Professional Documents
Culture Documents
Genoveva Matute Biography
Genoveva Matute Biography
Genoveva Matute Biography
Ang ilan sa mga kinatha niyang maikling kuwento ay “Leave-taking” at “Land of the Bitter”
na nailathala sa Manila Post Sunday Magazine at sa Manila Post Monthly. Ngunit higit
siyáng kinagiliwan sa kaniyang mga kuwen- tong nagsusuri sa sikolohiya ng batà at hinggil
sa karanasan ng guro, gaya ng “Walong Taong Gulang,” “Noche Buena,” “Kuwento ni
Mabuti,” at “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata.” Nailathala ang kaniyang antolohiya ng
maiikling kuwento at sanaysay sa Ako’y Isang Tinig noong 1952; ang ilan pang sumunod na
koleksiyon ay nasa Piling Mga Maiikling Kuwento 1939–1992, Sa Anino ng EDSA at Iba
Pang Mga Kuwento, at Tinig ng Damdamin. Nakapaglathala din siyá kasama ng kaniyang
asawa sa Mga Pagpapahalagang Pilipino sa Mga Akda: Mga Kuwento, Mga Sanaysay, Mga
Dula noong 1992.
Namatay siyá sa edad na 94 noong 21 Marso 2009 habang natutulog. Inilibing siyá sa Manila
North Cemetery. (KLL)
Genoveva Edroza-Matute ay isang kilalang kuwentista, mananaysay, at guro sa Filipino1. Ang ilan sa
kanyang mga sikat na maikiling kuwento ay ang mga sumusunod23:
1. “Kuwento ni Mabuti”
2. “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata”
3. “Parusa”
4. “Maganda Ang Ninang Ko”
5. “Pagbabalik”
6. “Leave-taking”
7. “Land of the Bitter”
8. “Walong Taong Gulang”
9. “Bangkang Papel”
Ang mga kuwentong ito ay nagpapakita ng iba’t ibang aspeto ng buhay at kultura ng Pilipinas. Ang kanyang
mga kuwento ay madalas na nagtatampok ng mga positibong pananaw sa buhay at mga pagpapahalagang
moral at kultural na kasasalaminan ng lahing Pilipino