Ang Christmas break ay isang magandang pagkakataon upang magpakita ng
makataong kilos sa ating kapwa at mag-kasama-sama tayo ng ating pamilya. Ito ang panahon ng pagmamahalan, at pag-aalaga sa ating kapwa. Ito ang aking sanaysa ay na naglalarawan at nagpapakita ng makataong kilos sa panahon ng Christmas break. Sa panahon ng Christmas break, marami tayong pagkakataon upang mag-bigay ng kasiyahan at tulog sa isa’t-isa. Isa sa mga makataong kilos na aking ginawa ay ang pag-tulong sa aking magulang sa pag-handa ng aming noche buena para sa pasko. Sa pamamagitan nito nagkakaroon kami ng bonding sa isa’t-isa at nagkakaroon ng oras para magmahalan sa isa’t-isa. Isa pang makataong kilos na aking ginawa ay pagbibigay ng mga regalo sa aking mga mahal sa buhay. Ito ang pagkakataon upang ipakita ang ating pagmamahal, pag-hahalaga at paraan upang tayo ay magpasalamat sa mga taong nagbigay ng kasiyahan at suporta sa ating buhay. Nag-isip ako ng mga personal at makabuluhang regalo na magpapahiwatig sa kanila ng aking pagmamahal at pagpapahalaga sa mga mahak ko sa buhay. Sa panahon din ng Christmas break ay nagkaroon ako ng oras para sa aking pamilya. Sa gitna ng aming mga abala at responsibilidad, nakalimutan na namin ang tunay na kahalagahan ng quality time, kaya naman sa panahon ng christmas break nagkaroon kami ng oras sa isa’t-isa at quality time at nagkaroon din kami ng mga masasaya na alala. Dagdag ko pa noong christmas break ay nagkasama-sama kami ng aking mga kaibigan at nagkaroon ng masayang alala, at nagkaroon kami ng masayang alala, kwentuhan at pagsasama, nagbigayan din kami ng regalo sa isa’t-isa. Ang Christmas break ay isang mahalagang panahon para sa ating lahat at sa mga mahal natin sa buhay at puno din ito ng makataong kilos, sa pamamagitan ng pagtulong at pagkakaroon ng oras sa ating mga mahal sa buhay, pagbibigayan ng Nathaniel Stan AJ L. Manianita 10 – YAKAL 2ND QUARTER ESP 10 | SANAYSAY MAKATAONG KILOS | January 1, 2024
regalo ay ipinapakita nito ang pagmamahal at paghahalaga, pagbibigayan ng
kasiyahan sa iba. Ito ay isang panahon para patunayan natin ang tunay na halaga ng pasko.