Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

KAGAWARAN NG EDUKASYON

REHIYON III
Sangay ng Lungsod ng Cabanatuan
Daang Maharlika, Lungsod ng Cabanatuan

Ang Kuba ng Notre Dame


ni Victor Hugo
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo

FILIPINO

SELF-LEARNING MODULE

Writer: Rufelinda E. Mamangon (Master Teacher I, CTNHS)

10
Illustrator: Rufelinda E. Mamangon (Master Teacher I, CTNHS)
Layouter: Rufelinda E. Mamangon (Master Teacher I, CTNHS)

LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SECTION


Project EL AR: Enhance Learning thru Adequate Resources
GABAY NG MAG-AARAL, MAGULANG,
TAGAPAG-ALAGA AT TAGAPAGPADALOY

Para sa Iyo, Mag-aaral:

Maligayang pagtunghay sa (Filipino 10) Self-Learning Module (SLM) sa Ang


Kuba sa Notre Dame ni Victor Hugo Isinalin sa Filipino ni Willita A.Enrijo Ang Modyul
na ito ay inihanda para bigyan ka ng masaya at makabuluhang pagkakataon
para sa nagsasarili o ginagabayang pag-aaral na kumbiniyente sa iyo. Matututu-
han mo ang araling hatid ng Modyul bilang isang aktibong mag-aaral.

Para sa mga Magulang, Tagapag-Alaga at Tagapagpadaloy:

Ang Modyul na ito ay binuo at sinuri ng mga guro, punong guro at mga
tagamasid ng Kagawaran ng Edukasyon Sangay ng Cabanatuan upang maka-
balikat kayo sa pagtulong sa ating mga mag-aaral na maabot ang mga paman-
tayan ng Kurikulum ng K to 12. Ito ay sama-sama nating itataguyod sa kabila ng
mga hadlang sa normal na pag-aaral na kinakaharap ng mga mag-aaral sa
kasalukuyan.
Bilang Tagapagpadaloy, inaasahang gagabayan ninyo ang mag-aaral sa
paggamit ng Modyul na ito. Ito ay sa pamamagitan ng pagpatnubay sa kaniya
na maisagawa at matapos nang maayos ang lahat ng gawain at kahilingan ng
aralin.
Maraming salamat po sa inyong tulong at pakikiisa.

2
MGA LAYUNIN

1. Natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa nobelang nabasa.


2. Nauunawaan ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pangyayari sa nab-
asang nobela at dula.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

Naihahambing ang ilang pangyayari sa nabasang dula sa mga pangyayari sa


binasang kabanata ng nobela.

F10 PD-Ig-h-66

3
ANO ANG ALAM MO NA?

Panuto: Maglagay ng (❤) kung ang mga sumusunod na pangyayari ay


nagpapakita ng tunay na pag-ibig at ( ) naman kung hindi

_________1. Pinilit ni Mang Simon si Aling Beth na magpakasal.


_________2. Tapat si Iñigo sa bawat binibitawan niya na salita kay Maria.

_________3. Nais ni Julia na siya lamang ang masunod sa relasyon nila ni Pedring.

_________4. Sinasaktan ni Berto si Lydia kapag ito ay nakakagawa ng mali.

_________5. Mahinahon na nakikipag-usap si Don kay Lucia kapag sila ay may hindi
pagkakaunawaan.

_________6. Nagkikita si Juanita at kalaguyo nito kapag wala si Mario.

_________7. Tinutulungan ni Lucia sa mga gawain sa bukid ang kanyang asawang si Ku-
las.
_________8. Tinatakot ni Don ang nobyang si Lili kapag hindi ito napagbigyan sa hiling
niyang magtanan sila.
_________9. Pinatay ni Yolly ang kanyang mister dahil sa selos.

