Balita - Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Marcos Jr.

sinuspindi pagpapatupad
ng 'Maharlika fund,' pero solon
ipinababasura ito
James Relativo - Philstar.com
October 18, 2023 | 11:24am

Litrato nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ACT Teachers party-list Rep. France Castro
Mula sa Facebook pages nina Bongbong Marcos at France Castro
MANILA, Philippines — Imbis na isuspindi lang, tuluyang ipinababasura ng
progresibong ACT Teachers party-list kay Pangulong Ferdinand "Bongbong"
Marcos Jr. ang kontrobersyal na Maharlika Investment Fund (MIF).

Ibinalita kasi ngayong Miyerkules ang biglaang pagsuspindi ni Bongbong ang


pagpapatupad ng implementing rules and regulation (IRR) ng naturang batas.
"With reference to the IRR of [Republic Act] No. 11934, and upon the directive
of the President [Marcos], the Treasurer of the Philippines, in coordination
with the [Land Bank of the Philippines] and [Development Bank of the
Philippines], is hereby DIRECTED to suspend the implementation of the IRR
of RA No. 11954," ayon sa memorandum na ipinadala ni Executive Secretary
Lucas Bersamin noong ika-12 ng Oktubre.
"[This is] pending further study thereof, and to notify all concerned heads of
departments, bureaus, offices and other agencies of the executive
department, including [Ggovernment-owned and controlled corporations], of
such action."

Idinirehe ni Bersamin ang naturang memo kay Bureau of the Treasury officer-
in-charge Sharon Almanza, LDP president at chief executive officer Lynette
Ortiz at DBP president at CEO Michael de Jesus.

Pinangangambahan nang maraming sektor ang pagpapatupad ng naturang


batas sa takot na maaabuso ito o hindi kaya'y uubos sa pensyon ng
karaniwang tao oras na malugi.
Makakukuha ang Maharlika Investment Crop. ng hindi bababa sa P75 bilyon
sa paid-up capital ngayon 2023. Nangangahulugan ito ng P50 bilyon mula sa
Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines, na
parehong bangko ng gobyerno.

Maglalagak din ng P50 bilyon dito mula sa dibidendo ng Bangko Sentral ng


Pilipinas. Kasama ring pagkukunan ang share ng gobyerno sa state-owned
Philippine Amusement and Gaming Corp.

Bubuuin ang capital stock ng P500 bilyon, bagay na hinati sa 5 bilyong shares
sa presyong P100. Bubuuin ito ng 3.75 bilyong common shares, katumbas ng
P375 bilyon, at 1.25 bilyong preferred shares (P125 bilyon).

'Kulang ang pagsuspindi, ibasura!'


Sa kabila nito, sinabi ni House Deputy Minority leader at Rep. France Castro
(ACT Teachers party-list) na tila minadali at "flawed" ang desisyon ni
Bongbong na suspindihin ang pagpapatupad ng batas.

"It would be better if Pres. Marcos Jr. just scrapped the whole Maharlika law
rather than just suspend it," wika ni Castro ngayong Miyerkules.

"As Bayan Muna executive vice-president Carlos Isagani Zarate said last
week 'the Marcos administration placed in grave danger the [LBP] and the
[DBP] respective capitals after the twin state-run depositary banks were
required to finance the creation of the Maharlika Investment Fund (MIF)."

Paliwanag daw kasi ng Bayan Muna, nakaaalarma na mailalagay sa


alanganin ang fiscal health ng mga naturang financial institutions dahil sa
pagkahumaling sa ideya ng pagtatayo ng sovereign wealth fund.

Dagdag pa ng deputy minority leader, sablay na raw talaga ang Maharlika


funds sa simula't sapul lalo na't wala naman daw sobrang pondo ang
gobyerno para rito.

Una nang sinabi ni Bongbong na layunin ng RA 11935 na makabangon sa


epekto ng pandemya.

"[M]ula pa sa pera ng bayan ang ipopondo dito sa halip na gamitin sa mga


batayang serbisyo para sa mamamayan... maski ang pagsertipika dito as
urgent ay di sumunod sa proseso... Mga appointee pa din ng pangulo ang
mamamahala dito at bukas ito sa korapsyon," dagdag pa ni Castro.

