Professional Documents
Culture Documents
Mitong Norse
Mitong Norse
MITOLOHIYA NG ICELAND
Snorri Sturlurson (viking)
- Sinulat ang PROSE EDDA mas kilala bilang EDDA (nagbigay anyo —- nagdulot ng pagkilala ng mga
mitolohiyang Norse)
- nagmula sa lahing Eskandinaba na nagsimula noong panahon ng mga Viking na nanirahan noon sa
Iceland. Tulad ng ibang mitolohiya, hindi nailathala ng mga Viking ang kanilang mitolohiya dahil ito
ay pasalitang ipinapasa sa pamamagitan ng pagkukuwento lamang kaya maraming bahagi ng
mitolohiyang Norse ang hindi nabigyang linaw.
- Pinaniniwalaan na ang unang mga nanirahan sa Iceland noong ika-9 na siglo ay ang mga “Papar” o
mga Irish monks. Nang umalis ang mga papar, nag-iwan ang mga ito ng mga libro na naging
basehan ng mga akdang pampanitikan ng bansang Iceland. Sunod na nanirahan ang mga Norse sa
pangunguna ni Naddador at tinawag itong “Snow land” dahil kasalukuyang may niyebe nang sila ay
nakarating. Ang pangalang Iceland ay ibinigay ng sumunod na nanirahan sa isla na si Flóki
Vilgerðarson isang Viking. Pinangalanan niya itong Iceland dahil sa nakita niyang mga iceberg o
malalaking tipak ng yelo.
- Ang mitolohiyang Norse ay nagmula sa lahing Eskandinaba na nagsimula noong panahon ng mga
Viking na nanirahan noon sa Iceland. Hindi nailathala ng mga Viking ang kanilang mitolohiya dahil
ito ay pasalitang ipinapasa sa pamamagitan ng pagkukuwento lamang kung kaya naman maraming
bahagi ng mitolohiyang Norse ang hindi nabigyang linaw. Dahil walang nakalimbag na mga
kalipunan ng mga tula, awit at mga kuwento ng mga diyos at diyosa ang mga Viking, si Snorri
Sturlurson ay lumikha ng isang akda na pinamagatang Prose Edda o mas kilala bilang Edda na
siyang kinapapalooban ng mga kuwento ng mga diyos at diyosa. Ito ang nagbigay anyo sa
mitolohiyang Norse. Dahil sa Edda, mas nakilala ng mundo ang kultura ng mga Viking at ang
kanilang mga paniniwala.
- Ang madalas na tema ng mitolohiyang Norse ay ang paglalakbay ng mga diyos at ang
pakikipaglaban nila sa mga higante na mahigpit na kalaban ng mga diyos.
TEMA:
Paglalakbay at pakikipaglaban sa mga HIGANTE
DIYOS AT DIYOSA:
1. Odin - pinuno ng Asgard
2. Thor - diyos ng kidlat, PINAKAMALAKAS (MJOLNIR)
- Sa kanya hango ang salitang “Huwebes”
3. Loki - mapanlinlang
TAGPUAN:
Asgard - pinaninirahan ng Aesir
Jotunheim — tirahan ng Higante
Billfrost – bahaghari tungo sa mundo ng mortal
PALIGSAHAN
1. Loki vs. Logi —---- pagkain —-- “apoy”
2. Thailfi vs. hugi —---- pagtakbo —---- “pag-iisip”
3. Thor vs. Inuminang Tambuli —--- “nakakonekta sa dagat” (naglalaman ng alak na gawa sa tubig at
pulot (mead).
4. Thor vs. napakalaking abuhing pusa —-- “malaking ahas na miogaro”
5. Thor vs. Elli —---- “pagtanda na nagpapahina sa kahit na sino pa man.”
*Inilagay ni Skrymir ang kanilang mga gamit at pagkain sa loob ng kaniyang sisidlan at itinali ito.*
*Nagalit si Thor kaya tatlong beses niyang pinalo nang malakas sa ulo si Skrymir*
*Si Skrymir ay si Utgard-Loki rin mismo dahil siya ay may kakayahang magbago ng anyo.*
*Sa bawat hampas ni Thor sa kaniyang ulo ay may nabubuong lambak.*
*Sa isang iglap, naglaho si Utgard-Loki kasama ang kaniyang buong kaharian at ang tumambad sa kanila ay
isang malawak na lambak.*
Paano na emphasize ng tagpuan ang ugali ng mga vikings? —- malakas ang kanilang loob kahit hindi nila
lugar iyon.
Lahat tayo ay may angking galing at kahusayan sa iba’t ibang larangan. Mahalaga na gamitin ng tama ang
mga taglay na kahusayan upang higit mong mapalago ang iyong sarili at upang makatulong sa ibang tao.
Huwag maiinggit at ikokompara ang sarili sa iba dahil lahat tayo ay magkakaiba. Iwasan ang pandaraya kung
higit na mas magaling sa iyo ang isang tao bagkus, mahalin ang sarili at ipagmalaki ang sariling kakayahan.
TALASALITAAN
● Sumalagpak - Napaupo
● Humagibis - Tumulin
● Umalembong - Lumandi
● Kulabo - Panlalabo
● Simbuyo - Silakbo
● Halungkatin - Halughugin
📑 SONETO
- Ito’y tulang liriko na binubuo ng labing-apat (14) na taludturan na hinggil sa damdamin at kaisipan.
Ito’y nakikilala sa matinding kaisahan ng sukat at kalawakan sa nilalaman.
- Ang soneto ay hindi basta tula lamang na binubuo na labing-apat na taludturan. Ito’y kailangang
may malinaw na kabatiran sa kalikasan ng tao at sa kabuuan. Ito ay naghahatid ng aral sa mga
mambabasa. Sa unang walong taludtod ay inilalahad ang diwa, paghanga man o talinghaga, at sa
huli naman ang karagdagan o anumang kapupunan sa ikabubuo ng tula.