_________10. Hinahatid pauwi ni Lucas ang kanyang sinisitang si Mila para makasiguro na
ligtas ito.

4
ANO ANG DAPAT MONG MALAMAN?

Ang Kuba ng Notre Dame (Buod)


ni Victor Hugo
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo

Sa isang malawak na espasyo ng Kat-


edral nagkikita-kita ang mamamayan upang
magsaya para sa "Pagdiriwang ng Kahanga-
lan" na isinasagawa sa loob ng isang araw ta-
on-taon. Taong 1482 nang itanghal si Quasi-
modo - ang kuba ng Notre Dame bilang
"Papa ng Kahangalan" dahil sa taglay niyang
labis na kapangitan. Siya ang itinuturing na
pinakapangit na nilalang sa Paris. Nang araw
na iyon, iniluklok siya sa trono at ipinarada
palibot sa ilang lugar sa Paris sa pamamagi-
tan ng pangungutya ng mga taong naroroon
na nakikibahagi sa kasiyahan. Naroroon si
https://commons.wikimedia.org/wiki/ Pierre Gringoire, ang nagpupunyaging makata at
File:Hunchback_of_Notre_Dame.jpg pilosopo sa lugar. Hindi siya naging matagumpay
na agawin ang kaabalahan ng mga tao sa pan-
onood ng nasabing parada. Malaki ang kaniyang panghihinayang sapagkat wala
man lang nagtangkang manood ang kaniyang inihandang palabas. Habang isinasa-
gawa ang mga panunuya kay Quasimodo, dumating ang paring si Claude Frollo at
ipinatigil ang pagdiriwang. Inutusan niya si Quasimodo na bumalik sa Notre Dame na
kasama niya.
Sa paghahanap ng makakain, nasilayan ni Gringoire ang kagandahan ni La Es-
meralda- ang dalagang mananayaw. Ipinasiya niyang sundan ang dalaga sa kani-
yang pag-uwi. Habang binabagtas ni La Esmeralda ang daan, laking gulat niya nang
sunggaban siya ng dalawang lalaki - sina Quasimodo at Frollo. Sinubukang tulungan ni
Gringoire ang dalaga subalit hindi niya nakaya ang lakas ni Quasimodo kung kaya't na-
walan siya ng malay. Dagli namang nakatakas si Frollo. Dumating ang ilang alagad ng
hari sa pangunguna ni Phoebus- ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian. Di-
nakip nila si Quasimodo. Samantala, hatinggabi na nang pagpasiyahan ng pangkat ng
mga pulubi at magnanakaw na bitayin si Gringoire. Lumapit si La Esmeralda sa pinuno
ng pangkat at nagmungkahing huwag ituloy ang pagbitay sapagkat handa siyang
magpakasal sa lalaki sa loob lamang ng apat na taon, mailigtas lamang ang buhay ni
Gringoire sa kamatayan.
Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng pala-
syo sa pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan. Matindi ang sakit ng bawat
latay ng latigo na ipinapalo sa kaniyang katawan. Inisip niya ang dahilan ng kaniyang
pagdurusa. Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo- na kailan-
man ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa utang na loob. Kasabay ng sakit na na-

5
ANO ANG DAPAT MONG MALAMAN?

ng mga taong naroroon. Nagmakaawa siya na bigyan siya ng tubig subalit tila bingi ang
mga taong nakatingin sa kaniya - na ang tanging gusto ay lapastanganin at pag-
tawanan ang kaniyang kahabag-habag na kalagayan. Dumating si La Esmeralda.
Lumapit ang dalaga sa kaniya na may hawak na isang basong tubig. Pinainom siya. Sa-
mantala, sa di kalayuan ay may babaeng baliw na sumisigaw kay La Esmeralda. Tinawag
siya ng babaeng "hamak na mananayaw" at "anak ng magnanakaw." Kilala ang babae
sa tawag na Sister Gudule. Siya ay pinaniniwalaan na dating mayaman subalit nawala
ang bait nang mawala ang anak na babae, labinlimang taon na ang nakalilipas.

