Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MAS MATAAS NA ANTAS NG

EDUKASYON AT LAGPAS PA

I. Pangkalahatang Ideya (Overview)

Wikang Filipino ang tanikalang nag-uugnay sa mga tao sa mahigit na pitong libong
isla sa Pilipinas. Kinakatawan nito ang kultura at kabihasnan na minana natin sa mga
ninuno at patuloy nating isasalin sa ating susunod na salinlahi. Ito ang wikang magiging
kakampi sa pakikibaka sa usapin ng istandardisasyon at internalisasyon. Kung lilingunin
natin ang kasaysayan , masasabi na hindi naging madali ang mga pinagdadaanan ng
Wikang Filipino upang makamtan ang rekognisyon ng pang-internasyunal na komunidad
at maging sa ating mga kapawa Pilipino.

II. Nilalayon ng mga Layunin ng Pagkatuto (Intended Learning Objectives)


Sa pagkumpleto ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Naipaliliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontekstwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa;
B. Nabibigyang-halaga ang wikang Filipino sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga
Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan,
C. Nakabubuo ng timechart ng mga pangyayari sa kasaysayan sa pagkahirang ng wikang
pambansa.

III. Paunang Gawain (Topic Opener)

1. Ano ang mahalagang gampanin ng pamahalaan sa pagpapalaganap at


pagpapaunlad ng Wikang Pambansa?
_________________________________________________________________

2. Paano nakatutulong sa pagpapaunlad ng indibidwal ang paggamit ng Wikang


Filipino sa iba’t ibang larangan?
_________________________________________________________________

3. Ano ang kalagayan ng Wikang Filipino batay sa iyong karanasan?


_________________________________________________________________
FILIPINO SA MATAAS NA EDUKASYON

Bahagi ng patuloy na paglinang ng Filipino ang mga gawaing isinasakatuparan sa


mga paaralan na maituturing na bahagi ng kumokontrol o makapangyarihang
larang/domeyn. Para kay Almario (2008), Punong Komisyoner (2013) ng KWF, mas
mabuting magsimula sa itaas-pababa. Ang aksyon ay nararapat na magmula sa
kolehiyo/unibersidad. Sinasabi pa niya na mabilis ang paglaganap ng anumang wika
mula sa sentro ng karunungan tungo sa mababang antas. Nabibilang sa
makapangyarihang domeyn o larang pangwika ang kolehiyo/unibersidad o mataas na
antas ng komunikasyon. Inilalahad pa rin ni Almario (2008) na may suliranin sa nabanggit
na domeyn. Ang mga suliraning ito ay pagtanggap at pagpapatanggap. Hindi nagtitiwala
ang karamihan at hindi sila naniniwalang kailangan ang Filipino sa kapakanan ng
larangan ng lalong mas Mataas na Edukasyon /Higher Education Institution (HEI).

TERSARYA
(kolehiyo/unibersidad)

SEKONDARYA
(Junior at Senior High School)
(

ELEMENTARYA

Ganito ang hinarap na hamon ng Filipino sa kolehiyo. Dumating ang taong 2013
nang ilabas ang CMO No.3 na tungkol sa bagong General Education Curriculum, walang
tiyak na kurso sa Filipino.

Sa halip, nagpasabi na maaaring ituro sa Filipino o Ingles bilang mga midyum ng


pagtuturo ang inilahad na kurso. Inilipat umano ang mga asignatura tungong Senior High
School.

MGA KURSO SA GENERAL EDUCATION


ASIGNATURANG FILIPINO SA SENIOR SA KOLEHIYO NA MAARING ITURO SA
HIGH SCHOOL FILIPINO AT INGLES
(MAGKAHIWALAY/MAGKAIBA)

