Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XIII – CARAGA
SCHOOLS DIVISION OF BUTUAN CITY

WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEETS


Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Quarter 3 Week 4

Mga Isyung Moral Tungkol Sa Buhay

Pangalan: ________________________________ Taon at Pangkat: ____________


Guro sa EsP:______________________________ Petsa:________________________

Layunin:
1. Ang pagbuo ng posisyon tungkol sa mga isyu sa buhay bilang kaloob
ng Diyos ay kailangan upang mapatibay ang ating pagkilala sa
Kaniyang kadakilaan at kapangyarihan at kahalagahan ng tao bilang
nilalang ng Diyos (EsP10PB-IIId-10.3 )
2. Nakabubuo ng mapapanindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa
paglabag sa paggalang sa buhay ayon sa moral na batayan (EsP10PB-
IIId-10.4 )

Bahaging Oras: Dalawang oras


Mga Susing Konsepto:

• Bawat isa sa atin ay biniyayaan ng Diyos ng Kalayaan na mamili at


mamuno sa ating paghusga, gawi, at kilos.
• Ang kilos-loob ang nagdadala sa atin na piliin ang mabuti, magkaroon
ng disiplina sa sarili, pagtibayin ang mga unibersal na katotohanan, at
panatilihin ang pagsasagawa nito ng paulit-ulit.
• Dahil sa ating isip at kilos-loob, inaasahan na tayo ay makabubuo at
makagagawa ng isang mabuti at matalinong posisyon sa kabila ng iba’t
ibang isyu na umiiral sa ating lipunan.
• Ang buhay na ipinagkaloob sa tao ay itinuturing na banal o sagrado.
• Ang isang tao ay hindi maaaring gumawa at mag-ambag sa lipunan
kung wala siyang buhay. Dapat muna siyang isilang upang mapaunlad
ang kaniyang sarili at makapaglingkod sa kapuwa, pamayanan, at
bansa. (De Torre, 1992)
• Bagama’t may kalayaan tayong mabuhay at pumili ng landas na ating
tatahakin habang tayo ay nabubuhay, hindi bahagi nito ang pagsira o
pagkitil sa sariling buhay o ng ibang tao sakaling napagod tayo at
nawalan na ng pag-asa.
• Tungkulin natin bilang tao na pangalagaan, ingatan, at palaguin ang
sariling buhay at ng ating kapuwa.

Gawain 1: Pagsusuri
Kagamitan: Bolpen
Panuto: Suriin ang mga sitwasyon at sagutin ng buong puso
ang mga katanungan. Isulat ang mga kasagutan sa ibaba.

A. Isang ina na limang buwang buntis na nagdadalang-tao ang


nagkaroon ng malubhang sakit. Sa pagsusuri ng mga doctor,
nalaman niya na kailangang alisin ang kaniyang bahay-bata
ngunit maaari itong magresulta sa pagkamatay ng sanggol sa
kaniyang sinapupunan. Kung hindi naman ito isasagawa,
maaaring magdulot ito ng mga komplikasyon at malagay sa
panganib ang kaniyang buhay. Ano ang nararapat niyang gawin
sa sitwasyon na ito? Nararapat ba siyang bigyan ng pagkakataon
na sagipin ang kaniyang sarili kahit maaari itong maging dahilan
ng pagkamatay ng kaniyang anak? Maituturing ba itong isang
halimbawa ng aborsiyon? Pangatwiran ang iyong sagot.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

B. Inalok ka ng iyong malalapit na kaibigan na sumama sa kanila


at subuking gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Ano ang iyong
gagawin? Paano mo sila kukumbinsihin na huwag nang ituloy
ang kanilang gagawin? Paano mo ipaliliwanag sa kanila na ito ay
isang paglabag sa kasagraduhan ng buhay?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Gawain 2: Ang Aking Pananaw!


Kagamitan: Bolpen, pangkulay at “long bondpaper”
Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba. Ibigay ang iyong
mapanindigang posisyon tungkol sa isyu sa pamamagitan ng isang
SLOGAN. Gawin ito ng may kalinisan, kulay at disenyo.
Masalimuot ang buhay ayon kay Michael. Hindi siya nabigyan ng pagkakataon
na makilala ang kaniyang totoong ama. Ang kaniyang ina naman ay nasa
bilangguan dahil nasangkot sa isang kaso. Napilitang makitira si Michael sa
kamag-anak upang maipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. Ngunit hindi
naging madali para sa kaniya ang makisama sa mga ito. Isang araw, lumapit
ang isang kakilala at inalok siyang subukan ang shabu, isang uri ng
ipinagbabawal na gamot. Sa una ay nag-aalangan pa siya ngunit kalaunan ay
pumayag din siya. Ito na ang simula ng kaniyang pagkalulong sa droga.
Naniniwala si Michael na ito ang pinakamainam na paraan upang makaiwas
sa mga suliranin niya sa buhay.

RUBRIK SA PAGGAWA NG SLOGAN NAKUHANG


Pamantayan PUNTOS PUNTOS
Sapat at akma ang nilalaman ng slogan.
15
Maayos, organisado at kalinisan ang pagkasulat.
10

Wasto ang pagbaybay at gramatika. 5

Kabuuang Puntos 30

Note: Huwag magtala ng iskor sa kolum ng Nakuhang Puntos.

Pagninilay
Kagamitan: Bolpen
Panuto: Isulat ang mga mahahalagang repleksiyong nakuha mula sa aralin
sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong: Isulat
ang sagot sa kabilang kahon.

1. Bakit sinasabing ang


buhay ng tao ay higit
na sagrado kaysa sa
iba pang uri ng
buhay?

2. Bilang isang
kabataan, paano mo
mapapanatili ang
kasagraduhan ng
buhay?
Sanggunian:
Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Gabay ng Mag-aaral, Modyul 13 – Mga Isyung
Moral Tungkol Sa Buhay, Unang Edisyon 2015, pahina 254 -278.

Inihanda ni: Nera B. Bocala


School/Station: Tungao National High School
Division: Butuan City
Email address: nera.bocala@deped.gov.ph

Mga Tagasuri:

1. Amelita M. Aquino, SSHT-V

2. Lilibeth Y. Bunghanoy, MT-I

3. Delia L. Royo, SST-III

4. Chi-a T. Sumanoy, SST-III

Address: Rosal Street, Brgy. Dagohoy, 8600 Butuan City, Philippines


Telephone No.: (085) 341-0022
Email: depedbutuan.it@gmail.com
Website: depedbutuancity.wordpress.com

You might also like