Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Kasaysayan ng Pilipinas

Araling Panlipunan – Ika-Anim na Baitang


Ikatlong Markahan – Modyul 4: Parity Rights at ang Ugnayang Kalakalan sa
Esatados Unidos
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Nerissa M. Enriquez
Editor:
Tagasuri: Ferdinand P. Apostle/
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 6
Ikatlong Markahan
Modyul 4 para sa Sariling Pagkatuto
Parity Rights at Ugnayang Kalakalan sa
Estados Unidos
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan aqng
Modyul para sa araling Parity Rights at Ugnayang Kalakalan sa Estados Unidos !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 6, ang Modyul ukol sa Parity


Rights at ang Ugnayang Kalakalan sa Estados Unidos !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Ang mga bagay na narito ay sarilinang pag-aaral sa Araling
Panlipunan 6. Ang lahat ng mga pagsasanay at gawain nakalakip dito ay
makatutulong sa iyo upang ikaw ay umunlad at matuto ng tungkol sa:
Parity Rights at ang Ugnayang Kalakalan sa Estados Unidos

PAUNANG PAGSUBOK

Sabihin kung FACT o BLUFF ang isinasaad ng bawat isang pangungusap o


impormasyon.

1. Nagwakas ang digmaan sa pagitan ng mga Hapones at mga


Amerikano noong September 2, 1945.
2. Ang unang lungsod sa bansang Hapon na binomba ng mga
Amerikano upang sumuko lamang ang mga Hapones ay ang
Hiroshima.
3. Ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1954.
4. Si Heneral Tomoyuki Yamashita ang namuno sa mga sundalong
Hapon sa Maynila.
5. Ang tawag sa Pamahalaang itinatag noong panahon ng mga Hapon
ay Puppet Government

BALIK-ARAL
Tinalakay natin ang tungkol sa implikasyon ng ugnayan ng mga Pilipino-
Amerikano tungkol sa kasarinlan ng bansa. Naging malubha ang suliraning
pangkabuhayan noong panahong iyon dahil kontrolado pa rin ng mga Amerikano
ang kalakalang panloob ng bansa. Tanging ang Estados Unidos lamang ang
umunlad ang kabuhayan
ARALIN

(Paalala: Talakayin ang paksa/kasanayang pampagkatuto sa abahaging ito)

Ang larawang ito ay


nagpapakita ng
magandang ugnayan
sa pagitan ng Pilipinas
at estados Unidos.

https://manilatoday.net/pagninilay-nilay-sa-pagkakaibigang-pilipinas-at-us-o-ang-araw-na-
ginugunita-natin-tuwing-hulyo-4/

Ano ang sinisimbulo ng larawang ito?

Ano ang kinalaman nito sa ating aralin?

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nag-iwan ng malaking


suliranin sa bansa. Pinilit ng pamahalaan na bigyan ito ng solusyon subalit
ang kakulangan sa pondo ang naging balakid sa mabilis na pagbangon
mula sa pinsala ng digmaan. Ito ay nagdulot sa pagpasok ng Pilipinas sa
mga kasunduang hindi maganda o paborable para sa bansa.
Upang makalikom ng pondo na gagamitin ng administrasyon ni Pang.
Manuel Roxas para sa rehabilitasyon at rekonstruksyon, kailangang
amyendahan ang Saligang Batas ng 1935. Ito ay upang maisakatuparan ang
parity rights na nagbibigay ng karapatan sa mga Pilipino at Amerikano sa
paglinang ng likas na yaman at pagmamay-ari ng public utilities ng
Pilipinas. Nakapaloob ito sa Batas Bell o Philippine Trade Act, 1946.

Philippine Trade Act 1946


(Bell Trade Act, Parity Rights)
Layunin nitong maibangon ang bagsak na ekonomiya ng bansa.
Ano ang kahulugan ng Bell Trade Act? Parity Rights?

Alamin Natin!

Bell Trade Act of 1946 o Philippine Trade Act


Ang aktong ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidosna ipinanukala ni
Congressman C. Jasper Bell na naglalatag ng mga kondisyon para sa mga
kaugnayang pang-ekonomiya sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa
pagkakamit ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos na nangyari
noong 4 Hulyo 1946.
Sa mga sang-ayon sa Philippine Trade Act, isang magandang simula ito
para sa bansa dahil binubuksan nito ang malaking oportunidad na muling
itaguyod ang ekonomiya sa pamamagitan ng mahusay na ugnayang
pangkalakalan ng Pilipinas at United States. Ngunit ito ay naging malaking
isyu ang pag-apruba sa Philippine Trade Act.
Batay sa itinatadhana ng Bell Trade Act, ang malayang kalakalan sa
pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ay tatagal pa hanggang 1954. Ang
lahat ng produktong Pilipino na papasok sa Estados Unidos ay papatawan
ng 5% buwis taon-taon hanggang umabot ng 100% hanggang taon 1974.
samantalang ang kanilang produkto ay hindi papatawan ng buwis at
malayang makakapasok sa bansa. Ilan lamang ito sa hindi pantay na
patakaran na itinadhana ng Bell Trade Act.
Marami ang hindi sang-ayon dahil sa pagkakaloob sa mga Amerikano
ng pantay na karapatang gamitin, linangin at paunlarin ang likas na
yaman ng Pilipinas. Tinawag ito bilang “Parity Rights”. Bukod dito,
Ipinahayag ng U.S. na hindi maipagkakaloob ang halaga para sa bayad
pinsala nang walang kasunduang pangkalakalan na tulad ng Bell Trade Act.

