Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

La Salette of Quezon, Inc.

SY 2020-2021 Junior High School


FILIPINO 10
SELF-LEARNING MODULE (SLM)
Quarter 1 Week 5

Ikalimang Linggo………Aralin 4
Unang araw
A. Panimula: Narito ang mga layunin natin sa Aralin 1: Mahasa ang iyong kakayahan sa:

1. Paghinuha ng katangian ng tauhan sa napakinggang epiko. F10PN-Ie-f-65


2. Pagbibigay ng sariling interpretasyon sa mga kinaharap na suliranin ng tauhan. F10PB-Ie-f-
65
3. Papangatuwiranan ang kahalagahan ng epiko bilang akdang pandaigdig na sumasalamin ng
isang bansa. F10PB-Ie-f-66
4. Pagpapaliwanag ang mga alegoryang ginamit sa binasang akda. F10PT-Ie-f-65
5. Pagtukoy ng mga bahaging napanood na tiyakang nagpapakita ng ugnayan ng mga tauhan sa
puwersa ng kalikasan. F10PD-Ie-f-64
6. Pagsulat nang wasto ang pananaw tungkol sa:
a. pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng mga epikong pandaigdig;
b. ang paliwanag tungkol sa isyung pandaigdig na iniuugnay sa buhay ng mga Pilipino;
c. sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahahambing sa kultura ng
ibang bansa; at suring-basa ng nobelang nabasa o napanood F10PU-Ie-f-67
7. Paggamit ng angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari. F10WG-Ie-f-
60
8. Pagpaliliwanag ng ilang pangyayaring napakinggan na may kaugnayan sa kasalukuyang mga
pangyayari sa daigdig. F10WG-Ie-f-60
9. Pagbibigay ng mga halimbawang pangyayari sa tunay na buhay kaugnay ng binasa. F10WG-
Ie-f-60

B. Pagganyak
GAWAIN # 1 SIMULAN NATIN sa iyong LAS, sundin ang Panuto sa pahina 77 sagutin ang mga tanong na
kung saan ito ay may kaugnayan sa paksang tatalakayin.

Ipagpatuloy ang iyong nasimulan! Binabati kita.

C. Pagbasa sa Akda
Bago tayo magsimula ay hinihingi ko ang inyong konsentrasiyon upang pagnilayan ang mga katagang ito
“Hindi sagot sa pagkakaiba ng tao ang digmaan. Sa halip, pairalin ang mapayapang usapan at paraan”. Ang
iyong naiisip na ideya ang makakatulong ng malaki upang maunawaan ang ating paksa ngayong araw.
Para sa pagsisimula ng talakayan iyong basahin ang ALAM MO BA na makikita sa pahina 77-78
ALAM MO BA

Si Fiance Preseren ay isang makatang naging tanyag dahil sa kanyang mga soneto subalit lalo siyang nakilala
dahil sa kanyang epikong Krst pri Savici o Ang Pagbibinyag sa Ilog Savica (1835). Siya ngayon ay kinikilalang
pambansang makata ng bansang Slovenia at ang kanyang obra-maestra ay kinikilala bilang kanilang
pambansang epiko. Isang monumentong nagpaparangal sa kanya ang' itinayo sa lungsod ng Ljubljana, ang
kabisera ng Slovenia at ito 'ngaybn ay tiriatawag na Preserén Square. Bilang karagdagang pagpaparangal ay
inilagay 'ahg kanyang ‘larawan sa kanilang dating 1000 perang papel na Tolar subalit ngayong napalitan na ang
kanilang salapi at inilagay ang larawan niya sa Slovenian two~euro coin. Gayundin, ang pinakamataas na
pagkilala sa kanilang mahuhusay na alagad ng sining ay ginagawaran ngayon ng Preseren Award, ang
prestisyosong parangal na isinunod sa kanyang pangalan.
Ang Slovenia ay isa sa maliliit subalit mauunlad na bansa sa Europa. Ito na ngayon ang pinakamaunlad sa
lahat ng mga bansang dating kabilang sa Yugoslav Republics. Sa kabila ng kanilang pag~unlad, napanatili ng
mga Slovenian ang pagpapahalaga sa kanilang kalikasan dahil ang kalahati ng kanilang kabuoang lupain ay
nananatili pa ring kagubatan. Mayroon din silang mahigit 10,000 na mga kuweba at ang pinakilala sa mga ito
1
ay ang Postojna. Nakapalibot sa Slovenia ang mga bansang Austria, Italy, Croatia, at Hungary.