 Komunikasyon at Pananaliksik  Understanding the Self/ Pag-


sa Wika at Kulturang Filipino unawa sa Sarili
 Readings in Philippine/ Mga
Babasahin Hinggil sa Kasaysayan
ng Pilipinas
 The Contemporary World/
Kasalukuyang Daigdig
 Mathematics in the Modern
 Pagbabasa at Pagsusuri ng World/ Matematika sa
Iba’t ibang Teksto Tungo sa Makabagong Daigdig
Pananaliksik  Purposive Communication/
Malayuning Komunikasyon
 Art Appreciation/ Pagpapahalaga
sa Sining
 Science , Technology and
Society/ Agham, Teknolohiya at
 Pagsulat sa Iba’t ibang Lipunan
Larangan  Ethics/ Etika
 The Life and Works of Rizal/ Ang
Buhay at mga Akda ni Rizal

Magkaiba ang karanasan sa paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa


isinusulong na magkaroon ng kursong Filipino sa Mataas na Edukasyon.

Midyum sa Isang
FILIPINO Disiplina
Pagtuturo

Sa pananaliksik ni San Juan (2015) sa mga prospectus sa mga unibersidad sa


maraming bansa ng Europeo , sa Estados Unidos at sa Timog-Silangang Asya at iba
pa, bahagi ng General Education Curriculum (GEC) o ng katumbas nito, ang pag-aaral
ng wikang pambansa bilang isang disiplina at salamin ng pambansang kaakuhan.
ANG FILIPINO SA KOLEHIYO AT UNIBERSIDAD

Dating Kurso sa Filipino Mga Bagong Kurso sa Filipino


(mula sa mungkahi ng Tanggol Wika)
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa
Komunikasyon sa Akademikong Filipino Filipino
(KOMFIL)
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Filipino sa Iba’t ibang Disiplina
Pananaliksik (FILDIS)
Dalumat ng/sa Filipino
Masining na Pagpapahayag (DALUMAT-FIL)
Iba ito sa dating kurso
Sosyedad at Literatura/Panitikang
Philippine Literature of the Region Panlipunan
(SOSLIT)
Iba ito sa dating kurso
Sinesosyed/ Pelikulang Panlipunan
Master Works of the World (SINESOS)
Iba ito sa dating kurso

Hindi naman maitatanggi na inaaral din bilang kurso ang Filipino sa mga
banyagang bansa. Sa pananaliksik ni San Juan (2015), itinala niya ang mga institusyong
akademiko sa labas ng bansa na nagtuturo ng Wikang Pambansa. Nagmula ang tala mula
sa pagsusuri sa mga website ng mga kolehiyo at unibersidad. Sa bilang, may
dalawampung (20) institusyon ang nagtuturo ng Filipino bilang required sa Core Courses,
sampung (10) paaralan sa High School at humigit kumulang na limampung (50) iba pang
institusyon na nagtuturo rin ng Philippine Studies.

Narito ang ilang mga tala:

Kolehiyo/ Unibersidad na Iba pang Kolehiyo/


nagtuturo ng Filipino bilang Institusyon sa Sekundarya Unibersidad na nagtuturo ng
bahagi ng kakailanganing na nagtuturo ng Filipino Filipino at Philippine Studies
Core Courses
- Princeton University - Bahrain - University of Hawaii –
- Illinois State - China Manoa
University - East Timor - University of
- California State - Greece Michigan
University - Kuwait - Osaka University
- Columbia State - Libya - Kyoto University
University - Oman - Sorbonne University
- University of Alabama - Qatar (France)
- Yale University - Kingdom of Saudi - University of
- Harvard University Arabia Mebourne
- Washington State - United Arab Emirates - University of
University Pennsylvania
- University of - University of
Michigan Washington
- Beijing University

SULYAP SA KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Panahon ng Kastila

Espanyol- ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo.

Panahon ng Amerikano

Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas , sa simula ay dalawang wika ang
ginamit ng mga bagong mananakop sa mga kautusan at proklamasyon, Ingles at
Espanyol. Sa kalaunan, napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal. Dumami
na ang natutong magbasa at magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging tanging
wikang panturo batay sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899.

