Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

NORTHERN TACLOBAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

Brgy. 101, New Kawayan, Tacloban City


School ID: 314004

PAGHULING PAGTATAYA SA FILIPINO 9

PANUTO: 1. BASAHIN NANG MABUTI AT UNAWAIN ANG BAWAT TANONG.


2. HUWAG SULATAN O MARKAHAN ANG LAHAT NG MGA KATANUNGAN O AYTEM.
3. ISULAT LAMANG ANG IYONG SAGOT SA SAGUTANG PAPEL o ANSWER SHEET NA MAKIKITA SA HULING
PAHINA.

1. Ito ang tunggaliang naganap sa isipan ng tao halimbawa siya ay naguguluhan sa kanyang desisyon o nagdadalawang-isip.
A. tao vs kalikasan B. tao vs kalikasan C. tao vs kapwa D. tao vs sarili
2. Hindi na nakapasok sa paaralan ang magkaklaseng sina Alicia at Ruby dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan sa kanilang lugar. Anong uri ng
tunggaliang ang makikita sa pahayag?
A. tao vs kapwa B. tao laban sa kalikasan C. tao vs sa sarili D. tao vs sa lipunan
3. Labis ang lungkot ni Menchie dahil sa pinagkaisahan siyang kutyain ng itinuturing niyang kaibigan na sina Edna at Fe. Anong uri ng tunggalian ang
makikita sa pahayag?
A. tao vs kapwa B. tao laban sa kalikasan C. tao vs sa sarili D. tao vs sa lipunan
4. Isang uri ng sulatin o komposisyon na nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng sumulat nito. Ito ay naglalayong magbahagi ng impormasyon,
magpahayag ng nararamdaman, manghikayat ng ibang tao, at iba pa.
A. Alamat B. Maikling kuwento C. Nobela D. Sanaysay
5. Sa mga pangungusap na, “Nagugutom si Egay. At Nagluto si Mulong ng pansit.” Ano ang angkop na gamiting pang-ugnay upang maging iisang
pangungusap ang mga nabanggit?
A. kaya B. subalit C. palibhasa D. datapwat
6. Isang paglalarawan ng buhay na ginagawa sa isang tanghalan o entablado?
A. Maikling kuwento B. Nobela C. Sanaysay D. Dula
7. Magsasanay ako tuwing hapon _________ gumaling ako sa pagtugtog ng piyano. Anong pangatnig ang nararapat ilagay sa patlang?
A. sapagkat B. upang C. dahil D. kaya
8. Wala kang ginagawa diyan _________ kanina pa abalang-abala sa pagluluto ang nanay mo. Anong pangatnig ang dapat gamitin sa patlang?
A. subalit B. samantalang C. kaya D. kung
9. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapakita ng opinyon?
A. Sa tingin ko, nakababahala na ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay sa virus na COVID19 sa Metro Cebu. Ano ang ipinahihiwatig ng
salitang sinalungguhitan?
B. Ayon sa DOH, muling tumaas ang kaso ng Covid nang dumating ang Delta variant.
C. Batay sa isinagawang pananaliksik ng mga dalubhasa ay epektibo ang paggamit ng facemask upang mabawasan ang pagkalat ng Covid.
D. Ayon kay pangulong Duterte, hinihikayat niya ang lahat ng mamamayan na huwag lumabas ng bahay kung hindi naman importante.
10. Batay sa resulta, umabot na sa anim na milyon katao ang nahawaan ng corona virus sa buong mundo. Ang salitang nakasalungguhit ay
nagpapahiwatig ng pahayag na _________________.
A. Opinyon B. Katotohanan C. KasinungalinganD. Hindi totoo
11. Ito ay isang uri ng tulang hapon na may kabuuang 31 pantig.
A. haiku B. tanaga C. tanka D. epiko
12. . Ilang pantig mayroon ang tula sa ibaba?

