Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Mahabang Pagsusulit in ESP

Pangalan: ___________________________ Baitang at Seksyon: _________________


Score

Gawain 1. Isulat ang tsek (✓) sa bilang na tumutugon sa mapanuring pag-iisip


batay sa balitang napakinggan sa radyo, nabasa sa pahayagan, o internet at ekis
(x) kung hindi mo ito nabigyan ng mapanuring pag-iisip. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.
_______1. Naipaliliwanag ko nang maayos at may kumpletong detalye ang balita
ukol sa
pamamahagi ng bigas
_______2. Naniniwala ako sa balitang aking nabasa tungkol sa mga dahilan ng
pagpapasara ng ABS CBN.
_______3. Naikukumpara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan o
facebook.
_______4. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa pakikinig sa radyo.
_______5. Naisasagawa ko ang sunod-sunod na pamantayan sa pagbabasa ng
balita.

Gawain 2. Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang tsek (✓)
kung sang-ayon ka sa pahayag at ekis (X) kung hindi.
_______6. Mahalagang bahagi ang tagumpay ng isang proyekto kung magkakaisa
ang mga
miyembro o pangkat.
_______7. Ang pagkakaniya-kaniya ng mga miyembro ng pangkat ay makabubuti sa
lahat. _______8. Ang lider ng pangkat ang dapat masusunod.
_______9. Kailangang pagplanuhan muna ang gagawing proyekto bago umpisahan.
_______10. Mahalaga sa pangkat ang opinyon ng bawat miyembro.
_______11. Ang palaging pagsalungat sa opinyon ng mga miyembro sa pangkat ay
tanda
ng pagiging isang lider
_______12. Ang pagkakaisa ay maaaring maipakita sa tahanan.
_______13. Hindi dapat umamin sa kasalanang nagawa ng isang miyembro kahit
alam mo
ang totoo.
_______14. Ang pagbibigay-puna sa hindi mabuting gawi ng miyembro ay dapat na
gawin
sa patagong paraan para hindi mahiya.
_______15. Ang pagsunod sa gusto ng nakararami sa pangkat ay tanda ng
pagkakaisa ng
bawat kasapi, kahit alam mo na hindi maganda ang nais.

Gawain 3. Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Isulat ang titik nang napili
mong sagot sa iyong sagutang papel.
_______16. Narinig mo sa iyong kapitbahay na mayroong darating na malakas na
lindol sa
inyong lugar. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Ibalita kaagad ang narinig.
B. Suriin muna kung totoo ang balita.
C. Maghanda kaagad sa paparating na lindol.
D. Aalis kaagad sa inyong lugar.
_______17. Ano ang dapat gawin kung makarinig ng balita sa telebisyon man o
pahayagan?
A. Maniwala kaagad.
B. Isangguni sa kainauukulan ang narinig.
C. Ipagkalat kaagad ang balita.
D. Balewalain ang balita.
______18. Narinig mo sa radyo ang balita na mayroong asong ulol na nangangagat
ng
mga bata na nagiging sanhi ng kanilang pagkamatay dahil sa rabies.
Paano
mo ito ibabahagi?
A. Ipaalam ang balita sa punong barangay.
B. Balewalain ang narinig na balita.
C. Hayaan lang ang balita.
D. Hayaan ang iba na makaalam nito.
_______19. Alin sa mga sumusunod ang magandang balita?
A. Ang alitan ng pangulo at mga kinatawan ng Senado.
B. Ang pag-aagawan ng teritoryo.
C. Ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
D. Ang lindol na naganap sa Batangas.
_______20. Sa pagbabalita pawang ______ lamang ang dapat manaig upang
magkaroon
nang maayos na pamayanan.
A. katotohanan
B. kasinungalingan
C. katapangan
D. karangyaan

Gawain 4. Tama o Mali. Isulat ang titik T kung ang diwa na ipinapahayag ng
pangugusap ay tama o titik M kung mali.
_______21. Laging lumiliban sa klase dahil naglalaro ng dota.
_______22. Gabayan ng mga magulang ang mga anak sa paggamit ng media.
_______23. Kung araw ng klase, dapat di- gamitin ang cellphone tuwing gabi upang
makatulog nang maaga.
_______24. Ilagay sa ilalim ng unan ang cellphone.
_______25. Manood ng malalaswang palabas sa youtube.
_______26. Gamitin ang multi-media sa makabuluhang paraan.
_______27. Huwag gayahin ang mga masasamang nakita sa palabras at nabasa sa
pahayagan.
_______28. Nakatutulong sa pag-aaral ang multi-media kung gagamitin nang
maayos.
_______29. Mapapadali at mapapagaan ang trabaho gamit ang multi – media.
_______30. Agad-agad maniniwala sa mga balitang nakapost sa facebook.

Gawain 5. Isulat ang Oo o Hindi sa sagutang papel.


