CalSciHS-IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO - MANALOTO

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO 7
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Itiman ang bilog ng letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

Para sa bilang 1-2: Piliin sa ibaba ang kasingkahulugan ng salitang initiman sa bawat pangungusap. Piliin ang
titik ng tamang sagot.
A. nakasabit B. nakapatong C. umaakit D. nakaririndi

1. Isang koronang gawa sa palara ang nakaputong sa ulo ng babae.

2. Ang kaniyang boses ay nagtataglay ng kapangyarihang bumabalani sa pandinig.

3. Bumagsak sa pagsusulit si Maria. Hindi niya ito sinabi sa kanyang magulang pero napagtanto niya na mali
ang kanyang ginawa. Ano ang kahulugan ng salitang napagtanto batay sa kapangkat nito sa ibaba?
I. natamo II. nalaman III. natuklasan IV. nahinuha V. nakamtan

A. I, II, at III C. II, III, at IV


B. I, IV, at V D. II, IV, at V

4. Ito ang pagpipigil sa mga nais gawin. Alin ang HINDI kabilang sa sumusunoda na salita batay sa
pagkahulugan ng pangungusap?
A. sagabal B. hangarin C. hadlang D. harang

5. Alin sa sumusunod na lipon ng mga salita ang tamang pagpapangkat batay sa pagkahulugan nito?
A. kapuspalad, mariwasa, dukha, C. makatulad, patas, pantay,
B. kapanalig, kasangga, kakampi D. mataas, matayago, matangkad

6. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang denotatibong pagpapakahulugan?


A. Ang bulaklak ay bahagi ng halaman
B. Napukaw-pansin ng mga kalalakihan nang dumaan sa kanilang harapan ang isang magandang
bulaklak.
C. Ang mga halaman at puno ay dapat nating panglagaan sapagkat malaki ang naitutulong nito sa mga
tao.
D. Tuwing Araw ng mga Puso, ang mga kababaihan ay nakatatanggap ng mga bulaklak.

7. Napakasuwerte ng bata sapagkat siya ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Ano ang
konotatibong kahulugan ang salitang gintong kutsara?
A. kutsrang gawa sa ginto C. taong mayaman
B. ginagamit sa pagkain D. sagana sa mga biyaya

8. “Noong unang panahon, sa pampang ng Laguna de Bay ay may nanirahang isang mahirap na
mangingisda at ang kaniyang pamilya. Maagang namatay ang asawa ng mangingisda kaya’t siya na ang
nag-isang nagpalaki sa dalawang anak nilang babae na sina Mangita at Larina.” Alin sa mga sumusunod
ang nagpapahiwatig ng panimula sa binasang talata?
A. Noong unang panahon C. sa pampang ng Laguna de Bay
B. Maagang namatay ang asawa D. Isang araw

9. “Walang ano-ano’y, biglang nagbagong anyo ang matanda at naging diwata at pinatawan ng parusa ang
malupit na si Larina.” Saang bahagi pagpapahayag ng akda ang mga salitang “Walang ano-ano’y”?
A. panimula B. gitna C. wakas D. wala sa nabanggit

10. Sa sumusunod na mga pangungusap, alin ang nagpapakita ng pagpapahayag ng wakas?


A. Kasunod ng pagkamatay ng ama ng magkapatid, nagkasakit nang malubha si Mangita dahil sa
sobrang pagtatrabaho para sa ikabubuhay nilang magkapatid.
B. Subalit ikaw ay masama kaya mula ngayon, luluhod ka nang walang hanggan sa ilalim ng lawa at
magsuklay.
C. Sa malayong bayan ng Laguna, may dalawang magkapatid na kilala sa taglay nilang kagandahan.
D. Mula noon, si Mangita ay nasadlak sa kaawa-awang kalagayan.

Para sa bilang 11-14: Punan ng angkop na pahayag para sa simula, gitna, at wakas ang mga patlang upang
mabuo ang diwa ng talata. Piliin sa kahon ang titik ng tamang sagot.
A. Gayundin B. Kasunod C.Una D. Sa huli
Sa simula pa lamang ay makikita na ang kaibahan ng magkapatid na Mangita at Larina.
11. ______________ nilang ipinagkaiba ang kulay ng kanilang balat; kayumangging kaligatan si Mangita at
maputi naman si Larina. 12. ______________ nilang ipinagkaiba ang kanilang ugali. Si Mangita ay mabait at
mapagbigay, samantalang si Larina ay ubod ng tamad at malupit. 13.______________, nagkaiba rin sila sa
mga bagay na nais nilang gawin. Si Mangita ay madalas tumulong sa ama sa gawain samantalang si Larina
ay mas gustong magsuklay ng kaniyang buhok at walang sawang tingnan ang sarili sa lawa.
14.______________ ay nakita kung sino sa dalawa ang tunay na maganda at karapat-dapat na tumanggap
ng parangal.

