Tsapter 1 3 at Bibliyograpiya

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

Republic of the Philippines

North Eastern Mindanao State University


Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

TSAPTER 1

SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

1.1 Introduksyon

Ang wika ay itinuturing na puso at kaluluwa ng isang bansa sapagkat ito ang
dahilan kung bakit nagkakaisa at nagkakaintindihan ang mga Pilipino, kung wala ang
wika ay hindi maayos na maipaliwanag ang ibig ipahatid sa isang mensahe. Ipinapakita
nito na ang wika ay hindi lamang isang paraan ng pakikipagtalastasan kundi isang
sukatan ng pagkakakilanlan ng isang lipunan. Ang bansang Pilipinas ay maraming
katutubong wika na ginagamit sa komunikasyon, edukasyon, at kultura ng isang bansa.
Ang wikang Filipino ay kinikilala ng nakararami sapagka’t ito ang pambansang wika ng
mga Pilipino. Sa bansang Pilipinas ay nagkakaroon ng iba’t ibang dayalekto dahil sa
pagiging archipelago ng bansa. Sa Pilipinas, ang wika ay isang mahalagang bahagi ng
ating pagka-Pilipino. Ang ating pambansang wika, ang Filipino, ay sumasalamin sa ating
kasaysayan, mga tradisyon, at iba't ibang kultura mula sa iba't ibang rehiyon ng bansa. Sa
pamamagitan ng Filipino, tayo ay nagkakaroon ng malalim na koneksyon sa ating bansa
at sa bawat isa. Ngunit, hindi lamang Filipino ang wika sa Pilipinas. Mayroon tayong
mahigit sa isang daang mga katutubong wika na ginagamit sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Ang mga ito ay nagpapakita ng ating iba't ibang kultura, tradisyon, at nagbibigay sa atin
ng mayamang pagkakaiba-iba.

Ang wikang Surigaonon ay pangunahing wika na sinasalita ng mga lumadnong


mamamayan ng Surigao del Sur (Bayang,2020). Maraming mga wikang litaw sa
lalawigang ito na nagkakaiba-iba ng diin, intonasyon at gamit sa mga pang araw-araw na
pakikig-ugnayan. Sa iba't ibang lugar, mayroong iba't ibang uri ng wika at bawat isa ay
may kanya-kanyang mga katangian at kahulugan na sinasalita ng mga mamamayan.
Kapansin-pansin sa pag-aaral ng wika ang aspeto na kilala bilang Ponetikal at
Morpolohikal na Kogneyts. Ang ponetika ay tumutok sa mga tunog ng wika kabilang ang

1
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

pagbigkas, intonasyon, at diin. Sa kabilang dako, ang morpolohiya ay nakatuon sa pag-


aaral ng istraktura ng mga salita, kung paano ito binubuo at nagbabago sa paglipas ng
panahon. Ang wika sa Surigaonon ay may iba’t ibang bigkas malumi, malumay at
maragsa na dahilan ng iba’t ibang dayalekto (Samarca,2022). Ang papel-pananaliksik na
ito ay naglalayong masusing tuklasin ang ponetikal at morpolohikal na kogneyts ng ilang
wikang Surigaonon. Ang Hilagang-Silangan ng Mindanao, partikular na ang mga
munisipalidad ng Madrid, Cantilan, at Carrascal sa Surigao del Sur ang magiging sentro
ng kanilang pagsusuri. Ang wikang Surigaonon, na isang sangay ng Bisaya ay may
kakaibang yaman at kasaysayan na nakaukit sa ponetika at morpolohiya (Camar, 2020).
Ang wika ng Surigaonon ay patuloy na sumasalamin sa kultura ng mga taga-Surigao,
isang lalawigan sa rehiyon ng Caraga sa Mindanao. Ang Surigaonon ay may kanya-
kanyang sistema ng ponetika at morpolohiya na nagtatampok sa kultural na kayamanan
ng Surigao. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa ponetika at morpolohikal na bahagi ng
wika, mas lalalim ang ating pang-unawa sa kasaysayan nito. Ang ganitong pagsusuri ay
naglalakbay patungo sa mas malalim na pag-unawa sa Surigaonon sa larangan ng
pagsasalaysay at pakikipag-ugnayan sa kapaligiran. Ito'y hindi lamang simpleng
pagsasanay sa wika kundi isang masusing pagsusuri kung paano bumubuo ang wika ng
Surigaonon ng sariling pagkakakilanlan sa gitna ng iba't ibang impluwensya. Sa
pagtalima sa mga aspeto ng ponetika at morpolohiya, mahahayag ang kakanyahan ng
wika at kung paano ito nabubuhay sa araw-araw na komunikasyon ng mga tao sa
nabanggit na mga lugar. (Penera, 2021).

Sa Hilagang-Silangang bahagi ng Mindanao, partikular na sa mga Munisipalidad


ng Madrid, Cantilan, at Carrascal sa Surigao del Sur, matatagpuan ang masalimuot na
pag-unlad ng Surigaonon (Ladefoged, 2020). Sa paglago ng modernisasyon, lumilitaw
ang pangangailangan na mapanatili ang pagkakakilanlan at kahalagahan ng wika sa lokal
na konteksto. Ang Surigaonon, na nagtataglay ng mga yaman sa pagsasalaysay at
ekspresyon ay nais nating unawain at maipahayag sa masusing pag-aaral na ito. Sa

2
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

patuloy na pag-unlad ng teknolohiya at globalisasyon, mahalaga ang papel ng wika sa


pagpapahayag ng kultura at identidad ng isang komunidad. Isa sa mga wikang
naglalarawan ng kahulugan ng kultura ay ang Surigaonon, isang wika na may maraming
aspeto ng kakaibang kultura sa Hilagang-Silangan ng Mindanao, partikular sa
Munisipalidad ng Madrid, Cantilan, at Carrascal, Surigao del Sur. Ayon kay Ladefoged
(2020) sa pag-unlad ng pang-unawa sa pagbigkas ng mga tunog sa iba't ibang wika. Ang
kanilang mga kontribusyon ay nagbukas ng pintuan sa masusing pagsusuri sa tunog ng
wika at ang kahalagahan nito sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Sa pag-aaral na
ito, ang ponetikal na aspeto ng Surigaonon ay bibigyan ng espesyal na pagtingin upang
maunawaan ang mga tiyak na bahagi nito na naglalarawan sa kultura ng mga
munisipalidad ng Madrid, Cantilan, at Carrascal.

Maituturing na kaunti pa lang ang naitatalang pag-aaral o mga mananaliksik na


nagsasagawa ng pag-aaral hinggil sa pagkakaiba ng diin, intonasyon, tunog, mga salita,
mga pangungusap at kung paano ito ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan
sa mga wikang Surigaonon, partikular sa Munisipalidad ng Madrid, Cantilan, at Carrascal
Surigaol del Sur. Ang suliranin na nakita sa pag-aaral na ito ay ang deskriptibong
pagsusuri sa Ponetikal at Morpolohikal na Kogneyts sa Wikang Surigaonon partikular sa
mga Munisipalidad ng Madrid, Cantilan, at Carrascal Surigao del Sur. Ang kaalamang
hindi pa natatalakay sa ibang mga pag-aaral na ito ay ang pagkakaiba ng mga salita at
kahulugan batay sa pagbigkas, diin, at intonasyon. Ang kalamangan ng pag-aaral na ito
ay upang mas mapaunlad ang pagsipat ng kogneyts, o kaugnayan ng mga bahagi ng wika,
na nagbibigay-daan sa atin na masusing pag-unawa ng komplikadong ugnayan ng mga
elemento ng wika sa iba't ibang antas.

