan upang

kausapin ang Maylikha at wala ring mawawala kung ipasa-

Maylikha ang lahat. Nang sumapit ang itim na ulap ng pandemya

na naghayag ng takot at kawalan ng pag-asa sa bawat isa at ang

tanging naisip na lamang ng tao’y manapalataya. Kapansin-pansin

na lumalabas na sa telebisyon ang mga panalangin ng pagbabalik


ng normal at pag-iingat ng lahat laban sa sakit. Hindi man batid ng

nakaraami, maging ang mga batas at palatuntunang naipasa sa mga

panahong ito’y biyaya kung maituturing sapagkat ito’y para sa

kapakanan ng bayan. Sa muling pagbukas ng ulap at pagsinag ng

gintong araw, natuto tayong muling tumingin sa taas at

magpasalamat sa ating natutunan sa dagok ng pandemya.

Gaya ng tula ni Joy Jarjo na “Tula ng Agila”, sa pagtatapos ng

pagsubok ng pandemya, tayo’y isang agilang binubuksan ang

buong sarili sa hinaharap, batid man nating may mga bagay tayong

hindi pa nakikita. Sa tulong ng komunikasyon, handing isugal ang

sarili upang lumago at magawang igalaw ng pakpak ng walang

pag-aalinlangan. Tayo’y parte ng katwan ng agila kung saan may

koordinasyon at pagkaka-isa. Kailangan pangalagaan, kailangan

pagkabaitan. At sa huli’y may pananampalataya sa ating kalooban

na pinapanalangin lamang ang maisagawa ang lahat ng ating


kailangan, sa kagandahan. Siyang tunay ngang para sa kagandahan

at ikabubuti ng bayan. Sa paglipas ng panahon, ikaw, paano binago

ng pagtatapos ng pandemya?

You might also like