15. Ang sumusunod na mga pahayag ay may panandang anaporik MALIBAN sa isa.
A. Si Miriam Defensor Santiago ay nagsulong ng bagong batas para sa mga senior citizen. Siya ay may
malasakit sa kapwa.
B. Mapalad ang mga anak na nag-aalaga sa kanilang mga magulang. Sila ay dapat na tuluran.
C. Ang kanilang “uban” ay nagpapakita ng talino. Ito ang ebidensiya ng maraming taon ng karanasan sa
buhay.
D. Sila ay handang mag-alaga sa matatanda sa bansa. Ang pamahalaan ang gagawa ng tungkulin
npamilyang hindi nila magagampanan.

16. Alin naman sa sumusunod na mga pahayag ang may ginamit panandang katapork?.
A. Dumarami na rin sila na nasa below poverty level o sobrang hirap na hirap sa buhay. Kaya marami
sa mga senior citizen ang napababayaan, inaabandona, o inaabuso.
B. Itatayo ang Office of the Elderly o Office of the Aging kung ganap na magiging batas. Ito ang bubuo
ng mga programa para sa kalusugan at kapakanan ng matatanda sa bansa.
C. Ang pamahalaan ay handang mag-alaga sa matatanda sa bansa. Ito ay gagawa ng tungkulin ng
pamilyang hindi nila magagampanan.
D. May mga ahensiya ang gagawa ng tungkulin ng pamilyang hindi nila magagampanan. Sila ay
handang mangalaga sa matatanda sa bansa.

17. “Ang diwata ay si Mariang Sinukuan. Siya ay isang mabait at makatarungang diwata at mayroon siyang
hukuman na naging sagisag ng katarungan at pag-ibig.” Anong panadang ginamit sa pahayag?
A. denotatibo B. konotatibo C. anaporik D. kataporik

Para sa bilang 18-20: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga siping pahayag mula sa iba’t
ibang kuwento. Punan ang patlang ng angkop na panghalip upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

18. “Sa simula ay dumating ang matandang kubang pipilay-pilay sa isang pagkakataon na hindi inaasahan.
Hindi ________ pansin kundi lamang nadagil ng mga katutubong nagkakatuwaan sa paghabol ng iaalay
na baboy para sa idaraos na Cañao.”
A. ito B. siya C. niya D. ikaw

19. “Sa hilagang-silangang bahagi ng Cagayan ay may dalawang batong hawig sa babae at lalaki. Tinatawag
nila ______ Lakay-Lakay o matandang lalaki at Baket-Baket o matandang babae.”
A.silang B. itong C. siyang D.kaming

20. “Ang nais ng mga diyos ay matulungan ang mga tao. Sa ganitong kalagayan, maligaya ang mga tao. Wala
_____ gagawin kung hindi humingi at agad namang ipagkakaloob saa kanila.
A.silang B. itong C. nilang D.niyang

Para sa bilang 21-22: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga siping pahayag. Punan ang
patlang ng angkop na pangngalan upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

21. Ang mga _________________ ang unang binakunahan sapagkat sila ang unang-unang nanganganib
mahawa sa COVID 19.
A.guro B. kabataan C. matatanda D.frontliners

22. Mahalagang maipagpatuloy ang _________________sapagkat ito ang susi na magpapalaya sa atin sa
kamangmangan at kahirapan
A.trabaho B. pangarap C. paaralan D.edukasyon

23. Alin sa mga pahayag ang totoong naglalarawan sa palaisipan?


A. Akdang patula, manukso C. Babala, pampublikong sasakyan
B. Anyong patula, pampatalas ng isipan D. Di-pahulaan, binigkas ng patula
24. Tinatawag ang simpleng pagpapakahulugan o mga paalalang maaaring matagpuan sa mga pampublikong
sasakyanlin?
A. Tugmang de Gulong C. Palaisipan
B. Tulang Panudyo D. Bugtong

25. “Makikilala mo ang pasaherong mabait, sa kilos ng kamay, at buka ng bibig,” anong uri ng kaalamang-
bayan ang pahayag na ito?
A. Tugmang de Gulong C. Palaisipan
B. Tulang Panudyo D. Bugtong

Para sa bilang 26-29: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Pagkatapos, suriin kung ito ay tulang
panudyo, tugmang de gulong at palaisipan. Piliin ang titik sa loob ng kahon.