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa wikang Surigaonon na kasalukuyang sinasalita


lalo na sa probinsiya ng Surigao del Sur partikular sa tatlong munisipalidad, ang Madrid,
Cantilan, at Carrascal Surigao del Sur. Binigyang-diin sa pag-aaral na ito ang Ponetikal at
Morpolohikal na Kogneyts sa Hilagang-Silangan ng Mindanao na naging sanhi ng

3
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

paggamit ng iba’t ibang dayalekto. Sa pagsasaliksik na ito, mahalaga ang progreso na


makamtan sa pagsusuri ng ponetika at morpolohiya upang mas malalim na maunawaan
ang natural na yaman ng wika ng Surigaonon. Ito ay nagpapakita ng masalimuot na
pagkakaayos ng mga tunog at kahalagahan sa pagbuo ng mga salita, na naglalayong
makuha ang mas malalim na pang-unawa sa kasaysayan at kultura ng mga komunidad sa
Madrid, Cantilan, at Carrascal. Sa paggamit ng pagsipat, maaaring maangkin ang mga
kwento at tradisyon na kaugnay sa bawat aspeto ng wikang Surigaonon. Ang Pagsipat sa
Ponetikal at Morpolohikal na Kogneyts ay isang komprehensibong pagsusuri at
pagsasanay sa pagsusuri ng wikang Surigaonon sa Hilagang-Silangan ng Mindanao,
partikular sa mga munisipalidad ng Madrid, Cantilan, at Carrascal. Layunin ng pag-aaral
na ito na masusing suriin ang ponetika at morpolohiya ng wika, at maunawaan ang
kanyang kogneyts na estruktura (Liwanag, 2015).

1.2 Paglalahad ng Suliranin

Pangunahing suliranin sa pag-aaral na ito ang deskriptibong pagsusuri sa


Ponetikal at Morpolohikal na Kogneyts sa Wikang Surigaonon partikular sa mga
Munisipalidad ng Madrid, Cantilan, at Carrascal Surigao del Sur. Upang masagot ito,
sinikap na matugunan ang sumusunod na mga tiyak katanungan:

1. Ano ang Profile ng mga respondente sa mga tuntunin ng:

1.1 Pangalan (Opsiyonal)

1.2 Edad

1.3 Kasarian

1.4 Address

4
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga salitang Surigaonon mula sa mga Munisipalid ng Carrascal,


Cantilan, at Madrid ang maituturing na kogneyts?

3. Ano ang kahulugan ng mga salitang kogneyts mula sa mga Munisipalidad ng


Carrascal, Cantilan at Madrid?

4. Paano maaaring magamit ang talasalitaan ng mga salitang kogneyts sa pagsipat ng


ponetikal at morpolohiya upang makatulong sa pagpapalaganap at pagpapahalaga sa
wikang Surigaonon?

1.3 Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsipat ng ponetikal at morpolohikal na


kogneyts ng wikang Surigaonon sa mga Munisipalidad ng Madrid, Cantilan, at Carrascal
na naglalayong: (1) Matukoy ang iba’t ibang salitang Surigaonon na maituturing na
kogneyts. (2) Mabatid ang kaibahan ng mga salita sa pagbigkas, tunog, diin, at
intonasyon. (3) Maipakita ang prosesong ginamit sa pagsusuri ng mga salitang kogneyts
at makabuo ng isang talasalitaan ng mga salitang kogneyts na makatutulong sa pag-
unawa ng iba’t ibang dayalekto.

1.4 Batayan ng Pag-aaral

1.4.1 Teoretikal na Batayan

Ang pangunahing teoryang pinagbatayan ng pag-aaral na ito ay ang Teoryang


Social Identity Theory.

Ang pagsusuri sa wikang Surigaonon sa mga munisipalidad ng Madrid, Cantilan,


at Carrascal, Surigao del Sur, ay isinasagawa sa ilalim ng teoretikal na framework ng
Social Identity Theory (Tajfel at Turner, 1986) na nagbibigay-diin sa ugnayan ng wika at
lipunan. Gayundin, isinasaalang-alang ang ilang iba't ibang teorya at pagsasaliksik na

5
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

nagbibigay-linaw sa masusing pagsusuri ng mga konsepto sa phonetics at morphology ng


nasabing wika.

Ayon sa Social Identity Theory ni Henri Tajfel, ang pagkakakilanlan ng isangtao


ay nakabatay kung saan siya grupo siya nabibilang o nakikisalamuha. Iminungkahini
Tajfel na ang mga organisasyon (grupong panlipunan, pamilya, etc.) nakinabibilangan ng
isang tao nagsisilbing isang mahalagang salik para sa kanyang pagpapahalaga sa sarili.
Ang isang organisasyon ay nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan ng identidad natin sa
ating sarili at sa lipunan.

Sa Social Cognitive Theory ni Bandura (1986) binibigyang-diing nakukuha ng tao


ang pag-uugali sa pamamagitan ng pagmamasid sa iba at paggaya sa
anumangnapagmamasdan. Puno ng mga iba’t ibang karakter, mabuti o masama man, ang
mgaadvertizment na maaaring gayahin ng mga bata. Subalit sa patnubay ng titser at sa
paggamit ng mga ito sa pagtuturo ay magiging makabuluhan ang mga maiikli
subalitmaimpluwensyang mga advertizment. Pinapatunayan lamang nito na ang
pagkakaroonng may nakakasalamuha sa isang organisasyon o grupo ay may dulot sa pag-
uugali at pagtingin ng isang tao sa kanyang sarili.

Ayon sa Informational Social Influence Theory ni Cialdini, kinokopya ng


isangtao ang iba kapag hindi niya alam kung papaano kumilos nang tama. Kahalintulad
dinnito ang paggaya sa mga taong nasa kanyang kapaligiran na sumusuporta sa
pagkakaroon ng isang organisasyon (Panlipunan man o Pansining) at ang epekto nitosa
introvert na ugali (pagtingin at pag-uugali sa kanyang sarili) ng isang tao.

Ang sociolinguistics theory ay nagbibigay-tuon sa ugnayan ng wika at lipunan.


Ayon sa teoryang ito, ang wika ay hindi lamang isang tool ng komunikasyon kundi isang
aspeto ng kultura at identidad. Mapag-aaralan ang pagkakaugnay ng mga aspekto ng
lipunan, tulad ng edad, kasarian, at antas ng edukasyon, sa pag-unlad at pagbabago ng
wikang Surigaonon.

6
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

Ang Identity Theory naman ayon kay Labov (1972), ay isang teorya kung saan
ang wika ay may mahalagang bahagi sa pagbuo ng identidad ng isang tao. Ang pag-aaral
ay maaaring sumuporta sa teoryang ito sa pamamagitan ng pagsusuri kung paano
nakakatulong ang mga aspeto ng phonetics at morphology sa pagpapalalim ng identidad
ng mga nagsasalita ng Surigaonon sa Mindanao.