Ang isa pa sa mga ipinagmamalaki ng bansang ito ay ang kanyang lokasyong malapit sa kabundukan ng
Alpine at sa magandang karagatan ng ‘Mediterranean. Mayroon lamang silang 46 kilometrong haba ng
dalampasigan subalit ito ay itinuturing na isa sa pinakamagagandang dalampasigan sa mundo na dinarayo ng
maraming turista lalo na panahon ng tag-init.
Halika, panoorin ang maikling video at damhin ang kagandahan ng ' Slovenia, ang tagpuan sa epikong Krst
pri Savici o “Ang Pagbibinyag sa Ilog Savica. https: // www.youtube com/ watch?v=aEvP2tqaZD4

Ngayon inyo nang nalaman ang Tungkol sa Slovenia, bukalatin ang iyong aklat sa pahina 80-85 at basahin
ang epiko.
ANG PAGBIBINYAG SA SAVICA

Ang AngPagbibinyag sa Savica ay isang epikong Slovenian na binubuo ng tatlong bahagi: Una ay ”Ang
Soneto” na iniaalay ni Preseren sa matalik niyang kaibigang si Matija Cop, na namatay dahil sa pagkalunod sa
edadna 38. Pangalawa ay Ang Prologo”na nasusulat nang patula at binubuo ng dalawampu’t anim na saknong
na may tigatlong taludturan (tercets) at iyong mababasa sa kabilang pahina. Pangatlo, "Ang Pagbibinyag” na
nasusulat sa tigwalong taludturang tula at binubuo ng 56 na saknong o talata. Mababasa mo rin ang dalawang
saknong ng bahaging ito sa ibaba. Ang kabuoan ng epiko ay tumatalalgay sa mga pangyayaring nagbigay-daan
upang ang mga Paganong Corinthian noong ikasampung siglo ay maging binyagang Kristiyano. Sumentro ito
sa pag-iibigan ng dalawang pangunahing tauhan: Si Crtomir, ang makisig at matapang na .mandirigmang
Pagano na labis na nagmamahal sa kanyang kasintahan at si Bogomila, isang dalagang maganda, inosente, at
mahinhin subalit may matatag na paninindigan.

Nagkahiwalay ang dalawa dahil sa pagsabak ni Crtomir sa isang digmaan sa pagitan ng mga Paganong
pinamumunuan niya at ng mga Kristiyanong pinamunuan ni' Valjhun sa Lambak ng Bohinj noong
taong 772 .Naging madugo ang digmaan at‘dahil malakas ang nakalabang hukbo bukod pa sa kinulang sila ng
pagkain, natalo ang pangkat nina Crtomir. Sa pagtatapos ng digmaan ay tanging si Crtomir lamang ang
nakaligtas ng buhay. Lingid sa kanyang kaalaman, ang kanya palang kasintahang si Bogomila na dating alagad
ng kanilang diyosang si Ciba ay hindi na isang pagano. Nagpabinyag ang dalaga at ngayon ay isa nang
Kristiyano. Habang nasa digmaan ang kasintahan ay nananalangin nang buong taimtim at nangako ang dalaga
sa Panginoon na kung makababalik nang buhay si Crtomir ay iaalay niya ang kanyang sarili at ang buong
buhay sa pagsisilbi sa Panginoon. '

Nang muling magkita ay nanikluhod at sinuyo ni Crtomir ang kasintahan para mabago ang désisyon nito at
ituloy ang naudlot nilang pagmamahalan subalit buo na ang desisyon ni Bogomila. Sa halip, kinumbinsi niya si
Crtomir na yakapin ang pananampalatayang Kristiyano at magpabinyag din tulad niya. Sa matiyagang
pangungumbinsi ni Bogomila ay napapayag din niya si Crtomir. Naganap ang pagbibinyag sa binata sa Talon
ng Savica. Hindi nagtagal, si Crtomir ay naging isang paring Kristiyano at tulad ng kanyang dating kasintahan
ay nag-alay ng ‘kanyang buhay at pagsisilbi para sa Panginoon. ‘

Ang Pagbibinyag sa Savica (Prologo)


(Krst Pri Savici, Epikong Slovenian)
Ni: France Preseren

Si Valjhun, ang anak ni Kajtimar, ay nagpalaganap


‘Ng pananampalatayang Kristiyano sa mahaba’t madugong pakikidigma;
Sina Avreli at Droh, sa kanya’y hindi na lumalaban.