A. Bugtong B. Palaisipan C. Tugmang de Gulong D. Tulang Panudyo

26. Batang makulit, palaging sumisisitsit, sa kamay mapipitpit.


27. Sitsit ay sa aso, katok ay sa pinto, sambitin ang “para” sa tabi, tayo’y hihinto.
28. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
29. Paano mo ilalagay o isusuot ang sinulid sa butas ng karayom sa likod ng iyong batok?

Para sa bilang 30-31: Suriin ang katangian ng mga akda, Piliin kung ito ay kuwentong-bayan, alamat,
mito o maikling kuwento.

A. alamat B. kuwentong-bayan C. maikling kuwento D. mito

30. Paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay (narito sa amin ang tambakan ng basura ng siyuda);
dito siya nakakukuha ng makakain, magagamit, o maipagbibili.
(halaw sa “Si Pinkaw” ni Isabelo S. Sobrevego)

31. Masayang ibinalita niya sa Imam ang panganganak ng asawa at maagang na inimbita ito para sa
seremonyang dapat isagawa para sa isang bagong silang na anak ng Muslim.
(halaw sa “Pagislam”)

32. Noong unang panahon, wala pang lupa. Ang makikita lamang ay ang Langit, Karagatan at isang tila-ibon
na nilalang. Ang Ibon ay lumilipad sa pagitan ng Langit at Karagatan. Dahil wala siyang madapuan,
napagpasyahan niyang pag-awayin ang dalawang nilalang.
(halaw sa “Ang Kwento ng Pagbuo sa Pilipinas”)
Para sa bilang 33-34: Mula sa kuwentong ““Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao.” Tukuyin kung anong
elemento ng akda o bahagi ng banghay ang isinasaad sa mga pangungusap na nasa ibaba. Piliin sa kahon
ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

A. kasukdulan B. saglit na kasiglahan C. simula D. wakas

33. Bumuhos ang ulan at ang puno ay nabuwal. Bumagsak ang mahiwagang kahoy. Umugoy ang mga sanga
ng mga kalapit na puno ng pino.

34. Biglang may isang halamang tumubo na puno ng ginto at dinumog ito ng mga tao. Sila’y nag-aagawan,
nagtutulakan, nagsasakitan, nagsisipaan at nagkababalian ng buto habang tinataga, tinatapyas, at binali-
bali ang puno.

35. Isang araw ay inihayag ni Abing, pinuno mo tribo, na magkarooon ng marangyang pagdiriwang dahil sa
higit na masaganang ani. Anong katangian ang isinasaad ng pahayag mula sa kuwentong “Ang Sayaw ng
Mandirigma?”
A. Kapupulutan ng aral C. Pinagmulan ng mga bagay-bagay
B. Paniniwala sa diyos at diyosa D. Paniniwala sa mga ritwal, kultura, at tradisyon
36. Sa huli, ang panalangin ng mga tao ay naglalakbay muna ng napakalayo bago marinig ng mga diyos at ito
ay ipagkakaloob sa kanila. Anong katangian ang isinasaad ng pahayag mula sa kuwentong “Ang Sayaw
ng Mandirigma?”
A. Kapupulutan ng aral C. Pinagmulan ng mga bagay-bagay
B. Paniniwala sa diyos at diyosa D. Paniniwala sa mga ritwal, kultura, at tradisyon

Para sa bilang 37-43: Basahin at unawaing mabuti ang akda.

Ang Mga Katangiang Hinahanap ko sa Isang Kaibigan

Ang bawat isa sa atin ay may natatanging kaibigan. Ito’y nakakagalak sa ating buhay, nagpapasya sa
atin kapag tayo’y nalulungkot. Matatakbohan mo at tutulong pag may problema tayo nagbibigay ng mga
payo. Minsa’y maituturing na mas higit pa sa kapatid ang isang kaibigan.

Ang gusto ko sa isang kaibigan ay tapat at matulungin hindi lamang sa katuwaan. Ito’y maghikayat sa
akin tungo sa tamang landas at gagabay sa kabutihan sa tamang kaugalian. At magbibigayan ano man
mayroon sa isa’t-isa. At ibahagi ang ating talento sa mga kaibigan makatututlong sa kabuhayan ang bawat
isa ay may asinso sa buhay.
Mula sa Millionmiler.com

37. Tungkol saan ang paksa ng akda?


A. Paghahanap ng katangian ng isang kaibigan.
B. Huwag iasa sa gobyerno ang ating problema.
C. Pagtutulungan ng magkakaibigan sa mga problema.
D. Kaibigan na matatakbuhan sa oras ng pangangailangan.

