Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Hindi naging hadlang ang pagkakaroon ng pandemya upang maisakatuparan natin ang

ating mga pangarap. Kahit ang huling taon ng ating pag-aaral sa minamahal nating
paaralan ay sumailalim sa malaking pagbabago sa larangan ng edukasyon, patuloy pa
rin tayong nagsikhay upang maabot at marating ang araw na ito.
Hindi naman lingid sa atin na ang edukasyon ang pinakanaapektuhan sa
pagkakaroon ng pandemya. Kaya nga nakilala natin ang Modular Distance Learning dahil
sa pandemya. Hindi man tayo naging handa sa ganitong sistema sinikap at kinaya natin
na makaabot sa araw na ito,
Alam ko po na ang bawat isa sa atin ay talagang nabigla dahil sa bagong sistema
ng pag-aaral. Hindi man madali ang modular-distance learning lalo na sa mga mag-aaral,
gayundin sa mga guro at mga magulang, nakakahanga dahil sa kabila ng hirap at
maraming sakripisyo ay napagtagumpayan pa rin natin ito at ngayong araw ay ating
nasaksihan ang bunga ng ating pagtitiyaga at pagsusumikap.

You might also like