Gonzaga, Lalaine Keendra S. - Repleksyon Sa Pelikulang Caregiver

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Gonzaga,Lalaine Keendra S.

GEED 035: Panitikang Filipino


BSA 1-1

Maikling Repleksyon sa Pelikula

“Caregiver”
Chito S. Rono

Ang pelikula na "Caregiver" ay sumasalamin sa buhay ng isang OFW. Kung saan

pinakita na hindi ito madali tulad ng iniisip ng iba, kung saan giginhawa na daw ang buhay ng

isang tao kapag nakapag trabaho sa ibang bansa. Ang pelikula na ito ay nagpakita ng katotohanan

na ang buhay na dinadanas ng ating mga OFW ay hindi puro saya kundi puno ng ng hirap, pang-

aapi, at diskrimasyon. Pinakita din dito ang mababa na pagtingin ng ibang mga lahi sa ating mga

Pilipino. Kung dito sa sarili nating bansa ay nakapagtapos ka ng kolehiyo, pagdating sa ibang

bansa baliwala ito, dahil mas masahol pa sa hayop ang magiging trato sa iyo ng mga tao.

Sinasalamin din ng pelikulang ito ang pagmamahal at sakripisyo ng isang ina na handang gawin

ang lahat para sa magandang kinabukasan ng kaniyang pamilya. Tunay na puno ng aral at

inspirasyon ang pelikula na ito, tulad nalamang ng isa sa mga aral na tinuturo nito na hindi

masama na isipin din minsan ang sarili. Dahil kung hahayaan lang natin ang sarili natin na

samantalahin ng iba baka dumating ang panahon na tayo na ang maubos. Bagkus hindi dapat

tayong matakot na bitawan ang mga bagay o tao na patuloy na makakasira sa atin dahil sa

pamamagitan lang nito magkakaroon tayo ng tunay na kasiyahan sa buhay.

You might also like