Nangabigo sa kanilang buhay at ibang suliranin,


At ang mga lambak ng Carniola, ng Carantania
Tiyak na puno ng mga lawa ng dugong kahila-hilakbot.

Wala pang matapang na pinunong may hukbong pumapantay,


Nangalupig silang lahat, gumuguho sa pamamaalam,
Liban kay Crtomir na may pangkat pang nagbabagong-lakas.

Ang bunso’y nagtatanggol ng matandang paniniwala


Ng pananampalataya‘ ng kanyang mga ninuno sa iba, mga bathala’t espiritu,
Sa kabila ng mga ulap ang mataas nilang hurisdiksiyon'
2
Sa bawat lsang nagtataglay ng 'ganitong palsong pananallg
Sa kapatagan ng Bistric ay bilang takas na gumagala,
Sa kanlungan ng Bohinj at nagtataasang munting tore.

Isang guho sa itaas ng kulay-abong bundok,


Ang huling kuta sa teritoryo ni Crtomir,
Ngayo’y Moog ng Pagano na ating sisiyasatin,

Ang ibayong laking kalaba’y may isang obsesyon,


Makubkob sila, ang kuta’y napapaligiran na,
Nahahadlangan ang pagpasok ng kanilang mga kaalyado.

Tingnan kung paanong pataas ang mga tuntungan ng mga kalaban,


Upang gibain ang mga pader, magkaisang 'wasakin ang mga portada,
Ngunit bawat lusob, matatag ang moog, nanlilito.

Sa anim na buwan ang daigdig na may dugo’y nasalanta,


Mula sa kasamaang patayan ng magkakapatid na Slovene;
Kahindik-hindik na sangkatauhan, at kay panglaw-panglaw!

Ni espada o palakol o kahit hataw ng pala


Ang magsusulong sa tagumpay, manapa’y matinding gutom
Ang nagbabantang magpahina sa proteksiyon ng moog.

Hindi na maikubli ni Crtomir ang kanilang kagipitan; _


Sa gayo’y tinipon niya t kinausap ang kanyang mga kawal:
Matatagalan natin ang espada, ngunit tadhana’y mas malakas.

Napakakonting pagkain ang natinggal ko, naikanlong,


Ang tagal ding nabuhay tayong walang tumutulong;
Di ko sisisihin ang sinumang piliin ang pagsuko.

Siyang sa ngayo’y tatanggap ng buhay-alipin,


Dadanas ng mga araw tulad ng mga gabing wala nang umaga-
Ngunit maghihintay hanggang umaraw -~hindi ako tumututol.

At kayong iba pa, na nahihiya sa maamong pagtalima,


Ha-likayong lahat, mga hindi masunurin;
Malalim na’ng gabi, maulap, makulog, bumabagyo.

Ang ating kalaba’y magiging lubhang kampante sa kanlungan;


Tatahakin naman nati’y mga espasyo sa kadiliman tungo sa kahuyan
Dedepensahan ng gabi ang ating buong-suway na balikwas.

Karamihan sa mundong ito’y pag-aari ng mga lahing Slav;


Mahahanap natin ang landas sa bawa_t relasyon sa dago
Malayang nilalagay ang tiwala sa panahalig at katarungan.
Ngunit kung itadhana ng mga diyos ang ating pagkalupig,‘
Hindi tayo mangangamba sa mahabang gabing kawalan ng buhay
Kaysa mabuhay sa ilalim ng araw sa pagkaalipin!"

Hindi siya iiwan ng sinuman sa sandaling ito ng pagsubok,


Bawat isa’y nakahawak sa espada, patibay ng pangako;
Walang sinumang magkakanulo para sa kaligtasan.