Isa pang teorya ay ang Language Attitudes and Identity Theory. Ang teoryang ito
ay naglalarawan kung paano ang mga indibidwal at komunidad ay may kakaibang
pananaw sa kanilang wika. Ang pagsusuri sa mga pagtingin at damdamin ng mga
tagapagsalita ng Surigaonon hinggil sa kanilang wika ay magbibigay liwanag sa kung
paano ang wikang ito ay nagbubunga ng kanilang linguistic identity.

Ayon kay Dr. Maria Santos, isang kilalang sociolinguist, "Ang pag-aaral sa mga
katangian ng wika ay isang daan upang maunawaan ang iba't ibang yugto ng pag-unlad
ng isang komunidad. Ang sociolinguistics ay nagbibigay daan para sa malalimang
pagsusuri ng ugnayan ng wika at lipunan."

"Ang pagmamapa ng Surigaonon ay isang hakbang patungo sa pagsaliksik ng


kahalagahan nito hindi lamang sa loob ng komunidad kundi maging sa mas malawak na
lipunan." Ito ay ayon naman kay Dr. Juanito Reyes, isang eksperto sa mga wika ng
Mindanao.

Sa paggamit ng teoryang sociolinguistics at mga teoryang ibinahagi sa itaas, layon


ng pagsasaliksik na ito na hindi lamang suriin ang ponotekal at morpolohikal na bahagi
ng wikang Surigaonon ng Madrid, Cantilan, at Carrascal, Surigao del Sur.

1.4.2 Konseptuwal ng Pag-aaral

Naniniwala ang mga mananaliksik na ang wika ay nasasabing diwa at kaluluwa


ng bansa dahil ito ang nagbibigay buhay at kulay sa ating kultura at kasaysayan. Kapag

7
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

sinabi nating diwa, ang ibig sabihin nito ay ang mga ideya, saloobin, at pananaw na
itinataguyod ng isang bansa. Sa pamamagitan ng wika, nailalarawan natin ang ating mga
paniniwala, mga karanasan, at ang ating kasaysayan. Ito rin ang nagbibigay sa atin ng
kakayahang maipahayag ang ating mga damdamin at saloobin sa iba. Ang kaluluwa
naman ay tumutukoy sa espiritwal na aspeto ng bansa. Ito ang nagpapakita ng ating mga
pinahahalagahan, mga tradisyon, at ang ating pagkakakilanlan bilang isang bansa. Ang
wika ay nagbibigay sa atin ng kakayahang maipahayag ang ating mga paniniwala at
pagpapahalaga sa iba. Sa madaling salita, ang wika ay hindi lamang isang paraan ng
komunikasyon. Ito rin ang nagpapakita ng ating pagkakakilanlan bilang isang bansa at
nagbibigay sa atin ng kakayahang maipahayag ang ating mga paniniwala at damdamin.

INPUT PROSESO AWPUT

 Sarbey Talasalitaan ng mga


Ano ang Profile ng mga  Pagbibigay ng salitang kogneyts sa
respondente sa mga tuntunin talatanungan sa lugar
lihitimong
ng:
mamamayan sa
- Pangalan (Opsyonal) lugar.

- Edad
- Kasarian
- Address

8
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

Figyur 1. Iskematikong Dayagram ng Pag-aaral

Ang sistemang ginamit sa pag-aaral ay ang input-output model sa paglalarawan


ng konseptuwal na batayan ng pag-aaral. Sa unang kahon, ang mga impormante ay inuri
ayon sa kanilang mga profile sa mga tuntunin ng: pangalan, edad, kasarian, at address.
Ang ikalawang kahon ay naglalaman ng sarbey at mga talatanungan sa lihitimong
mamamayan sa lugar. Sa huling kahon makikita na maaaring magamit ang talasalitaan ng
mga salitang kogneyts sa pagsipat ng ponetikal at morpolohiya upang makatulong sa
pagpapalaganap at pagpapahalaga sa wikang Surigaonon.

1.5 Kahalagahan ng pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makatutulong sa sumusunod:

Sa mga mag-aaral- Ang pag-aaral na ito ay magbibigay daan sa mga mag-aaral


na mas pahalagahan at maunawaan ang kanilang sariling wika, ang wikang Surigaonon.
Ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa kanila na maunawaan ang kahalagahan ng
pagpapamana ng wika at kultura.

Sa mga guro- Ang pag-aaral na ito ay magbibigay daan sa mga guro na maging
gabay sa mga mag-aaral sa kanilang pagsusuri at pagsipat ng ponetikal at morpolohikal
na kogneyts. Ito ay maaaring maging inspirasyon sa kanilang pagtuturo ng linggwistika at
pagsasaliksik.

Sa mamamayan- Ang pag-unawa sa ponetika at morpolohiya ng Surigaonon ay


magbibigay sa mamamayan ng mas malalim na pang-unawa sa kanilang sariling wika. Ito

9
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

ay maaaring maging daan para sa mas mabisang pakikipagkomunikasyon at


pagpapahayag ng kanilang kultura.

Sa mga mananaliksik- Ang pag-aaral na ito ay maaaring magkaroon ng


kontribusyon sa larangan ng linggwistika, partikular sa pag-aaral ng mga wikang
rehiyonal sa Pilipinas. Ang mga natuklasan ay maaaring maging sanggunian para sa iba't
ibang pagsasaliksik hinggil sa Surigaonon at iba pang wika sa bansa.

1.6 Saklaw at Limitasyon

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay ay tungkol sa Pagsipat sa Ponetikal at


Morpolohikal na Kogneyts: Panimulang Pag-aaral sa Pagmamapa ng Wikang Surigaonon
sa Hilagang-Silangan ng Mindanao sa Munisipalidad ng Madrid, Cantilan, Carrascal,
Surigao del Sur. Ang kabuoang bilang ng mga impormante ay na residente ng Madrid,
Cantilan at Carrasacal at may edad na 40-60.

1.7 Depinisyon ng mga Termino

Kasarian- ay tumutukoy sa kasarian ng mga respondente sa munisipalidad ng


Madrid, Cantilan at Carrascal, Surigao del Sur

Edad- ay tumutukoy sa bilang ng taon ng respondente sa munisipalidad ng


Madrid, Cantilan, Carrascal, Surigao del Sur

Intonasyon- ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng mga tono sa bawat salita sa


Wikang Surigaonon

Tunog- ay tumutukoy sa mga naririnig mula sa mga salita sa Wikang Surigaonon


Kogneyts- ay tumutukoy sa pagkakatulad ng salita, bigkas at baybay ng mga salita sa
Wikang Surigaonon

10
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

Ponetikal- ay tumutukoy sa kung paano bumigkas ang mga mamamayan sa


munisipalidad ng Madrid, Cantilan at Carrascal, Surigao del Sur

Morpolohikal- ay tumutukoy sa pag-aaral ng pinakamaliit na yunit ng tunog na


may kahulugan sa munisipalidad ng Madrid, Cantilan at Carrascal, Surigao del Sur
Mamamayan- ay tumutukoy sa mga naninirahan sa munisipalidad ng Madrid, Cantilan, at
Carrascal, Surigao del Sur.

Respondente- ay tumutukoy sa mga tagatugon ng pananaliksik na isasagawa.

Kogneyts- ay tumutukoy sa pagkakatulad ng salita sa munisipalidad ng Madrid,


Cantilan, at Carrascal, Surigao del Sur na magkatulad ang kahulugan.

