Esp Reviewer Not Finish

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Melc 1

KARAPATAN AT TUNGKULIN

- Ayon kay Dr. Manuel Dy, ang pagkatao ng isang tao ay ang pagiging sino ng
tao, paglikha ng bukod- tanging sarili
- Ang sarili ay binubuo ng iba't-ibang kamalayan: kamalayang mag-isip,
kamalayang makiramdam, kumilos, kamalayang magwika
- HALAGA ng TAO ang magbibigkis sa lahat ng kamalayang nabanggit
- Ang HALAGA ng TAO ay nasa kanyang dignidad bilang isang nilikha
- Bilang tao siya ay may angking karapatan
- Ang simulain o ugat ng karapatang pantao ay makikita sa dignidad na taglay
ng bawat tao

KARAPATANG PANTAO

- mga prinsipyong gumagabay sa pananaw ng tao tungkol sa pagtrato ng


kaniyang kapuwa, at sa dignidad niya bilang tao
- Universal Declaration of Human Rights - itinatag noong Disyembre 10,
1948 sa pagpapatibay ng United Nation General Assembly
- Ang mga pinuno ng bawat bansa ay nagbigay kasiguraduhan sa karapatang
pantao ng bawat isa saan mang dako ng daigdig
- Ang deklarasyong ito ay naglalayong mapaigting sa pamamagitan ng
edukasyon ang karapatan at kalayaan ng bawat nilalang. Narito ang mga
nakapaloob sa Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao ng
mga Nagkakaisang Bansa (Universal Declaration of Human Rights)

ARTIKULO 1

Ang lahat ng tao'y isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan at


mga karapatan. Sila'y pinagkalooban ng katwiran at budhi at dapat magpalagayan
ang isa't isa sa diwa ng pagkakapatiran

ARTUKULO 2

- Ang bawat tao'y karapat-dapat sa lahat ng karapatan at kalayaang


nakalahad sa Pahayag na ito, nang walang ano mang uri ng pagtatangi, gaya ng
lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, kuro-kurong pampulitika o iba pa, pinagmulang
bansa o lipunan, ari-arian, kapanganakan o iba pang katayuan.
- Bukod dito, walang pagtatanging gagawin batay sa katayuang pampulitika,
hurisdiksiyunal o pandaigdig na kalagayan ng bansa o teritoryong kinabibilangan ng
isang tao, maging ito ay nagsasarili, itinitiwala, di- nakapamamahala sa sarili o nasa
ilalim ng ano mang katakdaan ng soberanya

ARTIKULO 3

Ang bawat tao ay may karapatan sa buhay, kalayaan, at kapanatagan ng


sarili

ARTIKULO 4

Walang sinumang aalipinin o bubusabusin; ipinagbabawala ang anumang anyo


ng pang-aalipin at ang pangangalakal ng alipin
Melc 2

Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral

Balik-aral:
• Ang Lipunang Sibil ay ang kusang pag-oorganisa ng ating mga sarili tungo sa
sama-samang pagtuwang sa isa't-isa.
• Ang pangunahing layunin ng MEDIA ay magsulong ng ikabubuti ng bawat
kasapi ng lipunan.
• Ang iyong pananampalataya ay naisasabuhay mo sa pamamagitan ng
pagtuwang sa lipunan.

Primum non nocere

• FIRST DO NO HARM
• Prinsipyo ng mga doktor na laging may pagnanais na makapagpagaling at
iiwasan ang lahat ng makapagpapalala ng sakit o makasasama sa pasyente.

Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip at makaunawa sa kabutihan.


- Sto. Tomas de Aquino

Ang pag-alam sa kabutihan ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip


kundi sa larangan din ng pakiramdam.
- Max Scheler

• Ninanasa ng tao ang mabuti at hindi ang masama. Walang sinuman ang
magnanais na mapasama siya. Kahit tinatamad akong mag-aral, alam kong mabuti
ang mag-aral. Kahit gustong-gusto kong kunin ang cellphone ng kapatid ko, hindi ko
dapat gawin dahil alam kong masama ito.

Katotohanan: Naaakit tayo sa mabuti

Nararamdaman ko ang mabuti. Nararamdaman ko ang tama kahit na kung minsan


ay parang sinasabi ng isip ko na mali ito. At sa kilos ng pakiramdam ko kung ano ang
dapat kong gawin, napapanatag ako at natatahimik kapag sinunod ko ang tinig na ito.

