Larangan NG Musika at Sayaw

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

LARANGAN NG MUSIKA AT SAYAW

Juan Felipe - Siya ang lumikha sa himig ng "Lupang Hinirang"

Nicanor Abelardo - Siya ang kinikilalang "Ama ng Sonata". Obra maestra niya ang mga
kundimang "Nasaan Ka Irog?" at "Mutya ng Pasig".

Antonio J. Molina - Siya ang tinaguriang "Dekano ng mga Pilipinong Kompositor". Siya ang
unang Pilipinong tumanggap ng karangalan bilang Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng
Musika noong 1973.

Jovita Fuentes - Siya ang unang babaeng ginawaran ng Pambansang Alagad ng Sining sa
Musika. Siya ay isang mahusay na mang-aawit ni opera.

Marcelo Adonay - Siya ay tanyag na kompositor ng musikang pansimbahan. Tinaguriang siyang


"Prinsipe ng Musikang Pansimbahan"

Dolores Paterno - Siya ang sumulat at kompositor ng awiting "Sampaguita (La Flor de Manila)".

Katy Dela Cruz - Siya ay kinilala bilang "Reyna ng Bodabil". Pinasikat nya ang awiting “Balut”.

Levi Celerio - Siya ay pinarangalan bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Musika. Siya ang
kompositor ng "Sa Ugoy ng Duyan," "Saan Ka Man Naroroon," "Ang Pasko ay Sumapit," at
"Misa de Gallo". Kaya niyang tumugtog gamit ang dahon ng halaman.

Cecile Licad - Siya ay kinilala sa buong daigdig sa larangan ng pagtugtog ng piyano. Isa siyang
iskolar ng Young Artists Foundation of the Philippines na pinag-aral sa Amerika.

Francisca Reyes-Aquino - Siya ay nagsaliksik nang labis at nag-aral nang husto hinggil sa mga
katutubong sayaw ng mga pangkat etniko sa bansa. Gumawa rin siya ng pananaliksik tungkol sa
mga katutubong kasuotan ng mga Pilipino. Siya ang awtor ng aklat na pinamagatang

Lisa Macuja-Elizalde - Siya ang unang Filipina prima ballerina noong taong 1984.
Nakapagtanghal na siya sa maraming bansa sa daigdig. Sa kasalukuyan, siya ang Artistic Director
ng Ballet Manila.

You might also like