https://philippinesreport.com/duterte-gustong-lumaya-ang-
pilipinas-sa-amerika/

Mabuting Epekto ng Parity Rights

Umunlad ang agrikultura ng bansa

Umunlad ang kabuhayan


ng Pilipinas

https://mgaproduktongrehiyon.blogspot.com/?
view=magazine
Naisaayos ang
imprastruktura
Para sa maayos na
pangangalakal
maayos na pangangalakal

https://xiaochua.net/2012/12/26/xiaotime-26-
december-2012-ang-pasko-ng-mga-bayani-sa-
kasaysayan

Naging matibay ang


ugnayang
Pilipinas at Estados
Unidos lalo
na sa pangkabuhayan.
https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search

Nagkaroon ng hanapbuhay ang mga


Pilipino.

https://xiaochua.net/2013/04/24/xiao-time-24-april-2013-
fernando-amorsolo-ang-grand-old-man-of-philippine-art/

Di-Mabuting Epekto ng Parity Rights

• Natali ang ekonomiya ng Pilipinas sa pakikipagkalakalan sa Estados


Unidos lamang.
• Dumagsa ang mga produktong Amerikano sa Pilipinas nang itatag
ang industriya.
• Mas tinangkilik ng mga Pilipino ang mga produktong yari sa Estados
Unidos. Kaya nabuo ang Isip-Kolonyal sa mga Pilipino.
• Higit na binigyang pansin ang mga produktong kailangan ng Estados
Unidos gaya ng niyog, asukal, tabako at abaka dahilan kaya
napabayaan ang ibang produktong agrikultural ng bansa
Sagutin ang mga tanong.
1. Paano mo ilalarawan ang kalagayan ng Pilipinas matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
2. Ano ang kailangang gawin upang maibangon ang Pilipinas?
3. Makatwiran ba ang itinatadhana ng Bell Trade Act?
4. Pabor ka ba sa Parity Rights? Ipaliwanag.
5. Ibigay ang di-mabuting epekto nito.

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay Blg. 1:
Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot upang mabuo ang mga
pangungusap.
1. Ang batas na nagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at
Amerikano na gamitin ang likas na yaman ng bansa ay ________.
2. Ang Batas Bell ay hango sa pangalan ng isang Kongresista na si
___________.
3-4. Ang kailangan ng Pilipinas matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ay ____________ at __________
5.Ang Estados Unidos lamang ang magbibigay ng takdang dami o ______
na iluluwas sa kanilang bansa.
Takdang dami rekonstruksyon Philippine Trade Act

Jasper Bell rehabilitasyon Parity Rights

Pagsasanay Blg.2

Panuto: Alin sa mga sumusunod ang epekto ng parity rights sa mga Pilipino
at kabuhayan ng bansa? Lagyan ng kahon sa unahan ng bilang.
_1. Naghirap ang mga Pilipino dahil hindi pantayang karapatan ng mga
Pilipino at Amerikano.
_2. Naabuso ang ating likas na yaman.
_3. Amerikano lamang ang nakinabang sa ating likas nayaman
_4. Pilit inamyendahan ang Saligang Batas upang upang ito ay
maipatupad agad.
_5. Naibangon ang Pilipinas dahil natugunan ng parity rights ang
pangangailangan nito.
Pagsasanay Blg. 3

Alin sa mga sumusunod ang mabuting epekto ng parity rights sa mga


Pilipino at kabuhayan ng bansa? Piliin ang sagot sa ibaba at isulat ang
bilang sa loob ng watawat ng Pilipinas.

1. Higit na nakinabang ang mga Pilipino sa parity rights.


2. Nakilala ang Pilipinong produkto sa ibang bansa.
3. Naisaayos ang imprastruktura para sa maayos na pangangalakal.
4. Napaunlad ang agrikultura sa Pilipinas.
5. Naisantabi ang pagnanais ng kalayaan mula sa mga Amerikano.

