Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Petsa:

I. Layunin:
Nasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng pamilya ang
anumang babasahin, napakinggan at napapanood.
2.1 mula sa diyaryo.
2.2 mula sa magazine

II. Paksang Aralin: ALAMIN NATIN


A. Pagsusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng pamilya ng
anumang babasahin, napakinggan at napapanood.
2.1 mula sa diyaryo.
2.2 mula sa magazine
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide in ESP 5 pp. 26 EsP5PKP-Ib-28
Mga Kagamitan: tsart, mga larawan, bond paper, TV, Laptop
Batayang Pagpapahalaga: Pagkabukas Isipan (Open-mindedness)

III. Pamamaraan:
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagsasanay:
Ilarawan ang Magazine at Diyaryo ano ang makikita ditto at ano ang pagkakaiba
2. Pagganyak
Ano ang mas gusto ninyong basahin, dyaryo o magazine?
B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Ilahad ang aralin gamit ang paglalarawan nito mula sa internet.
2. Pagtatalakay/Pagpapahalaga
 Ano ang mabuting naidudulot ng diyaryo?
 Ano naman ang inyong mga nakikita sa magazine?
 Mayroon bang di mabuting epekto ang diyaryo at magazine? Anu-ano ito
 Ano ang epekto nito sa inyong pamilya?
 Mahalaga bang suriin ng mabuti ang nilalaman ng diyaryo at magazine?
Bakit? Paano?
C. PANGWAKAS NA GAWAIN
1. Paglalahat
Anu-ano ang ginagawa natin sanababasa natin sa diyaryo at magazine?
Ito ay ating sinusuring maigikungmabuti ba ang idinudulot nito o hindi sa
pamilya.
2. Paglalapat
Pagpapakita ng diyaryo at magazine at alamin kung alin ang mabuti at di
mabuting naidudulot sa pamilya
IV. Pagtataya
Isulat sa patlang kung Mabuti o Di-Mabuting naidudulot sa pamilya ang bawat
pangungusap
_______1. Si Michael ay nakabasa sa diyaryo ng malaswang balita.
_______2.Naghahanap ng trabaho ang iyong kuya itinuro mo sa kanya ang classified ads.
_______3.Karahasan at patayan ang laman ng balitang binabasa ni Kaloy.
_______4.Dito nakita ng iyong Ate Loreign ang magagandang desinyo ng damit na kanyang
tatahiin.
_______5.Hilig ng iyong ama na sagutan ang crossword puzzle aliw na aliw siya rito.

V. Takda:
Gumupit ng pahina ng magazine at diyaryo at suriin kung ito ay may mabuti o di-mabuti.
Petsa:

I. Layunin:
Nasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng pamilya ang
anumang napakinggan
2.3 sa radio

II. Paksang Aralin: ISAGAWA/PAGNINILAY


Pagsusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng pamilya ng
anumang napakinggan. (2.3 sa radio)
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide in ESP 5 pp. 26 EsP5PKP-Ib-28
Mga Kagamitan: tsart, mga larawan, bond paper, TV, Laptop
Batayang Pagpapahalaga:Pagkabukas Isipan (Open-mindedness)

III. Pamamaraan:
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagsasanay: Pahulaan
Dito ka nakakapakinig ng balita. Ano ito?_______
2. Pagganyak
Magpakita ng mga larawan ng radio at pagtatanong tungkol ditto.
1. Sino sa inyo ang nakikinig ng balita sa radio?
2. Anong istasyon ang inyong pinakikinggan?
3. Bakit ito ang iyongnais pakinggan?
4. Ano ang nidudulot sa iyo ng pakikinig ng radio?
5. Ano naman ang di mabuting naidudulot saiyo ng radio?