Makaraan ang ilang buwan, habang si La Esmeralda ay sumasayaw sa tapat ng


Notre Dame at pinagkakaguluhan ng maraming tao, napagawi ang mga mata ni Phoe-
bus sa mapang-akit na kagandahan ng dalaga. Nang mapuna ni La Esmeralda si Phoe-
bus ay napaibig dito ang dalaga. Tila siya nawalan ng ulirat nang kaniyang marinig ang
paanyaya ng binata na magkita sila mamayang gabi upang lubos na magkakilala. Si
Frollo ay nakatanaw lamang mula sa tuktok ng Notre Dame at nakaramdam ng matind-
ing panibugho sa nasasaksihan. Ang kaniyang matinding pagnanasa kay La Esmeralda
ang nag-udyok sa kaniya na talikuran ang Panginoon at pag-aralan ang itim na mahika.
Mayroon siyang masamang balak. Nais niyang bihagin ang dalaga at itago sa kaniyang
selda sa Notre Dame. Nang sumapit ang hatinggabi, sinundan niya si Phoebus sa
pakikipagtipan kay La Esmeralda. Habang masayang nag-uusap ang bagong magkakila-
la ay biglang may sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit mabilis ding naglaho ang
may sala. Hinuli ng mga alagad ng hari si La Esmeralda sa pag-aakalang siya ang may
kagagawan ng paglapastangan sa kapitan.
Matapos pahirapan sa paglilitis, sapilitang pinaako kay La Esmeralda ang kasa-
lanang hindi niya ginawa. Pinaratangan din siyang mangkukulam. Siya ay nasintensi-
yahang bitayin sa harap ng palasyo. Dinalaw siya ni Frollo sa piitan at ipinagtapat ang
pag-ibig sa kaniya. Nagmakaawa ang pari na mahalin din siya at magpakita man lang
kahit kaunting awa ang dalaga subalit tinawag lamang siya ni La Esmeralda ng tiyanak
na monghe at pinaratangang mamamatay tao. Tumanggi siya sa lahat ng alok ni Frollo.
Bago ang pagbitay, iniharap si La Esmeralda sa maraming tao sa tapat ng Notre Dame
upang kutyain. Napansin ng dalaga ang anyo ni Phoebus kaya isinigaw niya ang pan-
galan ng binata. Si Phoebus ay nakaligtas sa tangkang pagpatay sa kaniya. Tumalikod si
Phoebus na tila walang naririnig at tinunton ang bahay ng babaeng kaniyang pakakasa-
lan. Ilang sandali'y dumating si Quasimodo galing sa tuktok ng Notre Dame patungo kay
La Esmeralda gamit ang tali. Hinila niya paitaas ang dalaga patungo sa Katedral at tuma-
tangis na isinigaw ang katagang "Santuwaryo". Si Quasimodo ay napaibig kay La Esmeral-
da nang araw na hatiran siya ng dalaga ng tubig sa panahong wala man lang
magnasang tumulong sa kaniya. Matagal na niyang pinagplanuhan kung paano itatakas
si La Esmeralda sa naging kalagayan ng dalaga. Batid ni Quasimodo na ang dalaga ay
mananatiling ligtas hangga't nasa katedral. Sa mga araw na magkasama ang dalawa,
mahirap para kay La Esmeralda na titigan ang pangit na anyo ni Quasimodo. Di nag-
tagal, naging magkaibigan ang dalawa.

6
Lumusob sa katedral ang pangkat ng mga taong palaboy at magnanakaw sila
ang kinikilalang pamilya ni La Esmeralda. Naroon sila upang sagipin ang dalaga
sapagkat narinig nila na nagbaba ng kautusan ang parliyamentaryo na paaalisin si La
Esmeralda sa katedral. Samantala, inakala naman ni Quasimodo na papatayin ng mga
lumusob si La Esmeralda kaya gumawa siya ng paraan upang iligtas ang dalaga. Ma-
laking bilang ng mga lumusob ang napatay ni Quasimodo. Habang nagkakagulo, sina-
mantala ni Frollo na makalapit kay La Esmeralda. Nag-alok siya ng dalawang pag-
pipilian ng dalaga: ang mahalin siya o ang mabitay? Mas pinili ni La Esmeralda ang
mabitay kaysa mahalin ang isang hangal na tulad ni Frollo. Iniwan ni Frollo ang dalaga
na kasama si Sister Gudule. Labis ang pagkamangha ng dalawa nang mabatid nila na
sila ay mag-ina. Nakilala ni Sister Gudule si La Esmeralda dahil sa kuwintas na suot ng
dalaga. Ito ang kaniyang palatandaan na suot ng kaniyang anak bago mawala. Ni-
nasa ni Sister Gudule na iligtas ang anak subalit huli na ang lahat.
Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya angtuk-
tok ng tore at doon hinanap ang dalaga. Sa di kalayuan, napansin niya ang anyo ng
dalaga. Si La Esmeralda ay nakaputing bestida at wala ng buhay. Naantig siya sa kani-
yang nasaksihan. Labis na galit ang nararamdaman niya kay Frollo na noon pa man ay
batid niya na may matinding pagnanasa sa dalaga. Nawala sa katinuan si Quasimodo.
Nang mamataan niya si Frollo, hinila niya ito at sa matinding lungkot na nararamdaman
ay inihulog niya ito mula sa tore- ang paring kumupkop sa kaniya.
Inihulog niya sa kamatayan ang taong naghatid ng pagdurusa sa babaeng kani-
yang minahal - si La Esmeralda. Habang nakatitig sa wala ng buhay na katawan ng
dalaga, sumigaw si Quasimodo, "walang ibang babae akong minahal." Mula noon, hin-
di na muling nakita pa si Quasimodo. Matapos ang ilang taon, nang matagpuan ng
isang lalaking naghuhukay ng puntod ang libingan ni La Esmeralda, nasilayan niya ang
hindi kapani-paniwalang katotohanan- nakayakap ang kalansay ng kuba sa katawan
ng dalaga.

