Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Kabanata 4 Aralin 2 (Pagpapatuloy):

Anyo ng Kulturang Popular


Ang iba’t ibang anyo ng kulturang popular ay tinukoy sang-ayon sa apat na eksena ng
pag-aaral ni Rolando Tolentino na Kulturang Popular, Imperyalistang Globalisasyon at Gawang
Kulturang. Ang mga anyong ito ng kulturang popular ay pamantayang nabuo dulot ng
impluwensiya ng mga naghahari at gitna uri sa lipunan.

1. Komodifikasyon ng Luho Bilang Pangangailangan


Ipinakita sa bahaging ito na hindi na lamang basikong pangangailangan ang nais ng tao
bilang komoditi. Ipinaliwanag ni Tolentino na ang kulturang popular, itinuturing na ring komoditi
ang luho. Nangangahulugan na dahil paglaganap ng kulturang popular, naging laganap din ang
komodifikasyon ng mga produktong itinuturing na luho. Halimbawa nito ay ang mga branded na
gadgets tulad ng cellphone (maaaring basahin ang artikulo ni Rolando Tolentino upang malaman
ang iba pang uri ng luho na komoditi na sa tao). Ang cellphone ay naa-anthropomorphize na
bahagi ng ating pagkatao kung maiwanan ito sa loob ng bahay ay para bang kulang na ang ating
pagkatao. Bukod pa diyan, ikinokonsidera na rin ng tao ang “brand” sa pagbili ng produkto, hindi
sapat ang cellphone lang kung hindi isaalang-alang ang kompanyang may likha nito. Sa kulturang
popular, madalas na tinatangkilik ng tao ang produktong ginagamit o inilalako ng mga sikat na
indibidwal tulad ng modelo o artista—na maihahanay sa mga naghaharing uri at gitnang uri.

2. Politika ng Tunay, Politikal sa Tunay


Ang kulturang popular ay hindi lang materyal na konsepto na nasasalat. Gaya ng
nabanggit ang pananaw ay maaari ding maging bahagi ng kulturang popular. Kaya naman
itinuturing din na anyo ng kulturang popular ang politikal na aspekto. Ang paggamit ng retorika o
mabulaklak na pagsasalita ay salik sa pagtangkilik sa pananaw ng mga makakapangyarihan at
naghaharing uri. Kalimitan ay gumagamit din ng dahas upang puwersahang baguhin ang
pananaw ng katunggaling ideolohiya.
Halimbawa, masasalamin ang kulturang popular ang pag-usbong ng mga paksiyon tulad
ng Dilawan, Pinklawan, DDS, at Loyalist. Ang pag-usbong ng ganitong mga paksiyon ay malinaw
na nagpapakita ng malakas na epekto ng kulturang popular sa pananaw at preperensiya ng mga
tagasuporta sa iilang tao o politiko. Nagkakaroon ng pagbubukod-bukod sa lipunan dahil sa
pananaw na pinaiiral ng mga politiko o makakapangyarihang indibidwal sa politika. sa
pangangampanya ng mga politiko bilang pangunahing instrumento sa eleksiyon. Batid ng mga
politiko na nakukumbinsi ang mga botante sa husay at nakakaantig na campaign ads gaya ng
campaigns ads ng isang senador “nakaligo ka na ba sa dagat ng basura” na nais kumbinsihin
ang masa na siya ay dating mahirap at batid niya ang hirap na dinadanas ng mga mahihirap.
Gayundin ang taguring “Mr. Palengke” na nagpapahiwatig ng pagiging makamasa dahil sa
konsepto ng palengke na pangmasa. Hindi lamang limitado ang larawan ng kulturang popular sa
retorika kundi maging sa paggamit ng dahas ay matutunghayan din ito. Hindi bago sa balita ang
pagpaslang, pagpapakulong, o maging pagpatay sa mga kalaban sa politika o partido. Praktika
ito ng karamihan sa politika upang patahimikin o pasunurin ang kalaban.
Ang ganitong anyo ng kulturang popular ay hindi lamang limitado sa larang ng politika,
maging sa midya, edukasyon at relihiyon ay matutunghayan din ang ganitong kultura. Ang isa sa
halimbawang ibinigay ni Rolando Tolentino ay ang naganap na trahedya sa Ultra Stadium, Pasig
sa programang Wowowee kung saan pitumpu’t tatlo (73) ang nasawi.
3. Intelektuwal Bilang Ubod ng Gawaing Kultural
Ito ang anyo ng kulturang popular na laban sa mga namamayaning kapangyarihan. Ayon
kay Tolentino, kung ang politika ay tumutukoy sa pamamalakad ng pamahalaan na nilalahukan
ng palitan ng pabor, ang politikal ay katawagan sa transformatibo tungo sa mas egalitaryong
kaayusan hanggang sa anti-estado. Maaring isipin ang kultura-kultural sa ganitong
pagpapakahulugan: na ang kultura ay tumutukoy sa ideolohiya at praktis ng namayaning
kapangyarihan ng estado at negosyo, at ang kultural ay ang transformatibong panlipunan.
Nangangahulugan na ang kultural ay isang ideolohiyang naglalayon masuri ang isang pangyayari
o pananaw para sa makabuluhang pagbabago.
Halimbawa ng intelektuwal bilang gawaing kultural, ang mga dokumentaryong pelikula—
na ang pangunahing layunin ay magsiwalat ng katotohanan sa lente ng masa, at labanan ang
puwersa ng mga makapangyarihang sistema ng burukrata at kapitalista na nagliligaw sa
kamalayan ng masa. Isa ito sa paraan bilang kontra-gahum na nagpapaantas sa pagsusuri at
kritikal na pag-iisip ng masa sa mga isyu, pangyayari, at politikal—mga salik panlipunan, at
historikal na kamalayan, pag-oorganisa, at pagmomobilisa.
4. Kultural Bilang Gawaing Politikal
Ayon kay Tolentino ang kultural na pananaw sa politikal na isyu at kaganapan bilang
paraan ng konsolidasyon ng muestra at pagkilos. Maaaring tignan ang anyong ito bilang kontra-
gahum na bumabangga sa politika ng mga nasa kapangyarihan.
Binigyan-diin din niya ang gawaing kultural bilang politikal sa antas ng aktibismo. Tulad
ng kilos protesta ng mga manggagawa, at iba pang grupong kultural at politikal na nais ipaglaban
ang kanilang karapatan at/o upang kondenahin katiwalian. Binanggit din ni Tolentino ang mga
ganitong gawaing kultural bilang gawaing politikal ay angkop sa pambansang kondisyong
malakonyal at malapiyudal na sistema ng pamamahala sa lipunan—na laganap ang pang-
aabuso, krimen, at pagnanakaw sa karapatan na dapat ay tinatamasa ng taumbayan—tulad ng
patuloy na pagtaas ng bilihin, tumitindi pang pagbaba ng suweldo at kawalan ng seguridad sa
trabaho, at pribatisasyon.

You might also like