Ap7 q3 m3 v4 Notes

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

lOMoARcPSD|26696616

AP7 Q3 M3 V4 - Notes

Philippine History and Culture (University of Perpetual Help System DALTA)

Scan to open on Studocu

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)
lOMoARcPSD|26696616

7
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3
Ang Timog at Kanlurang Asya sa
Dalawang Digmaang Pandaigdig

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Araling Panlipunan - Baitang 7


Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Ang Timog at Kanlurang Asya sa Dalawang
Digmaang Pandaigdig
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan nanaghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang -aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
ano mang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagarwaran ng Edukasyon


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayucot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Development Team of the Module
Author/s: Kristelle Mae L. Abarco

Reviewers: Lilia E. Balicog – HT III


Donna P. Olarye – HT I
Ramon A. Villa – HT I
Edwin V. Beloy – HT I

Illustrator and Layout Artist: Spark Erl E. Balicog

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director

Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V


Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
School Division Superintendent
Myra P. Mebato, PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent

Members Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD


Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Eleazer L. Tamparong, EPS - AralingPanlipunan
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Berlyn Ann Q. Fermo, EdD, PSDS
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Misamis Occidental
Office Address: Ad. Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531 – 1872 / 0977 806 2187
E-mail Address: deped_misocc@deped.gov.ph

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

7
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3
Ang Timog at Kanlurang Asya sa
Dalawang Digmaang Pandaigdig

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


educators from public schools. We encourage teachers and other educattion
stakeholders to email their feedback, comments, and recommendations to the
Department of Education-Region 10, at region10@deped.gov.ph.

Your feedback and recommendations are highly valued.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This SLM (Self Learning Module) is for
educational purpose only. Borrowed materials (i.e. songs, stories, poems, pictures,
photos, brand names, trademarks, etc.) included in these modules are owned by their
repective copyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them. Sincerest appreciation to those who have made significant
contributions to these modules.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Paunang Salita
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul 3 ukol sa Ang Timog at Kanlurang Asya sa Dalawang
Digmaang Pandaigdig

Unang Edisyon, 2020

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habangwala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuhamo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain nanaglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Pagwawasto gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha


Sanggunian
o paglinang ng modyul na ito.

ii

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Pangkalahatang Panuto

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul naito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng


anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iii

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Talaan ng Nilalaman

Paunang Salita -------------------- i


Icons ng Modyul -------------------- ii
Pangkalahatang Panuto -------------------- iii
Alamin -------------------- 1
Subukin -------------------- 2
Balikan -------------------- 5
Gawain 1: “Ako’y Irawan Mo!” -------------------- 5
Tuklasin -------------------- 6
Gawain 2: “Ano Ako?” -------------------- 6
Suriin -------------------- 10
Gawain 3: “Kahon-kahong Karanasan” - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 10
Pagyamanin -------------------- 11
Gawain 4: “Epekto ng Digmaan” -------------------- 11
Isaisip -------------------- 12
Gawain 5: “Sagot Na!” -------------------- 12
Isagawa -------------------- 13
Gawain 6: “Ako In Action!” -------------------- 13
Tayahin -------------------- 14
Karagdagang Gawain -------------------- 16
Gawain 7: “Larawan Suri” -------------------- 16
Susi sa Pagwawasto -------------------- 17
Sanggunian -------------------- 18

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Alamin

Ang pagsiklab ng mga Digmaang Pandaigdig ang higit na nag-udyok


sa mga Asyano na mithiin ang pagbabago sa kani-kanilang mga bansa sa
Timog at Kanlurang Asya. Ito rin ang nagbigay-daan upang higit na ipaglaban
at itaguyod ang kalayaan sa pangunguna ng kanilang mga pinuno. Kaya,
tunghayan mo sa araling ito ang mga tunay na karanasan at implikasyon sa
panahong iyon.

