G7 - Flat Filipino No Key Answers

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REHIYON I

PARA SA MGA KEY STAGE 3

FILIPINO 7
Unang Burador

1
PANGKALAHATANG PAMANTAYAN SA PAGSASAGAWA NG
PAGTATASA

Ang programang ito ay naglalayong lalong maunawaan ang karanasan ng mga mag-
aaral sa pagbabasa upang matukoy ang antas ng kanilang kakayahan at matugunan
ang kanilang pangangailangan.

Bago simulan ang pagtatasa, maaaring sabihin ng guro:


Kumusta! Ako si _______________, mula sa Brigada Pagbasa Program, ang
katuwang mo sa iyong pagbabasa. Tatayahin natin ang iyong kakayahan at pag-
unawa sa pagbasa. Asahan mong anomang kalalabasan nito ay mananatiling
konfidensiyal at hindi makaaapekto sa iyong grado. Huwag mag-alala sapagkat hindi
ito isang pagsusulit.

Hilingin sa mag-aaral na ipakilala ang kaniyang sarili. Maaaring itanong ang kaniyang
edad, lugar ng tirahan, mga naging karanasan sa kasalukuyang kalagayan at kung
mayroon na siyang karanasan sa ganitong uri ng pagtataya. Tiyakin na ang mag-aaral
ay nasa komportableng kalagayan bago, habang, at pagkatapos ng pagtatasa.

Siguraduhing nakahanda na ang lahat ng gagamiting materyal para sa gawaing ito.

Pagkatapos isagawa ng guro ang pangkalahatang pagtatasa, maghahanda ang guro


ng interbensiyon batay sa naging resulta ng pagtataya.

2
Functional Literacy Assessment Tool
KEY STAGE 3: BAITANG 7
7

ANTAS 1: SALITA

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang sampu (10) o
higit pa mula sa dalawampung (20) salita.

BAGO ANG PAGTATASA

1. Sabihin sa mag-aaral: Ang bahaging ito ng pagtatasa ay naglalayong masukat ang


iyong kakayahan sa pagbasa ng salita. Inaasahan ko na mabasa mo nang maayos
ang mga ito. Handa ka na ba?
2. Ibigay ang talaan ng mga babasahing salita kung handa na ang mag-aaral.
3. Ipabasa ang mga salita mula sa taas pababa.

HABANG ISINASAGAWA ANG PAGTATASA

1. Pakinggang mabuti ang pagbabasa ng mag-aaral.


2. Lagyan ng tsek (/) ang bawat salitang nabasa nang wasto at ekis (x) naman kung
mali. Gamitin ang nakalakip na Pormularyo ____.

MGA SALITA
pighati aliw-iw trumpo plantasyon
bukana impluwensiya prusisyon kalabaw
kanlungan kompleto nasilaw kontrata
pandemya subaybayan mikrobyo komprehensibo
iningatan problema iwinagayway bukang-liwayway

PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo
___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang sampu IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
(10) o higit pa Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
mula sa mababang Antas ng Salita. MAGPATULOY SA
dalawampung SUSUNOD NA ANTAS.
(20) salita?

3
Functional Literacy Assessment Tool
KEY STAGE 3: BAITANG 7
7

ANTAS 2: PANGUNGUSAP

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ang anim (6) o higit pa mula sa
sampung (10) pangungusap.

BAGO ANG PAGTATASA

1. Ibibigay ng guro ang sipi ng limang pangungusap na babasahin ng mag-aaral.

HABANG NAGTATASA

1. Masinsinang makinig sa pagbabasa ng mag-aaral. Markahan ang mga kamalian sa


kanyang sipi.