Noong 1935, halos lahat ng kautusan, proklamasyon at mga batas ay nasa wikang
Ingles na. (Boras-Vega 2010). Ngunit sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa
kalayaan, ginamit na ng mga katipunero ang wikang Tagalog sa mga opisyal na
kasulatan. Sa Konstitusyong Probisyonal ng Biak-na-Bato noong 1897, itinadhanang
Tagalog ang opisyal na wika.

Marso 24, 1934 - pinagtibay ni Pangulong Franklein D. Roosevelt ng Estados Unidos ang
Batas Tydings –McDuffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas
matapos ang sampung taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt.

Pebrero 8, 1935 – “Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at


pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika”. (Artikulo XIV, Seksyon 3)

Oktubre 27, 1936- Itinagubilin ng Pangulong Manuel Louis M. Quezon sa kanyang


mensahe sa Asemblea Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na
gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas , sa layuning makapag-
unlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral.

Nobyembre 13, 1936- Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184
na lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa , at itinakda ang mga kapangyarihan at
tungkulin niyon.

Tungkulin ng SWP:

1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong Pilpino


man lamang;
2. Paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing dayalekto;
3. Pagsusuri at pagtiyak sa fonetika at ortograpiyang Pilipino;
4. Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa na dapat
umaayon sa (a) ang pinakamaunlad at mayaman sa panitikan at (b) ang wikang
tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino.

Enero 12, 1937 – Hinirang ng Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo
ng Surian ng Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksiyon 1, Batas Komonwelt
Blg. 184, sa pagkakasusog ng Batas Komonwelt Blg. 333.

Listahan ng mga nahirang


Jaime C. Veyra Visayang Samar Tagapangulo
Cecilio Lopez Tagalog Kalihim at Punong
Tagapagpaganap
Santiago A. Fonacier Ilokano Kagawad
Filemon Sotto Visayang Cebu Kagawad
Felix S. Rodriquez Visayang Hiligaynon Kagawad
Casamiro F. Perfecto Bikol Kagawad
Hadji Butu Muslim Kagawad
Lope K. Santos Tagalog Kagawad
Jose Zulueta Pangasinan Kagawad
Zoilo Hilario Kapampangan Kagawad
Isidro Abad Visayang Cebu Kagawad

Nobyembre 9, 1937 - Bunga ng ginawang pag-aaral at alinsunod sa tadhana ng Batas


Komonwelt Blg. 184, ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon
na roo’y ipinahahayag na ang Tagalog ang siyang halos lubos na nakatutugon sa mga
hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184 kung kaya’t itinagubilin niyon sa Pangulo ng
Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang pambansa.
Disyembre 30,1937 – Inilabas ng Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
134 na nagsasabing ang wikang pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog. Ito ang
ginawang saligan ng Wikang Pambansa sa dahilang ito’y nahahawig sa maraming wikain
sa bansa. Sa madaling salita’y hindi magiging mahirap ang Tagalog sa mga taong di-
tagalog dahil kahawaig ito ng lahat ng wika ng Pilipino sa ganitong ayos:

16.60% sa Kapampangan
48.2% sa Cebuano
46.6% sa Hiligaynon
49.5% sa Bikol
31.3% sa Ilokano
9-10 libong salitang magkakatulad at magkakahawig sa bigkas, baybay at kahulugan sa
pangunahing wika natin.

Abril 1, 1940 – Inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263. Ipinag-utos nito ang
pagpapalimbag ng Tagalog-English Vocabulary at isang gramatika na pinamagatang Ang
Balarila ng Wikang Pambansa. DIto ay ipinag-utos din ang pagtuturo ng wikang
pambansa sa lahat ng paaralang pampubliko at pribado sa bansa.

Panahon ng Hapon “Gintong Panahon ng Tagalog”

Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo
ang isang grupong tinatawag na “purista”. Sila ang mga nagnanais na gawing Tagalog na
mismo ang wikang pambansa at hindi na batayan lamang. Malaking tulong ang nagawa
ng pananakop ng mga Hapon sa kilusang nabanggit.

Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, ang Pangasiwaang Hapon ang nag-utos na
baguhin ang probisyon sa konstitusyon at gawing Tagalog ang Pambansang Wika. Sa
layunin ng mga Hapon na burahin sa mga Pilipino ang anumang kaisipang pang-
Amerikano at mawala ang impluwensya ng mga ito, Tagalog ang kanilang itinaguyod.
Nang panahong iyon, Niponggo at Tagalog ang naging mga opisyal na wika. Pinasigla ng
Pamahalaang Hapon ang Panitikang nakasulat sa Tagalog. Maraming manunulat sa
wikang Ingles ang gumamit ng Tagalog sa kanilang mga tula, maikling kuwento, nobela at
iba pa.

Sa Panahon ng Pagsasarili

Hulyo 7, 1940 – pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagtatakdang wikang
opisyal na ang Pambansang Wika (Tagalog). Nang matapos ang digmaan, ilang taon ding
hindi napagtuunan ng panahon ang pagpapalaganap sa Wikang Pambansa hanggang sa
mailuklok bilang pangulo ng bansa si Ramon Magsaysay.

Marso 26, 1954 – nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 12 na
nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29
hanggang Abril 4 taon-taon, sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa na
kung saan napapaloob sa panahong ito ang pagdiriwang ng Araw ni Balagtas (Abril 2).

Setyembre 23, 1955 – nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186
na nagsususog sa Proklama Blg 12 serye ng 1954, na sa pamamagitan nito’y inililipat ang
panahon ng pagdiriwang ng lingo ng Wikang Pambansa taon-taon simula Agosto 13
hanggang 19. (Bilang paggunita sa kaarawan ni Manuel Quezon (Agosto 19) na kinikilala
bilang “Ama ng Wikang Pambansa”.

Agosto 13, 1959 – inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na “kailanma’t tutukuyin ang Wikang
Pambansa, ang salitang Pilipino ang siyang gagamitin.

Oktubre 24, 1967 – naglagda ang Pangulong Marcos ng isang Kautusang


Tagapagpaganap Blg. 96 na nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edipisyon at tanggapan
ng pamahalaan ay pangangalanan na sa Pilipino.

Marso 27, 1968 – inilabas ni Kalihim Tagapagpaganao Rafael M. Salas ang Memorandum
Sirkular Blg. 172 na nag-aatas na ang lahat ng letterhead ng mga tanggapan, kagawaran
at sangay ng pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino kalakip ang kaukulang teksto
sa Ingles. Iniutos din ng Sirkular na ang pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga
pinuno at empleyado ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.

Hulyo 21, 1978 – nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel ang
Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum
na pandalubhasang antas/kolehiyo. Magkakaroon ng anim na yunit ng Pilipino sa lahat
ng kurso, maliban sa kursong pang-edukasyon na dapat kumuha ng labindalawang (12)
yunit.

Sa Kasalukuyang Panahon

Pebrero 2, 1987 – pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV,


Seksyon 6-7 nasasaad ang mga sumusunod:

Seksyon 6 - ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay


dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika.
Seksyon 7 - ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal
ng pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles.

1987 – pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon ,


Kultura at Palakasan ang Kautusan Blg. 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang
wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa
patakarang edukasyong bilinggwal.

1996 – pinalabas ng Commission on Higher Education (CHED) ang Memorandum Blg. 59


na nagtatadhana ng siyam (9) na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang
edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining
ng Pakikipagtalastasan ), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina ) at
Filipino 3 (Retorika).

Hulyo 1997 – nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg.
1041 na nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang
Filipino at nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/ tanggapan ng pamahalaan at sa mga
paaralan na magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.

Tagalog- katutubong Wikang pinagbatayan ng Pambansang Wika ng Pilipinas (1935)

Pilipino- unang tawag sa Pambansang Wika ng Pilipinas (1959)

Filipino- kasalukuyang tawag sa Pambansang Wika ng Pilipinas, Lingua Franca ng mga


Pilipino at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987)

MGA BATAYAN SA PAGTUTURO NG WIKANG PAMBANSA

BE Circular No. 71, s. 1939  Ipinag-utos nang noo’y Kalihim Jorge Bocobo ng
Paturuang Bayan na gamitin ang mga katutubong
diyalekto bilang mga pantulong na wikang panturo sa
primary simula taong panuruan 1939-1940.