_______31. Dapat aminin ang pagkakamali kahit alam mo na pagtatawanan ka ng
ibang
tao.
_______32. Hindi dapat isinasauli ang bagay na hiniram mo.
_______33. Tama lang na angkinin ang papuri sa isang proyektong mahusay na
ginawa ng
iba.
_______34. Dapat na isauli sa “Lost and Found” ang bagay na napulot mo.
_______35. Dapat na maghintay muna ng pabuya bago isauli ang isang mahalagang
bagay
na napulot mo.
_______36. Hindi dapat inililihim sa mga magulang ang problemang kinakaharap.
_______37. Dapat mag-aral ng mabuti bago dumating ang araw ng pagsusulit.
_______38. Hindi tama na itago ang cellphone na napulot sa palaruan ng paaralan.
_______39. Dapat isangguni sa guro ang hindi ninyo pagkakaunawaan ng iyong
kamag-
aral.
_______40. Hindi tama ang mangopya sa iyong katabi sa oras ng pagsusulit.

Gawain 6. Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Isulat ang salitang NATUPAD kung
ito ay nagsasabi ng katuparan sa pinagkasunduan at DI NATUPAD naman kung
hindi.
______________ 41. Si Boy ay mahilig maglaro ng basketbol. Mayroong awdisyon ng
basketbol sa kanilang barangay at gusto niyang sumali doon.
Kaya lang
ang sabi ng kanyang magulang ay baka maapektuhan ang
kaniyang
pag-aaral. Kaya hindi muna siya sumali at nangako na
pagbubutihin
niya ang kaniyang pag-aaral. Ngayon ay may maganda na siyang
trabaho.
______________ 42. Si Drew ay isang lasinggero. Binawalan siya ng kaniyang asawa
at
nangako naman siyang hindi na iinom pa. Isang gabi umuwi si
Drew
na nangagamoy ng alak.
______________ 43. Si Terry ay mahilig magbulakbol, lagi siyang gabi kung umuuwi.
Isang
araw inumaga ng uwi si Terry. Pinagalitan siya ng kaniyang
nanay at
nagkaroon sila ng kasunduan na alas-otso ng gabi ay naroon na
siya
sa kanilang bahay at sumang-ayon naman si Terry ngunit nang
mga
sumunod na araw ay umuwi si Terry ng alas-diyes ng gabi.
______________ 44. Si Rick ay niyaya ng kaniyang mga kaibigan na maglaro. Ngunit
mayroon pa silang ginagawa ng kaniyang nanay. Naisip ni Rick
na
magpaalam muna sa kaniyang nanay at nangakong babalik
kaagad ito
para makatulong. Umuwi si Rick na tapos na lahat ang gawain
at
nadatnan na tulog na ang kaniyang nanay.
______________ 45. Si Lily ay nanghiram ng libro kay Don. May kasunduan sila na
magpapahiram din si Lily ng gamit kay Don. Nangako sila sa
isa’t-isa
at ayon nga ang nangyari, pinahiram ni Lily si Don ng gamit
niya sa
kanilang proyekto.

Gawain 7. Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot.
__________46. Nangako ka sa iyong kaibigan na bibigyan mo siya ng damit kung
pakokopyahin ka niya sa pagsusulit. Tama ba ito?
A. Oo, kasi lahat ng pangako ay may kapalit din.
B. Hindi, dahil ang pangako ay tapat at taos sa puso.
C. Oo, dahil magkaibigan naman kayo.
D. Wala sa nabanggit.
__________47. Si Juan ay isang batang may ambisyon sa sarili at ipinangako niya
na 14
magtatapos siya ng pag-aaral kahit gaano pa kahirap ang mga
pagsubok na
kanyang haharapin. Kung ikaw si Juan, ano ang gagawin mo para
maabot
ang iyong mga pangarap?
A. Ipapangako sa sarili na magsusumikap para maabot ang pangarap.
B. Ipapangako sa sarili na magkaroon ng disiplina sa sarili.
C. Ipapangako sa sarili na maging mabuti at mabait na bata.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
__________48. Paano niyo tutuparin ang isang pangako?
A. Tutuparin ito na buo ang loob.
B. Tutuparin ito na bukal sa kalooban.
C. Tutuparin ito na may kahalong yamot.
D. Ang titik A at B ay tama.

__________49. Ano ang gagawin mo sa isang pangakong di natupad?


A. Hihingi ng kapatawaran dahil sa hindi pagtupad nito.
B. Maging leksyon na huwag mangako kung di kayang tuparin.
C. Gawing itong inspirasyon upang baguhin ang sarili.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
_________50. Ano ang gagawin mo sa isang taong nabigong tuparin ang pangako
niya
sayo?
A. Magalit at magtanim ng sama ng loob.
B. Kausapin upang maintindihan ang rason kung bakit hindi niya
natupad ang
kanyang pangako.
C. Ipagkalat na masama siyang tao sa kadahilanang hindi niya natupad
ang
kanyang pangako.
D. Huwag mo ring tuparin ang pangako mo sa kanya

You might also like