PANGUNGUSAP

1. Maganda ang panahon sa probinsya ngayon.


2. Masakit ang katawan ng kaniyang butihing ina.
3. Mahalaga ang paghuhugas ng kamay bago kumain.
4. Ang pagiging responsableng anak ay halimbawa ng mabuting asal.
5. Ang kaniyang anak ay mahimbing na nakatulog habang malamyos ang aliw-iw ng
batis.
6. Gustong pumasok sa paaralan ni Marta subalit siya ay nilalagnat.
7. Mahirap ang trabaho sa plantasyon kaya matinding pagod ang naramdaman niya.
8. Gaganda ang iyong buhay kung susunod ka sa pangaral ng iyong mga magulang.
9. May mabuting kalooban ang mag-asawa sapagkat tumutulong sa mga kapitbahay na
nangangailangan.
10. Ang buhay sa mundo ay pansamantala lamang kaya’t dapat maging mabuti upang
makamit ang kaligayahan ng buhay.

PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gagamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itatala ng guro ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na
Pormularyo ___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang anim IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
(6) o higit pa Ang mag-aaral ay nasa HANDA NANG
mula sa mababang antas ng Antas sa MAGPATULOY SA
sampung (10) Pangungusap. SUSUNOD NA ANTAS.
pangungusap?
4
Functional Literacy Assessment Tool
KEY STAGE 3: BAITANG 7

ANTAS 3: TALATA

Sa antas na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang mabasa nang wasto ang 90-
110 salita sa loob ng isang minuto nang walang kamaliang hihigit sa 7-10 salita.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ibigay ang babasahing talata sa mag-aaral.

HABANG NAGTATASA
1. Pakinggang mabuti ang pagbabasa ng mag-aaral.
2. Sikaping itakda ang oras sa mag-aaral na sa loob ng isang minuto ay
makapagbasa siya ng 90-110 salita.

Talata:

SIGAW NG KALIKASAN

Biyayang ipinagkaloob ng Maylikha ang kalikasan. Ito’y kakambal ng pagkatao


kaya’t marapat nating pahalagahan gaya ng ating iniingatang buhay. Pagmasdan
mo ang kapaligiran. Walang masisiglang dahon at sanga ang mga punongkahoy.
Hindi na sariwa ang hangin, maitim ang ilog, kalbong kagubatang nagdudulot ng
pagbaha, pagguho ng lupa at pag-init ng kapaligiran. Ang mga hayop ay walang
masisilungan. Ang yamang dagat ay nasisira sa paggamit ng dinamita. Hindi mo pa
ba ramdam ang mga pangyayaring ito? Marahil ika’y nagbubulag-bulagan. Imulat
ang iyong mga mata, buksan ang puso’t isipan. Hindi pa ito ang huli. Makakaya mo
kayang masaksihan ang hagupit ni Inang Kalikasan? Simulan sa iyong sarili.
Kumilos na.

PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gagamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo
___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang 90-110 IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
salita sa loob ng HANDA NANG
isang minuto?

5
Ang mag-aaral ay nasa MAGPATULOY SA
mababang antas ng Antas sa SUSUNOD NA ANTAS.
Talata.

6
Functional Literacy Assessment Tool
KEY STAGE 3: BAITANG 7

ANTAS 4: KUWENTO

Sa antas na ito, ang mag-aaral ay inaasahang mabasa nang wasto ang tekstong
may 250-300 salita nang walang kamaliang hihigit sa 7-10 salita.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ibigay ang babasahing kuwento sa mag-aaral.

HABANG NAGTATASA
1. Pakinggang mabuti ang pagbabasa ng mag-aaral.
2. Itala ang mga kamalian (maling bigkas, pagkakaltas, pagpapalit, pagsisingit,
pag-uulit, paglilipat, pagbaliktad) na ginawa ng mag-aaral gamit ang
talahanayan ng mga kamalian.

Talahanayan ng mga Kamalian

Kabuoang
Maling
Pagkakaltas Pagpapalit Pagsisingit Pag-uulit Paglilipat Pagbabaliktad Blg. ng
Bigkas
Kamalian

Kuwento:

Si Kalabaw at si Manok
ni Jolly T. Victorio

Isang pamilya ng magsasaka ang nakatira malapit sa bukana ng ilog. Mayroon


itong alagang mga hayop na karamihan ay katuwang sa bahay at bukid. Isa sa
palaging kasama sa bukid ay si kalabaw.