Pagkatapos mong basahin at pag-aralan ang modyul na ito,


inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na karunungan:

1. Naiisa-isa ang mga karanasan at implikasyon sa Una at Ikalawang


Digmaang Pandaigdig ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya
2. Nakagagawa ng timeline sa mga pangyayari sa Una at Ikalawang
Digmaang Pandaigdig
3. Naipapahayag ang mga epekto ng mga Digmaang Pandaigdig sa
buhay ng mga tao sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sagutang papel.
_____1. Alin sa mga sumusunod na bansa ang bumubuo sa Central Powers?
A. Austria-Hungary, Great Britain
B. France, Germany
C. Germany, Austria-Hungary
D. Russia, England
_____2. Ano-anong mga bansa ang bumubuo sa Allies?
A. England, Austria-Hungary, Germany
B. Germany, Austria-Hungary, Great Britain
C. France, Germany, Russia
D. Russia, England, France
_____3. Kailan sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Agosto 1914
B. Agosto 1915
C. Agosto 1916
D. Agosto 1917
_____4. Sinong lider ang namatay na nag-udyok upang sumiklab ang Unang
Digmaang Pandaigdig?
A. Archduke France Ferdinand
B. Archduke Franco Ferdinand
C. Archduke Francis Ferdinand
D. Archduke Francisco Ferdinand
_____5. Sino ang lider na namuno sa pamamagitan ng mapayapang
pamamaraan ayon sa satyagraha?
A. Ayatollah Khomeini
B. Gandhi
C. Ibn Saud
D. Mohamed Ali

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

_____6. Saang bansa nagsagawa ang Russia at Great Britain ng pag-atake


sa Ottoman Empire na nakipag-alyado sa Germany?
A. Iran
B. Iraq
C. Pakistan
D. Syria
_____7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naging epekto ng digmaan sa
Iran?
A. malawakang pagkasira sa mga pamayanan at ari-arian
B. pagbaha at iba pang kalamidad
C. pagkamatay ng mga Iranian
D. pagkagutom
_____8. Ano ang nag-udyok sa mga mamamayang Iranian na magkaroon ng
malawakang pag-aalsa at pagkilos upang humingi ng kalayaan
noong 1915-1921?
A. kawalan ng pera at pagkain
B. pagbaha at iba ang kalamidad
C. malawakang pagkasira ng mga ari-arian
D. kawalan ng pagkilos ng pamahalaang Iran
_____9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa isinasaad sa
kasunduan ng Great Britain at Iran noong taong 1919?
A. bibigyan ng ganap na kalayaan ang Iran
B. magiging kontrolado ng Great Britain ang military ng Iran
C. pagiging ganap na protektadong bansa ng Great Britain ang
Iran
D. magbibigay ng malawak na kapangyarihan sa pagkontrol sa
ekonomiya at politika ng bansang Iran
_____10. Ano ang kasunduan na naging hudyat sa pormal na pagtatapos ng
Unang Digmaang Pandaigidig?
A. Treaty of Great Britain
B. Treaty of France
C. Treaty of Paris
D. Treaty of Versailles

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

_____11. Kailan natuklasan ang mina ng langis sa Kanlurang Asya na naging


dahilan upang mas maging interesado ang mga Kanluraning bansa
rito?
A. 1912
B. 1913
C. 1914
D. 1915
_____12. Ano ang deklarasyong ipinalabas ng mga Ingles noong 1917 na
nagsasaad na ang Palestine ay bubuksan sa mga Jew o Israelite
upang kanilang maging tahanan?
A. Balfour Declaration
B. Palestine Declaration
C. Paris Declaration
D. Versailles Declaration
_____13. Kailan nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Setyembre 1938
B. Setyembre 1939
C. Setyembre 1940
D. Setyembre 1941
_____14. Alin sa mga sumusunod ang isang kasunduang nagsasaad na
kapwa lilisanin ng Russia at Great Britain ang bansang Iran upang
makapagsarili at maging Malaya?
A. France Conference
B. Iran Conference
C. Iraq Conference
D. Tehran Conference
_____15. Anong digmaan ang kinasangkutan ng United States at ng kanyang
mga kaalyado kontra sa Russia?
A. American Crisis
B. Azerbaijan Crisis
C. Cloud War
D. Cold War

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Ang Timog at Kanlurang Asya sa


Aralin
Dalawang Digmaang Pandaigdig

Magandang buhay!
Bago natin simulan ang ating talakayan, balikan muna natin ang iyong
natutunan mula sa nakaraang paksa. Sagutin ang gawain sa ibaba.

