Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

DEPARTMENT OF EDUCATION

Schools Division Office


Manila
GENERAL MAXIMINO HIZON ELEMENTARY SCHOOL
Jose Abad Santos Avenue, Tondo, Manila
Ikalawang Markahang Pagsusulit
FILIPINO 5

Pangalan: _______________________________________ Iskor: ______________


Pangkat: ________________________________________ Petsa: _____________

Pangkalahatang Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat bilang at sagutin ang mga ito nang mahusay.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

I. Panuto: Isulat ang wastong pandiwa sa bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Si Nanay ay _____________ habang naglalaba.


A. nagluluto B. nagluto C. magluluto D. pinagluluto
2. Kami ay masayang _______________ sa probinsya noong nakaraang lingo.
A. namamasyal B. mamasyal C. namasyal D. papasyal
3. Ako ay nautusang __________ ng mga halaman sa hardin mamayang hapon.
A. nagdilig B. magdidilig C. pinagdidilig D. didiligan
4. Si Lorraine ay kasali sa singing contest kaya siya ay ______________ ngayon.
A. nag-eensayo B. nag-ensayo C. pag-eensayo D. mag-ensayo
5. _____________ ni Aling Nena ang kanyang anak kanina bago siya papasok sa paaralan.
A. Pinapayuhan B. Papayuhan C. Napapayuhan D. Pinayuhan

II. A. Panuto: Basahin at unawain ang teksto pagkatapos sagutin ang mga katanungan tungkol
dito.

Si Andres Bonifacio ay masikap at matalinong mag-aaral. Nagsikap siyan bumasa at sumulat.


Tinulungan niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga lathalaing sinulat ng mga
Pilipino.

Bunga ng pang-aabuso, napilitang lumaban si Andres Bonifacio sa mga Espanyol at kanyang


itinatag ang Katipunan. Noong Agosto 23, 1896, nagtipun-tipon ang mga Katipunero sa Pugadlawin, at
sabay-sabay na pinunit ang kanilang sedula bilang tanda ng paglaban sa pamahalaan ng mga Espanyol.

Bagamat kulang sa armas at kakayahang pang-militar, naitaguyod ni Andres Bonifacio ang


malawakang paghihimagsik laban sa lakas ng Espanyol. Siya ay tinawag na “Ama ng Katipunan” dahil sa
dakilang nagawa niya sa bayan.

6. Bakit sinabing masikap at matalinong mag-aaral si Andres Bonifacio?


A. Siya ay nag-aral sa mga sikat na paaralan.
B. Siya ay napabilang sa mga matatalinong bata sa kanyang paaralan.
C. Tinulungan niya ang kanyang sarili upang siya ay makapag-aral.
D. hindi sinabi sa teksto ang dahilan

7. Bakit itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan?


A. Dahil sa pang-aabuso ng mga Espanyol
B. Dahil sa marami siyang tauhan
C. Dahil siya ay isang magiting na kawal
D. Nais niyang maging pinuno ng mga kawal na Pilipino

8. Ano ang pinakaangkop na pamagat ng tekstong iyong binasa?


A. Ang Sigaw sa Pugadlawin C. Andres Bonifacio: Ama ng Katipunan
B. Andres Bonifacio: Magiting na Tao D. Bonifacio: Ang Katipunero

9. Anong grupo ang itinatag ni Bonifacio laban sa mga Espanyol?


A. Kalayaan B. Katipunan C. Kaisahan D. Kapipipinuhan

10. Kailan itinatag ni Bonifacio ang Katipunan?


A. Agosto 24, 1896 B. Agosto 13, 1896 C. Agosto 23, 1896 D. Agosto 10, 1986
B. Panuto: Punan ng tamang salita ang bawat patlang. Piliin ang sagot sa kahon at isulat ang
tamang sagot sa
sagutang papel.

anekdota journal pansariling karanasan


talaarawan talambuhay

11. Ang _________ ay tala ng nangyayari sa bawat araw.


12. ___________ at pananaw lamang ang karaniwang laman ng talaarawan, ngunit ito ay depende sa
sumusulat at sa kapaligiran ng pagsusulat.
13. Ang _____________ ay isang anyo ng panitikan kung saan nagsasaad ito ng kasaysayan ng buhay ng
isang tao batay sa mga tunay na tala, pangyayari, o impormasyon.
14. Ang __________ ay tala ng mga obserbasyon sa paligid na nakatawag ng atensiyon ng isang
indibidwal.
15. Ang _____________ ay maikling kuwento na isang nakawiwiling insidente sa buhay ng isang
tao.

C. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

16. Dali-daling nilapitan ni Jonnie ang batang nakadapa at pinatayo nito at sinabing, Nasaktan ka ba?
Anong klaseng bata si Jonnie?
A. Matulungin B. mabait C. maalalahanin D. lahat ay tama
17. “Halika ka, bata ka!” ang malakas na sigaw ni Mang Arnold sabay hampas ng palo sa kanyang anak
na ni Milo. Ano ang masasabi mo kay Mang Arnold?
A. Siya ay mapagmahal sa anak C. Siya ay mabait
B. Siya ay mabagsik na ama D. Siya ay isang ulirang ama

III. Punan ng angkop na salita ang patlang. Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat
sa sagutang papel.

antala diin tono


damdamin tikas, galaw, at kumpas

18. Ang __________ o ang saglit na paghinto sa pagbigkas. Ito ay depende sa bantas na ginamit sa
pagsulat ng tula. Kapag kuwit ang bantas bahagya lang titigil (pause) ngunit kung tuldok naman ang
ginamit na bantas, titigil sa bahaging may tuldok bago magpatuloy sa pagbabasa kung mayroon pang
kasunod na taludtod o saknong.
19. Ang __________ sa pagbigkas ng tula na inilalapat sa salita o pantig ayon sa tindi ng damdaming
ipinahahayag.
20. Ang __________ sa pagbigkas ng tula ay maaaring mataas o mahina at payapa o mahinahon ayon sa
damdamin o emosyong ipinahahayag.
21. Ang __________ sa pagbigkas ng tula ay pagpapakita ng tamang ekspresyon ng mukha. Maaaring
masaya, o malungkot, may galit o pagmamahal.
22. Ang ___________________ ay ang paraan ng pagkilos o paggalaw na ng bumubigkas ng tula.
Mahalaga ito upang maging kawilili-wili at kapani-paniwala ang pagbasa.

IV. Basahin ang malikling sanaysay sa ibaba at pagkatapos sagutin ang mga katanungan
tungkol dito.

Sabado ng umaga, maagang nagising si Lito kahit na siya ay walang pasok.


Pumunta siya sa likod ng kanilang bahay at nakita niya ang isang nakatiwangwang na
lupa. Naisipan niya itong pakinabangan sa pamamagitan ng pagtatanim ng halamang
gulay.
Binungkal niya ang lupa, inalis ang damo at iba pang bagay na hindi kakailanganin
ng kanyang halamang itatanim.Kumuha siya ng mga buto ng upo at sitaw at mahusay na
itinanim ang mga ito at saka diniligan. Araw-araw niya itong binibisita at inaalagaan. Inaalis
niya ang mga damong ligaw, pinupuksa ang mga peste, nilalagyan ng organikong pataba
at dinidiligan.
Pagkatapos ng ilang buwan, napansin niyang namumunga na ang mga ito.
Masayang-masaya siya sapagkat napakinabangan niya ang kanyang pinagpaguran.
Nakakatikim na siya at ng kanyang pamilya ng masustansiyang pagkain at libre pa.
23. Ayon sa kuwento, bakit naging masaya si Lito sa bandang huli?
A. Sapagkat tumubo na ang kanyang halaman.
B. Dahil marami siyang napagbentahan ng gulay.
C. Sapagkat namunga na ang kanyang mga halaman.
D. Dahil gumanda na ang paligid ng kanilang bahay

24. Paano inalagaan ni Lito ang kanyang mga halaman?


A. Dinidiligan niya ito sa araw ng Sabado at Linggo.
B. Binibisita niya ito upang makita kung namunga na.
C. Araw-araw niya itong binibisita, dinidiligan, binubutan ng damo, nilalagyan ng pataba at
pinupuksa ang mga peste.

25. Anong mabuting katangian ni Lito ang ipinamalas sa sanaysay?


A. Isa siyang matalinong mag-aaral.
B. Maaasahan, mapamaraan at masipag si Lito sa mga gawaing-bahay.
C. Masayahing bata si Lito.

V. Panuto: Suriin ang sumusunod na mga babala, patalastas at islogan na mababasa o makikita
sa mga Rural Health
Unit (RHU) o klinika sa paaralan. Piliin at itala ang mga salitang hiram na ginamit dito.
Isulat ang iyong sagot sa
linyang makikita sa ibaba.

