Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Rey Rafael G.

Varquez 11 - Banzon

Panahon ng Propaganda

“Puso ko ay duguan pero ako ay nagtagumpay.” Iyan ang mga salitang pwedeng
sabihin ng mga tao na nabuhay noong Panahon ng Propaganda. Himagsikan!
Ipinaglaban ang karapatan ng bawat Pilipino na naninirahan sa kanilang sariling bayan.
Ang pang-aapi ng mga dayuhang Espanyol ay kinakailangang tigwasin para tayong
lahat ay mabuhay ng maayos. Mga cedula ay pinunit para mapalabas talaga nila ang
pagtutol nila sa mapang-abusong paraan ng pamamahala ng mga Espanyol. Tayong
mga Pilipino ay nagkaisa para sa ating kinabukasan na puno ng kalayaan. Ang wikang
Tagalog ay itinakwil ng mga Espanyol kasi gusto nila itong mapalitan ng wikang
Espanyol. Ngunit sila ay nabigo dahil talagang hindi ito madaling gawin sa ating bansa.
Hindi lang ang dahilan na ang bansa natin ay puno ng mga isla, kundi tayong lahat ay
lumalaban para sa ating karapatan bilang isang mamamayan sa ating bansa. Espada,
papel, tinta at baril, mga ginamit noong tayoy naghimaksikan. Hindi man nakakasakit
ang paggamit ng Papel at Tinta, pero si Gat Jose Rizal ang gumising sa ating lahat
gamit ang kanyang pagsusulat.

Ang pagiging matatag ng mga Pilipino sa Panahon ng Propaganda ay malaki


talaga ang tulong sa kasalukuyan ng Pilipas nating mahal ngayon. Dahil sa isang
magaling na manunulat na si Gat Jose Rizal o si José Protacio Rizal Mercado y Alonso
Realonda ay napukaw ang lahat ng pag-iisip ng mga Pilipino ukol sa mga Espanyol.
Tayo noon ay naging matibaw at malakas para lang maipaglaban natin ang ating
kalayaan sa mga nakadudustang gawain ng mga Espanyol. Ang wikang Filipino noon
ay hindi na masyadong nagagamit dahil pinwersa tayo ng mga Kastila na gamitan ang
wika ng mga Kastila. Ngunit dahil sa pagbabago ng pag-iisip ng mga Pilipino ay ninais
natin itong balikin dahil ito ang wika ng ating basa. Pero kahit na ano pa ang gawin ng
mga Espanyol ay hindi parin ito nila naisakatuparan dahil ang Pilipinas ay puno ng
watak na watak na mga isla. Ang wikang pambansang Filipino ay naririto ngayon dahil
sa pakikipaglaban ng ating mga ninuno noong Panahon ng mga Espanyol. Itinakwil nila
ang mga Kastila dahil sa pang-aabuso nila sa mga kapwa Pilipino.

Kung hindi dahil kay Gat Jose Rizal ay hindi naging isang matapang na lider si
Andres Bonifacio. Ginising ni Gat Jose Rizal ang bawat Pilipino sa pamamagitan ng
pagsusulat ng isang nobela na ukol sa mga mapang-abusong ginagawa ng mga
Espanyol sa ating mga kapwa Pilipino. Ito ang “Noli Me Tangere’ at “El Filibusterismo”.
Itinatag ni Andres Bonifacio ang “Katipunan” para lumaban sa mga Kastila na
naninirahan sa ating bansa. Ginusto ng mga “katipunero” na makawala sa mga
mapang-abusong ginagawa ng mga Espanyol katulad ng pagbibigay ng maliilit na mga
suweldo. Dahil sa napa-alis ng mga Pinoy ang mga Kastila, tayong lahat ay hindi na
naging isang alipin. Para sa akin ay mahalaga talaga itong panahon na ito dahil sa
panahong ito naisabi ni Gat Jose Rizal “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika
ay higit sa hayop at malansang isda.” Mabuhay ang wikang Filipino! MABUHAY!!!

You might also like