Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 37

Pagsasaling

Siyentipiko at
Teknikal
 Naniniwala ang maraming iskolar at mga
propesyonal sa pagsasalin na may dalawang
pangkalahatang uri ng pagsasalin ang pagsasaling
pampanitikan at mga pagsasaling siyentipiko at
teknikal. Sinasabi rin ng mga awtoridada na teknik
at pamamaraan ang dalawang pang kalahatang
uring ito.
Tinutukoy ng pagsasaling pampanitikan
ang proseso ng muling pagsulat sa ibang
wika ng malikhaing akda tulad ng tula,
dula maikling kuwento, sanaysay, nobela
at iba pang anyong pampanitikan.
Samantala lahat ng tekstong hindi pampanitikan ay
mabibilang sa tekstong teknikal. Kabilang dito ang mga
balita, pormal na sanaysay, feature articles, agham
panlipunan, tekstong pambatas, disiplinang akademiko,
teknolohiya at iba pang katulad. Karaniwan, siyensiyang
pangkalikasan (ang pinag-uusapan kapag ginamit ang
terminolohiyang pagsasaling siyentipiko.
MGA SALITANG
SIYENTIPIKO AT TEKNIKAL
NA NAISALIN SA FILIPINO
1. Haynayan (biology) - isang natural na agham na
nauukol sa pag-aaral ng buhay at mganabubuhay na
organism
2. Mikhaynayan (microbiology) - isang natural na agham
ukol pag-aaral sa miktataghayo microorganism
3. Mulatling Haynayan (molecular biology) - pag-aaral ng
mga istruktura at tungkulinng mulatil o molecule sa mga
nabubuhay na organism
4. Palapuso (cardiologist) - isang dalubhasa ng
palapusuan o cardiology
5. Palabaga (pulmonologist) - isang dalubhasa
ng palabagaan o pulmonology
6. Paladiglap (radiologist) - isang dalubhasa ng
paladiglapan o radiology
7. Sihay (cell) - ang pinakapayak na kayarian ng mga buhay
na organism
8. Muntilipay (platelet) - mga selula o sihay na may
mahalagang papel sa pagpagalingng mga sugat na dumadaan
sa daluyan ng dugo
9. Kaphay (plasma) - isang bahagi ng dugo na ang
pangunahing trabaho ay angtransportasyon ng mga ensyma,
nutrisyon, at hormona
10. Iti, daragis, balaod (tuberculosis) - impeksyon
sa baga na nagmumula sa isang uring ishay o
bacteria , ang Myobacterium tuberculosis
11. Sukduldiin, altapresyon (hypertension) - isang
medikal na kondisyon kung saan angpresyon ng
dugo sa mga malaking ugat ay labis na mataas
12. Mangansumpong (arthritis) - ang pamamaga sa mga
kasu-kasuan na nagiging sanhing kawalan ng kakayahang
maiunat o maibaluktot at paninigas ng bahaging ito
13. Piyo ( gout) - isang uri ng mangansumpong o
rayuma na dulot ng abnormal nametabolismo ng uric
acid.
14 .Balinguyngoy (nosebleed) - pagdurugo ng ilong
Layon ng Pagsasaling
Siyentipiko at
Teknikal
Komunikasyon ang pangunahing layon ng
pagsasaling siyentipiko at teknikal. Isinasalin
ang ganitong uri ng teksto upang magbahagi
ng impormasyon sa mas nakararaming
mamamayan na hindi lubusang nakauunawa ng
SL, na karaniwang Ingles.
Ayon kina Antonio at Iniego Jr. (2006), hindi
matatawaran ang kahalagahan ng pagsasaling
siyentipiko at teknikal (ST) sa pagpapalaganap ng
impormasyon sa iba’t ibang sangay at institusyon ng
bansa. Ito rin ang pinakamahalagang sangkap sa
paglilipat, pag-iimbak at muling pagpapanumbalik ng
mga karunungan sa lahat ng panig ng daigdig.
Hambingan ng Tekstong Siyentipiko at Tekstong
Pampanitikan