Bukang-liwayway pa lamang ay kailangan nang umalis sa bahay ni kalabaw


upang mag-araro sa malawak na sakahan ng palayan at mais. Takipsilim na kung
siya ay matapos at makauwi sa bahay.

Isang araw, habang naglalakad pauwi si kalabaw, nakakunot ang noong iniisip
ang bigat ng trabahong kaniyang ginagawa araw-araw. Ikinumpara niya ang
kanyang trabaho sa ibang kasamang hayop sa bahay na walang halos ginagawa

7
kundi maglakad, kumain, at matulog lamang. Isa na rito si manok. Si manok ay
tanghali na rin kung gumising. Tutuka at muling sisilong sa kanyang maliit na hawla.

“Kay buti naman ng iyong buhay manok, nasa bahay ka lang, patuka-tuka,
samantalang ako….”, malungkot na wika ni kalabaw.

“Kaibigang kalabaw, hindi sa minamaliit ko ang hirap at sakripisyong ginagawa


mo. Sa totoo lang, hangang-hanga ako sa kasipagan mo dahil sa kabila ng bigat ng
iyong trabaho ay nagagawa mo pa ring ngumiti.”, ang sagot naman ni manok.

“Ganoon ba? Akala ko walang nakapapansin sa akin. Walang nakaiintindi.


Walang nakararamdam ng aking pighati,” ang malumanay na sagot ni kalabaw.

Hindi pa man muling nakasasagot si manok ay biglang nagsalita sina aso, pusa,
kambing at pato.

“Hanga kami sa’yo kalabaw.”

Dahil sa narinig ni kalabaw ay nakaramdam siya ng kurot sa kanyang puso.

“Salamat, kaibigang manok. Ngayon, gumaan na ang aking pakiramdam. Hindi


ko dapat ikinukumpara ang aking ginagawa sa iba. Kailangan ko lang matutunan na
may kaniya-kaniya tayong kakayahan na dapat gamitin upang makatulong sa iba.”

Mula noon, nagbago na ang pananaw ni kalabaw. Masaya na itong pumupunta


sa bukid upang magtrabaho at nananatili ang kaniyang kasiyahan hanggang pag-
uwi ng bahay.

PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gagamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo
___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
tekstong may Ang mag-aaral ay nasa HANDA NANG
250-300 salita mababang antas ng Antas sa MAGPATULOY SA
nang walang Kuwento. SUSUNOD NA ANTAS.
kamaliang hihigit
sa 7-10 salita?

8
Functional Literacy Assessment Tool
KEY STAGE 3: BAITANG 7

ANTAS 5: KUWENTO NA MAY


KOMPREHENSIYON

Sa antas na ito, ang mag-aaral ay inaasahang mababasa nang wasto ang tekstong
may 250-300 salita at nasasagot nang tama ang lima o higit pang tanong mula sa
sampung katanungan.

BAGO ANG PAGTATASA

1. Ilahad sa mag-aaral ang mga tanong sa pang-unawa.


2. Ibigay ang panuto kung paano sagutin ang mga katanungan.

HABANG NAGTATASA

1. Mahalagang ipaalala sa mag-aaral na maaaring ulitin nang ilang beses ang


pagbabasa ng teksto.
2. Bigyan ng sapat na oras ang mag-aaral sa pagsagot sa mga katanungan.
3. Maaaring uliting basahin ang mga katanungan.

