Executive Order For BGPMS

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

(OFFICIAL LETTERHEAD OF THE BARANGAY)

TANGGAPAN NG PUNONG BARANGAY


Kautusang Tagapagpatupad Blg. 2016-
(Executive Order)
ISANG KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP NA BUMUBUO SA KOMITE NG BARANGAY GOVERANANCE MANAGEMENT
SYSTEM (BGPMS).

SAPAGKAT, Ang barangay ang pangunahing yunit pulitika na bumabalangkas at nagsasakatuparan ng mga
patakaran, plano at programa, proyekto at mga gawain sa isang pamayanan. Ito rin ay nagsilbing “forum” o daluyan kung
saan ang mga samu’t-saring usapin ay maaring maipahayag, bigyang-linaw at isaalang –alang, dito rin maaring dinggin at
ayusin ang mga ‘di pakakasundo;

SAPAGKAT, ang pagbalangkas at pagsasakatuparan ng mga nabanggit na gawain ay nangangailangan ng isang


mabisang mekanismo upang maging batayan para sa mas mahusay at epektibong pamamahala;

SAPAGKAT, ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pangunahing tanggapan ng
pamahalaan na umaagapay at nagtataguyod sa mga pamahalaang local tungo sapagkakaroon ng isang mahusay at
epektibong pamamahala;

SAPAGKAT, isinusulong ng DILG ang isang programang tinaguriang: “Barangay Governance Performance
Management System” (BGPMS) na siyang tutulong sa pagbuo sa kalagayan at magsisilbing mabisang basehan para sa mga
pagpaplano at pagsasakatuparan ng mga patakaran, programa, proyekto at mga Gawain ng bawa’t barangay;

SAPAGKAT, ang Barangay (number) Zone (number) District (number) ay lubos na naniniwala na ang BGPMS
ay makatutulong ng malaki sa pagsikap na makamtan ang mga adhikain nito;

DAHIL DITO, AKO, si (name of Punong Barangay), Punong Barangay ang Barangay (number) Zone
(number) District (number), Lungsod ng Maynila sa bisa ng kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng Kodigong
Pamahalaang Lokal Taon 1991 at ng ibang mga umiiral na batas at pamamagitan nito ay minarapat na ipagutos ang mga
sumusunod:

Seksyon1. PAGBUO NG KOMITE NG BGPMS. Kung kaya’t ang komiteng BGPMS ay kaylangan at dapat buuin.
Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

Tagapangulo :(name of Punong Barangay)- Punong Barangay


Mga Kasapi :(name of SB Member)– Sangguniang Barangay Member
(name of SB Member)- Sangguniang Barangay Member
(CSO Member)– name of Civil Service Organization
(CSO Member)– name of Civil Service Organization

Seksyon 2.MGA TUNGKULIN AT GAWAIN NG KOMITE.

1. Paglakap ng mga datos na hinihinging Data Capture Form (data collection)


2. Pagtiyak sa kawastuan ng bawat datos na nakalap (validation).
3. Pagtatasa/pagsusuring mga pinagsamang-samang impormasion. (analysis)
4. Pagbalagkas ng “Ulatsa Barangay.” (SBGR PREPARATION)
5. Pagsusumite sa mga kinauukulan. (Submission)
6. Pag-uulat. (Utilization conference)
7. Patuloy na pagrerepaso/monitor ng Ulat sa Barangay (review/monitoring).

Seksyon3. TAGAPAYONG-TEKNIKAL. Ang Komite ay makikipag-ugnayan sa kinatawan ng tanggapan ng


Department of the Interior and Local government (DILG) para sa karampatang paying teknikal.

Seksyon4. PAGKAKABISA. Ang Kautusang ito ay dagliang makakabisa.

Isinagawa Barangay (number) Zone (number) District (number), Lungsod ng Maynila ngayong ika-(date)
(month) 2016.

(name of Punong Barangay)


Punong Barangay
Barangay (number) Zone (number)
District __________

You might also like