Mga Aktibidad Na May Kaugnayan Sa Pagsasalita

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

MGA AKTIBIDAD NA MAY KAUGNAYAN SA PAGSASALITA

1. Katawagan: “Ipaglaban Mo!”


Lunsaran: Debate
Deskripsyon: Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat. Magtatanong ang
guro, at papipiliin ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang ipaglalaban.
Ang bawat koponan ay bibigyan ng isang minuto upang sabihin ang
kanilang panig, at maaari lamang nilang ipaglaban ito ng tatlong beses.
Walang mananalo dito dahil maririnig ang puntos ng magkabilang grupo.

2. Katawagan: "Sang-ayon o Hindi Sang-ayon"


Lunsaran: Debate
Deskripsyon: Ang guro ay hahatiin ang klase sa dalawang grupo. Ang isang
grupo ay ipaglalaban kung bakit sila sang-ayon sa bagay o sitwasyon na
ibibigay ng guro at ang isang grupo naman ay ipaglalaban kung bakit hindi
sila sang-ayon dito. Bawat grupo ay bibigyan ng 30 segundo upang
makapagsalita at maipahayag ang kanilang mga saloobin.

3. Katawagan: “Pangatwiranan Mo!”


Lunsaran: Debate
Deskripsyon: Ang guro ay magtatanong kung sino ang dalawang mag-aaral
ang nagnanais na pangatwiranan ang isang katanungan na may kaugnayan sa
paksa. Bawat mag-aaral ay ipagtatanggol ang kanilang pananaw.

4. Katawagan: “G na, G pa, sa Fast talk, Tara na!”


Lunsaran: Interview
Deskripsyon: Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat; bawat grupo ay
magkakaroon ng isang mag-aaral na gaganap bilang Boy Abunda, at ang ilan
ay mga artista na tatanungin. Ang kanilang mga tanong at sagot ay batay sa
tinalakay ng guro.

5. Katawagan: “Puno ng Katanungan”


Lunsaran: Interview
Deskripsyon: Bawat mag-aaral ay bubunot ng isang dahon mula sa puno na
nakapaskil sa pisara. Bawat papel ay may iba’t-ibang katanungan. Ang
paraan sa pagsagot ng mag mag-aaral ay aakto sila bilang mga kandidata o
kandidato ng isang contest.

6. Katawagan: "Magsalita Ka!"


Lunsaran: Interview
Deskripsyon: Ang guro ay pipili ng limang estudyante. Ang guro ay may
ibibigay na tanong sa bawat isa. Bawat estudyanteng sasagot sa tanong ay
mayroong 30 segundo para sumagot at kailangan lahat ng detalyeng
kinakailangan o hinihingi ng guro ay masabi sa loob ng 30 segundo.

7. Katawagan: "Gumalaw ka at Ikwento mo"


Lunsaran: Pagku-kwento ng isang Istorya
Deskripsyon: Lahat ng mag-aaral sa klase ay tatayo, magpapatugtog ang
guro at sa pagsisimula ng musika, nararapat na umindak ang mga mag aaral,
sa paghintonito, dapat hihinto rin ang lahat. Ang kung sino man ang
makikita na gagalaw ay siyang magbabasa at magku-kwento ng kwento na
ibibigay ng guro.

8. Katawagan: “Hindi ito Chismis, Kundi Kwento!”


Lunsaran: Pagku-kwento ng isang Istorya
Deskripsyon: Magbabasa ng kuwento ang guro, at pipili ang guro ng ilang
mag-aaral na magsasalaysay ng buod ng kuwentong binasa ng guro.

9. Katawagan: “Tapusin mo ang Nasimulan”


Lunsaran: Pagku-kwento ng isang Istorya
Deskripsyon: Magpapakita ang guro ng isang kuwento, ngunit ito ay hindi
tapos. Ang mga mag-aaral ay dapat gumawa ng kanilang sariling pagtatapos,
at ipe-presenta nila ito sa klase.

10.Katawagan: "Anong Kwento Mo?"