TSAPTER 2

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA

2.1 Introduksyon

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga pag-aaral at literatura na kaugnay sa


inihahandang pagsasaliksik. Ang mga ito ay kinuha mula sa lokal at dayuhang
pinagmulan, naisuri at iniharap bilang isang mahalagang materyal ng pananaliksik upang
magbigay ng komprehensibong at kaugnayang resulta na susuporta sa datos at ideya na
ipinakikita sa pagsasaliksik na ito. Ang mga pananaliksik na ito ay naglalayong
maunawaan ang iba't ibang wika, tulad ng ponolohiya, pag-aaral ng una at pangalawang
wika, at impluwensiya ng iba't ibang wika sa pag-aaral. Ang mga resulta ng mga pag-
aaral na ito ay nagbibigay-liwanag sa mga hamon at oportunidad sa pagtuturo at pag-
aaral ng wika, partikular na sa konteksto ng Filipino at iba't ibang wika sa Pilipinas.

Banyaga

11
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

Ayon kina Beinborn, Zesch at Guryvech (2014), ang pagkakaiba sa pag-aaral ng


L1 at L2 ay nakikilala sa apat na pangunahing aspeto. Una, kalidad at dami ng input.
Ikalawa, prosesong pagsasanib. Ikatlo, impluwensiya ng iba't ibang wika, at ikaapat,
karanasan sa pagbasa. Dahil sa mga pagkakaibang ito, iniiwasan ang direktang
pagmamapa sa mga sukatan ng L1 readability sa L2 readability. Ipinapayo nila ang
pagkuha ng L2 readability para sa iba't ibang dimensyon at mas maliit na yunit. Mahalaga
ang pagtukoy sa impluwensiya ng iba't ibang wika ng mag-aaral mula sa kanilang L1 at
iba pang mga naunang natutunan na wika, at mula sa kanilang mas mataas na karanasan
sa pagbasa. Nakatuon ito sa lexical readability dahil natuklasan ito na ang
pinakamahalagang dimensyon para sa pang-unawa sa pagbasa ay L2. Bilang isang
bagong feature na espesipiko sa L2 readability, iniaalok ng mga mananaliksik ang
cognateness ng mga salita sa wika na alam na ng mag-aaral. Napatunayan ng isang pilot
study ang kanilang pangangatuwiran na maaaring matutunan ng mag-aaral ang kahulugan
ng mga bagong salita batay sa kanilang pagkakatugma sa iba't ibang wika.

Ayon kay Jassem (2012), ang mga prinsipyo at kasangkapan ng teorya ng lexical
root kung saan ipinakikita ang mga be-forms ay mga totoong cognate dahil sa
pagkakaroon ng parehong anyo o kahawig na anyo at kahulugan na may mga kaunting
pagbabago sa ponetika, morpolohiya, at semantika. Ang tradisyunal na
pangkomparatibong makasaysayang linggwistika ay nagdulot ng pagkakaiba ng wika.
Halimbawa na lamang nito ay ang Arabic at English na magkaibang pamilya ng wika.
Ipinapakita nito kung paano nagkaroon ng ugnayan at kung paano nagmula sa isa't isa
ang mga anyo ng verb, kung saan maaaring maging dulo nito ang Arabic. Isa pang
halimbawa ay ang lahat ng mga anyo na may base sa s tulad ng is/was sa English, sein, ist
sa German, es, soi sa French, sum sa Latin ay mga totoong cognate ng Arabic na
kawan/kaan 'be/was' sa pamamagitan ng pangkaraniwang mga pagbabago sa tunog.

Ayon kina Suparno, Azwar at Al-Rawafi, sinuri nila ang mga kaparehong pares
ng salita, magkakatulad na pares ng salita na may fonemikong korespondensya, at ang

12
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

pagbabago ng tunog sa mga pagkakaiba sa ponolohiya, pag-iba ng tunog, pagdagdag ng


tunog, at pagpapaikli. Ang mga resulta ay nagpapakita ng ugnayan sa pagitan ng anyo at
kahulugan sa kabuuan, ngunit mayroong iba't ibang padrino. Partikular, ang tatlong
dimensyon. (1) cognate, (2) fonemikong korespondensya, at (3) isang pares ng mga salita
ay naglalaman ng iba't ibang padrino, pagbabago ng tunog, ponolohikal, at kontrast ng
morpema sa Modern Arabic Standard, Sana’a Yemeni Arabic (YEMS), Dhamar Yemeni
Arabic (YEMD). Ang iba pang pagbabago sa tunog sa anyo ng metathesis ay nagpapakita
na may anim na mga patakaran: limang uri ng mga sistema ng pantig ng salita at
dissimilation, tatlong anyo ng pagdagdag ng tunog, at apat na uri ng pagkawala ng tunog.
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagkakatugma ng tunog sa tatlong wika ng Arabic na
nagdadala ng mas maraming pagbabago sa Arabic. Ang MSA, YEMS, at YEMD ay
nagsisilbing halimbawa kung saan may dalawang magkaibang uri ng wika na umiiral sa
Yemen. Inaasahan na ang mga natuklasan sa pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga
college students at guro upang maunawaan ang isang phenomenon sa mga komunidad na
nagsasalita ng Arabic at ang malaking epekto nito sa pag-aayos ng mga materyales sa
pagtuturo ng Arabic. Ang halaga ng pananaliksik na ito ay kita sa katunayan na ang
modelo ng pagtuturo ng wika ng Arabic ay inaalis ang pagtuturo ng pagbabago ng wika
ng Arabic kahit na ang mga ito ay mahalaga.

Sa masaklaw na pag-aaral ni Hucke (2021), ang pagsusuri na ito ay naglalayong


alamin kung paano nakakatulong ang explicit pronunciation instruction sa kakayahan ng
non-native speakers sa pag-aaral, pang-unawa, at pagbuo ng Ingles, pati na rin kung
paano ito tinatanggap ng kanilang mga guro. Layunin nitong likhain ang isang
pangkalahatang pagsusuri sa mga pamamaraan sa pagtuturo ng pronunciation na
kasalukuyang ginagamit sa mga silid-aralan ng K-12 English as a second language (ESL)
sa Estados Unidos at suriin ang pangkalahatang pananaw at pamamaraan ng mga guro ng
ESL hinggil sa pronunciation instruction. Ang layuning ito ay makatutulong sa pagbuo
ng isang larawan ng kasalukuyang kalagayan ng ESL pronunciation instruction sa

13
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

Estados Unidos, pag-aralan ang pinakamainam na paraan ng pagtuturo ng pronunciation


bilang bahagi ng pangkalahatang klase sa ESL, at magdagdag ng mas maraming datos sa
maliit na bilang ng pananaliksik sa larangan ng Teaching English to Speakers of Other
Languages (TESOL) hinggil sa pronunciation instruction.

Sinuri ni Yeboah (2021), ang mga phonetic at phonological na bahagi ng Gua,


isang wika na kakaunti ang dokumentasyon, hindi gaanong naaaral, at may matinding
panganib na mawala, na sinasalita sa Silangang Rehiyon ng Ghana. Binubuo ang wika ng
dalawang diyalekto, Anum at Boso. Ito ay kinuha mula sa diyalektong Boso na sinasalita
sa komunidad ng Boso. Ito ay nakatuon sa mga katangian ng sistema ng tunog, kabilang
ang segmental na imbentaryo, tono, at iba't ibang proseso tulad ng vowel harmony, hiatus
resolution, consonant assimilation at nasalization, at ang kanilang ugnayan sa iba't ibang
bahagi ng gramatika.

