Ang Guryon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ANG GURYON

ni Ildefonso Santos

Tanggapin mo, anak, itong munting guryon


na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.

Ang hiling ko lamang, bago paliparin


ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
ang solo’t paulo’y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.

Saka pag sumimoy ang hangin, ilabas


at sa papawiri’y bayaang lumipad;
datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.

Ibigin mo’t hindi, balang araw ikaw


ay mapapabuyong makipagdagitan;
makipaglaban ka, subali’t tandaan
na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.

At kung ang guryon mo’y sakaling madaig,


matangay ng iba o kaya’y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,


dagiti’t dumagit, saanman sumuot…
O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob!
I. Sukat, Saknong at Taludtod
Ang tulang “Ang Guryon” ay may sukat na lalabindalawahin sa bawat taludtod.
Ito ay may anim na saknong at may apat na taludtod sa bawat saknong. Kahanga-
hanga rin ang mga pananalitang ginamit ng may akda sa pagsulat ng tulang ito.

II. Teoryang Pampanitikan


Ang tulang “AngGuryon” ay may teoryang Imahismo dahil gumagamit ito ng mga
imahen upang mas madaling maunawaan ng mga mambabasa ang ano mang
damdamin, kaisipan, ideya, saloobin na nais ipahayag ng tula.

III. Tauhan

Ama – ang nangangaral sa kanyang anak.


Anak – ang tagapagpalipad ng saranggola.
II.

D. Pagtalakay sa Pamagat:
Ang pamagat ng tula ay “Ang Guryon” o saranggola. Ito ay sumisimbolo sa
pangarap ng tao sa buhay. Kung gaano na katayog ang pangarap at kung paano ito
makakaabot sa nais nitong abutin.

E. Sariling puna:
Ang tulang “Ang Guryon” ay patungkol sa pangangaral ng isang ama sa kanyang
anak. Inihalintulad ang guryon sa buhay ng tao. Kung paano ang tamang
pagbalanse ng mga bagay sa buhay ng tao. Maraming maaaring kaharapin ang
bawat isa sa atin. Katulad ng isang guryon maaaring ang buhay ang tao ay
dumaan sa maraming pagsubok na tiyak na susubok sa atin.

F. Aral makukuha:
Katulad ng isang guryon tayo rin dapat ay magpatuloy sa paglipad patungo sa
ating mga pangarap. Hindi dapat tayo sumuko kung may mga unos man tayong
kakaharapin bagkos dapat nating tatagan ang ating loob at magpatuloy sa buhay.

 Ang buhay ay inahalintulad sa isang guryon at pagpapalipad ng isang guryon. May mga
panahon na mahihirapan ka, mabibigo, ‘di makalilipad ng mataas. Ngunit may mga panahon
naman sa ating buhay na tayo ay nasa itaas at matayog ang lipad, titingalain at hahangaan.
Ang mahalaga ay kailangan mong maging matatag at matibay. Magtiwala sa sariling
kakayahan na balang araw ang iyong mga pangarap ay maaaring maisakatuparan. At ang
pinakamahalaga sa lahat upang magtagumpay ay kailangang manalig at manampalatay sa
Panginoon.
 Nais ipabatid o ipahayag ng tulang ito na kailangan nating magpatuloy at magpursigi sa
pagkamit at paglipad patungo sa ating mga pangarap katulad ng isang saranggola o guryon.

Talasalitaan

 Guryon – malakíng saranggola na may sumba


 Patpat – maliit na tilad ng kawayan
 Solo’t paulo – bahagi ng isang saranggola o guryon
 Mag-ikit – pag-í·kit pagkilos pabilog at papalapit túngo sa sentro, paikot-ikot
 Sumimoy – hindi kalakasang ihip ng hangin
 Pisi – isang manipis na panali
 Dagitin – bigla at mabilis na pagtangay mula sa itaas o hábang lumilipad
 Pusong marangal – pusong mabuti at kagalang-galang
 Mapatid – mapigtas
 Sumubsob – marahas na pagtama ng mukha sa sahig o sa anumang mababàng rabaw

You might also like