Katotohanan: Naaakit tayo sa mabuti

Ang MABUTI ang laging PAKAY at LAYON ng tao. Ang isip at puso ang gabay
para kilatisin kung ano talaga ang mabuti.

• Ang mabuting tao ay hindi agad- agad lumulusong sa paggawa nang walang
pagtitimpi at pagmumuni sa kabutihan ng gagawin.

IBA ang MABUTI sa TAMA

• Ang mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa pagkabuo ng sarili.


• Ang tama ay ang pagpili ng mabuti batay sa panahon, kasaysayan,
koteksto at sitwasyon. Tinitignan dito ang mga pangangailangan at kakayahan ng
gagawa ng pagpili.

Likas na Batas Moral

• Ang likas na pagnanais ng tao na gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
• Every human being has moral sense or the motivation deriving logically from
ethical/moral principles that govern his thoughts and actions.
• Tulad din sa likas na batas moral, preskripsyon ang mabuti, ang tama ay
ang angkop sa tao.
• Wala mang isang porma ng tama ang mabuti at mag-aanyo man ito ayon sa
kondisyon at hinihingi ng pagkakataon, iisa ang tiyak: HINDI DAPAT
KASANGKAPANIN ANG TAO at DAPAT GAWIN ANG LAHAT UPANG INGATAN
AT PAYABUNGIN ANG TAO.

Universal Declaration of Human Rights at iba pang mga batas

• Mahalagang ingatan ang dangal ng tao


• Ang pag-unlad ng bansa at ng mundo ay magmumula sa pagkilala sa pantay na
mga karapatan
• Mga mekanismo at pamamaraan upang isakongkreto ang pangkalahatang
pagpapahalaga sa tao
• ANG LAHAT NG BATAS AY PARA SA TAO, hindi ang kabaligtaran nito.
• Ang likas na batas moral ay hindi instruction manual. Hindi ito malinaw na
utos kung ano ang gagawin ng tao sa iba't ibang pagkakataon. GABAY lamang ito
upang makita ang halaga ng tao.
• Ang pinakaunang hakbang:
FIRST DO NO HARM

Melc 3

Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao

Ano nga ba ang Paggawa?

Ang PAGGAWA ay isang bagay na hindi matatakasan at kailangang harapin


sa bawat araw. Mahalagang kilalanin ang paggawa bilang malaking bahagi ng iyong
pag-iral bilang tao. Ito ay itinuturing na isang tungkuling kailangang isagawa
nang may pananagutan (Esteban , S.J. 2009).

Ang paggawa ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa


pangangailangan ng kapwa. Ito ay isang aktibidad ng tao. Maaari itong mano-
mano katulad ng paggawa ng bahay, o nasa larangan ng ideya katulad ng mga nag-
iisip ng patalastas para sa mga produkto o komersyal . Tao lamang ang may
kakayahan sa paggawa. Ang paggawa ay para sa tao at nilikha ang tao para sa
paggawa (Institute for Development of Education, 1991 ).

Ang paggawa ay isang gawain ng tao na ngangailangan ng orihinalidad,


pagkukusa at pagkamalikhain at ang produkto nito ay magbubunga ng
pagbabago sa anumang bagay.

Halimbawa:
Ang isang karpentero na gumawa ng isang mesa ay nakapagbigay ng ibang saysay sa
kahoy na kaniyang ginamit upang maging kapaki-pakinabang para sa tao.

Mga Layunin sa paggawa

1. UPANG KITAIN NG TAO ANG SALAPI NA KANIYANG KAILANGAN


UPANG MATUGUNAN ANG KANYANG MGA PANGUNAHING
PANGANGAILANGAN.
- kailangan ng taong gumawa para mabuhay. Hindi maaring maging katulad siya ng
isang parasite na laging iniaasa sa iba ang kaniyang ikabubuhay.

2. UPANG MAKIBAHAGI SA PATULOY NA PAG-ANGAT AT PAGBABAGO


NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA.
- nakikita ang tulong na naibibigay ng agham at teknolohiya upang mapadali ang
pamumuhay ng tao at mapaunlad ang ekonomiya.
-kailangan lamang masiguro na hindi gagamitin ito upang mawalan ng silbi ang tao.
Ginawa ito bilang katuwang at hindi kapalit ng tao.

3. UPANG MAIANGAT ANG KULTURA AT MORALIDAD NG LIPUNANG


KINABIBILANGAN.

