Mga Batas at Kautusan Na May Kaugnayan Sa Wikang Pambansa111 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Owned and operated by the City Government of Urdaneta

 ARTIKULO XIV, PANGKAT 3 NG SALIGANG BATAS NG 1935


“… ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang
wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo.”

 BATAS NG KOMONWELTH BLG. 184 (1936)


Opisyal na paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng Nobyembre
1936

 KAUTUSANG TAGPAGPAGANAP BLG.134 (1937)


Ipinahayag na ang Tagalog ay siyang magiging batayan ng Wikang Pambansa ng
Pilipinas.

 KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 263 (1940)


Nagbibigay pahintulot sa pagpapalimbag at paglalathala ng Talatinigang Tagalog-
Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa at itinagubilin din ang pagpapaturo ng
Wikang Pambansa sa mga paaralan, pambayan man o pribado.

 BATAS KOMONWELTH BLG. 570 (1946)


Pinagtibay na ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng
Pilipinas simula Hulyo 4, 1946.

 PROKLAMASYON BLG. 12 (1954)


Nilagdaan ng Pang. Ramon Magsaysay na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo
ng Wikang Pambansa ay magaganap mula sa ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng
Abril bilag pagbibigay kahalagahan sa kaarawan ni balagtas (Abril 2).

 PROKLAMASYON BLG. 186 (1955)


Nilagdaan ni Pang. Magsaysay nag-uutos sa paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika
mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigay ng Kahalagahan sa kaarawan
ni Pang. Quezon (Agosto 19)

 MEMORANDUM SIRKULAR 21 (1956)


Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang Bayan
na nag-uutos na ituro at awitin ang Pambansang Awit sa mga Paaralan.

 KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 7, S.1959


Nilagdaan ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng noong Agosto
13, 1959 na nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang
Pilipino ang gagamitin.

 KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 24, S.1962


Nilagdaan ni Kalihjim Alejandro Roces at nag-uutos na simula sa taong-aralan 1963-
1964, ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipapalimbag sa Wikang
Filipino.

 KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 60, S.1963


Nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang
Pambansang Awit sa titik nitong Filipino.
Owned and operated by the City Government of Urdaneta

 KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG.96, S. 1967


Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos at nagtatadhana na naglahat ng
edipisyo, gusali, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan ay pangalanan sa
Filipino.

 MEMORANDUM SIRKULAR BLG. 199 (1969)


Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-uutos sa lahat ng Kagawaran, kawanihan,
tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino
hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa.

 MEMORANDUM SIRKULAR BLG. 488 (1972)


Humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng Linggo ng Wika.

 KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG.25, S. 1974


Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na nagtatakda ng mga panuntunan sa
pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal.

 KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 22, S.1987


Paggamit ng “Filipino” sa pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas.

 ARTIKULO 15, SEKSYON 2 AT 3, SALIGANG BATAS NG 1973


Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino at hangga’t
hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino sa lahat ng kurikulum na
pandalubhasang antas.

 KAUTUSANG PANGMINISTRI BLG.22 (1978)


Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang nag-uutos na
isama ang Pilipino sa lahat ng Kurikulum na pandalubhasang antas.

 ARTIKULO XIV, SALIGANG BATAS NG 1987


Sek. 6 : Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.

Sek. 7 : Ukol sa mga layunin ng komunikasyong at pagtuturo, ang mga wikang


opisyal ng pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas,
Ingles.

Sek. 8 : Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin
sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Espanyol.

Sek. 9 : Dapat magtatag ang Kongreso ng isnag Komisyon ng Wikang Pambansa na


binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba
pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.

 KAUTUSANG PANGKAGAWARAN. 52 (1987)


Pinalabas ng Kalihi Lourdes Quisumbing na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang
wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan.
Owned and operated by the City Government of Urdaneta

 KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 21 (1990)


Nagtagubilin ng gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan ng
Saligang Batas at sa bayan natin.

 CHED MEMORANDUM BLG. 59 (1996)


Nagtatadhana ng siyam nay unit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang
edukasyon at nagbabago s deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1
(Sining ng Pakikipagtalastasan),
Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina), at Filipino 3 (Retorika).

 PROKLAMSYON BLG. 1041 (1997)


Nilagdaan ni Pangulong Fidel Ramos na nagtatakda na ang buwang ng Agosto taun-
taon ay magiging BUwan ng Wikang Filipino at nagtagubilin sa iba’t ibang
sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsagawa ng mga
Gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.

 2001
Tungo sa mabilis ng estandardisasyon at intelektwalisayon ng Wikang Filipino,
ipinalabas ng Komisyon ng Wikang Filipino 2001 Revisyon ng Ortograpiyang Filipino
a Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.

You might also like