Lokal

Ayon kay Flores (2015), nakatuon ang buong akademikong diskurso sa Language
Planning na umusbong noong dekada ng 1960-1970. Bilang isang akademikong disiplina,
itinatangi ng papel nila ang mga antas, dimensyon, at mga proseso na kasangkot sa isang
pambansang wika, anuman ang laki, sa kulturang may iba't ibang wika, at naglalahad ng
mga patakaran sa wika at sitwasyon sa Pilipinas. Inilalabas ang pangangailangan para sa
isang nagkakaisang at makabuluhan na pilosopiya upang tugunan ang patuloy na
talakayin sa pambansang wika at sa Filipino bilang pambansang wika. Tinalakay din ng
papel nila ang mga katangian o feature ng wika, ang pinagmulan o background nito, at
ang paggamit nito bilang mahahalagang elemento o alalahanin sa pagbuo ng isang
pilosopiya ng pambansang wika/Filipino. Tinukoy rin ang mga de facto, de jure na
batayan sa mga wika sa Pilipinas na patuloy na uunlad. Ang batayan sa lingguwistika ay
mahalaga ngayon sa kasaysayan at antropolohikal sa pagpili at pagbuo ng pambansang
wika. Mahalaga rin ang sentimental na halaga nito sa pagbibigay ng identidad at dignidad
sa pambansang soberanya at sa instrumental na paggamit ng wika sa pagtataguyod ng

14
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

pambansang pagkakaisa at pagsusulong ng mga prosesong demokratikasyon sa bansang


Pilipinas.

Ayon kay Barbaza (2013), mahalaga na mauwanawaan ang bawat wika upang
malaman ang pagkakaiba-iba sa paggamit nito ng mga tao. Ayon sa kanyang ginawang
pananaliksik, may mga taong nagsilbing basehan ng kanyang mga pag-aaral. (1) Juan
Rafael Belgica, Jr., o mas kilala bilang Jun, isang makata mula sa Albay, Bicol, ang
nagbigay-titulong Toob (2011) sa kanyang pinakabagong koleksyon ng tula. Ang Toob
ay isang salitang Bicol na, ayon kay Jun, ay boot kapag ito ay binasa sa kabaliktaran. Ang
orthographic na kaparehong ito, tila ipinapahiwatig ni Belgica, ay hindi maaaring maging
isang simpleng kawalan. Para maunawaan ang boot ay para maunawaan ang Bikolnon
bilang laging kapwa. (2) Batay kay Fr. Tria, ang pag-intindi sa wika ay sinusukat sa kung
paano ito nakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa. Ang toob ay boot na kung saan ito ay
tumutukoy sa lugar ng kapwa. Isinasagawa ang Toob, isang ritwal na naglalayong
palayain ang mga bagay na hindi pinauurong, ayon sa sariling pag-aari. Kung ang tula ni
Jun ay nag-uudyok sa kanyang mga mambabasa na manahan sa sariling wika, ipinapakita
naman ng mga tula at kwento ni Johnny sa Ingles ang karahasan ng paglisan mula sa
sariling wika patungo sa ibang lengguwahe. Malinaw na ipinakikita ng mga rawit-dawit
ni Johnny ang kanyang husay sa sariling wika. Ang maikling artikulong ito ay
naglalarawan ng gawain nina Jun at Johnny bilang isang laban at tagumpay sa pag-iral sa
sariling wika.

Inilahad ni Nuncio (2020), na may kaugnayan sa pang-araw-araw na buhay o


gawaing pangkabuhayan ang leksikal na baryasyon ng mga terminong Filipino, Bikol, at
Cebuano. Sa pagsusuri ng datos, ginamit ang isang konseptuwal na balangkas na nagtuon
sa ugnayan ng heograpiya-wika-kultura-hanapbuhay upang suriin ang pagsasalungatan ng
mga termino sa Filipino, Bikol, at Cebuano. Lumitaw mula sa kanyang pag-aaral na may
mga pagkakaiba at pagtutumbas sa pagitan ng wikang Cebuano at Bikol, at mayroon ding
mga lokal na termino sa wikang Cebuano at Bikol na naging bahagi ng bokabularyo ng

15
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

Filipino, ang pambansang wika. Natatangi ang pag-aaral na ito dahil layunin nitong
ipakita ang koneksyon, pagkakatulad, at pagkakaiba ng mga wika sa bansa batay sa
partikular na konteksto ng pang-araw-araw na buhay na mahalaga para sa bawat Filipino.

Batay sa pagsusuri ni Gorumba (2020), ang mga affix na ginagamit ay maaaring


magdulot ng pagbabago sa kahulugan ng salitang-ugat. Sa kanilang pananaliksik,
makikita ang mga affix na ginagamit sa pagbuo ng mga pangngalan, pang-uri, at
pandiwa. Halos pareho ang kahulugan ng salitang-ugat na may affix sa Tagalog, Waray,
at Cebuano, maliban sa mga affix kung saan idinadagdag, inaalis, o binabago ang
morpema, tulad ng halimbawa sa noun affixes: ang mag- (sasaka) ay naging parag- (uma)
sa Waray. Ang salitang tag (lamig) ay naging ting (tanom) at kat (sirak) sa Waray. Para
sa adjective affixes, ang Tagalog na ma(yaman) ay naging ka(datu) at ka(riko) sa
Cebuano at Waray. Ang pala(sulat) at pala(hubog) ay parehong ginagamit sa Tagalog at
Cebuano, habang naging para(surat) sa Waray. Para sa verb affixes, ang affix na
um(inom) ay naging mi(inum) sa Cebuano.

Ayon kay Bayang (2020), ang wika, ang diwa at kaluluwa ng bansa. Nais alamin
ng kaniyang pag-aaral ang tungkol sa kogneyts, konsepto at istado ng wikang
Surigawnon sa boung lalawigang Surigao del Norte. Ang Desinyong ginamit ay kwali-
kwanti deskriptiv, community-based sa pamamagitan ng pakikipanayam, talatanungan, at
pag-oobserba. Purposive sampling sa 60 impormanteng kinakapanayam at Convenience
sampling sa 100 mga tagatugon. Multiple Correspondence Analysisat lexicostatistical
percentage ang ginamit para sa pagtutuos ng mga datos. Natuklasan na karamihan sa mga
lumad-Surigaonon ay migranteng Boholano dahilan sa pandarayuhang pangingisda,
negosyo at sadyang paglayo sa kalupitan ng mga Kastila noon.

Batay sa natuklasan naman ni Camar (2020), ang wikang Surigaonon ay isang


multilinggwal na wika. Karamihan sa mga salitâng Surigaonon-Cantilan na may
ponemang /j/ ay nagiging /y/ sa Surigaonon-Tandag. Sa madaling sabi, ang varayti ng
wikang Surigaonon na Surigaonon-Cantilan at Surigaonon-Tandag ay may “mutual

16
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

intelligibility’’ o parehonggumagamit ng mga ponemang /d/, /l/, /w/, at /r/ maliban pa sa


malimit na paggamitng ponemang /j/ at /y/ dahilan upang ang mga táong gumagamit ng
naturang varayting wikang Surigaonon ay magawang makipagkomunikasyon at
maunawaan ang isa’t isa.