Lunsaran: Pagku-kwento ng isang Istorya
Deskripsyon: Ang guro ay tatawag ng tatlong estudyante. Bawat estudyante
ay may kanya- kanyang istoryang babasahin. Ang guro ay may pamantayan
kung paano ito basahin ng bawat estudyante. Kung sino ang magku-kwento
o magbabasa ng maganda ng istoryang ito, siya ay magkakaroon ng premyo.

11.Katawagan: “Pinoy Henyo”


Lunsaran: Picture Describing
Deskripsyon: Hahatiin ang klase sa limang grupo. Bawat grupo ay pipili ng
dalawang miyembro na magiging representatib nila sa gagawing
panghuhula. Ang isa ay ang siyang manghuhula at ang isa naman ay siyang
sasagot. Imbes na salita ang huhulaan, ang ipapakita sa tagasagot ay isang
larawan at kailangan itong matunton ng tagasagot. Ang grupo na nakahula sa
mas mabilas na oras ay siyang panalo.

12.Katawagan: “Wag Mong Ilihim Kung Ano Ang Nakikita Mo.”


Lunsaran: Picture Describing
Deskripsyon: Magpapakita ang guro ng iba’t ibang larawan na may
kaugnayan sa kanilang paksa. Itatanong ng guro sa mga mag-aaral kung ano
ang masasabi nila mula sa mga larawang nakita nila.

13.Katawagan: “Paano Nangyari ito?”


Lunsaran: Picture Describing
Deskripsyon: Magpapakita ang guro ng iba’t-ibang mga larawan.
Tatanungin niya ang klase kung ano sa kanilang palagay ang dahilan kung
bakit ito nangyari.

14.Katawagan: “Hindi, Oo, Pwede, Ewan”


Lunsaran: Picture Describing
Deskripsyon: Gagamit ang guro ng wheel of names. Ang mapipili ay
pupunta sa unahan. Sa simula, patatalikurin ng guro ang napili at ipapakita
sa klase kung ano ang larawan na huhulaan. Manghuhula ang mapipili
hanggang sa mahulaan niya ito. Kung hindi mahuhulaan, magbibigay ang
guro ng clue.

15.Katawagan: “Gumanap ka Bilang siya”


Lunsaran: Role Play
Deskripsyon: Hahatiin ang klase sa limang pangkat; role play ito, pero ang
pinagkaiba lang ay ibibigay ng guro ang kanilang gaganap at gagawin.
Alinmang grupo ang naghahatid na mas mahusay ang panalo.

16.Katawagan: “Ikaw ay Ako!”


Lunsaran: Role Play
Deskripsyon: Ang guro ay may babasahing istorya. Bawat estudyante ay
magkakaroon ng kanya kanyang gampanin/tauhan. Kailangan nilang i-akting
ang tauhan na kanyang gagampanan. Kailangan gayang gaya nila kung pano
ito magsalita. Kung sino ang pinaka magandang umakting ay magkakaroon
ng premyo.

17.Katawagan: “Tongue Twister with a Twist”


Lunsaran: Tongue Twister
Deskripsyon: Ang mga mag-aaral ay bubuo nang dalawang pangkat. May
inihandang iba't-ibang tongue twister ang guro na siyang bibigkasin ng
bawat grupo. Ngunit magkakaroon ito ng twist, bago nila ito bigkasin ay
may hahanapin muna ang bawat grupo na mga salita sa ilalim ng kanilang
upuan sabay-sabay nila itong sabay-sabay nilang sasabihin kung ano ang
nakita nilang salita. Ito ang magsisilbing hudyat na puwede na nilang
basahin ang tongue twister na kanilang napili. Ang unang grupo na
makakakagawa ay siyang panalo.

