Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Baitang: 11&12 SET D

TALAMBUHAY NI BENIGNO AQUINO JR.

Si Benigno Aquino Jr. o kilalang si Ninoy Aquino ay ipinanganak noong Nobyembre 27, 1932 sa
Concepcion, Tarlac. Kumuha siya ng Law sa Unibersidad ng Pilipinas ngunit tumigil siya at sa
halip ay kumuha siya ng Journalism. Pinakasalan niya si Corazon Aquino at nagkaroon sila ng
limang anak.

Siya ay naging alkalde ng Concepcion, Tarlac at pinakabatang bisegobernador ng Tarlac. Sa


edad na 34, nahalal siya bilang senador.

Siya ay naging mahigpit na kritiko ni Pangulong Marcos at ng asawa nitong si Imelda Marcos.
Kilala siyang kalaban ni Pangulong Marcos tuwing halalan. Nang ideklara ang Martial Law, si
Benigno Aquino ang isa sa mga unang dinampot ng militar upang ikulong.

Noong 1980, siya ay inatake sa puso at kinailangang operahan. Pinayagan siya ni Imelda
Marcos na lumabas ng bansa para magpagamot sa kundisyong siya ay babalik at hindi
magsasalita laban sa pamahalaan ni Marcos. Si Aquino ay namalagi sa Estados Unidos ng
tatlong taon.

Dahil sa balitang lumalalang sakit ni Pangulong Marcos, ipinasya ni Aquino na umuwi upang
bigyan ng pag-asa ang mga taong naghahangad ng pagbabago sa pamahalaan.

Noong Agosto 21, 1983, bumalik siya sa Maynila subalit sa paliparan pa lang ay binaril siya sa
ulo. Ang libing ni Ninoy Aquino ay nagsimula ng ika-9 ng umaga hanggang ika-9 ng gabi. Mahigit
dalawang milyong tao ang nag-abang sa pagdaan ng karosa ng kabaong ni Ninoy papunta sa
Manila Memorial Park.

Mga Tanong:

1. Saan ipinanganak si Ninoy Aquino? (Literal)

a. Tarlac, Tarlac c. Camiling, Tarlac

b. Capas, Tarlac d. Concepcion, Tarlac

2. Alin sa sumusunod ang naging posisyon sa pamahalaan ni Ninoy Aquino? (Literal)

a. presidente, bise-presidente, senador c. alkalde, bise-gobernador, senador

b. konsehal, kongresista, gobernador d. bise-alkalde, konsehal, pangulo

3. Sinabi sa talata na si Ninoy Aquino ang mahigpit na kritiko ni Pangulong Marcos. Ano ang
ginagawa ng isang kritiko? (Paghinuha)

a. nakikipag-away c. nagsasabi ng mga p

b. nag-iisip ng paghiganti d. nagpaplano ng ganti


4. Kung pangulo ng Pilipinas ang maaaring magpahayag ng martial law, sino kaya ang nagdeklara
nito noong panahong iyon? (Paghinuha)

a. Cory Aquino c. Imelda Marcos

b. Fidel Ramos d. Ferdinand Marcos

5. Bakit kaya ipinadampot si Ninoy Aquino noong martial law? (Paghinuha)

a. May inaway na alkalde si Ninoy Aquino.

b. May galit si Marcos sa pamilya ni Aquino.

c. Nahuli si Aquino na nagnanakaw sa pamahalaan.

d. Bawal kalabanin ang pangulo noong martial law.

6. Ano ang katangiang ipinakita ni Ninoy Aquino? (Pagsusuri) a. maalalahanin b. magalang c.


makabayan d. mapagtiis

7. Bakit kaya marami ang nakiramay sa kamatayan ni Ninoy Aquino? (Pagsusuri)

a. Isa siyang batang senador. c. Pagmamahal sa bayan ang ipinakita niya.

b. Naawa sila sa pamilya ni Aquino. d. Gusto ng mga taong makakita ng mga pulitiko.

8. Ano ang damdamin na iniwan ni Ninoy Aquino sa mga Pilipino? (Pagsusuri)

a. kasabikan c. pagkatalo

b. pag-asa d. pagkatako
Baitang 9&10 SET D

PUNO PA RIN NG BUHAY

Sa kapaligiran ng bansang Pilipinas, marami ang makikitang punong niyog. Kahit saang panig ng
bansa, may mga produktong ibinebenta na galing sa puno ng niyog.

Ang niyog ay tinaguriang puno ng buhay. Ang mga bahagi nito mula ugat hanggang dahon ay
napakikinabangan. Ang laman ng niyog ay ginagawang buko salad, buko pie at minatamis.
Ginagamit din ito bilang sangkap sa paggawa ng arina, mantikilya, sabon, krudong langis, at iba pa.

Natuklasan ni Dr. Eufemio Macalalag, Jr., isang urologist na ang paginom ng sabaw ng buko
araw-araw ay nakatutulong sa kidney ng isang tao. Nadiskubre rin niya na nakatutulong ang
araw-araw na pag-inom nito para maiwasan ang pagkabuo ng bato sa daanan ng ihi (urinary tract).
Ginagamit din itong pamalit ng dextrose.

Natuklasan pa na mas maraming protina ang nakukuha sa gata ng niyog kaysa sa gatas ng baka.
May 2.08 porsiyento ng protina ang gata samantalang 1.63 porsyento lamang ang sa gatas ng
baka. Ang langis ng niyog ay nagagamit din bilang preservative, lubricant, pamahid sa anit, at iba
pa.