Sa pag-aaral naman ni Samarca (2022) sa estruktura ng ponolohiya ng


Surigaonon-Cantilan sa Surigao del Sur. Nilapatan ito ng disenyong deskriptibong
kwalitatibo. Nakuha ang mga datos mula sa mga impormante na lehitimong mamamayan
sa mga bayan ng Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen at Lanuza na naging saklaw ng
pag-aaral. Natuklasan na ang Surigaonon-Cantilan na wikain ay mayroong anim (6) na
ponemang patinig: /i/, /e/, /ǝ/ , /a/, /o/ at /u/; at labimpitong (17) ponemang katinig:
/p/, /b/, /t/, /d/, /k/, /g/, /s/, /h/, /m/, /n/, /η/, /l/, /r/, /y/, /w/, /ˀ/ at /j/; Ginagamit ang mga
ponemang ito sa unahan, gitna at hulihan ng mga salitang Cantilangnun maliban sa /j/ na
walang gamit sa hulihan ng salita. Ang mga diptonggo na /aw/, /iw/, /ay/, /oy/ at /uy/ ay
nakapaloob din sa mga salitang na maaaring makikita sa una at huling pantig ng salita.
Natuklasan din ang dalawamput dalawa (22) na mga klaster sa wikang pinag-aralan: br,
by, dy, dj, dr, dy, gr, gw, hy, kl, kr, kw, ky, ly, pl, pr, pw, py, sw, sy, tr at ty at nakikitaan
din ng pares minimal ang wikaing ito. Apat na diin ang natukoy sa pag-aaral, ang
malumay, malumi, mabilis at maragsa.

Ayon kay Liwanag (2015), ang istruktura ng pangungusap sa Surigaonon ay


ginagamitan ng prinsipyo ng mga headedness. Narito ang mga sumusunod na ginagamit:
(1) pagsusuri sa tunog at pagbaybay, (2) pagsaliksik sa mga verbal at di-verbal na
pahayag, at (3) paglalarawan ng iba't ibang klase ng pangungusap - tulad ng mga
compound at complex sentence, imperative, at interrogative. Ang kanyang datos ay
kinuha mula sa elicitation, na kinumpirma ng mga katutubong nagsasalita ng wika na
kanyang pinag-aralan.

Sa pagsusuri naman ni Dumanig (2015) sa ponolohiya ng wikang Surigaonon,


inilahad niya ang mga pamamaraan sa pagbigkas ng mga katinig na tumutugon sa mga

17
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

pag-aaral ni Mata at Soriano (1998). Isinama rin niya ang pagsasaliksik ni Trosdal (1992)
sa kanyang pagsusuri ng mga patinig.

Inilahad naman ni Bautista, Jr. (2015), na malaki ang ginampanan ni Francisco


Dumanig sa unang paglunsad ng pag-aaral sa wikang Surigaonon. Si Dumanig, isang
Pilipinong lingguwista na dating nagtuturo sa Unibersidad ng Malaya sa Kuala Lumpur,
Malaysia at kasalukuyang propesor sa University of Hawaiʻi at Hilo, ay nagtuon sa
deskriptibong pagsusuri ng wikang Surigaonon. Isa sa kanyang natuklasan sa ponolohiya
ng wika ay ang may labimpitong (17) ponemang katinig, na kinabibilangan ng /b, d, g, h,
j, k, l, m, n, ŋ, p, r, s, t, w, y, ?/, at tatlong ponemang patinig na binubuo ng limang tunog,
i, a, u.

Banyaga

Ayon kay Shu (2019), ang wika ay isang kasangkapan sa komunikasyon at ang
ponetika ay isang mahalagang bahagi nito. Ang Ingles ay pangunahing nahahati sa
American English at British English. Para sa maraming nag-aaral ng Ingles, lalo na ang
mga galing sa Tsina, mahirap ang pagtukoy sa pagitan ng American English at British
English, na nagpapalala sa kahirapan ng pagsasanay sa wika. Sa proseso ng pag-aaral ng
Ingles, madali nating napagtatanto na may mga pagkakaiba sa pagbigkas ng parehong
salita sa American English at British English; sa parehong salita, magkaibang stress
syllables sa American English at British English; at sa parehong pangungusap,
magkaibang stress words sa American English at British English. Maraming dahilan
kabilang ang mga kasaysayan, pang-araw-araw na buhay, o kultura sa iba't ibang rehiyon
para sa mga pagkakaibang ito, na nagiging dahilan para pagtuunan ng maingat na pag-
aaral. Ang mga pagkakaibang ito ay isang hamon para sa mga nag-aaral ng Ingles, kaya't
napakahalaga ng pag-aaral ng mga pagkakaiba sa bigkas sa pagitan ng American English
at British English.

18
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

Ayon kay Trazo at Abocejo (2019), ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagkilala
ng mga tunog ng patinig batay sa International Phonetic Alphabet (IPA) ay ginagamitan
ng iba't ibang pamamaraan para tukuyin ang kanilang mga pagkakamaling pangwika at
kung paano ito nakakaapekto sa kanilang kakayahan sa produksyon ng tunog. Bukod
dito, ipinapakita rin ang ugnayan ng maayos na pagkilala sa tunog ng mga salita ng mga
mag-aaral sa wika at ang kahalagahan ng pag-unawa sa pangunahing tunog ng patinig
para sa mas mabuting komunikasyon.

Lokal

Inilahad nina Arcilla Jr., Soriano at Bayeta (2017), ang unang wika ay
nakaaapekto sa ponolohiya ng pangalawang wika. Sa Pilipinas, ang Ingles ay mahalaga
sa edukasyon, ekonomiya, at pambansang pag-unlad. May mga salitang mahirap bigkasin
para sa mga Pilipino. Ayon sa kanilang pag-aaral, mas maraming pagkakamali sa
pagbigkas ng tunog na "p" kaysa sa "t" at "k." Nakita rin na nagkakamali ang mga
Pilipino sa pagbigkas ng mga tunog na "f," "v," "r," at "th." Inirerekomenda na suriin ng
mga guro ang wika sa pag-artikula ng mga tunog ng mga mag-aaral sa Ingles. Kaugnay
nito, pinapayuhan na magdagdag ng mga aktibidad na naglalayong mapabuti ang
artikulasyon ng mga tunog sa Ingles na mahirap para sa mga mag-aaral, tulad ng
patimpalak sa pagbigkas ng tula sa iba't ibang antas ng pag-aaral.

Ayon kay Liu (2015), ang pagkakaroon ng malinaw na patnubay sa pag-aaral ng


mga mag-aaral hinggil sa pagbigkas, layunin, at estratehiya ng pagtuturo ng Ingles ay
nagbibigay-diin sa kahalagahan ng masusing pagtutok sa paksa ng ponetika, upang
mapabuti ang kasanayan sa pakikinig at pagsasalita sa wika. Bagamat ang Ingles ay
ipinakilala sa elementarya, may kakulangan sa mataas na edukasyon pagdating sa
malinaw na pagtutok sa pagtuturo ng ponetika.

