Professional Documents
Culture Documents
Ikaapat Na Markahang Pagsusulit
Ikaapat Na Markahang Pagsusulit
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat bilang.Titik lamang ang isulat.
34. . "Tunay pong hindi ako maaaring umibig ni lumigaya sa sariling bayan ngunit
nakahanda akong magtiis at mamatay rito. Hangad ko na ang lahat ng Inang
Bayan ay maging kasawian ko rin."
a. Crisostomo Ibarra b. Elias c. Don Rafael d. Don Tiburcio
35. "Sadyang kailangan tayong kalabanin at gisingin upang malantad ang ating mga
kasamaan at kahinaan, sa ganito'y lalo tayong mapapabuti."
a. Matandang Pari b. Elias c. Crisostomo Ibarra d. Don Rafael
IV- Pag-unawa:
Panuto: Unawaing mabuti ang mga tanong.
36. Alin sa mga sumusunod ang pinakalayunin ni Jose Rizal sa pagsulat niya ng nobelang Noli Me
Tangere?
a. Matugunan ang paninirang-puri na ipinupukol ngg mga Kastila sa mga Pilipino
b. Matuklasan ng mga Pilipino na relihiyon ang nagpapahirap sa kanila
c. Mamulat ang mga Pilipino sa pagiging mangmang
d. Siraan ang mga Kastila sa mga Pilipino
37. Ang mga sumusunod ay mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ang Noli Me Tangere maliban
sa isa:
a. Pagmamalupit ng mga guardia civil sa mga Pilipino
b. Malayang nakapagpapahayag ang mga Pilipino
c. Hindi pagkamit ng katarungan laban sa mga Espanyol
d. Hindi patas na pagtingin ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
38. Ang mga sumusunod ay mga pangyayari matapos maisulat ni Rizal ang Noli Me Tangere maliban sa:
a. Marami ang humanga sa kanyang kagalingan sa pagsusulat.
b. Maraming mga prayle at Kastila ang nagagamit sa kanya.
c. Ang mga sipi ng nobela ay nakarating sa Pilipinas at marami ang nakabasa nito.
d. Kumita ng maraming pera si Rizal dahil sa kanyang isinulat.
39. “Maihayag ang maling paggamit ng relihiyon na ginagawang dahilan o sangkalan sa paggawa ng
masama” ang pahayag na ito ay nangangahulugang?
a. Maganda ang naidulot ng relihiyon ssa mga Pilipino
b. Naging mapang-abuso ang mga prayle at ginamit ang relihiyon.
c. Dapat masunod ang kagustuhan ng mga prayle bilang pagsunod sa relihiyon
d. Mali ang naituro ng mga Kastila tungkol sa relihiyon.
40. Ano ang kahalagahan ni Don Rafael Ibarra bilang pantulong na tauhan sa nobela?
a. Mahalaga siya sapagkat siya’y sumisimbolo sa mga mayamang Pilipino na may malasakit sa
kanyang kapwa, may matibay na paninindigan sa buhay at isang ama na nagbibigay-halaga sa
edukasyon para sa anak.
b. Mahalaga siya dahil siya ay larawan ng mga amang naghahangad ng kabutihan at magandang
kinabukasan ng mga anak.
c. Siya’y sumisimbolo sa mga mayayamang Pilipino na may malawak na lupain sa bansang Pilipinas.
d. Mahallaga siya sapagkat siya’y sumasagisag sa mga amang mapag-aruga sa anak.
41. Anong klaseng pinuno ang Kapitan Heneral sa nobela? Papaano naipakita ang Sistema ng
pamamahala ng gobyerno sa Pilipinas batay sa kabanatang binasa? Ipaliwanag.
a. Mapagmalasakit at mahusay na pinuno
b. Tapat sa nasasakupan
c. Pinakikinggan ang bawat panig at nagbibigay papuri kung kinakailangan
d. Lahat ng nabanggit
42. Minahal ni Tiya Isabel si Maria Clara na parang isang tunay na anak kahit hindi nita ito totoong anak. Si
Tiya Isabel ay larawan ng isang Inang__________?
a. Tunay na may malasakit sa anak
b. Mapagmahal na ina sa anak
c. Pabayaang ina
d. A at B
43. Pinanabikan ni Sisa ang pagdating ng dalawang anak dahil sa ipinaghanda niya ang mga ito ng
hapunang pangkura. Anong katangian ng isang ina ang masasalamin kay Sisa?
a. Pasasalamat sa biyayang natanggap
b. Pagmamahal ng ina a kanyang mga anak
c. Pagsasalo-salo sa hapag- kainan ang pamilya
d. Paghihintay ng ina a pag-uwi ng mga anak.
