Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Campfire Script and Flow of Program

1. Opening

a. Fire Lighting Ceremony ... camping song (We’re all together again)

RICHARD: " Ako ang Bayang Pilipino. Hangad ko ang marating ang isang mapayapa,
maunlad, matatag, at masayang bukas. Subalit, natatakot ako. Napakadilim ng
kasalukayang aking kinalalagyan. Di ko makita ang aking dinaraanan. Napakaraming
tinig na aking nauulinigan.

“ Nasaan ang liwanag? Ang liwanag na gagabay tungo sa kinabukasan?

SCOUT 1 – kailangan ko ng apoy, giniginaw ako


SCOUT 2 – Kaukulan mi su petang
SCOUT 3 – Kasapulan mi ti biggang
SCOUT 4 – Gusto namo ug init

RICHARD- (Whooosssh!!!

SCOUT 1 – Ano yun?


SCOUT 2 – Anto man?
SCOUT 3 – Ania ajay?
SCOUT 4 – Unsa?

RICHARD- Ako, ang hari ng hangin, nakalimutan mo na ba? Ang simoy ko’y pumupuyo
saiyong diwang Pilipino at pinagniningas ang alab ng pagkamakabayan. Halika ! nandito ang
landas na dapat mong tahakin, Halika !

MARIE - Huwag ! Huwag kang sasama,

ALL Scout – Sino ka?

MARIE Ako si Alon ang Bathala ng Dagat at tubig! Tanda mo pa ba? Ako ang pumapawi sa
uhaw ng iyong pagiging makabansa. Ako ang gabay sa iyong nanunuyot na pusong makabyan,

Halika! Sisirin natin ang daan patungo sa kasarinlan, ating sakyan at lagpasan ang mga
daluyong ng mga hamon ng bayan! Halika! Halika!

RICHARD- Huwag! Dito ka pumunta! Ako si Mayari ang bathala ng buwan, iyo pa bang
natatanto noong nagdidilim ang iyong puso sa kalungkutan? AKo ang iyong liwanag sa gabing
mapanglaw! Halika, ating bagtasin daan tungo sa tagumpay! Halika!

MARIE Halika(pabulong) Dito ka dumaan.

RICHARD -Sssssst, dito ka dumaan. Hoy, Pinoy, hindi diyan.


Dito.
Scout- (pasigaw ) SAAAAAAAAAAN?
- Tulungan ninyo kami. Hindinamin kailangan ang tinig sa kadiliman. Ang
kailangan namin ay tanglaw .

(Scout LEADERS with a lighted torch comes forward)

RICHARD-"Kasabay ng usok ng sigang ito, hayaan nating pumailanglang ang ating diwa
sa mga maharlikang adhikain ng ating kilusan. Sabay sa paglaki ng lagablab ng siga,
hayaan nating magalab ang ating puso at damdamin sa pagmamahal sa ating Inang
Bayan." "Punuin natin ng ating mga awitan, sayawan, halakhakan, mga palakpakan at
sigaw ang katahimikan ng gabi at ating itaboy ang kapanglawan ng kadiliman."
"Sa pamamagitan ng kapangyarihang inyong iginawad sa akin bilang 'Campfire Chief
pasimulan na natin ang kasiyahan sa paligid ng siga."

CAMPSFIRE BURNING SONG

SONG AND YELL

RICHARD - "Malalim na naman ang gabi. Ayaw man nating maghiwa-hiwalay,


kinakailangan nang tayo ay lumisan at bumalik sa ating mga kampo at gampanan ang mga
tungkuling sa ating mga balikat ay nakaatang. Naway manatili sa ating ala-ala ang kasiyaha
ating naranasan sa paligid ng siga sa gabing ito saan mang dako tayo naroroon." "Akin ng
idinidiklara ang pagtatapos ng mga kasiyahan sa paligid ng sigang ito.

You might also like