Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Petsa:

I. Layunin: Nakapaglalahad ng mga pangyayari na nagpapakita ng katapatan

II. Paksa/Pagpapahalaga: Pagkamatapat


Sanggunian: K-12 Curriculum Guide p. 27, (EsP5PKP-Ie-31)
Kagamitan: Multi Media
III. Pamamaraan (Unang Araw- ALAMIN NATIN)
A. Panimulang Gawain
1. Pagsusuring pangkalusugan
2. Pagganyak
Magpapaskil ang guro sa pisara ng mga gulo- gulong salita at ipaaayos ang mga ito sa
mga bata hanggang mabuo ang isang kawikaan. Ipababasa ng guro ang kawikaang
nabuo. “Ang tapat sa maliit na bagay ay tapat din sa malaking bagay.”Sabihin:Ang
kawikaang ito ay may kaugnayan sa ating kwentong babasahin ngayon.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipabasa sa mga mag-aaral ang kwento na may pamagat na “Si Datu Matapat”.
2. Takakayan
Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong na makikita sa “AlaminNatin” sa Kagamitan
ng Mag-aaral at talakayin ang kanilang mga sagot.
3. Paglalahat
Bakit mahalaga na nagpapakita ng katapatan sa anumang uri ng Gawain?
4. Gawain
Magtala ng mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagiging matapat sa iba’t -
ibang uri ng paggawa.

5. Pagtataya
Basahin ang isang balita hango sa totoong pangyayari sa pagiging matapat ng isang
taxi drayber na si G. Emilio Advincula. Tukuyin ang mga pangyayari na nagpapakita ng
katapatan.

Emilio Advincula, Matapatna Taxi Drayber


(http://www.pinoypopculture.com)

Taong 1996, lumitaw sa balita ng isang taxi drayber na kinilalang si


Emilio Advincula dahil sa kanyang katapatan. Isinauli niya ang 2.5 milyong
piso na naiwan ng isang pasahero sa kanyang minamanehong taxi. Dahil dito,
siya ay tumanggap ng pabuya mula sa pribadong sektor at grupong
pansibiko.Siya ay hinangaan at inirespetong publiko dahil sa kanyang ginawa.
Petsa:

I. Layunin: Nakalalahok sa pangkatang gawain

II. Paksa/Pagpapahalaga: Pagkamatapat


Sanggunian: K-12 Curriculum Guide p. 27, (EsP5PKP-Ie-31)
Kagamitan: Multi Media
III. Pamaraan: (Ikalawang Araw-Isagawa Natin)
A. Panimulang Gawain
1. Pagsusuring pangkalusugan
2. Pagganyak
Bilang, mag-aaral, ano ang iyong karanasan na nagpapakita ng pagiging matapat ?
B. Panlinang na Gawain
1. Aktibiti
Ibigay at ipahayag ang iyong reakyon sa sumusunod na sitwasyon.(pakitingnan sa
Kagamitan ng Mag-aaral).
2. Talakayan
Suriin ang naging kasagutan at magkaroon ng talakayan sa kanilang mga naging
sagot.
3. Paglalahat
Basahin at unawain ang kasabihan sa ibaba.
“Ang tapat sa maliit na bagay ay tapat din sa malaking bagay.”
4. Pagtataya
Bumuo ng tatlong pangkat. Bawat pangkat ay bubunot ng kanilang gawain na tulad
ng sa sumusunod:
Unang Pangkat- Gagawa ng munting iskit tungkol sa kasabihan.
Pangalawang Pangkat- Maghahanda ng maikling debate kung sang-ayon o di-
sang-ayon sa kasabihan.
Pangatlong Pangkat- Bubuo ng awit o tula na makaugnayan sa kasabihan.

Magbigay ng oras para maipakita ang bawat pangkat ang inihandang gawain.
Hayaang magbigay ng kanilang opinion ang mga mag-aaral tungkol sa ginawa ng bawat
pangkat upang malaman tumimo sa kanila ang pagpapahalagang tinatalakay.
Petsa:

I. Layunin: Nakagagawa ng self-assessment organizer


II. Paksa/Pagpapahalaga: Pagkamatapat (Honesty)
Sanggunian: K-12 Curriculum Guide na nasa pahina 27, (EsP5PKP-Ie-31)
Kagamitan: notbuk, Led Tv
III. Pamaraan: (Isapuso Natin)
A. Panimulang Gawain
1. Pagsusuring pangkalusugan
2. Balik-aral
B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
Sa bahaging ito, hayaang malayang maisulat ng mga mag-aaral ang kanilang
karanasan o damdamin at kung ano ang kanilang natutuhan sa ugaling pinahahalagahan gamit
ang Self- Assessment Organizer na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.
Halimbawa: Kaya kong hikayatin ang aking kapatid/ kaklase/ kaibigan na maging
matapat sa anumang pagkakataon.
2. Ipabasa at ipaunawa ang nilalaman ng Tandaan Natin.
Dapat maikintal sa isip at puso ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagiging matapat
at ng makahikayat ng iba na maging matapat din.
Petsa:

I. Layunin: Nakasusulat ng maikling panalangin


II. Paksa/Pagpapahalaga: Pagkamatapat (Honesty)
III. Pamaraan: (Isabuhay Natin)
A. Panimulang Gawain
1. Pagsusuring pangkalusugan
2. Balik-aral
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Mag-isip ng isang bagay o pangyayari na hindi mo nahikayat ang iyong
kaklase/kaibigan o kasapi ng pamilya na maging matapat sa anumang gawain ngunit
dapat mong sinabihan o pinaalalahanan siya.
2. Talakayan
Batay sa pangyayaring ito, sumulat ka sa iyong sagutang papel ng isang
pangako na sa susunod ay manghihikayat kang maging matapat ang iba sa kanilang
ginagawa.
3. Pagtataya
Sumulat ng isang maikling panalangin na humihingi ng gabay at tulong ng Diyos na
maging matapat ka sa lahat ng iyong ginagawa at mahikayat mo ang iyong kapwa
na maging matapat din sa anumang uri ng paggawa. Isulat ito sa isang malinis na
papel.

Noon ay hindi ko nahikayat ang aking _________________ na maging tapat sa


__________________ dahil ______________________. Ngunit ngayon ay
nangangako akong gagawin ko ang aking makakaya upang mahikayat ko siya/sila na
maging matapat sa anumang ginagawa.

You might also like