Professional Documents
Culture Documents
Kabanata 6-18
Kabanata 6-18
I – LAYUNIN
Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang, sa
kasintahan, sa kapwa at sa bayan (F9PB-IVd-58).
II – PAKSANG-ARALIN
Paksa: ANG MGA ALAALA (Noli Me Tangere, Kabanata 6-10)
Sanggunian: Internet (www.wattpad.com/NoliMeTangere:Buod)
Kagamitan: Powerpoint, Speaker, cabbage paper
III- PAMAMARAAN
A. Paghahanda
1. Pagbabaybay
Panuto: Baybayin ang mga sumusunod na salita:
1. ngumanganga
2. maulinigan
3. binabagtas
4. pakikipagmabutihan
5. natatanaw
B. Pagganyak
Ipaawit sa mga mag-aaral ang awit na “Alaala Mo”. Ito’y awit ng pag-ibig.
Gabay na mga tanong:
Tungkol saan ang awitin?
Ano ang iyong nararamdaman matapos awitin ang kanta?
C. Paglalahad
SCRAMBLED WORDS
- Papangkatin ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat. Bawat pangkat ay
bibigyan ng mga ginulong salita. Aayusin ito upang mabuo ang isang
salita. (ALAALA)
D. Pagtatalakay
Mungkahing Estratehiya: “CABBAGE RELAY”
- Ipapanood sa mga mag-aaral ang video clip ng kabanata 6 hanggang
kabanata 10 ng Noli Me Tangere. May inihandang mga katanungan ang
guro sa ginawang “Cabbage” habang tumutugtog ang musika, ipapasa ito
ng mag-aaral sa kanyang katabi. Kapag huminto ang musika, kung
sinuman ang matatapatan ng “Cabbage” ay bubunot ng isang
katanungan mula sa cabbage at sasagutin ito.
F. Paggamit/Aplikasyon
Pangkatang Gawain
G. Ebalwasyon
Sa isang-kapat na papel (1/4)
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
8. Ano ang naging damdamin ni Basilio nangnalaman niyang umuwi ang kanyang amang
mahilig magsugal?
IV- TAKDANG-ARALIN
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9
Ni: Carlyn T. General
I – LAYUNIN
Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay- katangian F9WG-IVc-59
II – PAKSANG-ARALIN
Paksa: ANG MGA MAKAPANGYARIHAN (Noli Me Tangere, Kabanata 11-13)
Sanggunian: Internet (www.wattpad.com/NoliMeTangere:Buod)
Kagamitan: Powerpoint, Mga larawan, hand-outs
III- PAMAMARAAN
A. Paghahanda
1. Pagbabaybay
Panuto: Baybayin ang mga sumusunod na salita:
1. libingan
2. sepulturero
3. dumudugo
4. hinuhukay
5. kapangyarihan
B. Pagganyak
Magpakita ng larawan sa mga mag-aaral.
Gabay na Tanong:
1. Ilarawan ang dalawang tao na nasa larawan.
2. Anong katangian mayroon sila?
3. Ano kaya sa palagay mo ang hanapbuhay ng dalawang tao
batay sa iyong nakita sa larawan?
C. Paglalahad
- Ilahad ang paksang tatalakayin.
D. Pagtatalakay
KABANATA 11
Bagamat si Don Rafael ang pinakayaman sa San Diego at binibigyan siya ng respeto ng lahat, hindi siya
ang pinakamakapangyarihan sa bayan.
Hindi rin ito si Kapitan Tiago kahit na siya ay binabati ng orkestra tuwing siya ay dumadating. Sa totoo
lang, siya ay madalas pinagtatawanan at tinatawag na “Sakristang Tiago” sa likod ng kanyang likuran.
Hindi rin ang kapitan ng bayan ang pinakamakapangyarihan dahil sa katotohanang siya ay isang
simpleng tauhan lamang na maaaring sumailalim sa galit ng Alkalde Mayor.
Ang kura sa San Diego ay may kapangyarihang katulad ng Papa sa Vatican, at ang Alperes ng guwardiya
sibil ay parang hari ng Italya. Madalas na nagkakaroon ng hindi pagkakasunduan ang dalawang may
kapangyarihan dahil sa kanilang paglalaban sa poder.
Si Padre Bernardo Salvi ang kahalili ni Padre Damaso nang siya ay tinanggal sa San Diego. Siya ay isang
batang lalaki, payat, at madalas magkasakit. Hindi siya marahas tulad ni Padre Damaso. Mas gusto niya
ang pangingilin (abstinensya) at pag-aayuno.
Ang Alperes ay kilala rin, subalit malas dahil sa kanyang asawa na si Donya Consolacion. Lubos ang
pagsisisi ng Alperes kaya para makabawi, madalas siyang naglalasing, pinapahirapan ang kanyang mga
sundalo sa init ng araw, at palagi niyang sinasaktan ang kanyang asawa.
Tuwing makikita ni Padre Salvi na papasok ng simbahan ang Alperes, palihim niyang iniuutos sa
sakristan na isara ang pinto ng simbahan at mag-uumpisa siya ng isang mahabang sermon. Para
makaganti, ang Alperes naman ay magpapahuli sa sakristan.