Ayon kay Separa, Generales at Medina (2020), ang pundasyong kaalaman sa


unang wika ng isang tao ay nagiging batayan para sa pagpapahayag ng mga saloobin sa

19
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

pangalawang wika. Ang pangunahing layunin ng pagkuha at pagkatuto ng wika ay ang


mabisang komunikasyon ng mga indibidwal sa mga sitwasyong nakakatulong sa
paggamit ng pangalawang wika. Kapag nahaharap sa mga sitwasyong
pangkomunikasyon na hindi angkop para sa mga nag-aaral ng pangalawang wika,
nagiging mahirap ang pagpapahayag ng sarili. Sinasaliksik ng pananaliksik na ito ang
mga partikular na konteksto kung saan ang mga nagsasalita ng pangalawang wika ng
Ingles ay nakakaranas ng mga kahirapan sa iba't ibang mga gawaing pangkomunikasyon.
Ang mga estudyante ng unibersidad sa Pilipinas ay kinapanayam tungkol sa kanilang
mga karanasan sa paggamit ng Ingles para sa oral na komunikasyon, na nagbibigay-diin
sa mga pangyayari na nagdulot ng mga hamon.

2.5 Sintesis

Sa kabuuan ng mga pag-aaral na nabanggit, lumalabas ang kahalagahan ng


wikang Surigawnon sa konteksto ng mga lokal na wika sa Pilipinas. Ang mga pag-aaral
ni Bayang (2020) at Camar (2020) ay nagpapakita ng kahalagahan ng Surigawnon sa
komunidad, kung saan ang pag-aaral ng estruktura ng wika ay naglalabas ng mga detalye
sa varayti nito at ang pag-aaral ng ponolohiya at leksikostatistika ay nagbibigay-liwanag
sa kanyang istruktura at pag-unlad. Ang mga nabanggit na pag-aaral ay nagpapakita ng
malalim na pagsusuri sa estruktura ng wika at ponetika, anuman ang lokal na wika o
wikang banyaga. Mahalaga ang mga ito hindi lamang sa pagpapalalim ng kaalaman sa
wika kundi pati na rin sa mas malawakang pang-unawa at komunikasyon sa iba't ibang
antas ng lipunan.

Ang mga kaugnay na literatura tungkol sa pag-aaral ng Ponetikal at Morpolohikal na


kognisyon ay lubhang makakatulong sa isang mananaliksik. Una, nagbibigay ito ng
malawak na konteksto at pang-unawa sa paksa, na nagpapakita kung paano ito nakaugnay
sa naunang mga pag-aaral at teorya. Ito rin ang naglalatag ng pundasyon na maaaring

20
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

sundan o patunayan ng iyong pag-aaral. Pangalawa, ang mga literaturang ito ay


nagbibigay ng mga konsepto, teorya, at pamamaraan na ginagamit sa larangan ng
Ponetikal at Morpolohikal na kognisyon. Sa pamamagitan nito, mas nauunawaan ng
isang mananaliksik ang kanyang paksa at nagiging mas epektibo ang kanyang analisis.
Pangatlo, ang mga literaturang ito ay nagbibigay ng gabay sa kung paano dapat na itakda
at isagawa ang pag-aaral. Sa pamamagitan ng mga halimbawa at pamantayan na itinakda
ng mga naunang pag-aaral, nagiging mas matibay at maaasahan ang resulta ng iyong
pananaliksik. Panghuli, nagbibigay ang mga literaturang ito ng batayan para sa
interpretasyon ng mga natuklasan. Sa pamamagitan ng mga teorya at modelo na nasa
literatura, nagiging mas malinaw ang kahulugan at implikasyon ng iyong mga natuklasan.
Sa kabuuan, ang mga kaugnay na literatura ay nagpapalalim sa pagkaunawa at
nagpapalakas sa integridad ng isang pag-aaral sa Ponetikal at Morpolohikal na
kognisyon.

TSAPTER 3

METODOLOHIYA

3.1 Introduksiyon

Ang tsapter na ito ay sumasaklaw sa disenyo ng pag-aaral, impormante ng pag-


aaral, instrumento ng pag-aaral, lugar ng pag-aaral at ang paraan ng pangangalap ng
datos. Kinapapalooban ito ng estratehiyang ginamit ng mga mananaliksik sa kanilang
pag-aaral. Itinala sa kabanatang ito ang mga pamamaraan na ginamit ng mga
mananaliksik sa pag-aaral ng "Pagsipat sa Ponetikal at Morpolohikal na Kogneyts:

21
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

Panimulang Pag-aaral sa Pagmamapa ng Wikang Surigaonon sa Hilagang-Silangan ng


Mindanao sa Munisipalidad ng Madrid, Cantilan, Carrascal, Surigao del Sur." Makikita
dito ang disenyo ng pag-aaral, respondente ng pag-aaral, instrumento ng pag-aaral, lugar
ng pag-aaral at ang paraan ng pangangalap ng datos. Kinapapalooban ito ng estratehiyang
ginamit ng mga mananaliksik sa kanilang pag-aaral.

3.2 Disenyo ng Pag-aaral

Gagamitin sa pag-aaral na ito ang kuwantitatibong pamamaraan. Ang istilo ng


pananaliksik na isinasagawa ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya. Pinili ng mga
mananaliksik ang Descriptive Survey Research Design na gumagamit ng talatanungan
para makalikom ng datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang disenyo na kanilang
ginamit ay angkop para sa kanilang paksa dahil magiging mas madali ang pangangalap
ng datos na kanilang isinasagawa. Ang Descriptive Survey Research Design ay
inaangkop ng mga mananaliksik sa kanilang pananaliksik kahit na limitado lamang ang
kanilang bilang ng mga impormante. Ito ay dahil hindi lamang sila umaasa sa mga sagot
mula sa kanilang talatanungan kundi maaari rin silang magsagawa ng panayam upang
madagdagan ang kanilang datos at impormasyon.

3.3 Impormante ng Pag-aaral

Pipili ang mga mananaliksik ng mga impormante batay sa una, dapat ay


lehitimong mamamayang Surigaonon, pangalawa ay babae man o lalaki, pangatlo ay may
edad na 40 hanggang 60 at panghuli ay propesyonal man o hindi. Kumuha ang mga
mananaliksik ng limampung impormante sa bawat munisipalidad, na may kabuoang
isang daan at limampung (150) impormante. Ito ang pagbabatayan ng mga mananaliksik
sa pagpili ng mga impormante.

22
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

Ang sampling technique na ginamit ng mga mananaliksik ay ang purposive


sampling, upang matiyak at masuri ng mananaliksik ang mga impormante na may sapat
na kaalaman sa wikang Surigaonon.

Respondente (Munisipalidad) Bilang ng impormante


Carrascal 50
Cantilan 50
Madrid 50
Figyur 2. Distribusiyon ng mga impormante

3.4 Instrumento ng Pag-aaral

Ang mga kagamitan na gagamitin sa pag-aaral ay ang (1) Panulat at Kwaderno sa


pagtatala ng impormasyon at sagot ng impormante. (2) Laptop sa pag-i-encode ng mga
impormasyon na may kaugnayan sa pag-aaral. (3) Selpon sa pagdodokumento ng
partisipasiyon ng mga mamamayan, at (4) Printer sa pagpi-print ng bawat kabanata.

Anong instrumentong gagamitin ninyo sa pangangalap ng datos, Sarbey?


Talatanungan? Pakikipanayam? Atbp.