Ang bulaklak ng niyog ay ginagawang suka at alak. Ang ubod naman ay ginagawang atsara,
sariwang lumpiya, at panghalo sa mga lutuing karne o lamang dagat. Pati ang ugat nito ay
ginagamit pang panlunas sa iba’t ibang karamdaman.

Mga Tanong:

1. Ano ang tinaguriang puno ng buhay? (Literal)

a. puno ng buko c. puno ng niyog

b. puno ng narra d. puno ng mangga

2. Alin sa sumusunod ang HINDI maaaring gawin sa laman ng niyog? (Literal)

a. kendi c. dextrose

b. buko pie d. minatamis

3. Ilang porsiyento ng protina ang makukuha sa gata ng niyog? (Literal)

a. 1.63 c. 2.9

b. 2.08 d. 3.0

4. Sa anong bahagi ng katawan nakabubuti ang pag-inom ng sabaw ng buko/niyog? (Paghinuha)


a. atay c. kidney
b. baga d. puso

5. Bakit mas mainam ang gata ng niyog kaysa gatas ng baka? (Paghinuha)

a. Mas masarap ito. c. Mas maraming pagkukuhanan ng niyog

b. Mas mura ang niyog kaysa gatas. d. Mas maraming protina ang nakukuha rito.

6. Bakit tinaguriang puno ng buhay ang puno ng niyog? (Paghinuha)

a. Hanapbuhay ng maraming tao ang pagtatanim ng niyog.

b. Maraming nagbebenta ng produkto ng niyog.

c. Marami ang pakinabang sa niyog.

d. Marami ang niyog sa Pilipinas.

7. Ano ang tinitingnan ng isang urologist? (Pagsusuri)

a. ugat ng tao c. puso at dugo

b. dugo at atay d. urinary tract

8. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon? (Pagsusuri)

a. Nais nitong hikayatin ang tao na magtanim ng puno ng niyog.

b. Gusto nitong ipaalam ang iba't ibang gamit ng niyog.

c. Hangad nitong magbenta tayo ng produkto ng niyog.

d. Nais nitong magbigay ng ikabubuhay ng tao.


Baitang 7&8 SET D

AMA NG WIKANG PAMBANSA

Si Manuel Quezon ay isang masigla at masipag na lider. Anumang gawaing ninanais niya ay
isinasakatuparan niya agad. Ayaw niya na may masayang na panahon dahil naniniwala siya na ang
oras ay ginto. Mahalaga ang bawat sandali kaya’t hindi niya ito inaaksaya. Ayon sa kanya, ang
magagawa ngayon ay hindi na dapat ipagpabukas pa.

Naging kawal siya noong panahon ng himagsikan. Naging gobernador din siya, at matapos nito ay
naging senador. Naging kinatawan pa siya ng Pilipinas sa Washington, United States of America.
Si Quezon ay mahusay sa batas dahil siya ay isang abogado. Di nagtagal, siya ay naging pangulo
ng Senado ng Pilipinas at nahalal na pangulo ng Komonwelt o ng Malasariling Pamahalaan noon.

Sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng Katarungang Panlipunan, binigyan niya ng pantay na


pagpapahalaga ang mahihirap at mayayaman. Si Quezon din ang nagpasimula sa pagkakaroon
natin ng pambansang wika. Kung hindi dahil sa kanya, walang isang wika na magbubuklod sa lahat
ng Pilipino. Dahil dito, siya ay tinawag na “Ama ng Wikang Pambansa.”

Mga Tanong:

1. Sino ang Ama ng Wikang Pambansa? (Literal)

a. Andres Bonifacio c. Jose Rizal

b. Diosdado Macapagal d. Manuel Quezon

2. Bakit siya tinawag na Ama ng Wikang Pambansa? (Literal)

a. Tinuruan niyang magsalita ng Filipino ang mga tao.

b. Kilala siya sa pagiging magaling magsalita ng Filipino.

c. Sinimulan niya ang pagkakaroon ng pambansang wika.

d. Hinimok niya ang mga Filipino na isa lamang ang gamiting wika.

3. Alin sa sumusunod ang mga naging trabaho ni Quezon? (Literal)

a. guro, doktor, abogado c. alkalde, kongresista, pangulo

b. senador, modelo, kawal d. abogado, gobernador, senador

4. Bakit kaya niya sinabing ang magagawa ngayon ay hindi na dapat ipagpabukas pa?
(Pagsusuri)

a. Madali siyang mainip, kaya dapat tapusin agad ang gawain.


b. Pinapahalagahan niya ang oras, kaya hindi ito dapat sayangin.

c. Marami siyang ginagawa, kaya kailangang sundin ang iskedyul.

d. Lagi siyang nagmamadali, kaya hindi dapat nahuhuli sa gawain.

5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita na makamahirap si Quezon? (Paghinuha) a. Tumira siya


sa bahay ng mahihirap. b. Binibigyan niya ng pera ang mahihirap. c. Pinatupad niya ang
Katarungang Panlipunan. d. Iba ang tingin niya sa mahihirap at mayayaman.

6. Sa pangungusap na “Naging kawal siya noong panahon ng himagsikan,” ano ang iba pang
kahulugan ng salitang kawal? (Paghinuha)

a. bayani c. manunulat

b. doktor d. sundalo

7. Anong uri ng seleksyon ang binasa mo? (Pagsusuri)

a. alamat c. pabula

b. kuwentong-bayan d. talambuhay

You might also like