Tibok ng puso
Sabihin ang damdamin
Huwag mangamba

A. 22 pantig B. 18 pantig C. 17 pantig D. 16 na pantig


13. Anong uri ng tulang Hapon ang nasa itaas?
A. tanaga B. haiku C. dalit D. tanka
14. Ano ang paksa ng tula?
A. problema B. pag-asa C. pag-ibig D. sakuna
15. Ano ang tinutukoy na kahulugan ng salitang BUHAY kung ang diin ay nasa unang pantig?
A. kapalaran ng tao B. kaginhawaan ng tao C. humihinga pa D. suliranin ng tao
16. Ang tawag sa uri ng panitikan na itinatanghal.
A. sanaysay B. dula C. maikling kuwento D. nobela
17. Ito ang itinuturing na pinakakaluluwa ng dula. Dito binabasa ang sasabihin ng mga tauhan.
A. aktor B. iskrip C. tanghalan D. direktor
18. Aray, Natamaan ako ng bola sa ulo! Anong damdamin ang mahihinuha sa pangungusap?
A. nagalit B. nasaktan C. natakot D. nainis
19. Yehey! Makapupunta na kami sa Puerta Princesa upang mamasyal. Anong damdamin ang mahihinuha sa pangungusap?
A. nasiyahan B. nabigla C. nalungkot D. humanga
20. Paano ginampanan ng mga hayop ang kanilang papel bilang tauhan sa kuwento?
A. Sa pamamagitan ng pagsasalita at pagkilos bilang isang tao.
B. Sa pamamagitan ng pagpapalit anyo bilang isang tao.
C. Sa paraang sila ang namamahala sa kuwento.
D. Sa paraang sila ang sumasaksi sa pagtatanghal ng mga aktor
21. Isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral na maaaring magsilbing gabay sa marangal na pamumuhay ng mga tao.
A. pabula B. anekdota C. parabula D. talambuhay
22. Tulang liriko na nagpapahayag ng masidhing damdamin patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay
A. awit B. elehiya C. epiko D. tanaga
23. Ito ay isang uri ng kuwento na tungkol sa pinagmulan ng mga bagay.
A. Epiko B. Pabula C. Parabula D. Alamat
24. Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah. Ang may salungghit ay pang-abay na _____.
A. pamanahon B. panlunan C. pamaraan D. pang-ugnay
25. Araw-araw na namamalengke sina Nanay at Tatay. Ang salitang may salungguhit ay pang-abay na ________?
A. may pananda B. nagsasaad ng bagal C. walang pananda D. nagsasaad ng dalas
26. Ito ay uri ng pang-abay na naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag.
A. pamanahon B. panlunan C. pamaraan D. pananggi
27. Isang uri ng tulang pasalaysay na naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng supernatural na
kapangyarihan.
A. elehiya B. awit C. epiko D. tanaga
28. Siya ay matuwid na alkaldeng namumuno sa siyudad ng Isabela. Ang salitang matuwid ay ginagamitan ng panlaping ma-. Ito ay ______.
A. Unlapi B. Gitlapi C. Hulapi D. Kabilaan
29. Hindi pumayag si Maritsa sa plano nina Ravana at Surpanaka laban kay Rama sapagkat kakampi raw nito ang Diyos. Anong kultura ng mga Hindu
ang ipinakita sa pangungusap na ito?
A. pagiging duwag C. pagkatakot sa Panginoon
B. pagpapahalaga sa kapwa D. pagtanggi sa masamang gawain.
30. Ang pagpapahalaga sa pamilya ay isa sa kultura ng mga Hindu. Ito ay masasalamin sa pangyayaring, sinundan pa rin ni Lakshamanan ang kapatid
na si Rama kahit ‘di niya alam kung makababalik pa siya. Ang pahayag ay kohesyong gramatikal na __________.
A. Anapora B. Katapora C. Sempura D.Tempura
31. Ang Noli Me Tangere ay hango sa wikang Latin. Ano ang salin nito sa Filipino?
A. Huwag mo akong saktan B. Huwag mo akong salingin
B. Huwag mo akong kausapin D. Huwag mo akong ipagkanulo
32. Naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng nobelang Noli Me Tangere
A. The Roots B. Uncle Tom’s Cabin C. Iliad and Odyssey D. Ebony and Ivory
33. Sakit ng lipunan na tinutukoy ni Rizal sa nobelang Noli Me Tangere.
A. kanser B. tuberculosis C. HIV D. dengue
34. Ang salitang panlibak ng mga Espanyol sa mga Pilipino ay:
A. mangmang B. tamad C. erehe D. indiyo
35. Kanino inialay ni Rizal ang nobelang Noli Me Tangere?
A. sa mga Pilipino C. sa mga Katipunero
B. sa Inang Bayan D. sa kaniyang magulang at kapatid
36. Ang tunay at buong pangalan ni Jose Rizal?
A. Dr. Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda
B. Dr. Protacio Jose Rizal Alonzo y Mercado Realonda
C. Dr. Protacio Jose Rizal Mercado y Alonzo Realonda
D. Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda
37. “Mamatay akong hindi ko makikita ang ningning at liwanag ng bukang-liwayway.” ani Elias. Ang nakasalungguhit ay halimbawa ng mga salitang
masining o matalinghaga na nasa antas ___________.
A. balbal B. kolokyal C. pambansa D. pampanitikan
38. Paano ka na kung wala na ang ermat mo? Ang ermat ay halimbawa ng salitang ______.
A. balbal B. kolokyal C. lalawiganin D. pampanitikan
39. “Penge naman inay ng pagkakain sapagkat kanina pa ako nagugutom”, wika ni Crispin sa kanyang ina.
A. kolokyal B. pampanitikan C. lalawiganin D. balbal
40. “Palaga’y ko’y tama ang payo ng doktor na magbakasyon ka muna sa probinsya. Namumutla ka at kailangan mo ng sariwang hangin.” Si Kapitan
Tiyago ay _____________.
A. nag-aalala B. natatakot C. natutuwa D. nagtataka

Inihanda ni:

G. ANTONIO R. COMENDO
Guro sa Filipino 9

You might also like