Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Petsa:

I. Layunin: Nagagampanan nang buong husay ang anumang tungkulin sa programa o proyekto
gamit ang anumang teknolohiya sa paaralan(ESP 5P – IIi-29)

II. Paksa/Pagpapahalaga: Paggalang sa opinyon ng ibang tao

(Respect for other people’s opinion)

Mga Kagamitan: sagutang papel, kwaderno, ICT

III. Pamamaraan

Alamin Natin (Day 1)

1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang tulang pinamagatang “Asset Ko, Talento Ko.”
Magkaroon ng malayang talakayan gamit ang mga sumusunod na tanong:
a. Anu-anong kahayagan ang nabanggit sa tula?
b. Ano ang dapat mong gawin sa kakayahang ipinagkaloob sa iyo ng Poong Maykapal?
c. Ano ang katangian ng isang bata na ipinahihiwatig sa tula?
d. Paano mo malilinang ang kakayahan/talentong ipinagkaloob sa iyo ng Diyos?

Sa bahaging ito ng talakayan, maging sensitibo sa kasagutan ng mga mag-aaral.


Maaaring magbahagi ang guro ng kaniyang sariling karanasan na nauukol sa paksang pinag-
uusapan. Bigyang-diin ang pagpapahalaga nang may kahusayan sa pagtupad sa mga
tungkuling iniatang.
Petsa:

I. Layunin: Nagagampanan nang buong husay ang anumang tungkulin sa programa o proyekto
gamit ang anumang teknolohiya sa paaralan(ESP 5P – IIi-29)

II. Paksa/Pagpapahalaga: Paggalang sa opinyon ng ibang tao

(Respect for other people’s opinion)

Mga Kagamitan: sagutang papel, kwaderno, ICT

III. Pamamaraan

Isagawa Natin (Day 2)

Ipagawa sa kwaderno ng mga mag-aaral ang Gawain 1 sa Isagawa Natin sa Kagamitan


ng Mag-aaral. Sa tseklis na ito, malalaman mo ang nararamdaman ng mga bata sa paglahok o
pagsali ng mga bata sa paglahok o pagsali sa mga proyekto/gawaing pampaaralan. Ang
damdaming pagkatutoay makatutulong sa pagpoproseso ng kasagutan ng mga mag-aaral.

Gawain 2

1. Sa Gawain 2, pangkatin ang mga mag-aaral sa apat na grup. Bawat pangkat ay


inaasahang nagpapakita ng palabas kung paano isinasagawa ang sumusunod na
programa/palatuntunan/paligsahan sa paaralan.

Pangkat 1- Buwan ng Wika (sa paraang balagtasan)


Pangkat 2- Quiz Bee (sa paraang rap)
Pangkat 3- Paglalaro
Pangkat 4- Paligsahan sa Pag-awit
2. Iproseso sa mga bata ang kailangan nilang maintindihan ukol sa pamantayan sa
pagsasagawa ng pangkatang Gawain at kung paano hahatulan.
3. Bigyan ang bawat pangkat ng limang minute para sa kanilang pagtatanghal.
Petsa:

I. Layunin: Nagagampanan nang buong husay ang anumang tungkulin sa programa o proyekto
gamit ang anumang teknolohiya sa paaralan(ESP 5P – IIi-29)

II. Paksa/Pagpapahalaga: Paggalang sa opinyon ng ibang tao

(Respect for other people’s opinion)

Mga Kagamitan: sagutang papel, kwaderno, ICT

III. Pamamaraan

Isapuso Natin (Day 3)

1. Ipasagot ang Isapuso Natin. Ipaguhit ang masayang mukha kung ang pangungusap ay
nagpapahiwatig ng pagpapakitang husay sa pagtupad sa tungkulin at malungkot na
mukhanaman kung hindi. Ipasulat ang sagot sa kwaderno.

2. Bigyang diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag-aaral nang may pang-unawa.
Tumawag ng ilang mag-aaral at hayaang ipahayg ang kanilang mga saloobin sa ilang
mensahe na lubos na tumino sa kanilang mga puso at damdamin.
Petsa:

I. Layunin: Nagagampanan nang buong husay ang anumang tungkulin sa programa o proyekto
gamit ang anumang teknolohiya sa paaralan(ESP 5P – IIi-29)

II. Paksa/Pagpapahalaga: Paggalang sa opinyon ng ibang tao

(Respect for other people’s opinion)

Mga Kagamitan: sagutang papel, kwaderno, ICT

III. Pamamaraan

Isabuhay Natin (Day 4)

Sa bahaging ito, gabayan ang mga mag-aaral upang makasulat ng isang simpleng
pangako kung paano niya dapat gampanan nang buong husay ang mga tungkuling iniatang
sa kaniya. Maaaring ang simpleng pangakong ginawa ay itanghal sa anyong patula, pa-rap
o pakanta.

Subukin Natin (Day 5)

1. Ipahanda sa mga mag-aaral ang papel na gagamitin nila sa pagtitiyaga, gamit ang
Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipabasa nang may pang-unawa ang panuto.
2. Matapos masagutan ang mga mag-aaral ang Subukin Natin, muling iproseso ang
kanilang mga kasagutan.

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na


leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

You might also like