- Si KENNETH COBONPUE ay nakilala sa pagdidisenyo ng muwebles,dahil sa


katangi-tangi niyang mga disenyo ay kinikilala siya ng mga banyaga. Isa siyang
patunay na kung yayakapin natin ang kultura ng bansa ay mas kikilalanin at
igagalang tayo sa buong mundo.

4.UPANG TULUNGAN ANG MGA NANGANGAILANGAN.

- ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa. Kasama sa tungkulin ng


tao bilang isang bahagi ng lipunan na magbahagi ng anuman na mayroon siya para sa
kapuwang nangangailangan.
- ang taong binigyan ng labis ay mayroong mas malaking pananagutan na magbahagi
ng yaman para sa kapuwang nangangailangan.

5. UPANG HIGIT NA MAGKAROON NG KABULUHAN ANG PAG-IRAL NG


TAO.
- ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang
magbibigay ng katuturan dito.
Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit ng isang tao ang mga sumusunod:
1.Nakakayanan niyang suportahan ang kanyang mga pangangailangan.
2.Napagyayaman ang kanyang pagkamalikhain.
3.Napatataas ang tiwala sa sarili.
4.Nabibigyang dangal ang kanyang sarili.
5. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makasama at makasalamuha ang kaniyang
kapuwa at mapaglingkuran ang mga ito.
- Ang pagbibigay ng iyong lahat ng panahon at pagod sa paggawa ay hindi dapat
nagwawaglit sa pag-aalay nito para sa kapurihan ng Diyos.

ANG SUBHETO AT OBHETO NG PAGGAWA

OBHETO ng paggawa ay kailangan ng mga gawain,resources,instrument, at


teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng produkto.

SUBHETO ng paggawa ay ang tao. Dahil ang tao lamang ang may kakayahan na
kumilos bunga ng proseso ng kanyang pag-iisip, magpasiya para sa kanyang sarili at
kilalanin ng lubusan ang kaniyang sarili.

ANG ESENSIYA NG TAO SA PAGGAWA AY DAAN TUNGO SA :

- PAGBUO NG TAO NG KANIYANG PAGKAKAKILANLAN AT KAKAYAHAN.


- PAGKAMIT NG KAGANAPANG PANSARILI.
- PAGTULONG SA KAPUWA UPANG MAKAMIT ANG KANIYANG KAGANAPAN.
“ ANG PAGGAWA AY HIGIT PA SA PAGKITA LAMANG NG SALAPI; ANG
PINAKAMATAAS NA LAYUNIN NG PAGGAWA AY ANG PAGKAMIT NG
KAGANAPAN BILANG TAO.

LABOREM EXCRENS

Panulat ni St. John Paul Il , ang paggawa ay anumang gawain — pangkaisipan man
ito o manwal, anuman ang kanyang kalikasan o kalagayan.
- Simula pa lamang ng paglikha sa tao, inilaan na siya upang gumawa ng mga
katangi-tanging gawain. Nang nilikha ng Diyos ang tao ayon sa kaniyang wangis,
ipinagkatiwala Niya ang pangangalaga at pamamahala sa lahat ng Kanyang mga
nilikha. Inilaan siya upang gumawa ng mga katangi-tanging gawain.
- Sa lahat ng mga nilikhang may buhay tanging ang tao lamang inatasan ng mga
gawaing ginagamitan ng kaniyang talino. Tao lamang ang may kakayahan sa paggawa
; sa kanyang pag-iral, siya ay gumagawa.
- Ang isa pang dahilan ng pag-iral ng tao ANG PAGIGING BAHAGI NG ISANG
KOMUNIDAD. Ang gumawa hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi para sa
kaniyang kapwa at sa paglago nito.

Melc 4

PAKIKILAHOK AT BOLUNTERISMO

(Genesis 2:18)
Hindi maninam na mag-isa ang tao, binigyan ko siya ng makakasama at
makakatulong
"No Man is an Island"
-John Donne
• Ito ang dahilan kung bakit ang tao ay may kapwa sapagkat hindi siya
mabubuhay na mag-isa.
• Ang bawat tao ay may pananagutan sa kanyang kapwa.

• Mahalaga sa pagpapakatao ang pagkilala ng tao na kailangan niya ang


lipunan dahil binubuo siya ng lipunan at binubuo niya ang lipunan.-Manuel Dy
• Nagkakaroon ng saysay ang kanyang buhay kung ito ay ginagamit nang
makabuluhan tuwing siya ay nagbabahagi ng kanyang sarili para sa kapwa.