Kuwento:

(Sumangguni sa kuwentong ginamit sa Antas 4 bilang babasahing materyal)

Mga Tanong sa Pang-unawa

1. Isang pamilya ng magsasaka ang nakatira malapit sa bukana ng ilog. Ano ang
kasingkahulugan ng salitang bukana? (Talasalitaan)
A. ibaba
B. gilid
C. harapan
D. likod

2. Bukang-liwayway pa lamang ay kailangan nang umalis sa bahay ni kalabaw upang


mag-araro sa malawak na sakahan ng palayan at mais. Ano ang kasingkahulugan
ng salitang bukang-liwayway? (Talasalitaan)
A. gabi
B. hapon
C. madaling araw
D. umaga

9
3. Akala ko walang nakapapansin sa akin. Walang nakaiintindi. Walang
nakararamdam ng aking pighati. Ano ang kasingkahulugan ng salitang pighati?
(Talasalitaan)
A. lungkot
B. pinapansin
C. sakit
D. saya

4. Ano ang hanapbuhay ng pamilya sa iyong nabasang kuwento? (Literal)


A. pagsasaka
B. pangangahoy
C. pangingisda
D. pananahi

5. Sino ang tauhan sa nabasang kuwento na tanghali na rin kung gumising, tutuka
at muling sisilong sa kanyang maliit na hawla? (Literal)
A. aso
B. kalabaw
C. manok
D. pusa

6. Sino-sino ang tauhan sa kuwento na biglang nagsabi na “Hanga kami sa’yo


kalabaw”? (Literal)
A. aso at pusa
B. aso, pusa, kambing, at pato
C. aso, pusa, kambing, pato, at kalabaw
D. aso, pusa, kambing, pato, kalabaw, at manok

7. Ano ang naramdaman ni kalabaw nang minsang naglalakad siya pauwi sa bahay?
(Inferensiyal)
A. nagalit
B. nagtaka
C. nalungkot
D. natakot

8. Ano ang ipinakitang ugali ni manok kay kalabaw? (Inferensiyal)


A. mapagbiro
B. mapagmataas
C. marahas
D. maunawain

9. Alin sa sumusunod ang dahilan nang hindi pagkumpara ng sarili sa ibang tao?
(Kritikal)
I. Dahil ang bawat isa ay may kaniya-kaniyang kakayahan.
II. Dahil ang bawat isa ay may kaniya-kaniyang suliranin.
III. Dahil ang bawat isa ay may kaniya-kaniyang kagustuhan.
IV. Dahil kailangang iangat ang sarili sa lahat ng bagay.
A. I at II
B. II at III

10
C. I, II, at III
D. I, II, III at IV

10. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagiging isang mabuting kaibigan?


(Kritikal)
I. Pinapayuhan at pinapaliwanag sa kaibigan ang katotohanan.
II. Iiniiwasan dahil sa masamang katangian.
III. Tinutulungan sa mga bagay na nahihirapan.
IV. Sinusuportahan sa maling gawain.
A. I at II
B. II at III
C. I, II, at III
D. I, II, III at IV

PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gagamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo
___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
tekstong may Ang mag-aaral ay nasa HANDA NANG
250-300 salita at mababang antas ng Antas sa MAGPATULOY SA
nasasagot nang Kuwento na may SUSUNOD NA ANTAS.
tama ang lima o Komprehensiyon.
higit pang tanong
mula sa
sampung
katanungan?

11
Functional Literacy Assessment Tool
KEY STAGE 3: BAITANG 7
7
ANTAS 6: LOKAL NA
MATERYAL

Sa antas na ito, ang mag-aaral ay inaasahang mababasa nang wasto ang tesktong
may 250-300 salita nang walang kamaliang hihigit sa 7-10 salita.

BAGO ANG PAGTATASA

1. Ilahad ang maikling pagpapaliwanag ukol sa lokal na materyal upang mapukaw ang
kaniyang mga naimbak na karanasan na may kaugnayan sa babasahing teksto.
2. Ibigay ang babasahing lokal na materyal sa mag-aaral.