18.Katawagan: “Kahon ng Kabululan”


Lunsaran: Tongue Twister
Deskripsyon: Magpa-pa-ikot ang guro ang isang kahon, at kasabay ng pag-
ikot ng kahon, isang tunog ang maririnig. Ang mga mag-aaral na may hawak
ng kahon kapag huminto ang musika ay bubunot ng isang papel sa loob ng
kahon. Sa papel ay nakalimbag ang iba't ibang "tongue twisters" na
babanggitin ng mag-aaral sa buong klase sa iba't ibang bilis.

19.Katawagan: “Linya niya, Gayahin mo.”


Lunsaran: Script
Deskripsyon: Magpapakita ang guro ng iba't ibang sikat na linya ng mga
artista mula sa iba't ibang pelikula. Ang guro ay bubunot ng ilang pangalan,
at kung sino ang kanyang mabubunot ay gagayahin ang linyang sinabi ng
aktor.

20.Katawagan: “Ganap na Ganap”


Lunsaran: Script
Deskripsyon: Magtatanong ang guro kung sino ang mga nagnanais na
maging parte ng aktibidad na ito. Magpapauanahan sila na pumili ng numero
mula sa pisara. Ang bawat numero ay may kalakip na mukha ng mga artista.
Kung sino ang mabubunot nila, iisipin nila kung saang pelikula sila kabilang
at sasabihin ng mag-aaral ang pinakapaboritong linya ng artista na kanilang
napili.

21.Katawagan: “Sa Sinabi niya, ‘Wag kang manggagaya!”


Lunsaran: Dialogue
Deskripsyon: Magpapakita ng video ang guro, at tatanungin niya ang klase
kung sino ang gustong gumanap bilang mga tauhan. Ang gagawin nila ay
sundin ang pagbuka ng bibig ng nagsasalita, ngunit babaguhin nila ang
kanilang sinasabi. Maaaring nakakatawa o seryoso ang mga sinasabi nila.

22.Katawagan: “Dugtungan mo Ako”


Lunsaran: Dialogue
Deskripsyon: Bago magsimula ang klase, maglalagay ang guro ng mga
sticker sa ilalim ng mesa ng ilang mag-aaral; kung sino ang may mga sticker
sa mesa ay ang kalahok ng aktibidad. Ang guro ay magpapakita ng hindi
natapos na dayalogo, at ang mga napiling mag-aaral ay kukumpleto nito sa
harap ng klase.

23.Katawagan: "Tularin Mo!"


Lunsaran: Dialogue
Deskripsyon: Ang guro ay may ipapalabas sa tv na isang palabas o teleserye
na may magandang palitan ng salita. Tatawag ang guro ng dalwang
estudyante at kelangan ng mga itong gayahin kung papaano sinabi ng mga
artista ang kanilang bawat linya.

24.Katawagan: “Balitang-balita sa Radyong Sira”


Lunsaran: Balita
Deskripsyon: Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay
maghahanda ng balita mula sa telebisyon. Ang bawat pangkat ay dapat
magkaroon ng mga kinatawan na gaganap bilang mga anchor, at ipe-presinta
nila ito sa harap ng klase.

25.Katawagan: “Ibalita Mo!”


Lunsaran: Balita
Deskripsyon: Hahatiin ng guro ang kanyang klase sa apat na grupo. Bawat
grupo ay may isyu o problemang babasahin. Sila ay naatasang gumawa ng
isang balita tungkol dito. Dapat tamang tono, bilis, at detalyado kung
papaano nila ito maibabalita sa publiko.

26.Katawagan: “Walang kahandaan, Ito’y biglaan”


Lunsaran: Talumpati
Deskripsyon: Gagamit ang guro ng spin the wheel na may pangalan ng mga
mag-aaral at kung sinong pangalan ang lumabas ay pupunta sa harapan at
bubunot sa kahon na may laman na mga paksa para sa biglaang pag sasalita
o impromptu speech. Pagkatapos malaman ng mag aaral ang paksa na
kanyang nabunot, maghahayag siya ng kanyang ideya o kaalaman patungkol
dito.

27.Katawagan: “Opinyon Mo, Ilabas Mo!”