Subalit kahit ganito ang relasyon ng kura at ng Alperes, magka-kamay sila at magalang na nag-uusap
tuwing nagkikita sila.
Sa kabilang banda, ang tanging pagkakataon lang na makakasilip si Donya Consolacion sa bintana ay
kapag natutulog ng mahimbing ang Alperes dahil sa kanyang kalasingan o kapagod. Lalakad siya patungo
sa bintana nang nakasuot ng bughaw na pranela at may sumisindeng tabako sa bibig. Tititigan niya ang
mga batang hindi niya gusto at kukutyain ang mga dalagang dumaan, na hindi inaalintana ang hitsura
niya.
KABANATA 12
Sa kabila ng malakas na ulan, dalawang tao ang abalang humuhukay sa sementeryo. Ang isa ay
isang beteranong sepulturero habang ang isa naman ay baguhan sa ganitong gawain. Ang
kanilang ginagawa ay ang paghuhukay ng isang bangkay na dalawampung araw pa lamang
naililibing.
Ang utos na paghukay at paglipat ng bangkay sa libingan ng mga Intsik ay mula kay Padre
Garrote, na siya ring si Padre Damaso, ang kura paroko ng panahong iyon.
KABANATA 13
Nagtungo si Crisostomo Ibarra sa sementaryo ng San Diego upang dalawin ang puntod ng kanyang
yumaong ama, si Don Rafael. Sinamahan siya ng kanilang matandang katiwala na nagtanim ng mga
bulaklak ng adelpa at sampaga bilang alay sa libingan ng kanyang ama.
Ngunit habang naghahanap, nakasalubong nila ang sepulturero at doon ay nalaman ni Ibarra ang
kalunos-lunos na kapalaran ng bangkay ng kanyang ama. Itinapon pala ito sa lawa dahil sa kabigatan
nito at hindi na nailibing sa libingan ng mga Intsik. Ayon sa sepulturero, ang utos ay galing sa kura
paroko.
Ang mga pang-uri o adjectives sa wikang Ingles ay salitang
nagbibigay turing o naglalarawan sa isang pangngalan
o panghalip. Ito ay nagsasaad ng uri o katangian
ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari.
Gabay na mga tanong:
1. Anong damdamin ang nangingibaw kay Ibarra ng nalaman
niyang walang katarungan ang pagkamatay ng kanyang
amang si Don Rafael?
2. Anong katangian ng mga prayle ang makikita pa rin sa
kasalukuyang pamumuno sa pamahalaan?
3. Paano pinapahalagahan ng bawat tauhan sa ang kanilang
posisyon at katayuan sa lipunan?
E. Paglalahat
- Malaya ang mag-aaral na sumahin ang leksiyon na kanyang natutunan.
Gabay na tanong:
F. Paggamit/Aplikasyon
Bawat pangkat ay bibigyan ng Gawain.
UNANG PANGKAT
IV - EBALWASYON
Panuto: Isulat ang mga titik PL kung ang pang-uri na may salungguhit ay pang-
uring panlarawan. PM kung ito ay pang-uring Pamilang. At PT kung ito ay pang-uring
pantangi.
V. TAKDANG-ARALIN
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9
Ni: Carlyn T. General
I – LAYUNIN
Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayaring naganap sa buhay
ng tauhan (F9PN-IVd-58).
II – PAKSANG-ARALIN
Paksa: MGA KALULUWANG NAGHIHIRAP (Noli Me Tangere, Kabanata 14-18)
Sanggunian: Internet (www.wattpad.com/NoliMeTangere:Buod)
Kagamitan: Powerpoint, Speaker, hand-outs, Manila Paper
III- PAMAMARAAN
A. Paghahanda
1. Pagbabaybay “Baybayin Mo Ako”
- Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat. Paunahan ang
dalawang pangkat sa pagbabaybay ng mga salitang ibibigay ng guro. Ang
makapagbabaybay ng tamang sagot ang siyang bibigyan ng puntos.
1. pinagbintangan
2. dumadaloy
3. makapagnakaw
4. pinagtitipunan
5. tatakasan
B. Pagganyak
- Magpapakita ang guro ng video clip tungkol sa isang pamilya na naghihirap.
Gabay na mga tanong:
Ano ang iyong nararamdaman pagkatapos makita ang video?
Ano kaya ang dahilan ng kanilang paghihirap?
C. Paglalahad
- Ilahad ng guro sa mga mag-aaral ang paksang tatalakayin.
D. Pagtatalakay
Ipapanood sa mga mag-aaral ang video clip ng kabanata 14-18.
E. Paglalahat
Panuto: Punan ang sumusunod na talahanayan. Isulat sa kwaderno
ang kasagutan.
2. Maruming politika
3. Pagtaas ng bilihin
4. Kakulangan sa
trabaho
5. Kahirapan
6. Sistema ng
Edukasyon
7. Hindi pagkapantay-
pantay sa pagkamit
ng hustiya
8. Paglaganap ng
Droga
9. Krimen
10.Korupsiyon
G. Ebalwasyon
Sa isang-kapat na papel (1/4)
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng
tamang sagot.