htt ps://www.qt ix.c om.au/ev ent /


Mnst_Hunchback_13.aspx

7
ANO ANG DAPAT MONG MALAMAN?

Buod ng Walang Sugat


ni Severino Reyes

Nagbuburda si Julia habang magkaharap kay Tenyong. Pagkatapos, biglang du-


mating ang kaibigan nitong si Lucas. Nagbalita siya na nadakip ang kanyang ama. Sa-
bi niya napagkamalan itong isang tulisan. Napatay ang kanyang ama na si kapitan
Inggo at nais ni Teyong na maghiganti kahit hindi ito gusto ng kasintahan na si Julia at
kanyang ina na si Kapitana Puten.

Ngunit, ang dalawa ay walang nagawa. Nagkalayo sina Julia at Tenyong. At da-
hil dito, may dumating namang manliligaw si Julia, isang mayaman na nag ngan-
galang Miguel.

Nang maglaon ay itinakda ang kanilang kasal kaya si Julia ay nagpadala ng


liham kay Lucas para ipaalam na siya ay ikakasal na. Ngunit, ang liham ay hindi na sa-
got ni Tenyong dahil biglang nagkaroon ng labanan. Ibinilin na lang ni Tenyong na da-
dalo siya sa araw ng kasal ni Julia. Inakala ni Julia na patay na si Tenyong kaya labag
man sa kanyang kalooban ay kaylangan niyang magpakasal kay Miguel.
Sa araw na mismo ng Kasal, dumating si Tenyong sa simbahan na duguan na an-
yong mamatay na. Pagkatapos nito, pinatawag ang kura upang makapangumpisal si
Tenyong.Ang huling kahilingan nito ay ikasal siya kay Julia. Pumayag naman si Tadeo
ang ama ni Miguel at Juana, ang ina ni Julia dahil mamatay rin naman si Tenyong at
makakasal rin ang kanyang anak. Subalit, biglang bumangon si Tenyong at nag siga-
wan ang lahat ng Walang Sugat! Walang Sugat! Nilinlang lang pala ni Tenyong ang la-
hat upang siya ay makasal kay Julia.

8
ANO ANG IYONG NATUTUHAN?

Panuto: Ihambing ang ilang pangyayari sa Walang Sugat (Dula) ni


Severino Reyes sa mga pangyayari sa binasang kabanata ng nobela.
Gamitin ang talahanayan sa pagsagot

Paghahambing

Ang Kuba ng Notre Dame Walang Sugat

Pagkakatulad sa Pangyayari 1

Pagkakatulad sa Pangyayari 2

Pagkakatulad sa Pangyayari 3

9
GAWAIN BILANG 1

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan batay sa sariling pananaw

1. Sa kasalukuyang panahon meron pa bang Quasimodo at Tenyong? Mag-


bigay ng patunay.

___________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

2. Magbigay ng isang pangyayaring tumatak sa iyong isipan. Ipaliwanag.

___________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

10
GAWAIN BILANG 2

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tauhan na tinutukoy sa bawat


pangyayari. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
Maaaring magamit ang titik ng higit sa isa.

A. Quasimodo D. La Esmeralda

B. Padre Claude Frollo E. Sister Gudule

C. Phoebus F. Pierre Gringoire

______1. Inuluklok siya sa trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris sa pamamagitan
ng pangungutya ng mga taong naroroon.

______2. Sinunggaban niya ng saksak si Phoebus ngunit mabilis din siyang naglaho.

______3. Hindi siya naging matagumpay na agawin ang kaabalahanan ng mga tao sa
panonood ng nasabing parada.

______4. Sa di kalayuan ay may babaeng baliw na sumigaw kay La Esmeralda. Tinawag


siya ng babaeng “hamak na mananayaw” at “anak ng magnanakaw.