"Malinaw na mas maraming problemang idudulot ang Maharlika fund at


walang garantiya ang benepisyo, mabuti pang ibasura na ito habang maaga
pa."

Setyembre lang nang hilingin ng Bayan Muna sa Korte Suprema na


ideklarang labag 1987 Constitution ang batas lalo na't minadali raw ang
pagpapatupad nito sa pamamagitan ng "presidential certification of urgency."

Hanggang 20-M katao posibleng


apektado ng Philhealth 'data breach'
James Relativo - Philstar.com
October 18, 2023 | 4:40pm
The hacking led to the posting of a fake announcement about supposed distribution of cash aid
under the DSWD’s Sustainable Livelihood Program.
STAR/File
MANILA, Philippines — Pinangangambahang umabot sa 20 milyong
miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang nadali
sa nakaraang cyber attack laban sa gobyerno nitong Setyembre.

Ito ang ibinahagi ni Data Privacy Officer Nerissa Santiago sa isang press
conference, Miyerkules, bagay na kaugnay pa rin ng "Medusa ransomware"
attack. Matatandaang humingi ng higit P17 milyon ang hackers para burahin
ang datos na kanilang nakuha.
Hindi ito binayaran ng gobyerno.
"For the members po, kung we're talking about the local work station, we're
expecting a total of 13 [million] to 20 million names [have been leaked] po,"
ani Santiago kanina.

Malayo ang mga numerong ito sa unang estimang higit 1 milyong PhilHealth
PINs mula sa senior citizens na kumpirmadong bahagi ng leaked database,
ayon sa National Privacy Commission.
Oktubre lang nang ibalitang inilabas ng hackers ang nanakaw na datos sa
online market places gamit ang Telegram, dahilan para magbabala ang
grupong "Deep Web Konek" sa posibleng pagdami ng online scams kaugnay
ng impormasyong kumalat.
Sa kabila nito, sinabi ni Santiago na inaanalisa pa nila ang datos dahil sa
posibleng nagkaroon lang daw ng duplicates pagdating sa estimates nila sa
ngayon.

"We were informed by the [Department of Information and Communications


Technology] that the cause of the cyber attack is not from inside PhilHealth,"
dagdag pa ni PhilHealth executive vice president at chief operating officer.

"And there is high probability that it's even from outside the country. So the
cyber attack did not come from inside [of PhilHealth]."

Tiniyak naman ni PhilHealth president at chief executive officer Emmanuel


Ledesma Jr. na hindi kakailanganin ng state ensurer ng kontrobersyal na
confidential fund para maprotektahan ang data ng kanilang ahensya.

Serye ng hacking
Ilang government websites na ang sunud-sunod na nakararanas ng
kahalintulad na cyber attacks, gaya na lang ng Philippine Statistics Authority,
House of Representatives, atbp.
Dahil dito, ilang mambabatas ang naghain ng resolusyon sa Kamara para
maimbestigahan ang mga naturang opensiba sa government agencies.
Una nang sinabi ng National Privacy Commission (NPC)
na iniimbestigahan na nila kung nagkaroon ng kapabayaan ng PhilHealth sa
pagkalat ng pribadong impormasyon sa pamamagitan ng naturang atake.
Kamakailan lang nang maglabas ang NPC ng online tool para malaman kung
nadamay sa PhilHealth data breach ang inyong impormasyon.
DA: Magsasaka sa Pinas, pabata nang
pabata
Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
October 16, 2023 | 12:00am

MANILA, Philippines — Pabata na nang pabata ang mga magsasaka sa


bansa na indikasyon ng pagmamahal sa pagsasaka.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, sa dating 57 anyos,


bumaba sa ‘average age’ na 50 hanggang 40 ang mga Filipinong pinili na
sumali sa sektor ng agrikultura.

“Bumababa, ibig sabihin maraming pumapasok na mas bata kasya iyong


nauna,” ani De Mesa.