Balikan

Gawain 1: “Ako’y Ilarawan Mo!”


Panuto: Magbigay ng mga salitang may kaugnayan sa salitang
Nasyonalismo. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Halimbawa:

pagmamahal sa
bansa

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Tuklasin

Gawain 2: “Ano Ako?”


Panuto: Suriin ang mga sumusunod na mga larawan at ayusin ang mga letra
sa ibaba nito upang makilala ang konseptong tinutukoy. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1.

ALILES

2.

CETNARL POREWS

Upang mas maunawaan mo ang ating aralin, basahin mo ang kasunod na


talahanayan na tungkol sa mga pangyayaring naganap sa mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya noong panahon ng mga Digmaang Pandaigdig.

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Suriin

UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG


RESPONSABLE SA
PETSA/TAON MGA PANGYAYARI
PANGYAYARI

 sumiklab ang Unang Digmaang  pag-aalyansa ng mga


Pandaigdig bansang Europe
 pag-uunahan ng mga
Agosto 1914
ito na maisakatuparan
ang kani-kanilang
interes

 Nabuo ang mga alyansang:  Binubuo ng mga


1. Central Powers bansang:
2. Allies 1. Germany, Austria-
Hungary(GAH)
2. France, England,
Russia(FER)
 Isang pinuno ng Europe ang
namatay na nagpasiklab sa Archduke Francis
digmaan Ferdinand

 Nagkaisa ang nasyonalismo at Mga nasyonalismo at


pangkalayaang kilusan at tumulong pangkalayaang kilusan sa
sa panig ng Allies bansang India

 Pinangunahan ang kilusan sa


pamamagitan ng mapayapang Mahatma Gandhi
pamamaraan ayon sa satyagraha
(non-violence)
 Inatake ang Ottoman Empire (Iran)
na nakipag-alyado sa Germany
 Ito ay nagdulot ng malawakang Russia at Great Britain
pagkasira ng mga pamayanan, ari-
arian, pagkamatay ng maraming
Iranian at pagkagutom
 Humigit kumulang sa anim na taon
1915-1921 ang pag-aalsa ng mga mga mamamayan ng Iran
mamamayang Iran
 Hiniling ng Great Britain sa punong
ministro ng Iran na lumagda sa
1919 kasunduang magbibigay ng Great Britain
kapangyarihan sa pagkontrol ng
ekonomiya, politika at pangmilitar
sa bansang Iran. Ito rin ay

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

magbibigay-daan sa pagiging
ganap na protektadong bansa ng
Great Britain ang Iran.
 Napigilan ang kasunduan ng Great
1926 Britain sa Iran sa pamamagitan ng mga pangkat ng
pagbatikos nito sa mga pahayagan nasyonalista sa Iran
at sa pag-aalsa.
 Natalo sa digmaan ang Central  Central Powers
Powers
 Treaty of Versailles
- Kasunduang naghudyat sa
pormal na pagtatapos ng
Unang Digmaang
Pandaigdig
 Natuklasan ang mina ng langis sa  Kanluraning bansa
Kanlurang Asya na naging dahilan
1914 upang maging mas interesado ang
mga Kanluraning bansa na rito at
magtatag ng sistemang mandato.
 Ang mandato ng Syria at Lebanon  France at mga Ingles
ay napasakamay ng France
habang ang mandato ng Palestine
ay nasa mga Ingles.
1917 Balfour Declaration  Mga Ingles
- Nakasaad na ang Palestine ay
bubuksan sa mga Jew o
Israelite upang maging tahanan
(homeland)
- Naging dahilan upang
magkaroon ng hindi
pagkakaunawaan ang mga
Muslim at Jew.
Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, lumakas ang kilusang nasyonalismo sa
India na naging daan upang magkaisa ang Hindu at Muslim. Nagkaroon ng
malawakang demonstrasyon, boykot at hindi pagsunod sa mga kautusan ng Ingles sa
bansang India, na siya namang naging dahilan upang mabigyan ng autonomiya ang
bansa.