Ngunit nang mabuksan nang maluwang ang mga tarangkahan,


Nagsimula’ng kakila-kilabot na labanan, di mabilang na pagpatay.

3
Pangkat nila’y sinalakay ni Valjhun at ng kanyang buong puwersa.

Pagkat siya naman, hinihinuha ang kanilang pag-idlip


Malapusang umakyat sa pakay na mga pader
At sa gayo’y gulantangin sila’t lamangan sa dami.

Bangis ay pinawalan ng nakapundong bagyo,


Tanod ay nagpasaklolo sa gitna ng labanan;
Di-mabilang na bahay ang nabuwis sa paghahamok.

At wari’y ragasa ng malakas na buhos-ulan, bumulwak


Pababang lumagunlong sa gilid ng bundok tulad ng kulog,
Nilamon ang lahat habang ito’y dumadaluhong,

At hindi saglit ma’y huhupa, nilulunod ang lahat sa ilalim


Ng mga alon, maliban sa ilang malalaking hadlang -
Gayon nga si Valjhun, nilansag ang mga kawal na pagano.

Habang may isa pang humihinga’y 'walang tigil sa pagdurog,


Hanggang sa huli’ bawat isa sa kanila’y nililgalig;
Sa kaniIa, pananalig nila ang kataas-taasang turo.

Nang umaga’y naarawan ang mga bangkay na di nalilibing


Nakatihaya sa pinaglabanan, nakabunton
Tulad ng tungkos na sariwa, pinagtabi-tabing trigo.

Sa mga bangkay, nabilang ay kalahating Kristiyano,


Ang iba pa’y naaagnas nang katawan ng mga pagano.
Ngunit sa paghahanap na ito’y nagulumihanan si Valjhun
DahiI siya’ng nagpapasan ng sala sa lahat ng gayong pagpatay.

Bahagi ng Epikong ”Ang Pagbibinyag sa Savica”

Ang naglalabanang mga ulap ay naglaho sa kalangitan,


Ang digmaan ng mga tao’y nagwakas sa gabi.
Kinulayang-ginto ng hraw sa umaga ang ituktok ng mga punong
Nagtutumayog sa puting taluktok ng mga niyebe sa Carniola.
Ang Iawa ng Bohinj ay payapang nakatihaya, walang-galaw,
Walang sinyal ng tunggaliangsa labas ay tanaw
Ngunit hindi naiidlip sa lawa ang mabangis na sibat
Ni ang ibang malulupit na balawis ng kalaliman.
Hindi ba ang Iawang ito na sa pampangi’ y tinatayuan mo,
Magiting na Crtomir, ang1arawan ng iyong kaluluwa?
Ang pingkian ng mga sandata’ y tumigil na sa buong lupain,
Ngunit sa dibdib mo’y nagngangalit pa ang bagyo ng digmaan.
Kung may anumang mahilakbot na karamdaman ng buhay, pagkaunawa ko
Higit na pinipinsala ng walang hanggang uod,
Nagpapasasa sa dugong-buhay sa ilalim ng kanyang lungga
At muling' gumigising sa mga halimaw ng kawalang-pag-asa.

-Malayang satin ni Rogelio G. Mangahas


mula sa' saling Ingles ni Alasdair Muckinnon
Naunawaan ba ang epiko? Magaling!
GAWAIN # 2 PAYABUNGIN NATIN B sa iyong LAS, sundin ang panuto sa pahina 79 (Pagkatapos mong
sagutin ang PAYABUNGIN NATIN B, kunin ang Answer Key at itsek mo ang iyong naging sagot. Lagyan ng
tsek (✓) ang iyong tamang sagot, at ekis (X) naman sa di-tama.)

…………………….