HABANG NAGTATASA

1. Hayaan ang mag-aaral na basahing may katamtamang lakas ng boses ang


lokal na materyal.
2. Sa unang pagkakataon, habang nagbabasa ang mag-aaral, itala ang mga
kamalian gamit ang talahanayan sa ibaba:

Kabuoang
Maling Pag-
Pagkakaltas Pagpapalit Pagsisingit Paglilipat Pagbabaliktad Blg. ng
Bigkas uulit
Kamalian

Teksto ng Lokal na Materyal:

Sagad sa Ganda ang Sagada


ni Hazel Ann S. Negranza

Binansagang “Ang Pinakaiingatang Lihim ng Norte” ang Sagada, Mountain


Province. Ngunit sa kasalukuyan, tila unti-unti nang nadidiskubre ang sikreto at
misteryong ito. Noong 2019, ang lokal na gobyerno ay nakapagtala ng higit
kumulang 180,000 na turista at ito’y parami nang parami taon-taon.
Dinadayo ito dahil sa likas na kagandahan ng lugar, napakayamang tradisyon at
mga taong napakamagigiliw. Narito ang ilan sa mga dapat bisitahin sa Sagada
upang masaksihan ang sagad sa gandang Sagada.

12
Kung naghahanap ng isang pambihira at mapanghamong paglalakbay, akma
ang kuweba ng Sumaguing. Ito ay kilala bilang pinakamalalim na kuweba sa
Pilipinas. Kailangang dumaan sa masisikip na lagusan at suungin ang malamig na
tubig. Pagkatapos ng hirap ay nakamamangha ang mga nabuong porma mula sa
mga bato dahil sa tubig na dumadaloy sa loob ng libo-libong taon.

Kaabang-abang na pagbubukang-liwayway na sinasabayan ng dagat-dagatang


ulap sa burol ng Malboro. Pero bago marating ang misteryosong burol, humanda na
sa tatlo hanggang apat na oras na paglalakad at sa temperaturang hindi tataas ng
15 sentigrado. Pagputok ng liwanag, mapapawi ang pagod sa ganda ng tanawin.
Nakapapawi ng pagod ang tanawin sa tila walang hanggang bulubundukin ng
Cordillera. Makikita ang mababang ulap na bumabalot sa burol sabayan pa ng
napakaberdeng damo ng burol.

Pagkatapos ng maulap na tanawin, diretso naman sa isang malalangit na lupain.


Ito’y tila repleksyon ng langit sa ibaba. Ang tawag dito ng mga residente ay “Kaman-
utek” o ang bughaw na mga burol dahil kakulay raw ng utak ang lupa rito. Hanggang
sa ngayon nananatiling misteryo ang dahilan ng kulay asul na lupa rito.
Gayunpaman, ang pagpunta rito’y ligtas dahil natural ang mga mineral dito.
Mula sa mga nabanggit, patunay na sagad sa ganda ang Sagada.

PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo
___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
tesktong may Ang mag-aaral ay nasa HANDA NANG
250-300 salita mababang antas ng Antas sa MAGPATULOY SA
nang walang Lokal na Materyal. SUSUNOD NA ANTAS.
kamaliang hihigit
sa 7-10 salita?

13
Functional Literacy Assessment Tool
KEY STAGE 3: BAITANG 7

ANTAS 7: LOKAL NA
MATERYAL NA MAY
KOMPREHENSIYON

Sa antas na ito, ang mag-aaral ay inaasahang mababasa nang wasto ang tekstong
may 250-350 salita at nasasagot nang tama ang lima o higit pang tanong mula sa
sampung katanungan.

BAGO ANG PAGTATASA

1. Ilahad sa mag-aaral ang mga tanong sa pang-unawa.


2. Ibigay ang panuto kung paano sagutin ang mga katanungan.

HABANG NAGTATASA

1. Mahalagang ipaalala sa mag-aaral na maaaring ulitin nang ilang beses ang


pagbabasa ng teksto.
2. Bigyan ng sapat na oras ang mag-aaral sa pagsagot sa mga katanungan.
3. Maaaring uliting basahin ang mga katanungan.

