Bea Vargas - Reaksyong Papel

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

BEA BIANCA D.

VARGAS
ABEL 1-A

PAGTATANGGAL NG
FILIPINO SA KOLEHIYO

Matagal na ring usapin ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa


kolehiyo dito sa bansa. Dulot nito ay may iba't ibang opinyong isinalang
alang ang mga tao. Ngunit anonga ba ang nararapat na gawin sa
isyung ito? Dapat bang panindigan ang pag-aalis ng Filipino sa kolehiyo
o panatilihin ito bilang pagsasapuso na rin ng ating nakagawiang
kultura. Wika nga ni Dr. Jose Rizal

"ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay daig pa ang hayop


at malansang isda". Walang bansa ang umuunlad ng walang wikang
Pambansa o sariling wika at panitikan.

Isang malaking hakbang ang ginawa ng Commission on Higher


Education (CHED) sa pagbabalak na alisin ang asignaturang Filipino sa
mga ubod na asignatura sa kolehiyo. Ang pagpapatupad ng
Memorandum Order Blg. 20 ang nagpapatibay dito, ngunit kung
susuriing mabuti ang Memorandum ay makikitang ito ay sumasalungat
sa batas Konstitusyon Artikulo XIV Seksyon 6-7 na sinasaad ang
kahalagahan ng wikang Filipino sa atin bilang mamamayan at sa
paaralan bilang panturo. Ang ma itinuturo sa Filipino sa kolehiyo ay
hindi pag-uulit ng mga inaral sa elementarya at secondarya bagkuas
ay pagpapalawig sa teorya, praktika, at silbi nito sa Pamantasan, bansa
at buhay.
BEA BIANCA D. VARGAS
ABEL 1-A

PAGTATANGGAL NG
FILIPINO SA KOLEHIYO

Ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay hindi sasagot


sa kahit anong problema ng bansa o kahit saan pa mang isyu. Sa halip
ay maaaring dumagdag lamang ito sa mga kakaharapin na problema
sapagkat ang ma guro na nagtuturo nito ay mawawalan ng trabaho at
ang mga studyanteng sa halip ay makakatulong sa pagpapaunlad ng
kultura ay bababaw lamang ang tingin nito sa ating kultura. Kaya ako
nakikiisa sa mga tumututol sa pagpapatanggal ng asignaturang
Filipino sa kolehiyo upang lalong mapaunlad ito. Kung kaya't hindi ba
mas dapat natin pahalagahan ang asignaturang Filipino? Sapagkat ito
ay ang ating pagkakakilanlan, dito tayo mahuhubog na lalong kilalanin
ng ating wika, lahi at bansa.

Nasa Filipino ang identidad ng mamamayan sa bansang Pilipinas, nasa


Filipino ang diwang makabansa na makatutugon sa mga kahingiang
panlipunan at makatutulong sa pangangailangan ng mamamayang
Pilipino. Sa halip na alisin, dapat pang mas lalo itong patatagin, ang
disiplinang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga
asignaturang Filipino na magiging pundasyon nito. Mas mabuting
panindigan upang mapaglingkuran ang bansa gamitang sariling wika,
ang Filipino. Sa hakbang ng CHED na pag-aalis ng asignaturang Filipino
sa kolehiyo ay pinapakita nila ang paurong nilang pag-iisip ukol sa
pagpapatibay ng wika sa kultura ng Pilipinas. Ang pagpapatupad ng
Memorandum na ito ay makikitang hindi sapat ang taong
pinagkonsultahan.
BEA BIANCA D. VARGAS
ABEL 1-A

PAGTATANGGAL NG
FILIPINO SA KOLEHIYO

Ako bilang mag-aaral na pinanganak at nagkamuwang sa Pilipinas


kikilos at magpapatuloy ipaglaban ang wikang kinagisnan at ang
asignaturang mayroon dito upang hindi isantabi at tuluyang mapanatili
ang Filipino sa kolehiyo. Manghihina at malulusaw nang tuluyan ang
wikang Filipino kung hindi magtutuloy-tuloy ang paglinang nito
hanggang sa kolehiyo. Sa ganitong punto, muli at muli kong igigiit ang
karapatan ng Wikang Pambansa na nakasaad sa batas Konstitusyong
ng Pilipinas.

Hindi natin maaalis ang katotohanang sa Pilipinas ang wikang panlahat


ay ang Filipino na laging ginagamit sa pakikipagtalastasan. Tayong
mga Pilipino ay tinanggap at isinabuhay ito bilang wikang Pambansa at
nagging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng
lipunang Pilipino. Kaya't kung aalisin sa pag-aaralan sa kolehiyo ang
asignaturang Filipino para na rin nitong tinanggal ang identidad ng
bawat isa bilang Pilipino.

You might also like