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG


RESPONSABLE SA
PETSA/TAON MGA PANGYAYARI
PANGYAYARI
Setyembre Nagsimula ang Ikalawang Digmaang
1939 Pandaigdig

Tehran Conference
- Nagsasaad na lilisanin ng
1942 Russia at Great Britain ang United States
Iran upang makapagsarili at
maging malaya
Sinimulang alisin ng Russia ang
kanyang tropa ngunit hindi
Mayo 1946 naisakatuparan at nagdulot ng Russia
Azerbaijan Crisis.

Itinuring na hindi pagkakaunawaan United States at mga


ng Security Council ng United kaalyado laban sa Russia
Nations at nagbigay-daan sa Cold at mga kaalyadong bansa
War nito
Lalong sumidhi ang ipinaglalaban ng
mga taga-India para sa kalayaan,
ngunit naging dahilan ito upang sila’y
muling hindi sila magkaisa.
1947 India at Pakistan
Nahati ang India sa dalawang
pangkat:
1. India para sa mga Hindu
2. Pakistan para sa mga Muslim

Maituturing na ang pinakamahalagang pangyayaring naganap sa Asya ay ang


pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at dahil dito inaasahang makamit
ang kalayaang minimithi ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Upang masubok ko ang iyong naunawaan mula sa nabasang talahanayan,


maari mo nang gawin ang mga kasunod na Gawain.

Gawain 3: “Kahon-kahong Karanasan”


Panuto: Isalaysay ayon sa pagkakasunod-sunod na pangyayari sa Una at
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isulat ito sa mga kahon sa ibaba. Gamitin
ang Pigura A para sa Unang Digmaang Pandaigdig at Pigura B para sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Maaari mong dagdagan ang mga kahon.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pigura A

Halimbawa:

Agosto 1914
Unang sumiklab
angUnang
Digmaang
Pandaidig

Pigura B

Halimbawa:

Setyembre 1939
Unang sumiklab ang
Ikalawang
Digmaang
Pandaidig

10

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Pagyamanin

Gawain 4: “Epekto ng Digmaan”


Panuto: Punan ang talahanayan sa ibaba na nagpapakita ng mga epekto ng
Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Timog at Kanlurang Asya. Gawin
ito sa sagutang papel.

ANG MGA EPEKTO SA ASYA NG PANDAIGDIGANG DIGMAAN

UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

TIMOG ASYA KANLURANG ASYA TIMOG ASYA KANLURANG ASYA


Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:
Pansamantalang Ang mandato ng Syria at Nahati sa dalawang Nilisan ng Russia at Great
isinantabi ng mga Lebanon ay napasakamay sa pangkat ang India: Britain ang Iran dahil sa Tehran
Hindu at Muslim ang France. Hindu at Muslim. Conference.
hindi nila
pagkakasundo.

11

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Isaisip

Gawain 5: “Sagot Na!”


Panuto: Sagutan ang tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Paano nakakaapekto ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa


paglaya ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya?

2. Nakakaapekto ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa mga


bansa sa Timog at Kanlurang Asya sa pamamagitan
ng________________________________________________________
_________________________________________________________.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG SAGOT


Nilalaman Maayos at naaayon sa tanong. 2
Kaangkupan Angkop at makakaingganyo sa bumabasa. 2
Kahusayan Diretso sa ideyang nais ipahayag. 1
Kabuuan 5

12

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Isagawa

Gawain 6: “Ako In Action!”