4
Ikalawang araw
Pluma ay buklatin hanapin ang ALAMIN NATIN na makikita sa pahina 86-90

EPIKO AT ILANG HALIMBAWA NITONG TANYAG SA BUONG MUND0

Ang epiko ay isang mahaba at patulang pagsasalaysay ng mahahalagan pangyayari at pakikipagsapalaran sa


bahay ng isang tquhang lubos na malakas at may taglay na hindi pangkaram’wang kapangyarihan at
kinikilalang bayani ng lugar o bansang kanyang pinagmulan. Ang mga sah'tang ginanu't sa isang epiko ay
karanjwang pormal, makaluma, at nagtataglay ng maraming tayutay at matatalinghagang pananalita.
Masasalamin sa kabuoan ng akda ang mga tradisyon, kultura, at iba’t ibang panim'wala ng lahi, bansa, o
maging relihiyon kung saan ito nagmula. Ang tagpuan ay karaniwang sa malayong nakalipas. Mababasa sa
ibaba ang ilan sa pinakamahuhusay na epiko mula sa iba’t ibang panig ng mundo at ilang mahahalagang
kaalaman ukol sa mga ito:

Iliad ni Homer'

Ang epikong ito na itinuturing na kauna-unahan at pinakatanyag na panitikang Griyego ay isinulat m' Homer.
Nagkaroon ito ng malaking impluwensiya hindi lamang sa mga Griyego kundi maging sa panitikan din ng
buong mundo. Isinalaysay sa epikong ito ang pagsakop ng mga Griyego sa Lungsod ng Troy at tampok ang
pangunahing tauhang si Achilleus-ang pinakamahusay na mandirigma ng mga Achaian. Nagtanim siya ng galit
kay Agamemnon nang agawin nito ang babaeng pinakamamahal ni Achilleus na si Briseis kapalit ng
pagpapalaya sa batang babaeng anak ni Chryses na bihag nina Agamemnon. Bagama’t nagbigay ay patuloy ang
pagdaramdam ni Achilleus sa pag-agaw sa kanyang kasintahan kaya minabuti niyang huwag nang lumaban.
Pinakiusapan din niya ang inang si Thetis, isang diyosa na gumawa ng makakaya upang matalo ang mga
Achaian at nang maramdaman nila ang kanyang kawalan. Gayunpama’y nagdulot pa rin ng kasawian kay
Achilleus ang ginawa niyang ito nang matalo ng mga Trojan sa pamumuno ni Hector ang mga Achaian at
mapatay ang matalik niyang kaibigang si Patroclus. Muli siyang lumaban at _nakapatay ng maraming Trojan
kaséma ang pinunb nilang si Hector. Sa galit ay hindi niya ibinigay ang bangkay ni Hector mhliban na lang
nang mismong si Haring Priam na ama ni Hector ' ang pumunta sa kanya at nakiusap na ibalik ang bangkay sa
kaharian ng Troy. Dito rin nagkaroon ng pansamantalang pagtigil ng digmaan upang mabigyan ng marangal na
libing si Hector.

Odyssey ni Homer.
Ito’y isa pang epikong isiriulat ni 'Homer at naging bantog din sa mga Griyego' at sa buong mundo. Ang
epikong ito ay masasabing karugtong"'r ‘V ng Iliad dahil maraming tauhan sa ' Iliad ang nabanggit at
nagpatuloy pa rin sa epikong OdySSey. Ito’ y tumatalakay sa mahabang panahon ng pagkawala at muling
pagbabalik sa Ithaca ng pangunahing tauhang si Odysséus pagkatapos ng pagbagsak ng kaharian ng Troy.
Inabot ng sampung taon at maraming pakikipagsapalaran bago siya muling nakabalik sa Ithaca kung saan siya
nagpanggap muna bilang isang pulubi upang malaman kung ano-ano na ang kalagayan ng kanyang tahanan.
Naging tampok din ang mga pangyayari sa bahay ng kanyang asawang si Penelope at sa kanilang anak na si
Telemachus at kung paano nagtulungan ang dalawa upang maiiwas si Penelope sa mga manliligaw na nag-
aakalang patay na si Odysseus.