B. PANLINANG NA GAWAIN

1. Paglalahad/Pangkatang Gawain
Pagpapaliwanag ng Guro sa isasagawa ng Pangkat/Pagbibigay ng aktibiti kard at
ipaliwanag kung mabuti ba o di mabuting naidudulot nito sa inyong pamilya.
Pangkat 1.Pagbabalita tungkol sa hostage taking na nagaganap sa bangko
Pangkat 2.Narinig ng inyong pamilya ang balita na tinulungan ng Taxi Driver ang
nasagasaang taong tumatawid sa kalsada.
Pangkat 3 Sumulat ng Balitang napakingggan sa radio at sabihin kung mabuti ba o
di mabuti ang naidudulot nito sa inyong pamilya.
Pangkat 4. Gumuhit ng sitwasyon nanapakinggan ng inyong pamilya na tumulong
at nagkaisa ang mga tao na magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo at
kulayan ito.

2. Pagtatalakay/Pagpapahalaga
 Anu-ano ang ipinakita ng bawat pangkat?
 Naisagawa ba nila ng maayos ang kanilang napakinggan sa radyo?
 Ano ang dapat gawin sa balitang di-mabuting pakinggan ng pamilya?
 Ano ang dapat namang gawin sa mabuting balita na napakinggan ng iyong pamilya?
 Mahalaga ba na ang mabuting balita lamang ang pakikinggan ng pamilya? Bakit?

C. PANGWAKAS NA GAWAIN
1. Paglalahat
Ano ang naidudulot sa inyong pamilya sa mabuting balita na napapakinggan? Sa di
mabuting balita?
Ang mabuting balita ay nakakatulong sa pamilya
Ang di-mabuting balita ay nagdudulot ng masamang impluwensya sa bata
2. Paglalapat
Sabihin kung ito aymabuti o di-mabuti sa pamilya ang bawat sitwasyon na ibibigay ng mga
mag-aaral.

IV. Pagtataya
Iguhit ang thumbs up kung tama ang naidudulot sa pamilya, thumbs down naman kapag
hindi mabuti ang dulot nito sa pamilya

1. Balitang nag-aaway na kapwa Filipino dahil sa pulitika


2. Nasunugan ng bahay, lahat ay nagtulungan
3. Nagbanggaan ng sasakyan durog lahat ng pasahero.
4. Pagpapahayag ng salita ng Diyos
5. Sinuspinde ang pasok sa buong lugar dahil sa malakas na bagyo at baha.

V. Takda
Magbigay ng iba pang halimbawa mabuti at di mabuting naidudulot ng napapakinggan sa
radyo.
Petsa:

I. Layunin:
Nasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng pamilya ang
anumang napapanood
2.4sa telebisyon

II. Paksang Aralin: PAGSASANGGUNI/ISAPUSO


Nasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng pamilya ng
anumang napapanood (2.4 sa telebisyon.)
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide in ESP 5 pp. 26 EsP5PKP-Ib-28
Mga Kagamitan: tsart, mga larawan, bond paper, Projector, Laptop
Batayang Pagpapahalaga: Pagkabukas Isipan (Open-mindedness)

III. Pamamaraan:
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagsasanay: Ano ang ibig sabihin Rated G, PG, SPG sa telebisyong napapanood
2. Pagganyak
Anu-ano ang paborito mong palabas sa telebisyon?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad/Pangkatang Gawain
Gamit ang projector magpapakita ng palabas sa telebisyon at suriin nilang
mabuti kung ito ba ay may mabuting naidudulot sa pamilya o wala
2. Pagtatalakay/Pagpapahalaga
 Ano angipinakikita sa palabas?

C. PANGWAKAS NA GAWAIN
1. Paglalahat
Ano ang ginawa ninyo sa palabas na inyong nakita?
Ito ay suriing kung nakabubuti ba ito o di nakakabuti?
2. Paglalapat
Magbigay ng (5) Uri Palabas na may Rated G, PG, SPG

IV. Pagtataya
Iguhit ang masayang mukha kung mabuti ang naidudulot ng mga palabas na ito sa
inyong pamilya at malungkot na mukha kung di nakakbuti.
______1.Imbestigador.
______2.I Witness
______3. 24 Oras
______4. Magpakailanman
______5. Born to Be Wild