Teksto ng Lokal na Materyal

(Sumangguni sa kuwentong ginamit sa Antas 4 bilang babasahing materyal)

Mga Tanong sa Pang-unawa

1. Binansagang “Ang Pinakaiingatang Lihim ng Norte” ang Sagada, Mountain


Province.” Ano ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit na salita sa
pangungusap?
A. Hinanap
B. Hinalintulad
C. Tinago
D. Tinawag

2. “Kung naghahanap ng isang pambihira at mapanghamong paglalakbay, akma


ang kuweba ng Sumaguing.” Ano ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit na
salita sa pangungusap?
A. mahirap
B. malalim
C. malapit
D. malayo

14
3. “Kailangang dumaan sa masisikip na lagusan at suungin ang malamig na
tubig.” Ano ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit na salita sa
pangungusap?
A. danasin
B. harapin
C. labanan
D. iwasan

4. Ano ang bansag sa Sagada, Mountain Province?


A. Kaman-utek
B. Burol ng Malboro
C. Kuweba ng Sumaguing
D. Ang Pinakaiingatang Lihim ng Norte

5. Ilan ang naitalang turista noong 2019 na dumayo sa Sagada?


A. Humigit kumulang 180,000
B. Humigit kumulang 190,000
C. Humigit kumulang 200,000
D. Humigit kumulang 210,000

6. Alin sa sumusunod ang nabanggit na maaaring puntahan ng mga turista sa


Sagada?
A. Burol ng Malboro
B. Kaman-utek
C. Kuweba ng Sumaguing
D. Lahat ng nabanggit

7. Mula sa binasa, angkop pa ba ang bansag sa Sagada na “Ang Pinakaiingatang


Lihim ng Norte”? Bakit?
A. Hindi, dahil mga magigiliw na residente ng lugar.
B. Hindi, dahil sa dami ng turista na dumadayo rito taon-taon.
C. Oo, dahil hindi na lihim ang ganda nito sa mga turista.
D. Oo, dahil hindi na lihim ang napakayamang tradisyon ng lugar.

8. Bakit inilahad na sagad sa ganda ang Sagada?


A. Dahil sa napakayamang tradisyon nito.
B. Dahil sa mga residenteng napakamagigiliw.
C. Dahil sa likas na yaman at kagandahan ng lugar.
D. Dahil sa mayamang paniniwala ng mga residente.

9. Alin sa sumusunod ang dapat ihanda sa pagpunta ng Sagada?


I. Tubig at pagkain.
II. Dyaket para sa malamig na panahon.
III. Mga gamot at supply sa kaligtasan.
IV. Kumportable at makapit na sapin sa paa para sa kuweba ng Sumaguing.

A. I at II
B. I, II at III
C. I at III
D. I, II, III at IV

15
10. Bilang turista, paano mo mapapahalagahan at maiingatan ang likas na yaman
ng Sagada?
A. Irespeto ang kultura ng lugar.
B. Maging magiliw sa mga residente.
C. Mga yapak lamang ang iwan at huwag mga basura.
D. Itagong sikreto ito upang maiwasan ang mapang-abusong turista.

PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo
___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
tekstong may Ang mag-aaral ay nasa HANDA NANG
250-300 salita at mababang antas ng Antas sa MAGPATULOY SA
nasasagot nang Lokal na Materyal. SUSUNOD NA ANTAS.
tama ang pito o
higit pang tanong
mula sa
sampung
katanungan?

16
Functional Literacy Assessment Tool
KEY STAGE 3: BAITANG 7

ANTAS 8: AKADEMIKONG
TEKSTO

Sa antas na ito, ang mag-aaral ay inaasahang mababasa nang wasto ang tesktong
may 250-300 salita nang walang kamaliang hihigit sa 7-10 salita.

BAGO ANG PAGTATASA

1. Ilahad ang maikling paliwanag sa pagbasa ng akademikong teksto upang mapukaw


ang iskemang kaalaman ukol sa teksto.
2. Ibigay ang babasahing akademikong teksto sa mag-aaral.