MGA HAKBANG UPANG MAPROTEKTAHAN ANG SARILI AT ANG IBA LABAN


SA COVID-19
1. Ugaliing hugasan nang madalas ang iyong mga kamay ng malinis na tubig
at sabon.
2. Magsuot ng face mask at face shield sa matataong lugar at iwasan ang
paghawak sa iyong
mata, ilong at bibig.
3. Takpan ang iyong bibig kung uubo at babahing upang maiwasan ang local
transmission
4. Iwasan ang matataong lugar at isagawa ang Social Distancing.
5. Mag home quarantine kung ikaw ay may karamdaman.
6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa paghinga,magpakon-sulta agad
– ngunit tawagan
mo muna ang health facility.
7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang health authority.
(sariling bersiyon ni Trinidad Tanglao)

Upang maging malusog at palaging


maganda, ugaliing kumain ng masustansiya! “Para iwas COVID’19, health protocols
Palaging uminom ng bitamina. At siyempre, sundin, face mask at face shield huwag
Robee E ang piliin! Ang bitaminang mura na, kaligtaang gamitin !”
mabisa pa! Robee E, ang vitamin na pang -Trinidad A. Tanglao
beauty at healthy body pa! BILI NA!
- Trinidad A. Tanglao

Mga Salitang-hiram:
26. _______________ 31. _______________
27. _______________ 32. _______________
28. _______________ 33. _______________
29. _______________ 34. _______________
30. _______________ 35. _______________

VI. Sa bilang na 36-40, punan ang mga patlang sa sanaysay upang mabuo ito.Piliin ang sagot sa
loob ng kahon.

di-gaano kasing-itim di-gasino mas nakalulungkot

kasimputi Mas sariwa Sariwa pinakamasaya mas masaya

(36) __________ pa ang hangin sa pook. Ang ilog ay malinis at malinaw.Tahimik ang lugar at
payapa. Isa sa (37)______________________ bahagi ng araw ay ang gabi. Tuwang-tuwa na nag-
uusap ang mga magkakapitbahay sa ilalim ng maliwanag na sikat ng buwan habang masayang-
masayang naghahabulan ang mga bata habang naglalaro ng tumbang preso.
Ngunit. (38)__________ maganda na ang buhay ngayon sa nayon. Ang dating tahimik at
payapa ay magulo at maingay na. (39)_________________ isipin na ang dating malinis at maayos
na kapiligiran ay puno na ng basura. (40)______________________ na ng usok ang tubig ilog.
Malungkot na sa nayon.Sana maibalik ang dati nitong anyo.

VII. Basahin ang bawat sitwasyon sa ibaba. Piliin ang titik na nagpapahayag ng
magalang na
pananalita at isulat sa sagutang papel.

41. Nawala ang iyong pera sa klase. Ano ang sasabihin mo sa iyong guro?
A. Nawala ang aking pera.
B. Hanapin niyo ang aking pera.
C. Ma’am nawala po ang aking pera.
D. Ikaw ba ang kumuha ng aking pera?
42. Pinagalitan kayo ng inyong nanay dahil nag-away kayong magkakapatid.
A. Nanay, paumanhin po, hindi na po mauulit.
B. Sorry na.
C. Siya ang pagalitan mo.
D. Wala akong kasalanan.
43. Ginamit mo ang sapatos ng iyong kapatid at nakita niya itong isinusuot mo?
A. Akin na lang ito.
B. Ipagpaumanhin mo, ginamit ko ang iyong sapatos.
C. Ibabalik ko na lang sa iyo mamaya.
D. Bawal bang gamitin?
44. Nahulog ang iyong bolpen at kinuha ito ng klasmeyt mo. Ano ang sasabihin mo?
A. Huwag mong kukunin.
B. Pakibalik naman po ng bolpen ko.
C. Ibalik mo sa akin.
D. Sa akin yan.
45. Nakita ka ng may-ari ng hardin na pinitas mo ang kaniyang bulaklak. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
A. Paumanhin po, hindi ko na po uulitin.
B. Isa lang naman ang kinuha ko.
C. Babayaran ko na lang.
D. Huwag ka ng magalit.

VIII. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

46. Ito ay isang pangkat ng mga aklat na nakaayos nang paalpabeto. Naglalaman ito ng mga
Mahahalagang impormasyon o paksa tungkol sa iba’t ibang tao, bagay at pangyayari.
A. balita B. Diksiyunaryo C. Encyclopedia D. Pahayagan

47. Gamit ang laptop, tablet o cellphone at internet connectivity, ang teknolohiyang ito ay napakalaking
tulong sa mga gustong maghanap ng mga impormasyon sa kahit na anong larangan.
A. Atlas B. Almanac C. Encyclopedia D. Internet

48. Nais mong malaman ang kahulugan ng isang mahirap na salitang iyong nabasa. Ano ang dapat mong
gamitin?
A. balita B. Pahayagan C. Diksiyunaryo D. Encyclopedia

49. Nalaman mo ang isang balita tungkol sa giyera sa Middle East, ano ang iyong dapat basahin?
A. balita B. aklat C. encyclopedia D. diksiyunaryo

50. Isa sa mga bansang nais mong malaman ang tungkol dito ay ang bansang Switzerland. Ano ang
dapat mong sanggunian?
A. Atlas B. Almanac C. Encyclopedia D. balita

You might also like