Si Ali R. Al-Hassnawi, sa kanyang “Aspects of


Scientific Translation:English into Arabic Translation
as a Case Study” (2006) ay nagsagawa ng
hambingan ng mga tekstong pampanitikan at
siyentipiko/teknikal.
Mga Tekstong Pampanitikan
Mga tekstong Siyentipiko

pagiging makatwiran Kawalan ng argumentatibong pagsulong

katiyakan kawalang katiyakan

katotohanan sa particular sa particular na


realidad. katotohanan ng ideyal
Katwiran emosyon

heneralisasyon pagpapatunay

Kahulugang batay sa
kahulugang reperensyal emosyon
denotasyon Konotasyon

-leksikal na paglalapi Gramatikal na paglalapi


madalas ang mga idyomatikong
Madalang
pahayag
ang mga idyomatikong pahayag

Paggamit limitadong daglat, akronim,


ng mga daglat,akronim register register

Mga karaniwang ekspresyon


Halos lahat ng uri
terminolohiya hindi gumagamit ng mga siyentipikong
Ispesyalisadong terminolohiya o pormula
item at pormula

Hindi gumagamit ng Malawak na paggamit ng


matatalinhagang salita. matalinhaggang pananalita
Ang Tagasalin ng
Tekstong Siyentipiko at
Teknikal
Tulad din ng tagasalin ng iba pang uri ng
teksto, ang tagasalin ng tekstong siyentipiko
at teknikal ay kailangang may sapat na
kahandaan sa pagsasalin. Kailangan niya ng
kahusayan sa dalawang wikang sangkot sa
pagsasalin, kailangan ding malalim ang
kaalaman niya sa paksang isinasalin.
 Sino ang may karapatang magsalin ng tekstong
siyentipiko at teknikal?Kung information technology
ang paksang isinasalin,kailangan bang sangkot sa
gawaing ito ang tgasalin? Kung kemistri ang
isinasalin, kailangan abang kimiko ang tagasalin?
Kung medisina ang paksa, doctor lamang ba ang may
karapatang magsalin?
Para sa larangan ng medisina, sinagot ni
Maria O’Neill, MD, ang tanong na ito sa
kanyang “Who Makes a Better Medical
Translator: The Medically Knowledgeable
Linguist or the Linguistically Knowledgeable
Medical Professional? A Physician ‘s
Perspective” (1998).
Sinabi niya na dahil kakaunti ang mga
doctor na nagsasalin ng paparaming tekstong
medical na kailangang maisalin sa iba’t ibang
wika, mas maaasahan ang mga tagasalin, na
hindi doctor, na siyang magsagawa ng
pagsasalin ng mga tekstong medikal.
Ginamit niya ang terminong “ medical professional” sa
halip na “physician” o doctor upang tukuyin hindi lamang
ang mga manggagamot o doctor kundi pati na rin ang mga
nars, dentist, paramedic, at iba pa.Pare-pareho silang
kumuha ng mga pangunahing kurso sa biology, chemistry,
biochemistry, organic chemistry, anatomy, physiology,
pharmacology, at iba pa, kaya pamilyar sila sa
lengguwaheng ginagamit sa medisina.
Idinagdag niya na mahalagang nauunawaan ng tagasalin ang “ wika
ng medisina” dahil ito ay “punung-puno ng jargon at di
karaniwang pamamarirala na di karaniwang naririnig o nababasa sa
pang-araw-araw na buhay”, ang isang halimbawa nito ay:”the
patient complains of such-and-such” at “the patient’s chief
complaint is.”Para bang masyadong mareklamo ang mga
pasyenteng kumokonsulta sa mga doctor. Ngunit ang totoo’y
ginagamit ang salitang “complaint” para tukuyin ang dinaramdam
ng pasyente.
Kung isasalin sa Filipino ang nabanggit na
salita, hindi angkop na tumbasan ito ng
reklamo dahil ito (salitang reklamo) ay
karaniwang naiuugnay sa mga bagay na
idinudulog sa hukuman o kaugnay na
konsepto.
Bukod sa mga jargon at idiosyncratic phrases,
sinabi pa ni O’Neill na sa propesyong medical,
may mga salitang taglay na karunungan na
tanging mga nasa propesyong medikal ang agad
makauunawa at posibleng hindi agad
maintindihan ng isang hindi doctor o nasa
ganoong propesyon.
Mas angkop na tumbasan ang “complaint”
ng“dinaramdam “ o “nararamdamang sakit” ng
pasyente. Ngunit upang makatiyak, kailangang
sumangguni sa mga doctor,nars, komadrona, at iba
pang nasa propesyong medical upang malaman kung
ano ang salitang ginagamit nila kapag nakikipag-usap
sa mga pasyente.
Sinipi ni O’Neill si Doughlas Robinson, isang tagasalin at
awtor ng mga aklat sa proseso ng pagsasalin, na
nakapagsalin na ng ilang tekstong medikal.Nang tanungin
kung paano siya nakapagbuo ng sariling “ medical
register”, sinabi ni Robinson: “Faking it, mostly”-
dahil ang isang tagasalin ay nagpapanggap lamang na siya
ang neurologist, gastroenterologist o inhinyero na
sumulat ng orihinal na teksto.
Ang totoo’y pabirong sagot ito ngunit may bahagyang
katotohanan, dahil talagang inilalagay ng tagasalin ang
sarili sa lugar ng isang doktor,inhiyero o siyetista kapag
nagsasagawa siya ng pagsasaling teknikal at siyentipiko.
Ngunit ang “pagpapanggap” na ito, kung matatawag
ngang pagpapanggap, ay nagiging matagumpay lamang
kung ibinatay sa nauna nang malalim at malawakang saliksik
na isinagawa ng tagasalin hinggil sa paksang isinasalin.
UPANG MAGING MATAGUMPAY SA PAGSASALIN,
ITINALA NI O’NEILL ANG SUMUSUNOD NA MGA
PAMAMARAAN:

