Pahinga Lang

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Lung Month 2020

Spoken Word Poetry


Sept. 9, 2020

Orgnl:Anne Ronquillo

"Hingang malalim, Pahinga lang" is a written piece done by a BSRT1A student. This
piece is inspired by clinical/hospital observer's expression "Hingang malalim". The
subjectivity of breathing deeper connects to our struggles in this pandemic times.
But a reminder also for us that in every "Hingang malalim" , there is "Pahinga
lang". Taking our time to take ourselves sometime. This new routine of 3quarantine
months is challenging , in a way that it affects jobs, akademe- everything this
#newnrmal.The "Hingang malalim,Pahinga lang"'s main goal is to give awareness,
reflection and inspiration. Have agood day, breath easy!

"Hingang malalim, Pahinga lang"

Hingang malalim, pahinga lang.


tan ang sabi ng babae sa aking panaginip kanina
nakita ko na sa pagbukas ng kanyang mata
ay siya ding biglaang pagpikit niya
Hindi ko mawari ang iniisip niya.
Dumidilim ang paningin dulot ng kanyang pagpikit,
Ngunit di rin makita ang liwanag na para bang-
walang kaparang-
lamparang
Ipinagkait ang saglit.
Hingang malalim, pahinga lang.

Sa pagbukas ng kanyang mata, ay kanyang inalala,


Kung papaano, bakit, kailan, sino-
Mga usapin na sarili lamang niya 3qang kadiskurso
Nakakalito, nakakatuliro-
Kung bakit, papaano, kailan, sino-
Kung papaanong noon ay hinahatiran niya
ng paboritong tinapay ang kanyang bunso,
Kung bakit napakasaya sa himig ang pagsagot tahol
sa kanyang paborito niyang aso,
Kung kailan ang huling pangungulit tawa sa bawat panghimagas
kapalit ng pagbubuhat ng ipinamalengke ng kanyang ina,
at kung sino, ang magtratrabaho kung titigil na
sa pamamaneho ang kanyang ama.
Ipinikit niya muli ang kanyang mga mata
dahil sa mga alaala na-
nakakaluha.
Sapagkat nakakalugkot isipin na ang mga alaala
ay ang mga huling sandali na-
malaya.. at masaya.
Hingang malalim, pahinga lang.

Ayaw tumayo sa kama, kahit gising na ang mga diwa


Hindi pa siya handang
suungin ang mga hadlang-
O mas nararapat na sabihin na ,
Nakakapanibago ang lahat ng tandang-
padamdam,
Nakakapanibago itong "Normal" sa pakiramdam.
Simula pagbukas ng mata at alaala,
ay napapapikit na lamang siya sa ngayon-
Ngayon na sa pakiramdam ay di naayon
Kailan,
muli ang kanyang hakbang papunta sa paboritong panaderya
ng kanyang bunso upang bumili ng tinapay
"Tumigil ka ija, masyado ka pang bata-
kailangan mo ng mas matanda para sa iyo ay may gagabay
Bakit,
wala na ang pagngiti sa bawat paggalaw
ng buntot ni bantay-
Mistulang nakatali o nasasakal
o masyado lamang tumatakbo sa kanyang isipan
Kailan,
muli kaya ang bukang liwayway-
Na magkakaroon muli ng tanso sa bulsa
upang may ipamalengke na si Inay
Nakakapanlumo , puno ng paghihikaos-
nakakatakot.
Nahihirapan,
kahit wala namang karera sa pag aaral ngunit
ayaw maiwanan
Nakakapuno pero ayaw maubos-
nakakalungkot.
Iniisip na ang dating alaala
ay napalitang ng
pag aalalaa-
pag aalala.
Hingang malalim, pahinga lang.

Ngunit nasinagan siya ng araw na tila ba namimilit,


Isang liwanag na nakikita kahit kahit nakapikit-
pag asa ay tila sumisilip.

Keri Lung, babalik din sa dati


at nawa'y mas mabuti pa ang kanyang pamumuhay.
Keri Lung- dahan-dahan
Keri Lung, araw-araw.
Manalig sa dahan-dahan ng araw-araw -
Na patuloy na magpatuloy lang
Hingang malalim, pahinga lang.

Galing Lung,
At dahan dahan, siya ay bumangon-
sa tuwina
Hingang malalim, pahinga lang.

Ngunit ng tumayo siya ay may nagbago-


nagbago ng reaksyon,
Nang babaeng noong napapanaginipan ko
ay nasa sa harapan ko ngayon,
Hindi ko nabigyan ng sapat na atensyon
Nakatayo ako pala sa isang salamain ngayon
Hindi ko napansin noon-
Siya pala ay Ako,
Siya ang aking repleksyon.
Hingang malalim, pahinga lang-
Ako ay Siya.
Hingang malalim, pahinga lang-
At ang Siya ay ang makaliibong kabaga.

Hingang malalim, keri lung.


Hingang malalim, galing lung.
Hingang malalim, pahinga lang-

Hingang malalim,
pahinga lungs.

You might also like