Bakit Isinulat Ni Rizal Ang Noli Me Tangere

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Bakit nga ba naisulat ni Rizal ang nobelang Noli Me Tangere?

Inumpisahan ni Jose Rizal ang pakikipaglaban sa mga dayuhang Espanyol na noon ay sumakop sa
Pilipinas sa pamamagitan ng kaniyang panulat.

Ginamit niya ang kaniyang talino at pagkamalikhain upang makasulat ng isang nobelang magpapakita ng
baluktot na paghahari ng mga Espanyol sa bansa—ang Noli Me Tangere.

Ginawa niya ang kanyang nobelang Noli Me Tangere bilang salamin ng lipunan noong panahong iyon.

Bawat tauhan at pangyayari ay mayroong simbolismo na kumakatawan sa mapang-aping gawi ng mga


dayuhan lalo na ang mga prayle mula sa simbahan.

Ang Noli Me Tangere ay isinulat ni Dr. JoseRizal para maipakita at maipamulat sa mga Pilipino ang mga
pang-aabusong ginawa ng mga pari noongpanahon ng mga kastila. Ang akdang ito ni Rizal ay

Nangangahulugang “Touch Me Not” sa Ingles at “WagMo akong Salingin” sa Filipino. Ang titulo ng
nobelang ito ay repleksyon ni Rizal sa mga pangyayari sa

Ating lipunan noong panahong nasakop tayo ng mga dayuhan.

Paano nakaapekto at nakatulong ang akdang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal?

Nagising at namulat din ang ilang mga Pilipino sa pang-aabuso na ginagawa nang mga Kastilang prayle sa
kanila. Maraming mga Pilipino ang naging matapang at nahikayat na itigil ang mga pang-aabuso at
pananakit na ginagawa nang mga Kastila sa mga kapwa Pilipino nila.

Masasabi natin na ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang gumising at nagbigay lakas sa ibang mga
Pilipino at dahil din sa dalawang libro na ito ay naliwanagan ang mga Pilipino sa mga pagbabago at
reporma na kailangan at dapat gawin nang mga Kastila. Naliwanagan din sila sa pagtatapos na dapat
mangyari sa mga pang-aabuso at pananakit na ginagawa nang mga Kastila.

Hanggang sa kasalukuyang pahanon, tayong mga Pilipino lalo na ang mga estudyante ay tinatalakay pa
rin ang buhay ni Rizal pati na rin ang kaniyang mga akda. Hindi man natin napapansin ngunit ang mga
naiambag ni Jose Rizal ay may naibigay sa ating mga aral bilang mga Pilipino. Isa sa mga aral na ito ay ang
pagiging makabayan.

You might also like