Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Kaya naman sa importanteng araw na ito, huwag nating kalimutang handugan ng taos-

pusong pasasalamat ang mga tao sa likod ng ating tagumpay. Alam naming hindi sapat
ang salitang salamat para sa inyong mga sakripisyo para sa amin. Sa aming punong guro
at mga guro na patuloy na nagprint at namamahagi ng mga modules, walang sawang
nagchachat sa bawat mag-aaral upang mangumusta, magbigay ng mga intructions, at
hintayin ang aming mga outputs maraming salamat po. Sa aming mga magulang na hindi
alintana ang pagod para maibigay ang aming mga pangangailangan sa pag-aaral
gayundin ang pagkuha at pagsasauli ng aming mga modules at sa walang sawang
pasuporta, para sa inyo po ang tagumpay na ito. Sa aking mga kapwa magsisipagtapos,
salamat sa dalawang taon ng pagtutulungan, kasiyahan, at sama samang pagharap sa
mga pagsubok ng pag-aaral. At higit sa lahat sa Panginoon sa patuloy na paggabay at
pag-iingat sa lahat ng pagkakataon, ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Iyo. Ang
tangi lamang naming maisusukli ay ang pangakong kami’y hindi titigil sa pag-abot sa
aming mga pangarap at balang araw ay makabalik sa aming Inang Paaralan at suklian
ang mga panahong kami’y kanyang hinubog at binigyan ng maraming karunungan.
Sabay-sabay nating harapin ang bagong yugto patungo sa ating mga pangarap
gamit ang makalidad ng edukasyon na lalong pinatatag at patuloy na patatatagin sa gitna
ng pandemya.
Mabuhay po tayong lahat at maraming salamat.

You might also like