PAGLALAHAT

1. Bilang paglalahat, natalakay natin ang Bell Trade Act, ano pa ang
isang tawag dito?

Sagot: __________________________________________________________

2. Ano ang kinalaman ng “parity rights” sa batas Bell?

Sagot:___________________________________________________________

3. Ibigay mo ang di-mabuting epekto ng parity rights sa kabuhayan


ng Pilipinas

Sagot: ___________________________________________________________

___________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA
Ang pagkahilig ng mga Pilipino sa banyagang produkto lalo na ang mga
chocolate, burger, fries at iba pa ay tinatawag na _________________________.
Sa tingin mo mabuti ba ang ugaling ito? Bakit? _______________________.
Kung ikaw ang tatangkilik sa produktong atin, ano ang maaring
mangyari? ___________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin ang bawat isang pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
1. Ang Bell Trade Act ang naging dahilan upang maibangong muli ang
Pilipinas bunga ng pinsalang dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ano
ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. Pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga produktong banyaga
B. Pagpapahintulot sa mga Amerikano at Pilipino sa
pantay na paggamit ng likas na yaman ng Pilipinas.
C. Pagbibigay ng takdang dami o “quota” ng produktong iluluwas sa
Estados Unidos.
D. Pagpapatupad ng batas na na naglalatag ng mga kondisyon para sa
kaugnayang pang-ekonomiya sa pagitan ng Estados Unidos

2. Alin ang di-mabuting epekto ng parity rights sa mga Pilipino?


A. Nagkaroon ng hanapbuhay ang mga Pilipinong magsasaka
B. Nakilala ang mga produktong agrikultural sa ibang bansa.
C. Higit na tinangkilik ng mga Pilipino ang produkto ng Estados
Unidos.
D. Umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas at Estados Unidos.

3. Alin sa mga sumusunod ang mabuting dulot ng Parity Rights?


A. Nagustuhan ng mga Pilipino ang mga produkto ng Estados Unidos.
B. Pantay ang paggamit at paglinang ng mga likas na yaman sa
pagitan ng Pilipino at Amerikano.
C. Amerikano ang higit na nakinabang sa malayang kalakalan at sa
Likas na yaman ng bansa.
D. Nagkaroon ng hanapbuhay ang mga Pilipino at umunlad ang
produktong agrikultura.

4. Kasama sa probisyon ng batas Bell ang pantay na paggamit ng likas


na yaman ng bansa bansa sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Anong probisyon ito?
A. Batas Bell C. Parity Rights
B. Malayang Kalakalan D. Rehabilitation Act
5. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Nakita ang malawak
na pinsala nito sa kabuhayan ng mga Pilipino. Ano ang kailangan ng
ating bansa?
A. Rekonstruksyon at rehabilitasyon
B. Pagpapatibay ng batas
C. Pagpapatupad ng parity rights at buwis
D. Matibay na ugnayan sa pagitan ng Amerikano at Pilipino

SUSI SA PAGWAWASTO

5. A Quota 5.
4. C Rehabilitasyon 4.
3. D Rekonstruksyon 3.
2. C Jasper Bell 2.
1. D Parity Rights 1.
Panapos na Gawain Pagsasanay 1
5. FACT
2,3,4 only 4. FACT
Pagsasanay 3 3. BLUFF
5. 2. FACT
1. -4. 1. FACT

Pagsasanay 2 Paunang Pagsubok

Sanggunian:
Text
Ramos, Dexter John V. Bayanihan 6, Diwa Learning System, Makati City,
Phil. 2018, pp.134-135

Digitized Images

https://brainly.ph/question/1089921#readmore
https://logos.fandom.com/wiki/Celebrity_Bluff
https://manilatoday.net/pagninilay-nilay-sa-pagkakaibigang-pilipinas-at-
https://www.google.com/search?q=philippine+flag+animated&rlz=1C1GCEJ_enPH854PH854&sxsrf=
us-o-ang-araw-na-ginugunita-natin-tuwing-hulyo-4/
ALeKk02-
XJiehcBgs65j2GThxv4GYgGaRA:1598405933143&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=K6vKfa3IayAmPM
%252CX2Wq0qwupMn8UM

https://tl.wikipedia.org/wiki/Bell_Trade_Act
https://www.slideshare.net/elsaorani/q3-m3l3-ang-bagong-republika-1946
https://tl.wikipedia.org/wiki/Bell_Trade_Act

https://philippinesreport.com/duterte-gustong-lumaya-ang-pilipinas-sa-
amerika/
https://mgaproduktongrehiyon.blogspot.com/?view=magazine

https://xiaochua.net/2012/12/26/xiaotime-26-december-2012-ang-pasko-
ng-mga-bayani-sa-kasaysayan
https://xiaochua.net/2013/04/24/xiao-time-24-april-2013-fernando-
amorsolo-ang-grand-old-man-of-philippine-art/
https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search

You might also like