Panuto: Pumili ng isang larawan sa ibaba. Magbigay ng posibleng solusyon
na iyong magagawa upang maiwasan ang sitwasyon sa napiling larawan.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Larawan 1 Larawan 2

Larawan 3

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG SAGOT


Nilalaman Maayos at naaayon sa tanong. 2
Kaangkupan Angkop at makaiingganyo sa bumabasa. 2
Kahusayan Diretso sa ideyang nais ipahayag. 1
Kabuuan 5

13

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Tayahin

A. Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa kahon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Tehran Conference 1939


Balfour Declaration 1940
Treaty of Versailles Cold war
1915 Archduke Francis Ferdinand
1914 Central Powers
Allies Azerbaijan Crisis

_______1. Tawag sa alyansang binubuo ng Germany, Austria-Hungary.


_______2. Katawagan sa isang alyansang binubuo ng mga bansang
England, Russia at France.
_______3. Sa taong ito, sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig.
_______4. Ang kasunduan na naging hudyat sa pormal na pagtatapos ng
Unang Digmaang Pandaigidig.
_______5. Ang taon kung kailan natuklasan ang mina ng langis sa Kanlurang
Asya na naging dahilan upang mas maging interesado ang mga
Kanluraning bansa rito.
_______6. Isang deklarasyong ipinalabas ng mga Ingles noong 1917 na
nagsasaad na ang Palestine ay bubuksan sa mga Jew o Israelite
upang kanilang maging tahanan.
_______7. Taon nang nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
_______8. Isang kasunduang nagsasaad na kapwa lilisanin ng Russia at
Great Britain ang bansang Iran upang makapagsarili at maging
malaya.
_______9. Katawagan sa digmaang kinasangkutan ng United States at ng
kanyang mga kaalyado, kontra sa Russia at mga kaalyadong
bansa nito.
_______10. Siya ang lider na namuno sa pamamagitan ng mapayapang
pamaraan ayon sa satyagraha.

14

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

B. Panuto: Lagyan ng (+) kung ito ay nagpapakita ng positibong epekto at (-)


kung nagpapakita ng negatibong epekto sa Timog at Kanlurang Asya.
_______1. Nagkaisa ang mga kilusang pangkalayaan at tumulong sa panig
ng Allies.
_______2. Nagsimula ang sigalot sa pagitan ng mga Islam at Hindu sa Unang
Digmaang Pandaigdig.
_______3. Naging interesado ang mga kanluranin sa pagtatag ng sistemang
mandato.
_______4. Nagtulak sa mga Asyano na ipaglaban ang kalayaan
_______5. Hindi nagkaroon ng malawakang demonstrasyon ng mga Hindu
laban sa mga Ingles.

15

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Karagdagang Gawain

Gawain 7: “Larawan Suri”


Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1 2

3 4

1. Ano ang ideya na ipinahihiwatig ng mga larawan?


2. Bilang isang kabataan, paano mo maiiwasan ang muling pagsiklab ng
digmaan?

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG SAGOT

Nilalaman Maayos at naaayon sa tanong. 2


Kaangkopan Angkop at makakaingganyo sa bumabasa. 2
Kahusayan Diretso sa ideyang nais ipahayag. 1
Kabuuan 5

16

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Susi sa Pagwawasto

17

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Sanggunian

Aklat

Rosemarie C. Blando, et al., Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba,


Eduresources Publishing, Inc., pahina 234-237

Website

https://edu.glogster.com/glog/world-war-ii-47573294/25qedhvf2ja?=glogpedia-
source
https://slideplayer.com/slide/13182308/
https://www.wikiwand.com/tl/Unang Digmaang Pandaigdig

18

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon- Dibisyon ng Misamis Occidental
Office Address: Ad. Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531 – 1872 / 0977 806 2187
E-mail Address: deped_misocc@deped.gov.ph

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)

You might also like