Metamorphoses ni Ovid

Ito’y isang tulang pasalaysay patungkol paglikha at kasaysayan ng mundo. Isinalaysay rito ang paglikha sa tao,
ang apat na panahon ng sinaunang kabihasnan, ang malawakang pagbaha na kumitil sa lahat ng nilikha maliban
sa isang Griyegong nagngangalang Deucalion at sa kanyang asawang si Pyrrha. Sa kanila nagmula ang muling
pagdami ng tao sa mundo. Maraming nabanggit hindi pangkaraniwang pangyayaring kinasasangkutan ng mga
diyos at mortal.
Beowulf

Hindi matukoy kung sino ang manunulat ng epikong ito na pinaniniwalaang nasulat sa pagitan ng ikawalo
hanggang ikalabing-isang siglo sa tagpuang maaaring nasa bahagi ng Denmark at Sweden. Tinalakay ng epiko
ang buhay at pakikipagsapalaran ni Beowulf, ang bayani ng mga Geat at tumalo sa tatlong malalaking kalaban:
una, kay Grendel, ang halimaw na nagpahirap sa mga nasasakupan ni Haring Hrothgar; pangalawa, sa ina ni
Grendel na naghiganti dahil sa pagkakapaslang sa kanyang anak; at panagatlo, sa dragon na kanyang nakalaban
nanag maging hari na siya. Sa huling labang ito, natalo niya ang dragon subalit si Beowulf man ay malubha
ring nasugatan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

5
Naintindihan mo ba ang mga iba’t ibamg epiko? Magaling

GAWAIN # 3 SAGUTIN NATIN C sa iyong LAS, sundin ang panuto F10PB-Ie-f-65 sa pahina 87.
(Pagkatapos mong sagutin ang SAGUTIN NATIN C, kunin ang Answer Key at itsek mo ang iyong naging
sagot. Lagyan ng tsek (✓) ang iyong tamang sagot, at ekis (X) naman sa di-tama.)

Magaling! Ipagpatuloy!
……………………..
Ikatlong araw
Buklatin ang iyong pluma sa pahina 95 at basahin ang ISAISIP NATIN
ISAISIP NATIN
MGA SALITANG HUDYAT SA PAGSUSUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI

Sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan, sa paggawa ng mga proyekto o kaya’y mga gawaing-bahay tulad ng


pagluluto, paglalaba, paghuhugas ng pinggan, at iba pa; sa paglalahad o pagsasalaysay sa klase, madalas nating
ginagawa ang pagsusunod-sunod ng pangyayari o panuto. Mahalagang maging malinaw ang paraan ng
pagkakasunod-sunod para maunawaan agad ng mambabasa o ng kinakausap ang mga hakbang na dapat sundin.
Maaaring maiwasan ang pagkakamali kung madaling sundan ang panuto o anumang bagay na ginagamitan ng
pagsusunod-sunod. .

Makatutulong ang paggamit ng mga salita, kataga, o pahayag na naghuhudyat ng tamang pagsusunod-sunod
tulad ng makikita sa ibaba:

-Nakagagamit ng pang-uring pamilang na may uring panunuran o ordinal upang malinaw na masundan o
makita ang tamang pagkakasunod-sunod.
Halimbawa: una, pangalawa, pangatlo
-Kapag naman ang pinagsusunod-sunod ay proseso o mga hakbang sa pagsasagawa ng isang bagay tulad ng
pagbuo ng isang proyekto, pagluluto, pagkukumpuni ng sasakyan, pagbuo ng mga bagong biling produktong
dumating nang nakakahon at hindi pa naka-assemble, makatutulong ang paggamit ng sumusunod na hudyat ng
pagsusunod-sunod:

------Paggamit ng salitang hakbang + pang-uring pamilang o ng salitang step + pang-uring pamilang.


Halimbawa: STEP 1, STEP 2, STEP 3. Unang hakbang, ikalawang hakbang, ikatlong hakbang o -----------------
Paggamit ng salitang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod tulad ng una, kasunod, pagkatapos, panghuli, at iba
pa

-Kapag naman mga pangyayari sa kuwento, napanood/ nasaksihan, o naranasan ang pinagsusunod-sunod,
madalas/ hindi na gumagamit ng mga salitang nagpapakita ng pagkakasunod-simod subalit ang mga
pangyayaring ilalahad ay dapat nakaayos nang sequential o ayon sa tamang paraan kung paano ito nangyari.
Ngayon ay magagamit ang angkop na mga hudyat sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari. Sagutin ang
GAWAIN # 4 MADALI LANG ‘YAN sa LAS pahina 96 (F10WG-Ie-f-60). (Pagkatapos mong sagutin ang,
MADALI LANG ‘YAN, kunin ang Answer Key at itsek mo ang iyong naging sagot. Lagyan ng tsek (✓) ang
iyong tamang sagot, at ekis (X) naman sa di-tama.)