Lunsaran: Talumpati
Deskripsyon: Ang guro ay may ibibigay na isang pangungusap. Bawat
estudyante ay dapat itong maipaliwanag o mapalawa sa harap ng silid aralan.
Inaasahan ng guro na maganda ang pagkakabigkas ng mga salita upang
lubos na maunawaan ng mga estudyante o kaklase niya.

28.Katawagan: “Gulong ng Talumpati”


Lunsaran: Talumpati
Deskripsyon: Mayroong wheel of names na ipapakita ang guro at isang
wheel of topics, unang iikutin ang wheel of names at kung sino ang napili
roon ay siyang mag-iikot ng wheels of topic, upang malaman ang magiging
paksa sa kanyang gagawing talumpati. Bibigyan sila ng guro ng labinlimang
minutos upang mag-isip at gawin ang talumpati na nakatalaga sa kanila bago
ito isa-isahin na sabihin sa unahan.

29.Katawagan: “Sabay-sabay Walang Sablay”


Lunsaran: Tula
Deskripsyon: Ang guro ay hahatiin ang klase sa dalawang grupo, bawat
grupo ay mag gagawa ng kanilang tula, pagkatapos nito ay kanilang aaralin
ito upang maisagawa ang sabayang pagbigkas na kanilang ipapakita sa
buong klase.

30.Katawagan: “Makata sa Talata”


Lunsaran: Tula
Deskripsyon: Maghahanda ng tula ang mga mag-aaral. Anumang paksa o
tema ay katanggap-tanggap. Isa-isang tatawagin ng guro ang mga mag-aaral
upang ipakita ang kanilang tula sa harap ng klase.

31.Katawagan: “Tutula o Matutulala”


Lunsaran: Tula
Deskripsyon: Magpapaikot ang guro ng isang kahon na kasabay ng isang
musika. Ang kahon ay naglalaman ng mga salita. Sa pagtigil ng musika, ang
kung sino ang matapatan ay siyang bubunot sa kahon. Ang salita na kanyang
makukuha ay ang magiging basehan ng guro para sa iaatas sa kanyang tula
na dapat niyang bigkasin. Kung hindi magagawa ng mag-aaral ang tula,
mananatili itong nakatayo.

32.Katawagan: “Aking Emosyon, Iyong I-aksyon!”


Lunsaran: Pagsasalita ayon sa Emosyon
Deskripsyon: Hahatiin ang mga mag-aaral sa limang pangkat. Bawat
pangkat ay magkakaroon ng isang kinatawan na maglalabas ng damdamin
na magsasadula ng salitang “Hala! Nahulog ang bata! "gamit ang nabunot na
emosyon ng bawat pangkat.

33.Katawagan: “Lights, Camera, Action!”


Lunsaran: Pagsasalita ayon sa Emosyon
Deskripsyon: May ibibigay ng iba't-ibang pangungusap ang guro sa mga
mag-aaral, ang dapat lamang nilang gawin ay basahin ito at i-akto sa angkop
na emosyon.

34.Katawagan: “Pinasa mo, Pinasa niya, Sasabihin ko”


Lunsaran: Pangungusap
Deskripsyon: Ang klase ay hahatiin sa dalawang pangkat, at ang guro ay
magbibigay ng pangungusap na may kaugnayan sa kanilang paksa. Ang
aktibidad na ito ay isang relay dahil ito ay magsisimula sa likod, at ang mag-
aaral sa likod ay bubulong sa mag-aaral sa harap, at ito ay bubulong muli at
iba pa hanggang sa dumating ang mensahe sa mag-aaral na nasa harapan. At
kapag natanggap na ito ng estudyante, isisigaw niya sa klase kung ano ang
natanggap niya.

35.Katawagan: “Mekus Mekus words”


Lunsaran: Pagsasama-sama ng mga Salita
Deskripsyon: May mga salitang Ingles sa bawat flacard. Bawat salita dito
ay may katumbas na salitang Tagalog. Ang kailangan lang gawin ng mga
mag-aaral ay ulitin ang mga salita dito hanggang sa malaman nila ang
tamang sagot.