HABANG NAGTATASA

1. Hayaan ang mag-aaral na basahin nang malakas ang akademikong teksto.


2. Sa unang pagkakataon, habang binabasa ng mag-aaral ang akademikong
teksto, ilista ang bilang ng mga salitang mali ang pagbasa ng mag-aaral gamit
ang talahanayan sa ibaba:
Kabuoang
Maling
Pagkakaltas Pagpapalit Pagsisingit Pag-uulit Paglilipat Pagbabaliktad Blg. ng
Bigkas
Kamalian

Akademikong Teksto:

BIONOTE

Si Hazel Ann S. Negranza ay kasalukuyang nagtuturo sa San Fernando South


Central Integrated School sa lungsod San Fernando, probinsiya ng La Union.
Natapos niya ang kaniyang Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon medyor sa
Filipino taong 2017 sa Kolehiyo ng San Luis. Sa parehong paaralan din nakuha ni
Gng. Negranza ang kaniyang Master ng Sining sa Edukasyon medyor sa Filipino at
nakamit ang titulong “cum laude” sa taong 2021.

Sa apat na taon niyang pagbibigay serbisyo sa Departamento ng Edukasyon,


siya ay nagtuturo ng asignaturang Filipino bilang Guro III partikular na sa baitang 7.
Kaugnay nito, siya rin ang Filipino koordineytor ng naturang paaralan.

17
Siya ang nangunguna sa paglinang ng kakayahan ng kaniyang mga mag-aaral
sa pagbabasa sa Filipino sa pamamagitan ng iba’t ibang programa tulad ng “Tulong
Dunong sa Pagbasa” at “Katoto’t Kakosa Kaagapay sa Pagbasa.” Ang mga
programa ay nabuo sa tulong ng kaniyang kapwa guro at suporta ng kaniyang
punong-guro. Ito ay naglalayong malinang ang lumalaking suliranin sa pagbasa at
pag-unawa ng mga mag-aaral sa Filipino. Bukod sa nabanggit, naging tagapagsalita
at tagapangasiwa na rin ng ilang mga palihan sa kanilang dibisyon sa pagtataguyod
sa pagpapayabong sa kaisipan ng mga mag-aaral ng wika at panitikang Filipino.
Nabigyan din siya ng pagkakataong maging tagapagsanay para sa Licensure
Examination for Teachers (LET) upang humubog sa mga nangangarap na maging
lisensyadong guro.

Bilang isang baguhang guro, patuloy niyang nililinang at nagpapakadalubhasa


sa kaniyang pinili at sinumpaang larangan bilang tagapagtaguyod ng wikang Filipino
at tagapagmulat ng kaalaman sa mga mag-aaral.

PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo
___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
tesktong may Ang mag-aaral ay nasa HANDA NANG
250-350 salita mababang antas ng Antas sa MAGPATULOY SA
nang walang Akademikong Teksto. SUSUNOD NA ANTAS.
kamaliang hihigit
sa 7-10 salita?

18
Functional Literacy Assessment Tool

KEY STAGE 3: BAITANG 7

ANTAS 9: AKADEMIKONG
TEKSTO NA MAY
KOMPREHENSIYON

Sa antas na ito, may kakayahan na ang mambabasa na basahin ang akademikong


teksto na binubuo ng 250-300 salita at masagutan ang lima o higit pa mula sa
sampung katanungan.

BAGO ANG PAGTATASA

1. Ilahad sa mag-aaral ang mga tanong sa pang-unawa.


2. Ibigay ang panuto kung paano sagutin ang mga katanungan.

HABANG NAGTATASA

1. Mahalagang ipaalala sa mag-aaral na maaaring ulitin nang ilang beses ang


pagbabasa ng teksto.
2. Bigyan ng sapat na oras ang mag-aaral sa pagsagot sa mga katanungan.
3. Maaaring uliting basahin ang mga katanungan.