Binabati kita! Nakikita ko ang iyong pagsisikap para sa pag-aaral.


…………………….

Ikaapat na araw
GAWAIN # 5 TIYAKIN NATIN sa LAS sundin ang panuto sa pahina 99
Ngayon naman ay iyong gagamitin ang mga hudyat sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari na makikita
(F10WG-Ie-f-60).
Nakuha mo ba ang sagot? Ipagpatuloy ang nasimulan! Laging tandaan na nasa iyong kamay ang iyong
kinabukasan. Mag-aral ng mabuti.
……………………..
6
D. Pagtataya
Ikalimang araw

E. Repleksyon
GAWAIN# 6 REPLEKSYON sa iyong LAS.
Bakit mahalagang pairalin ang kapayapaan sa mundo? Bakit hindi digmaan ang sagot sa anumang
hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga tao, lahi, o bansa?

G. Karagdagang Sanggunian
https://www.youtube.com/watch?v=YP3Vf1rnKKQ&t=69s

-Wakas ng LSM-

La Salette of Quezon, Inc. SY 2020-2021 Junior High School


FILIPINO 10
LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
Quarter 1, Week 5

GAWAIN # 1 SIMULAN NATIN


Panuto: May mga detalye ka bang nalalaman ukol sa iyong binyag o bawtismo? Magtanong sa iyong
magulang o balikan ang ilang dokumento at larawan tungkol sa mahalagang bahaging ito ng iyong bahay at
sagutin ang ilang tanong ukol dito.

Anong buong pangalan ang ibinigay sa iyo ng iyong magulang?


_________________________________________________________________________________________

-Kailan ka bininyagan?_____________________________________________________________________

-Saan ka bininyagan?_______________________________________________________________________

Mayroon ka bang mga ninong at ninang? Kung mayroon, sino-sino sila?

Kung anumang relihiyon o pananampalataya ang kinabibilangan, bakit itinuturing na isang mahalagang bahagi
ng bahay ng isang tao ang kanyang binyag o bawtismo?

7
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
GAWAIN # 2 PAYABUNGIN NATIN B
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin at piliin mula sa kahon ang salitang bubuo sa diwa nito.
Isulat ang sagot sa linya.
Kahindik-hindik lungga matayog nalupig nagkanulo

1. Ang hukbo ni Crtomir ay _____________________dahil kakaunti lang sila sa samantalang malakas at


marami ang kanilang nakalaban.
2. Ang resulta g anumang digmaan ay ____________________na labanan ay nagwawakas sa
pagkawalang napakaraming buhay at ari-arian
3. Sa kabila ng kanilang kahinaan lahat ay nagkaisang lumaban hanggang kamatayan at walang
________________sa pangkat para lang mailigtas
4. Sa isang madilim na ____________________sila nagsisiksikan hanggang makubkob ng mga kalaban.
5. Ang _________________ na putting taluktok ng mga niyebe sa bundok Carniola ay ang mga piping
saksi sa paglalabang walang kinahinatnan.

GAWAIN # 3 SAGUTIN NATIN C


Panuto: Kilalanin kung tama o mali ang mga pahayag batay sa mga pangyayari sa binasa. Isulat ang TAMA o MALI sa
mga linya.
__________1. Ang tauhang si Crtomir ay isang prinsipe ng isang kahariang Muslim sa bayan ng Savica sa Slovenia.

_________2. Ang mga pangyayari sa epiko ay nangyari noong ika-labinlimang siglo.

_________3. Nakipaglaban at natalo ang hukbo nina Crtomir sa hukbong pinamunuan ng Kristiyanong si
Valjhun.
_________4. Tanging sampung tauhan at si Crtomir lang ang nabuhay sa kanilang panig pagkatapos ng
madugong digmaan.

_________5. Inisip ni Bogomila na naligtas si Crtomir dahil sa kanyang taimtim na panalangin sa Panginoon
kaya naman bilang pasasalamat ay inialay niya ang kanyang buhay sa pagsisilbi sa Diyos.