36.Katawagan: “Alphabet Chain”


Lunsaran: Pagbikas at Makalikha ng mga Salita
Deskripsyon: Ang mga mag-aaral ay bubuo ng isang bilog. Mayroong isang
bola na magmumula sa isang estudyante. Habang may hawak na bola ang
estudyante, magsasabi ito ng salita. Ihahagis ng unang estudyante ang bola
sa ibang estudyante na kung saan ang mag-aaral na nakatanggap ng bola ay
magsasabi ng isang salita na nagsisimula sa huling titik ng nakaraang salita.
Alisin ang sinumang mag-aaral na hindi maka-isip ng salita sa loob ng 10
segundo. Magpatuloy ang laro hanggang sa isang estudyante na lamang ang
natitira.

37.Katawagan: “Ibulong mo ang Mensahe ko”


Lunsaran: Pagpapasa at Pagbigkas ng Salita
Deskripsyon: Lumikha nang dalawang pangkat ang mga mag-aaral at
gagawa ng pila. May ibibigay na mensahe ang guro sa estudyante na nasa
unahang pila, ibubulong nito sa kasunod na estudyante hanggang sa
makarating sa dulo. Ang nasa hulihang estudyante tatakbo sa guro para
sabihin ang kaniyang mga natanggap o narinig na mga salita. Minsan naiiba
ang mensahe, nagugulo, ngunit ang may tamang sagot lamang ang
makakakuha ng puntos.

38.Katawagan: “Tunog ko’y iyong Hulaan”


Lunsaran: Makabigkas ng mga tunog
Deskripsyon: Ang guro ay may ipapakitang mga larawan sa mga mag-aaral
na kung saan ito ay nagpapakita ng iba't-ibang uri ng hayop. Sa bawat
larawan na ipapakita ng guro ay sasabihin ng mga mag-aaral kung anong
tunog ang ipinapakita sa larawan.

39.Katawagan: “Iulat mo ang Nalaman mo”


Lunsaran: Pag-uulat
Deskripsyon: Sa aktibidad na ito, magtatawag ang guro ng ilang mag-aaral
at kung sino ang kanyang mapipili, mag-uulat sila kung ano ang kanilang
natutuhan mula sa kanilang naging paksa.

40.Katawagan: “Gayahin Mo ang Sasabihin ko”


Lunsaran: Panggagaya sa Sasabihin
Deskripsyon: Ang guro ay magpapatunog ng isang musika, kasabay ng
musika ay ang pagpapaikot ng isang maliit na bagay. Sa paghinto ng musika,
kung sino ang mag-aaral ang may hawak ng maliit na bagay ay pupunta sa
harapan at gagayahin ang sasabihin ng guro.

41.Katawagan: “Anong Mensahe Nito?”


Lunsaran: Video Analysis
Deskripsyon: Mahahati ang klase sa dalawang grupo. Magpapanood ang
guro ng isang bidyo sa klase. Sa pagtatapos ng bidyo, ang grupo ay mag-
uusap-usap kung ano ang kanilang natutuhan mula sa bidyo. Pipili ng isang
representative ang grupo at ibu-buod niya ang mga natutunan ng mga
miyembro ng kanilang grupo.

42.Katawagan: “Anong Masasabi Mo?”


Lunsaran: Video Analyzing
Deskripsyon: Magpapanood ang guro ng maikling bidyo, tatanungin niya
ang klase kung sino ang mga nagnanais na sumagot kung ano ang masasabi
nila sa bidyo na pinakita ng guro.

43.Katawagan: “Sino ang totoo?”


Lunsaran: Truth Analyzing
Deskripsyon: Ang klase ay hahattin sa limang grupo, bawat grupo ay may
isang magrerepresenta. Sa mga magrerepresenta, may ibibigay ang guro na
isang papel at doon ay nakasulat ang kanilang sasabihin. Sa unang round,
ang mga unang magre-representa ay sasabihin kung ano nakasulat sa papel.
Pagkabi nila, itatanong ng guro sa klase kung sino sa tingin nila ang
nagsasabi ng totoo at kung bakit nila nasabi na totoo ito. Sa susunod na
round, iba naman ang representatib ng bawat grupo at uulitin lamang ang
routine ng laro.