V. Takda
Magbigay ng halimbawa ng palabas at sabihin kung ito nagdudulot ng mabuti sa pamilya
Petsa:

I. Layunin:
Nasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng pamilya ng
anumang napakinggan
2.4 sa pelikula.

II. Paksang Aralin: PAGPAPASYA/ISABUHAY


Nasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng pamilya ng
anumang napakinggan (2.4 sa pelikula)
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide in ESP 5 pp. 26 EsP5PKP-Ib-28
Mga Kagamitan: tsart, mga larawan, bond paper, Projector, Laptop
Batayang Pagpapahalaga: Pagkabukas Isipan (Open-mindedness)

III. Pamamaraan:
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagsasanay:
Ayusin ang jumbled letters na ito. LIKULAPE
2. Pagganyak
Mahilig ba kayong manood ng pelikula?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad/Pangkatang Gawain
Gamit ang projector magpapakita halimbawa ng pelikula ang guro at hilingin ang
kanilang opinion tungkol dito kung ito ba ay may mabuting naidudulot sa pamilya o wala.

2. Pagtatalakay/Pagpapahalaga
Ano ang ipinakita sa palabas?

C. PANGWAKAS NA GAWAIN
1. Paglalahat
Ano ang gagawin ninyo sapelikula na inyong napanood? Pulitin ang mabuti at
tanggihan ang masama.
2. Paglalapat
Magbigay ng (3)Mabuting naidudulot ng pelikula at (2) di mabuting naidudulot ng
pelikula.

IV. Pagtataya
Pagbibigay ng sitwasyon at hayaang isulat ng mag-aaral ang kanilang nasuri tungkol dito.
1. Horror Movies
2. Cartoon Movies
3. Love Story Movies
4. War or Action Movies
5. X-Rated Movies

V. Takda
Magbigay ng halimbawa ng mga pelikulang napanood na nila at ikwento kung anong aral
ang dapat nilang pulutin o isabuhay at alin ang dapat iwaksi.
Petsa:

I. Layunin:
Nasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng pamilya ng
anumang nababasao nakikita sa internet
Nasasagutan ang mga tanong batay sa mga napag-aralan

II. Paksang Aralin: Pagsusulit


Pagsusuri kung mabuti o di-mabuting naidudulot sa sarili at miyembro ng pamilya tungkol
nabasa o nakikita sa internet
Pagsagot sa mga tanong tungkol sa napag-aralan
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide in ESP 5 pp. 26 Esp5PKP-Ia-27
Mga Kagamitan: tsart, mga larawan, bond paper
Batayang Pagpapahalaga:Pagkabukas Isipan (Open-mindedness)

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay: Buohin ang sumusunod
a. RDYOA
b. NETINRET
c. TEYONLEBIS
d. DROAYY
e. MIGEZNAA
2. Pagganyak:
Sino sa inyo ang may Facebook?
Saan kayo nagreresearch pag may assignment?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Magpakita ng sitwasyon tungkol sa paggamit ng internet.
2. Pagtatalakay/Pagpapahalaga
Anu-ano ang mga mabuting naidudulot ng internet?
Ano ang dapat nating gawin sa mga nababsa natin sa internet?

C. Pangwakas na Gawain
Basahing maigi ang tanong at sagutan ng Tama o Mali

_____1. Si Nick ay nakapakinig sa radyo ngnakakatakot na drama. Ipinarinig nya din ito sa maliit
niyang kapatid.
_____2.May nakitang nakahubad na larawan sa magazine ang pinsan mo. Sinaway mo siya.
_____3.Nakatutok kang maigi sa panonood sa telebisyon. Sinaway ka ng Nanay mo at nakinig ka.
_____4 .Rated G lang ang dapat panoorin ng mga bata at kabataan ngayon.
_____5.Pwedeng manood ng Rated SPG ang mga bata kahit walang gumagabay.
_____6.Walang bawal sa mga nakapost sa FB o internet.
_____7.Dapat laging kasama ang mga magulang sa panood ng pelikula.
_____8.Kunin at pulutin lamang ang tama sa mga palabas.
_____9.Manood ng malalaswang palabas kahit ipinagbabawal ng magulang.
_____10.Magsearch lamang sa Google ng mga importante at sagot sa Takdang Aralin.

You might also like