Nabatid kay De Mesa na hindi bumababa ang bilang ng mga magsasaka na


kinabibilangan ng rice, corn, coconut at livestock growers na nasa 12 milyon.

Sa katunayan, maraming retired government employees ang pumapasok sa


farming.

Samantala, isinusulong naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa


‘younger generations’ lalo na sa mga kabataan na tumulong na pataasin ang
pagiging produktibo ng agriculture sector.

Kabilang naman sa mga programa ng DA na kamakailan lamang na inilunsad


ay ang Young Farmers Challenge (YFC), nag-aalok ng financial grant
assistance para sa mga kabataan na nais na maugnay sa bagong agri-
fishery enterprises.

Patuloy din na nag-aalok ang departamento ng scholarship para sa


agriculture-related courses.

‘Trabaho Para sa Bayan Act’ pirmado


na ni Marcos
Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
September 28, 2023 | 12:00am

Masayang ipinapakita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nilagdaan niyang Republic Act
11962 o “Act Establishing the National Employment Master Plan, na kilala bilang ‘Trabaho Para sa
Bayan Plan” sa isang seremonya sa Malacañang. Sumaksi rito sina Senate President Juan Miguel
Zubiri at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
KJ Rosales
MANILA, Philippines — Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
ang bagong batas na “Trabaho Para sa Bayan Act” na naglalayong tugunan
ang unemployment at underemployment at iba pang hamon sa sektor ng
paggawa.
Layon ng Senate Bill no. 11962 na pangunahing akda ni Senate Majority Joel
Villanueva, na palakasin ang employability at competitiveness ng Pinoy
workers sa pamamagitan ng upskilling at reskilling initiatives.

Gayundin ang pagsuporta sa micro, small at medium enterprises at industry


stakeholders.

Nakasaad din sa “Trabaho Para sa Bayan Act” ang paglikha ng trabaho para
sa Bayan Inter-Agency Council na pamumunuan ng Director General ng
National Economic and Development Authority (NEDA) at ang co-chairman
nito ay ang kalihim ng Department of Labor and Employment o DOLE at
Department of Trade and Industry (DTI).

Sila rin ang babalangkas ng isang master plan para sa employement


generation at recovery.

Kaagad naman ipinag-utos ni Marcos na balangkasin ang implementing rules


and regulations para agad na mapakinabangan ng mga manggagawa.

Ayon sa Pangulo, sa pamamagitan ng bagong batas ay mabubuksan sa mga


Filipino ang bagong yugto para sa sapat at de kalidad na trabaho para sa
lahat.

DSWD, lumikha ng press center vs


fake news

by Rommel Tabbad

October 18, 2023

in Balita, National
0
(DSWD/FB)

Share on FacebookShare on Twitter

Lumikha ng bagong press center ang Department of Social Welfare and


Development (DSWD) nitong Miyerkules upang labanan ang mga pekeng
impormasyon na natatanggap ng milyun-milyong benepisyaryo ng mga
programa ng ahensya.

Bukod sa inilunsad na New Press Center (NPC), lumikha rin ang ahensya ng
Viber Community Channel para sa kahalintulad na layunin.

“Ang layunin natin dito is we want to make sure that we are communicating
properly yung mga program ng ating departamento, pati na rin magkaroon
ng forum or venue kung saan pwede niyo (media partners) rin kaming
tanungin dun sa mga pressing matters na gusto niyong talakayin o linawin,”
paglilinaw ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na nanguna sa inagurasyon ng
NPC sa DSWD Central Office sa Batasan, Quezon City.
Ang nasabing hakbang ay bahagi rin ng pagpapatibay ng relasyon ng DSWD
at ng mga mamamahayag sa bansa.
ADVERTISEMENT

“In this age of disinformation and misinformation, important talaga ang


pakikipagtulungan natin with media. With the help of our media friends,
kahit papaano nami-mitigate iyong effect at nalalabanan natin ang
misinformation na nakaaapekto sa ating mga beneficiary,” pahayag naman
ni DSWD Spokersperson Romel Lopez.

You might also like