GAWAIN # 4 MADALI LANG ‘YAN

Napagsusunod-sunod ang mga hakbang gamit bilang gabay' ang mga salitang hudyat sa pagsusunod-
sunod.

Panuto:Ang ginataang bilo-bilo ay hindi Iang masarap na meryendang pampamilya kundi maaari ding
ipagbih' sa mga kapitbahay at pagsimulan ng isang munting negosyo. Subukin ang iyong kakayahan.
Pagsunod sunurin ang mga hakbang sa pagluluto nito. Gawing gabay ang mga salitang hudyat sa
pagsusunod-sunod.
________At sa huli, ihain ang masarap na ginataan habang mainit opuwedé ring palamigin muna bago ihain.
________Hayaan pang kumulo at maluto ang bilo-bilo, kamote, 'saging, at langka ng mga limang minuto.
timplahan ng asukal ayon sa panlasa.
________Kapag nagsimula'nang umangat ang bilo-bilo sa kumukulong gata at tubig ay ilagay ang hiniwa-
hiwang kamote at hayaang _' maluto nang kaunti.

________Pagkatapos ng apat 11a minutong pagkaluto ng saging na saba ay sunod na ilagay ang langka.

________Sunod na ihulog sa pinakukulong gata at tubig ang mumunting bilo-bilo.

________Ikalawa, magpakulo ng pinéghalong gata ng niyoé at tubig s; isang kaserola. Halo-haluin hanggang sa
kumulo.
8
________Tingnan kung medyo malambot na ang kamote, ilagay naman ang hiniwa-hiwang saging na saba.
Hayaang kumulo pa nang ‘apat na minuto.

________Una, ihanda ang bilo-bilo sa pamamagitan ng paghahalo ng giniling na malagkit na bigas at tubig.
Bilugin ang tig-kalahating kutsaritang malagkit na tila mumunting bola. Itabi muna ang bilo-bilo.
GAWAIN # 5 TIYAKIN NATIN
Ngayon naman ay iyong gagamitin ang mga hudyat sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari na makikita
(F10WG-Ie-f-60).
Panuto: Mayroon ba kayong isang espesyal na recipe para sa pagbe-bake o pagluluto na sa tingin mo’y
papatok kapag ipinagbili sa mga bazaar, tiyangge o weekend market? o kaya naman, may produkto ka bang
alam gawin na maaari ding ibenta at pagkakitaan? Isulat sa kahon ang mga sangkap o gamit para rito. Sa
mga linya ay isulat ang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagluto o pagbuo nito. Gumamit ka ng mga
angkop na hudyat sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang madaling masundan o maunawaan ang
proseso.

_________________________________________________________________________
Ang Tawag sa Produkto
Mga Sangkap o Gamit sa Pagbuo Nito;

Sunod-sunod na hakbang sa pagluluto o pagbuo ng produkto:

GAWAIN# 6 REPLEKSYON
Bakit mahalagang pairalin ang kapayapaan sa mundo? Bakit hindi digmaan ang sagot sa anumang
hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga tao, lahi, o bansa?

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
-Wakas ng LAS-
9
La Salette of Quezon, Inc. SY 2020-2021 Junior High School
FILIPINO 10
LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
Quarter 1, Week 1

GAWAIN # 1 SIMULAN NATIN GAWAIN # 2 PAYABUNGIN GAWAIN # 3 SAGUTIN NATIN C


(Iwawasto ng Guro) NATIN
1. Nalupig 1. MALI
2. Kahindik-hindik 2. MALI
3. Nagkanulo 3. TAMA
4. Lungga 4. MALI
5. matayog 5. TAMA

GAWAIN # 4 MADALI LANG GAWAIN # 5 TIYAKIN NATIN GAWAIN# 6 REPLEKSYON


‘YAN (Iwawasto ng Guro) (Iwawasto ng Guro)

8 at sa huli…
7 hayaan pang…
4 kapag nagsinula…
6 pagkatapo ng apat…
3 sunod na ihulog…
2 ikalawa, magpakulo…
5 Tingnan kung medyo…
1 una, ihanda…

-Wakas ng AK-

10

You might also like