44.Katawagan: “Ano ang Naiiba?”


Lunsaran: Analyzing
Deskripsyon: Magpapakita ang guro ng mga pahayag. Bawat set ng
pahayag, (3 pahayag sa isang set) isa rito ay mali. Magtatawag ang guro sa
mga mag-aaral kung sino ang nagnanais na tumukoy ng mali at handing
magpaliwanang kung bakit nila nasabi na ito ay mali.

45.Katawagan: “Sino Ako?”


Lunsaran: Sanaysay
Deskripsyon: Ang guro ay hihikayatin ang klase na magsulat ng maikling
sanaysay tungkol sa kanilang mga sarili at karanasan sa buhay. Pagkatapos
ay isa-isa silang pupunta sa unahan upang sabihin o ipahayag ang kanilang
sinulat tungkol sa kanilang sarili.

46.Katawagan: “Kumpletuhin ang Salawikain”


Lunsaran: Salawikain
Deskripsyon: Ang guro ay gagamit ng isang website na may mga pangalan
ng mga mag-aaral. Kung sino ang mabubunot, pipili mula sa pisara ng isang
numero. Ang bawat numero ay may kaakibat na isang salawikain ngunit
hindi ito kumpleto kung kaya ang gagawin ng mag-aaral ay pupunan nila
ang karugtong ang putol na salawikain.

47.Katawagan: “Bugtong Dugtong”


Lunsaran: Bugtong
Deskripsyon: Ang klase ay bibilog sa gitna. Gagamit ang guro ng wheel of
names para malaman kung kanino magmumula ang laro. Kapag nakapamili
na, may ibibigay ang guro na isang papel na naglalaman ng iba’t-ibang
bugtong na may kinalaman sa paksa. Kapag nasa mag-aaral na ang papel,
iaabot niya ito sa kung sino ang nais niyang pagabutan. Kapag ito ay hindi
nasalo, babasahin at sasagutin ng mag-aaral ang unang katanungan at muli
niyang ipapasa sa iba.

48.Katawagan: “Isalita Mo Ang Natutunan Mo”


Lunsaran: Pagbubuod
Deskripsyon: Pipili ang guro ng tatlong bata na magpapaliwanag o
magsasabi ng kanilang mga natutunan sa paksa na tinalakay.

49.Katawagan: “Hanapin Niyo!”


Lunsaran: Brainstorm
Deskripsyon: Hahatiin ang klase sa tatlong grupo. Sa bawat grupo,
magbibigay ang guro ng isang papel. Halo-halo ang nakasulat sa papel at
ang kakailanganin na gawin ng mga mag-aaral ay hanapin ang secret code
na nakasulat sa papel. Kapag nahanap na nila ito, sasabihin nila sa klase
kung ano ang kanilang sagot.

50.Katawagan: “Purokatanungan”
Lunsaran: Tanungan
Deskripsyon: Ang grupo ay hahatiin sa dalawanbg grupo. Ang guro ay
bubunot ng dalawang mag-aaral (tig-isa ang bawat grupo) pagkapili,
pabubunutin ng guro ang mga nabunot upang malaman kung sino ang
magsisimula. Kapag nakapili, magsisimula nang magtanong sa grupo sa
kabilang grupo at kinakailangan nila itong sagutin dahil kung hindi nila ito
masasagot, sa grupo nang nagtanong mapupunta ang puntos.

Mga Miyembro:
Sophia Gabrielle Manzano
Roxanne Espiritu
Krizthel Aliño
Kristine Joy Balacaña
Isaiah Katrina De Los Reyes
John Kervin Ragasa
(Mula sa Bachelor of Elementary Education)

You might also like