38. Anong paksa ang unang talata?


A. Ang bawat isa sa atin ay may natatanging kaibigan.
B. Minsa’y maituturing na mas higit pa sa kapatid ang isang kaibigan.
C. Matatakbohan mo at tutulong pag may problema tayo nagbibigay ng mga payo.
D. Ito’y nakakagalak sa ating buhay, nagpapasya sa atin kapag tayo’y nalulungkot.

39. Ano naman ang paksa sa pangalawang talata?


A. At magbibigayan ano man mayroon sa isa’t-isa.
B. Ang gusto ko sa isang kaibigan ay tapat at matulungin hindi lamang sa katuwaan.
C. Ito’y maghikayat sa akin tungo sa tamang landas at gagabay sa kabutihan sa tamang kaugalian.
D. At ibahagi ang ating talento sa mga kaibigan makatututlong sa kabuhayan ang bawat isa ay may
asinso sa buhay.

Para sa bilang 40-43: Basahin at unawain ang talata.


Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng masamang
nakaugalian: nagdaraan ang isang karwaheng maningning na hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y
nagpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan. Datapwa’y marahil naman ay isang
magnanakaw; marahil sa ilalim ng kanyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay
natatago ang isang pusong sukaban.
Mula sa akdang Ang Ningning At Ang Liwanag ni Emilio Jacinto

40. Ang sumusunod na pahayag mula sa teksto ay pangunahing kaisipan MALIBAN sa isa.
A. Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning.
B. Tayo’y nagpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan.
C. Sa katunayan ng masamang nakaugalian: nagdaraan ang isang karwaheng maningning na hinihila
ng kabayong matulin.
D. Datapwa’y marahil naman ay isang magnanakaw; marahil sa ilalim ng kanyang ipinatatanghal na
kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang isang pusong sukaban.

41. Ano ang pangunahing paksa ng talata?


A. Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning.
B. Tayo’y nagpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan.
C. Sa katunayan ng masamang nakaugalian: nagdaraan ang isang karwaheng maningning na hinihila
ng kabayong matulin.
D. Datapwa’y marahil naman ay isang magnanakaw; marahil sa ilalim ng kanyang ipinatatanghal na
kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang isang pusong sukaban.

42. Sa pahayag na Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning, ano ang pinakaangkop
na paliwanag sa bahaging nabasang teksto?
A. Madalas na nabubulag ang mga Pilipino sa ningning at nakaliligtaang makilala at makita kung ano
ang totoo at kung ano ang tama.
B. Bilang isang tao, dapat lamang na sikaping mamuhay sa liwanag at ilantad ang mga gawa ng
kasinungalingan at kapalaluan.
C. Madalas na hinahangad ng mga tao ang mga bagay na hindi kinakilangan para lamang maipakita sa
iba na kaya nilang bumili ng mga bagay na ito.
D. Likas na sa ugali ng tao na naaakit sa mga materyal na bagay na nasa kaniyang paligid. Bago niya
gawin ang lahat upang makamit ito, iniisip niya kung ito ba ay kailangan o kagustuhan lamang.

43. Alin ang dapat piliin ng isang tao, liwanag o ningning? Bakit?
A. Ang dapat piliin ay liwanag upang madali kang makikita at makikilala ng tao.
B. Ang dapat piliin ay ningning dahil ito ang magdadala ng karangyaan sa isang tao.
C. Ang dapat piliin ay ningning dahil ito ang magiging daan upang tingalain ng lahat ng tao
D. Ang dapat piliin ay liwanag dahil ito ang magtuturo kung ang isang bagay ay nakabubuti o
nakasasama..

Para sa bilang 44-50: Basahin at unawaing mabuti ang sipi ng dulang pantelebisyon. Basahing mabuti ang
sumusunod na pahayag sa bawat bilang.