Kautusang Tagapagpaganap  Noong Abril 1, 1940 ay nilagdaan ng Pangulong Quezon


Blg. 263 ang kautusan at dito ay ipinag-utos ang pagtuturo ng
wikang pambansa sa lahat ng paaralang pampubliko at
pribado sa bansa. Nag-aatas din ito ng paglilimbag ng
Tagalog- English Vocabulary at isang gramatika na
pinamagatang “Ang Balarila ng Wikang Pambansa”.
Bulitin BLg. 26, s. 1940  Naglalaman ng pagmumungkahing magsama ng isang
pitak o seksiyon sa Wikang Pambansa sa lahat ng
pahayagang pampaaralan upang mapasigla ang pag-
aaral ng wikang pambansa sa mataas na paaralan, mga
paaralang normal at tekniko na nilagdaan ng Direktor
ng Pagtuturo na si Celedonio Salvador.

Executive Order No. 10  Noong Nobyembre 30, 1943, nagpalabas si Jose P.


Laurel ng Executive Order Blg. 10 na nagsasaad na ang
wikang pambansa ay ituturo sa lahat ng mataas na
paaralang pampubliko at pampribado, kolehiyo at
unibersidad na agad magkakabisa simula taong
panuruan 1944-1945.

Memorandum  Ipinalabas ng Kagawaran ng Edukasyon na nagtatakda


Pangkagawaran Blg. 6, s. ng tentatibong kurikulum sa elementarya. Sa kurikulum
1945 na ito, ang wikang pambansa ay binibigyan ng araw-
araw na pagkaklase, 15 minuto sa primary at 30 minuto
sa intermedia.

Kautusang Pangkagawaran  Noong Hunyo 19, 1974, ang Kagawaran ng Edukasyon


Blg. 25 at Kultura ay naglagda ng mga panuntunan sa
pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal.
Ayon sa panuntunang ito, binibigyan ng katuturang
magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang
mga panturo sa mga tiyak na asignatura , sa pasubaling
gagamitin ang Arabic sa mga lugar na ito ay
kinakailangan.

Kautusang Pangkagawaran  Simula sa taong panuruan 1979-1980, isasama sa


Blg. 50, s. 1975 kurikulum ang lahat ng mga institusyong tersiyarya ang
anim (6) na yunit ng Pilipino.

Kautusang Pangkagawaran  Ang Filipino at Ingles ay gagamiting mga midyum sa


Blg. 52, s. 1987 pagtuturo.

CHED Memorandum Order  Siyam (9) na yunit ang inilaan sa Filipino at siyam na
(CMO) No. 59, s. 1996 yunit din sa Ingles.

CHED Memorandum Order  Siyam (9) na yunit ng Filipino ang kukunin sa


(CMO) No. 04, s. 1997 programang Humanities, Social Science at
Communication (HUSOCOM) at anim (6) naman sa DI-
HUSOCOM.

Kautusang Pangkagawaran  Ang Filipino at Ingles ang mananatiling mga wika sa


Blg. 60, s. 2008 pagtuturo at ang mga lokal na wika ay gagamitin bilang
pantulong na wika ng pagtuturo para sa pormal na
edukasyon at para sa alternatibong sistema ng
pagkatuto.

Kautusang Pangkagawaran  Ito ay may pamagat na Institutionalizing Mother


Blg. 74, s. 2009 Toungue-Based Multilingual Education (MTBMLE). Sa
kautusang ito, unang wika ang gagamiting wikang
panturo para sa pangunahing literasiya.