Akademikong Teksto

(Sumangguni sa Tekstong ginamit sa Antas 8 bilang babasahing materyal)

Mga Tanong sa Pang-unawa

1. Ayon sa pangungusap na “Nabigyan din siya ng pagkakataong maging


tagapagsanay para sa Licensure Examination for Teachers (LET) upang
humubog sa mga nangangarap na maging lisensyadong guro,” ano ang
kahulugan ng salitang nasalungguhitan?
A. bumuo
B. gumawa
C. isaayos
D. tumulong

2. Ayon sa pangungususap na “Patuloy niyang nililinang at nagpapakadalubhasa


sa kaniyang pinili at sinumpaang larangan bilang tagapagtaguyod ng wikang
Filipino,” ano ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit na salita?
A. tagapaggabay
B. tagapangasiwa
C. tagapanguna
D. tagapagsilbi

19
3. Ayon sa pangungususap na “Ang mga programa ay naglalayong malinang ang
lumalaking suliranin sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral sa Filipino,”
ano ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit na salita?
A. nagnanais
B. nagsasagawa
C. nangangasiwa
D. nangunguna

4. Ano-anong programa ang pinapangunahan ni Gng. Negranza sa kanilang


paaralan upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa?
A. Pagpapaunlad sa Pagbasa
B. Tulong Dunong sa Pagbasa
C. Katoto’t Kakosa Kaagapay sa Pagbasa
D. Titik B at C

5. Saang paaralan nagtuturo si Gng. Negranza sa kasalukuyan?


A. Kolehiyo ng San Luis
B. South Central Integrated School
C. Lungsod San Fernando, probinsya ng La Union
D. San Fernando South Central Integrated School

6. Ilang taon nagtuturo si Gng. Negranza sa Departamento ng Edukasyon?


A. 3
B. 4
C. 5
D. 6

7. Ano ang dahilan ng binuong programa para sa mga mag-aaral?


A. Kagustuhan ng guro
B. Kahinaan ng mga mag-aral sa pagbabasa
C. Dahil sa suporta ng kaniyang punong-guro
D. Dahil sa pagtulong ng kaniyang kapwa guro

8. Mula sa binasang bionote, ano ang pinakamagandang dulot sa pagkuha nang


mataas na antas ng edukasyon?
A. Para sa ikauunlad ng pamilya
B. Para sa pansariling pangangailangan
C. Makapagbibigay ng pansariling pagkilala
D. Makatutulong sa mga iba pang indibiduwal

9. Alin sa sumusunod ang HINDI dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Bionote?


A. Kawastuhan at katapatan ng mga impormasyon.
B. Gawing mahaba at matalinhaga ang paglalahad.
C. Nakatuon lamang sa angkop na larangan ang impormasyon.
D. Ilagay sa pinakaunang bahagi ang pinakamahalagang impormasyon.

10. Ano ang pagkakaiba ng bionote sa talambuhay?


A. Ang talambuhay ay siksik at maikli habang ang bionote ay may kahabaan
B. Ang talambuhay ay matalinhagang ipinapahayag habang bionote ay hindi.

20
C. Ang bionote ay nakatuon sa karanasang propesyunal habang ang
talambuhay ay mas detalyado na nakapokus sa personal na buhay ng tao.
D. Ang bionote ay mas detalyado na nakapokus sa personal na buhay habang
ang talambuhay ay nakatuon sa karanasang propesyunal ng tao.

PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo
___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. NATAMO NG MAG-AARAL
akademikong Ang mag-aaral ay nasa ANG PINAKAMATAAS NA
teksto na mababang antas ng Antas sa ANTAS.
binubuo ng 250- Akademikong Teksto na may
300 salita at Komprehensiyon.
masagutan ang
pito o higit pa
mula sa
sampung
katanungan?

Ipaliwanag sa mag-aaral na nakamit niya ang


pinakamataas na antas ng pang-unawa. Hikayatin ang iyong
mag-aaral na ipagpatuloy ang pagbabasa upang mas lalo
pang mahasa ang kaniyang kasanayan. Huwag kalimutang
pasalamatan ang mag-aaral sa kaniyang kooperasyon at
partisipasyon sa buong proseso ng pagtatasa. Maraming
Salamat sa iyong dedikasyon sa pagsasagawa ng pagtatasa
gamit ang FLAT. Maaari ka ng magpatuloy sa paghahanda
ng mga kailangang ipasang ulat ukol sa isinagawang
pagtatasa.

21

You might also like