DIGNIDAD...
Ito ang pagiging karapat-dapat nang tao sa pagpapahalaga at paggalang ng
kaniyang kapwa.
Lahat ng tao ay may dignidad. Dahil sa dignidad nangingibabaw ang paggalang at
pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos, ang lahat ay pantay-pantay.

Ano ang pakikilahok?

• Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na


mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
• Ito ay mahalaga sapagkat maibabahagi ang sariling kakayahan na
makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
• Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangan mong gawin sapagkat
nagbibigay ito sa tao ng makabuluhang pakikitungo sa lipunan na kung saan
ang bawat nakikilahok ay dapat tumupad sa kaniyang tungkulin para sa kabutihang
panlahat.
• Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang
pananagutan. Mula dito makakamit ang Kabutihang Panlahat.
• Mula sa Pakikilahok, nahuhubog ng tao na mapukaw ang kanyang damdamin at
kaisipan na siya ay kasangkot at kabahagi ng kanyang lipunan sa pagpapalaganap ng
pangkalahatang kabutihan.

Antas ng Pakikilahok

• Impormasyon. Matuto siyang magbahagi ng kanyang nalalaman o nakalap


na impormasyon. Makatutulong ito upang madagdagan ang kaalaman ng iba.
• Konsultasyon. Ito ay mas malalim na impormasyon. Ito ay bahagi na kung
saan hindi lang ang sarili mong opinion o idea ang kailangang mangibabaw
kundi kailangan pa ding makinig sa mga puna ng iba na maaring makatulong sa
pagtatagumpay ng isang proyekto o gawain.
• Sama-samang Pagpapasya. Sa pagpapasya kinakailangang isaalang-alang ang
kabutihang maidudulot nito hindi lamang sa sarili kundi sa mas nakararami.
• Sama-samang Pagkilos. Hindi magiging matagumpay ang anumang gawain
kung hindi kikilos ang lahat.
• Pagsuporta (Support). Ang isang gawain kahit ito ay mahirap ay
napapadalikung ang bawat isa ay nagpapakita ng malasakit dito.

Ano ang bolunterismo?

• Ang Bolunterismo ay isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng


pagmamahal sa kapwa at sa lipunan.
• Ito ay pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad ng anumang kapalit.
• Ito ay marami ding katawagan tulad ng Bayanihan, Damayan, Kawanggawa o
bahaginan.
• Naiaangat ang pagkatao ng tao at nagiging mapanagutan siya sa kanyang
lipunan na nagiging daaan tungo sa kabutihan ng lahat.

Mga Kabutihan ng Bolunterismo

1. Nagkakaroon ng kasiyahan ang isang tao kapag siya ay naglilingkod.


2. Nagkakaroon siya ng personal na paglago.
3. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.
4. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at relasyon sa iba.
5. Nagkakaroon siya ng panahon na higit na makilala hindi lamang ang iba kundi pati
na ang kanyang sarili.

Pagkakaiba ng Pakikilahok sa Bolunterismo

• Sa Pakikilahok nagiging konsiderasyon ang personal na interes o


tungkulin. Kailangan mong gawin dahil kung hindi, mayroong mawawala sa iyo.
• Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi
yaong iba na hindi mo tinulungan. Kung ikaw man ay managot; ikaw ay mananagot
sa iyong konsensiya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapwa.
• Hindi lahat ng pakikilahok ay may aspekto ng bolunterismo pero lahat ng
bolunterismo ay may aspekto ng pakikilahok.

3 Ts ng Pakikilahok at Bolunterismo

• Time (Panahon). Ang panahon ay mahalaga sapagkat kapag ito lumipas hindi na
ito maibabalik.
• Talent (Talento). Ang paggamit ng iyong talento ay makatutulong hindi lamang
sa iba kundi ito ay makatutulong din sa iyo upang higit kang magkaroon ng tiwala sa
iyong sarili.

• Treasure (Kayamanan). Sa pagbibigay hindi tinitingnan ang laki nito sapagkat


gaano man ito kaliit ang mahalaga ay kusa mong ibinigay ito ng buong puso para sa
nangangailangan.

3 Ts ng Pakikilahok at Bolunterismo

• Mula sa 3T's na ito makikita natin na ang Pakikilahok at Bolunterismo ay dapat


ginagawa na buong husay kasama ang puso at nang may pananagutan para
makamit ang kabutihang panlahat.

• Sinabi ng Diyos na anumang bagay ang gawin mo sa pinakamaliit mong kapatid ay


sa akin mo na rin ginagawa.

You might also like