CHED Menorandum Order  Dahil sa pagbabago ng sistema ng edukasyon, sa


(CMO) No. 20, s. 2013 seksyon 3 ng kautusang ito, ang General Education
Curriculum (GEC) ay bumaba sa tatlumpu’t anim (36) na
yunit at inalis ang Pilipino bilang asignatura. Ang
General Education
Curriculum (GEC) ay maaaring ituro sa wikang Ingles o
Filipino.
 Ayon kay Contreras (2014), sa mga pamantasan sa
ngayon, may mga tunggaliang nangyayari na dulot ng
kontrobersyal na kautuasan mula sa Commission on
Higher Education (CHED), ang CMO 20, na kung saan
nawala sa mga kursong ipakukuha sa lahat ng mag-
aaral sa Kolehiyo ang wika, bagama’t ginawang opsyon
na ituro ang lahat ng mga kurso sa bagong GE sa
Filipino.

CHED Memorandum Order  Ito ay kautusang pagdaragdag ng asignaturang Filipino


(CMO) No. 57, s. 2017 sa lahat ng kurso sa kolehiyo bilang bahagi ng General
Education Curriculum (GEC).
ANG PAGTATAGUYOD SA WIKANG FILIPINO SA KASALUKUYAN

Sapagkat pinapatay ng CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, s. 2013 ang
wika at asignaturang Filipino, maraming mga organisasyon , mga institusyon o samahan
at at maging kagawaran ng pamahalaan ang nagpahayag ng kanilang pagtutol sa
nasabing kautusan.

Ayon sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyong 1987:

“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay


dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba
pang mga wika”.

Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF)


- samahan ng mga propesor, guro, mag-aaral, manunulat at
mananaliksik na may malasakit at interes sa pagtuturo ng/sa wika, sa
layuning mapaunlad at mapalaganap ang wikang Filipino, sa
pagmumungkahi na palawakin pa ang saklaw ng Filipinisasyon ng
wikang panturo sa kolehiyo sa pamamagitan ng mandatory na
paggamit nito sa 12 yunit sa bagong General Education Curriculum.

Tanggol Wika o Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino


- isang organisasyon na nabuo noong 2014 na binubuo ng mga
dalubhasa sa wika, dalubguro, manunulat at mga mag-aaral bilang
tugon sa pagbabalak na pagpatay ng wikang Filipino- ang pambansang
wika- at iba pang asignaturang mahalaga sa pagkakakilanlan ng mga
Pilipino batay sa implementasyon ng CMO 20.

Sa petisyon ng Tanggol Wika, layunin nito ang mga sumusunod:

1. Panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa bagong GEC sa kolehiyo;


2. Kumilos tungo sa pagrerebisa ng CMO 20;
3. Gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura , at;
4. Isulong ang makabayang edukasyon.
IV. Pagsusuri (Self- Check Test)
Basahin at suriin ang mga sumusunod na resolusyon, petisyon at introduksiyon ng
mga kilalang institusyon, samahan at indibidwal tungkol sa wika at edukasyon.
Gumawa ng sariling pagtalakay at pagsusuri. Isulat sa sagutang papel.
A. Filipino, ang Pambansang Wikang Dapat Ipaglaban
B. Posisyong Papel ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino
(PSLLF) kaugnay ng Filipino sa Kolehiyo.
C. Petisyon sa Korte Suprema ng Tanggol Wika.

V. Pagtiyak sa Kaalaman (Evaluation)

Gawain Blg. 1. Gamit ang Timetable, isulat sa kahon ang mga mahahalagang pangyayari
batay sa isinasaad ng taon.

Gawain Blg. 2.

1. Ano-ano ang mga benepisyo ng mga Lalong Mas Mataas na Edukasyon/ Higher
Education Institution (HEI) sa Wikang Pambansa?
________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga suliraning makahaharap sa pagpapalakas ng Wikang Pambansa sa mga


Lalong Mas Mataas na Edukasyon/ Higher Education Institution (HEI)?
________________________________________________________________________
3. Paano palalakasin sa larangan ng edukasyon at nang lampas pa ang Wikang Pambansa?
________________________________________________________________________
4. Paano nakatutulong ang Wikang Filipino sa pagpapaunlad ng bansa?
________________________________________________________________________

5. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang Wikang Pambansa sa paghubog ng kamalayang


Pilipino?
________________________________________________________________________

You might also like