3.4 Lugar ng Pag-aaral

Lokasyon
ng
23
Pag-aaral
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

Figyur 3. Mapa ng Carrascal, Cantilan, Madrid Surigao del Sur

Banggitin kung anong probinsya nabibilang ang mga munisipalidad na saklaw ng


inyong pag-aaral

Ang Madrid, opisyal na tinatawag na Bayan ng Madrid, ay isang ika-4 na klaseng bayan
sa lalawigan ng Surigao del Sur, Pilipinas. Ayon sa talaan ng 2020, may populasyon ito
na 16,653 katao. Cantilan, opisyal na tinatawag na Bayan ng Cantilan, ay isang ika-2 na
klaseng bayan sa lalawigan ng Surigao del Sur, Pilipinas. Ayon sa talaan ng 2020, may
populasyon ito na 34,060 katao. Tinuturing ang Cantilan bilang "Duyan ng mga Bayan"
sa Surigao del Sur. Carrascal, opisyal na tinatawag na Bayan ng Carrascal, ay isang ika-4
na klaseng bayan sa lalawigan ng Surigao del Sur, Pilipinas. Ayon sa talaan ng 2020, may
populasyon ito na 24,586 katao. (Banggitin ang sanggunian)

3.5 Paraan ng Pangangalap ng Datos

Pagkatapos makapili ng tiyak na paksa para sa pag-aaral, ang mga mananaliksik ay


hihingi ng pahintulot mula sa Punong Baranggay ng isa sa mga barangay ng
Munisipalidad ng Madrid, Cantilan, at Carrascal Surigao del Sur, upang payagan o
bigyang pahintulot ang mga mananaliksik na isagawa ang pag-aaral sa mga lehitimong
mamamayang Surigaonon. Pagkatapos, pipili nang babae o lalaki na may edad na 20
hanggang 50, propesyonal man o hindi. Ito ang pagbabatayan ng mga mananaliksik sa

24
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

pagpili ng mga impormante na sasagot sa talatanungan mula sa Munisipalidad ng Madrid,


Cantilan, at Carrascal Surigao del Sur.

(Mas gawing detalyado ang paraan ng pangangalap ng datos mula sa pagpili ng


impormante, pagbuo ng talatanungan, pakikipanayam sa mga impormante, hanggang
sa pag-aanalisa ng datos)

Bibliograpiya

(PDF) problem solving attitude and critical thinking ... - researchgate. (n.d.).
https://www.researchgate.net/publication/341916017_PROBLEM_SOLVING_AT
TITUDE_AND_CRITICAL_THINKING_ABILITY_OF_STUDENTS

Bayang, E. E. (2020). International Journal of Applied Science and Research.


https://ijasr.org/

Beinborn, L., Zesch, T., & Gurevych, I. (2014, January 1). Readability for foreign
language learning: The importance of cognates. ITL - International Journal of
Applied Linguistics.
https://www.jbe-platform.com/content/journals/10.1075/itl.165.2.02bei?
fbclid=IwAR22TWcAs-ZcA6i_rHPuJrq9nl0--
z05XPnMr7Y4LY5io22kcMOAX0AvcEk

Dandee, W., & Pornwiriyakit, P. (2022, June 20). Improving English Pronunciation
Skills by Using English Phonetic Alphabet Drills in EFL Students. Google.
https://www.google.ca/webhp?rct=j

Flores, M. L. (2015). EBSCOhost Login. https://search.ebscohost.com/?site=dmp&

Gorumba, J. A. (2021, March). Morpolohikal na Pagsusuri sa Wikang Ceb-Waray.


https://research.lpubatangas.edu.ph/wp-content/uploads/2022/02/APJMSD-2021-
01-007a.pdf

Hucke, N. (2021a). Phonology and fluency: How pronunciation is (and is not) taught
in ... UNI Scholar Works. https://scholarworks.uni.edu/cgi/viewcontent.cgi?
article=1470&context=hpt

25
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

Hucke, N. (2021b). Uni ScholarWorks. https://scholarworks.uni.edu/cgi/viewcontent.cgi?


article=1470&context=hpt

Jassem, Z. A. (2012, November 7). The Arabic origins of verb “to be” in English,
German, and French: A lexical root theory approach. International Journal of
Applied Linguistics and English Literature.
https://journals.aiac.org.au/index.php/IJALEL/article/view/830?
fbclid=IwAR2fBGA9ripGNi_PcyfR4RvJa7Fo49cPy5SF7E7i_Ip5dtrmsjFplR4_uu4

Li, C., & Gollan, T. H. (2018, April 20). Cognates interfere with language selection but
enhance monitoring in connected speech - memory & cognition. SpringerLink.
https://link.springer.com/article/10.3758/s13421-018-0812-x?
fbclid=IwAR1igKdsxylRZxzCGcjo6niDR_4Msn1r1GltFaOpJlgQCCrojgRtG8KyO
ic

Nuncio, R. V., Pontemayor, F. B., Monforte, J. A., & Lumigis, D. K. A. V. (2020, June).
Analyzing the lexical variation of Filipino, Bicol, and Cebuano terms ... Analyzing
the Lexical Variation of Filipino, Bicol, and Cebuano Terms within the Context of
Livelihood. https://www.semanticscholar.org/paper/Analyzing-the-Lexical-
Variation-of-Filipino,-Bicol,-Pontemayor-Nuncio/
ec9e1be6c5d778a062880d954408679231f6ade1

Obiri-Yeboah, M. (2021, September 16). Phonetics and phonology of Gua. eScholarship,


University of California. https://escholarship.org/uc/item/6tx034q1

Raniela Peñafrancia, R. E. (2013, January). EBSCOhost Login. Johnny at Jun Belgica:


Pananahan sa Rugaring. https://search.ebscohost.com/?site=dmp&

Samarca, A. Y. (2022, December 25). Asia Pacific Journal of Social and Behavioral
Sciences. https://research.buksu.edu.ph/index.php?journal=APJSBS

Schepens, J., Dijkstra, T., Grootjen, F., & Heuven, W. J. B. van. (n.d.). Cross-language
distributions of high frequency and phonetically similar cognates. PLOS ONE.
https://journals.plos.org/plosone/article?
id=10.1371%2Fjournal.pone.0063006&fbclid=IwAR2rs6qpnSSb1V_NJITiynZklp
PMB9Fs-_KgNJdmrvX93_om2FTbhQkgGPM

Separa, Lenis Aislinn C., Generales, L. J., & Medina, R. J. S. (2020, June 30). Situational
speaking difficulties of English as second language learners in the Philippines.
Journal of Southeast Asian Studies.
https://scholar.archive.org/work/2aporucgevd5rpyrk5zkga3gwe

26
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Cantilan Campus
Department of General Teacher Training
Cantilan, Surigao del Sur
Telefax No. 086-212-5132
Website: www.sdssu.edu.ph
____________________________________________________________________________________

Separa, Lenis Aislinn Chua, Generales, L. J., & Medina, R. J. S. (2020, June). Situational
speaking difficulties of English as second language learners in the Philippines.
JATI. https://jati.um.edu.my/article/view/21654

Suparno, D., Azwar, M., Al-Rawafi, A., Rokhim, M., Angga, N., & Chairul, A. I. (2022,
November 2). Modern standard Arabic and Yemeni Arabic cognate: A contrastive
study. Langkawi: Journal of The Association for Arabic and English.
https://ejournal.iainkendari.ac.id/index.php/langkawi/article/view/4240?
fbclid=IwAR335P9zTjBIH_t62lDddeF_APAEcVDWo4zSD6DBJBKlQZVooOrcL
LxfbJE

Wallace, S., & Troia, G. (2023, October). About this issue: Sentence-level writing skills
in children with and without developmental language disorders. Topics in language
disorders. https://journals.lww.com/topicsinlanguagedisorders/pages/default.aspx

27

You might also like