44. Ipaliwanag ang pahayag na ito “Silang pumarito, ang hanap ay ginto, paroon naman kayo sa kanilang
bayan at hangarin ang ating gintong kailangan”
a. Hanapin ang ginto sa Pilipinas dahil maraming bansa ang nakagusto nito.
b. Huwag aksayangin ang panahon hanapin na ang ginto sa Pilipinas at maghanap din sa ibang bansa
ng ginto.
c. Gustong magpunta ang taga ibang bansa sa bansang Pilipinas dahil maraming ginto.habang
tayong mga Pilipino ay magpunta sa ibang bansa upang tumuklas ng karunungan.
d. Lahat na nabanggit.
45. Bakit nabilanggo muli si Ibarra?
a. Sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kuwartel ng mga guwardiya sibil
b. Dahil sinuntok niya si Padre Damaso
c. Dahil hindi na nakapagtimpi ng galit ang binate kaya’t inambaan niya ito ng kutsilyo si Padre
Damaso.
d. Dahil kinasuhan niya ang Pari na si Padre Damaso na pangangamkam ng lupain.
46. Isulat ang iyong sagot sa tanong na Bakit nakatakas si Ibarra sa piitan?
a. Dahil gusto niyang puntahan si Maria Clara sa kumbento.
b. Dahil sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kuwartel ng mga guwardiya sibil at siya ginamit
nito.
c. Dahil gusto ni Elias na makapaghiganti kay Crisostomo Ibarra.
d. Dahil tinulungan siya ni Elias.
47. Paano nakatakas si Crisostomo Ibarra sa piitan?
a. Itinakas siya ni Elias at isinakay sa isang Bangka at doon itinago si Ibarra gamit ang mga damo.
Naglayag sila papunta ng ilog Pasig.
b. Itinakas siya ni Elias papuntang ilog Pasig.
c. Itinakas siya ni Elias at iniwanan siya sa Bangka.
d. Itinakas siya sa pamamagitan ng pagligaw ni Elias sa mga guwardiya sibil.
48-50. Sumulat ng wakas sa nobelang Noli Me Tangere.
a. Natagpuan na ni Basilio ang nawawalang ina niya. Ngunit namatay si Sisa
pagkatapos makilala muli si Basilio.Dumating rin si Elias sa gubat ng mga
Ibarra na duguan at kinausap si Basilio. Sa galit ni Ibarra siya ay nagkaroon ng
ibang ugali na magpapatuloy sa nobelang El filibusterismo
b. Natagpuan na ni Basilio ang nagkupkop sa kanya. Ngunit namatay ang
matandang lalaki pagkatapos makilala muli si Basilio.Dumating rin si Elias sa
gubat ng mga Ibarra na duguan at kinausap si Basilio. Sa galit ni Ibarra siya ay
nagkaroon ng ibang ugali na magpapatuloy sa nobelang El filibusterismo
c. Natagpuan na ni Basilio ang nagkupkop sa kanya. Ngunit namatay ang lalaki
pagkatapos makilala muli si Basilio.Dumating rin si Ibarra sa gubat ng mga
Ibarramienda na duguan at kinausap si Basilio. Sa galit ni Ibarra siya ay
nagkaroon ng ibang ugali na magpapatuloy sa nobelang El filibusterismo
d. Natagpuan na ni Basilio ang nagkupkop sa kanya. Ngunit nahimatay ang lalaki
pagkatapos makilala muli si Basilio.Dumating rin si Pilosopo Tasyo sa gubat ng
mga Ibarramienda na duguan at kinausap si Basilio. Sa galit ni Ibarra siya ay
nagkaroon ng ibang ugali na magpapatuloy sa nobelang
Inihanda ni: T. E. P