Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

ABROGAR, ANGELIKA A. Mr. Jonel N.

Caneso

BABr 1-1N Unit 3 Cavite Mutiny

1. What do you think is the importance of the death of the GOMBURZA in every Filipino

particularly in today’s generation?

“Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang.” Ito ay linya mula sa kantang

Pananagutan. Elementarya pa lamang ako, sa tuwing naririnig ko ang mga usapin ukol sa tatlong

Pari - GomBurZa - inaakala kong magkakaibigan sila. Nitong Kolehiyo ko lamang nalaman na

ang tatlong pari na ito ay hindi kilala ang bawat isa ngunit pare-parehas silang lumaban para sa

lahat.

Ang tatlong Pari na ito ay lumalaban para sa sekularisasyon. Sapagkat ang tungkulin ng

cura parroco ay dapat nasa kamay ng mga Paring Sekular. Ngunit hindi naman na nila ito

kailangan. Si Mariano Gomes ay cura parroco ng Bacoor, Cavite, Jose Burgos na rektor ng

Manila Cathedral, at Jacinto Zamora na cura parroco ng Marikina.

Ang esensya nito ay dapat nating piliin na ipaglaban ang tama – lumaban para sa mga

taong nangangailangan at para sa tama at nararapat, at labanan ang mga taong patuloy na

nagpapahiya sa iba sa pamamagitan ng pang-aapi sa kanila. Ika nga ni Mariano Gomes, “Ang

tunay na nagmamahal sa lupang tinubuan ay hindi mamamatay sa higaan.”

Ayon nga kay Prof. Jonel ‘Pogi’ Cañeso, “Iskolar ng bayan:Iskolar para sa bayan.”

Kung kaya naman, lagi’t lagi para sa bayan.

You might also like