Eksena
Balik sa pagpupulong
Costales: (nagtanong) Paano ang aming mga negosyo? Kapag nakipaglaban kami, babagsak ang
ekonomiya. Paano namin mapapakain ang aming pamilya?
Luna: (nagalit) Negosyo o kalayaan? Bayan o sarili? Pumili ka?
Hindi alam na makasagot si Costales
Luna: Kilala kita, kasali ka sa Gobyerno Sibil ng Kastila, at nang malagay na sa panganib ang Espanya,
lumipat ka agad ng bakod. Ngayon tayo naman ang nasa panganib, makikisiping ka na ba sa bandila
ng Amerika?
Nagtawanan ang lahat
Paterno: (hindi na makapagtempi) Magtigil ka nga! Lahat tayo’y may interes! Tao lamang tayo.
Luna: Paano ninyo nasisikmurang mag-usap sa negosyo kung ang alipin tayo sa sarili nating bayan?
Paterno: (Sumagot sa tanong ni Luna) Minamahal ko rin ang ating bayan.
Nagalit si Luna kaya nakapagsalita ng hindi maganda.
Aguinaldo: (Mahinahong nagsalita para humupa ang pagtatalo) Sa ngayon kakampi natin ang Amerika.
Nangako sila sa akin sa Hong Kong.
Luna: (tumayo sa pagkakaupo) Gagawin nila ang lahat maunahan lang ang ibang bansa may pagnanasa
sa Pilipinas.
Mula sa pelikulang “Heneral Luna” 2015

44. Ang pangunahing tauhan sa akda ay si Heneral Luna. Anong sangkap ng dulang pampelikula ang
isinasaad ng pahayag?
A. Diyalogo C. Nilalaman
B. Tauhan D. Tunog

45. Pinagsama-sama ng direktor ang lahat mga tauhan, gamitan, tunog at iba pa para makabuo ng isang
magandang palabas ng Heneral Luna. Anong namang sangkap ng dulang pampelikula ang isinasaad ng
pahayag?
A. Disenyong Pamproduksyon C. Nilalaman
B. Direksyon D. Sinematograpiya

46. Bakit nasabi ni Heneral Luna ang katagang ito “Negosyo o kalayaan? Bayan o sarili? Pumili ka?”
A. Ipinapakita sa katagang ito na kawalan ng pagmamahal sa bayan.
B. Ipinapakita sa katangang ito na huwag tangkilikin ang sariling gawa natin.
C. Ipinakita sa katagang ito na mas paramihin ang mga negosyo ng mga dayuhan sa ating bansa.
D. Ipinapikata sa katagang ito na okay lang masakop ng mga Amerikano, mailigtas lamang ang sarili.

47. Anong isyung Palipunan ang ipinapahayag ng akda?


A. Ang pananakop ng Amerikano ang suliranin ng akda.
B. Kawala ng karapatang ipahayag ang sariling saloobin o ideya.
C. Ang mga Pilipino ay alinpin o sunud-sunuran sa mga Amerikano.
D. Korapsyon sa bansa, kawalang ng pagmamahal sa bayan, at pang-aabuso sa kapangyarihan.

48. Paano binago ni Heneral Luna ang kasaysayan ng ating bansa ayon sa akda?
A. Nagkaroon ng kolonial mentalty ang mga Pilipino.
B. Nakalaya ang mga Pilipino sa pananakop ng Amerika
C. Maging isang matapang na pinuno o lider ng isang bansa.
D. Kamalayan at maunawaan natin ang mga nangyayari hindi maganda sa ating bansa

49. Ano ang pinatunyan ng bidang si Heneral Luna?


A. Magakaroon ng katapatan sa ating bansa.
B. Huwag magpapaalipin sa mga mananakop.
C. Pumili ng lider na may pusong makabansa.
D. Maging mabusisi sa mga ginagawa ng mga Amerikano.

50. Ano ang kabuoang mensahe ng akda?


A. Tangkilin ang sariling atin.
B. Ipagmalaki ang bansang Pilipinas.
C. Mahalin, ipagtanggol, at magkaroon ng katapatan sa ating bansa.
D. Pumli ng isang lider na kayang ipagtanggol sa mananakop ang ating bansa.

SUSI NG PAGWAWASTO
Ikatlong Markahan sa Filipino 7

1. B 16. A 31. B 46. A


2. C 17. C 32. D 47. D
3. C 18. B 33. A 48. D
4. B 19. B 34. B 49. A
5. A 20. A 35. D 50. C
6. A 21. D 36. B
7. C 22. D 37. A
8. A 23. B 38. A
9. B 24. A 39. D
10. D 25. A 40. A
11. C 26. D 41. A
12. B 27. C 42. B
13. A 28. A 43. D
14. D 29. B 44. B
15. D 30. C 45. B

Inihanda ni:
Christopher J. Manaloto
Caloocan City Science High School

You might also like