1. pananaliksik sa mga aklat at sa internet

2. paggamit ng mga diksiyunaryo

3. feedback mula sa kliyente o sa nagpagawa ng salin

mahalaga rin ang karanasan, na magsisilbing gabay sa mga


4.
susunod na pagsasalin
Bilang kongklusyon, sinabi ni O’Neill na kapwa
makapagsasagawa ng mahusay na salin ng mga tekstong medical
ang mga linguistically knowledgeable medical prfessionals gayon
din ang mga medically knowledgeable linguists. Kapwa nakakabit
ang salitang knowledgeable sa dalawang termino.
Nangangahulugan ito ng malalim na kaalaman, kapwa ng
tagasaling doctor, at ng tagasaling hindi doctor, sa paksa ng
tekstong medikal at sa wikang ginagamit sa pagsasalin.
Samakatuwid, mahalaga ang kaalaman sa paksang
isinasalin maging ito man ay pampanitikan o teknikal. Sing
halaga rin ng kaalaman sa paksa ang kahusayan sa TL dahil
ito ang daluyan ng salin. Sa ideyal na siywasyon,
maaaring magkaroon ng kolaborasyon ang eksperto sa
paksang teknikal at ang eksperto sa wika upang makabuo
ng mahusay na salin ng tekstong siyentipiko at teknikal.
Kailangang taglayin ng
tagasalin ng mga tekstong
Siyentipiko at teknikal-
Ayon sa London Institute of
Linguistics
1.malawak na kaalaman sa paksa ng tekstong
isasalin
2.mayamang imahinasyon upang mailarawan sa
isipan ang mga kasangkapan o prosesong
tinatalakay
3. katalinuhan,upang mapunan ang mga nawawala
at/o malabong bahagi sa orihinal na teksto.
4.kakayahang makapamili at makapagpasya sa
pinakaangkop na terminong katumbas mula sa
literature ng mismong larangan o sa diksyonaryo
5. kasanayang gamitin ang pinagsasalinang wika
nang may kalinawan, katiyakan, at bias; at
6.karanasan sa pagsasalin sa mga kaugnay na
larangan o disiplina

You might also like