______5.Tila siya nawalan ng ulirat nang kanyang marinig ang paanyaya ng binata na
magkita sila mamayang gabi upang lubos na magkakialla.

______6. Ang kanyang matinding pagnanasa kay La esmeralda ang nag-udyok sa kanya
para talikuran ang Panginoon at pag-aralan ang itim na mahika.

______7. Tila walang naririnig at tinunton ang bahay ng babaeng kaniyang pakakasalan.

______8. Dumating siya at lumapit kay Quasimodo ang dalaga na may hawak na isang ba-
song tubig. Pinainom siya.

______9. Naantig siya s akanyang nasaksihan. Labis na galit ang naramdaman niya kay
Frollo.

______10. Ninasa niyang iligtas anak subalit huli na ang lahat.

11
12
Ano ang Alam Mo na? Ano ang Nalaman Mo?
1. 6. HINDI KINAKAILANGAN DAHIL UPANG
MAKAMIT ANG LC KAILANGAN
2.❤ 7.❤ PASALAYSAY ANG GAWAIN
3. 8.
4. 9.
5.❤ 10.❤
Gawain Bilang 1 Gawain Bilang 2
HINDI KINAKAILANGAN DAHIL UPANG 1. A
MAKAMIT ANG LC KAILANGAN 2. B
PASALAYSAY ANG GAWAIN. 3. F
4. E
5. D
6. B
7. C
8. D
9. A
10. E.
Gawain Bilang 3 Gawain Bilang 4
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
6. 6.
7. 7.
8. 8.
9. 9.
10. 10.
MGA SAGOT PARA SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Mga Sangguniang Aklat

Author First Name Surname, Book Title: Subtitle (Place of Publication: Publisher, Year), page/s
#
Vilma C. Ambat et al, Panitikang Pandaigdig: Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 10 (DepEd
Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines, 2015) pp.77-79

Internet

https://theworldnews.net/ph-news/walang-sugat-buod-ang-buod-ng-walang-sugat-ni-
severino-reyes

Mga Royalty-Free na Larawan

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Hunchback_of_Notre_Dame.jpg

https://www.qtix.com.au/event/Mnst_Hunchback_13.aspx
https://www.nytimes.com/2014/04/06/movies/homevideo/lon-chaney-in-the-hunchback-of-
notre-dame-on-blu-ray.html

https://www.flickr.com/photos/tom-margie/1539771390

13
ANG KUBA NG NOTRE DAME
Ang Modyul na ito ay tungkol sa isang nobela na pinam-
agatang Ang Kuba sa Notre Dame Ni Victor Hugo Isinalin sa
Filipino ni Willita A. Enrijo, Mas kilala sa Ingles bilang “The
Hunchback of Notre Dame” ito ay isang nobelang Pranses
Gothic. Ito ay tungkol sa isang kuba na sobrang pangit na si
Quasimodo na nagkagusto kay La-Esmeralda, isang na-
pakagandang mananayaw na iniibig rin ng Pari na si Frollo.
Nang madakip si La-Esmeralda ay sinubukan siyang iligtas ni
Quasimodo ngunit nakita nitong walang buhay ang dalaga
labis siyang nasaktan at biglang naglaho ngunit kalaunan ay
natagpuan ang isang kalansay ng kuba na nakayakap sa
kalansay ni La Esmeralda.

May layon ito na Maihambing ang ilang pangyayari sa


nabasa na dula sa mga pangyayari sa binasang kabanata
ng nobela (F10 PD-Ig-h-66). Kaya naman asahan ang pag-
susuri ng mga mag-aaral sa bawat tauhan at pangyayari na
maaring maihalintulad sa kasalukuyang panahon gawi ng
pag-ibig.

https://www.flickr.com/photos/tom-margie/1539771390

DEPARTMENT OF EDUCATION Region 3 Division of Cabanatuan City


Curriculum Implementation Division (CID)
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
This self-learning module (SLM) is developed by the SDO Cabanatuan City CID-LRMDS Team under
Project EL AR: Enhanced Learning thru Adequate Resources.
Cover and page elements illustrations by Jan Carl B. Briones ● Project EL AR logo by Gemmarie G. Rivas

You might also like