Kwento

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

“Ayon sa kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, na si Leonor M.

Briones, ang

pasukan para sa Taong Panuruan 2020-2021 ay magsisimula sa 24 Agosto ng

taong kasalukuyan sa halip na Hunyo. Ito ay dahil sa COVID-19 na isang

pandemyang tumama sa atin, at sa buong mundo, na napakadelikado sa lahat ng

mamamayan”, pahayag ng punong-guro na si Gng. Ramos. “Lubhang mapanganib

ang COVID – 19 kaya kailangan ang ibayong pag-iingat. Hangga’t maaari ay bawal

lumabas, kaya pinapapanatili na lamang muna sa kanilang mga tahanan ang mga

tao.”

“Kaugnay nito, nais naming ipaalam sa inyo na ang pagpapatala ng lahat

ng mga mag-aaral ay gaganapin sa buong buwan ng Hunyo. Hindi ninyo

kailangang pumunta sa paaralan upang magpalista”, pagpapaliwanag ni Gng.

Ramos.

“Ipagbigay alam po ninyo sa amin ang inyong intensiyon, sa pamamagitan

ng pagtawag sa telepono gamit ang mga numerong naibigay na sa inyo ng mga

guro, o di kaya’y sa pamamagitan ng on-line na pagkontak sa amin”, sambit pa

niya.

“Ang paaralan ay bukas din po mula Lunes hanggang Biyernes sa mga nais

makipagkita sa amin. Magsuot lamang po kayo ng face mask at itaguyod ang

isang metrong “social distancing”, panapos niyang pahayag.

1. Sino ang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon?

A. Kalihim Jenalyn A. Ocampo

B. Kalihim Leonor M. Briones

C. Kalihim Delia C. Diestro

D. Kalihim Vicky B. Gonzales

2. Sino ang punong-guro na nagbigay ng paliwanag ukol sa pagbubukas ng

klase?

A. Gng. Binondo

B. Gng. Ramos

C. Gng. Andrada

D. Gng. Ureta
3. Kailan magsisimula ang pasukan sa Taong –Panuruan 2020-2021?

A. 1 Hunyo 2020

B. 24 Hulyo 20201

C. 1 Agosto 2020

D. 24 Agosto 2020

4. Kailan ang paglilista o pagpapatala ng mga nais mag-aral ngayong taon?

A. buong buwan ng Mayo

B. buong buwan ng Hunyo

C. buong buwan ng Hulyo

D. buong buwan ng Agost

5. Naantala ang pagbubukas ng klase dahil sa?

A. Kakulang sa badyet

B. COVID-19 na pandemya

C. nagkaroon ng bagyo

D. hindi lumalabas ang mga tao

6. Upang makipagkita sa mga guro, kinakailangan ng mga magulang na?

A. Magsuot sila ng face mask at magkaroon ng social distancing

B. Magsuot lamang sila ng face mask

C. Itaguyod lamang nila ang 1 metrong social distancing.

D. Maligo muna sila bago pumunta sa paaralan.

“Ang paaralan ay bukas din po mula Lunes hanggang Biyernes sa mga nais

makipagkita sa amin. Magsuot lamang po kayo ng face mask at itaguyod ang

isang metrong “social distancing”, panapos niyang pahayag.

CO_Q1_Filipino6_Module15
Mga Tala para sa Guro

Ito ay panimulang pagtatasa lamang. Maaaring itala

ang iskor para mabigyang - tuon ang kahinaan ng mag-aaral.

7. Anong uri ng talata ang iyong binasa?

A. nagsasalaysay

B. nagpapaliwanag

C. naglalarawan

D. nangangatuwiran

8. Paano makapag-enrol ang mga bata?

A. Pupunta ang mga bata sa paaralan.

B. Pupuntahan ng kanilang magulang ang guro.

C. Tatawagan ng kanilang magulang ang guro upang magpatala.

D. Pupuntahan sila ng guro sa kanilang bahay.

9. Kailangang gumamit ng face mask ang mga magulang kung sila ay pupunta

sa paaralan upang?

A. hindi sila maalikabukan

B. hindi sila mahawaan o makahawa ng sakit na COVID-19

C. makita sila agad ng guro

D. makahinga silang Mabuti

10.Sino ang nagbigay ng paliwanag tungkol sa mga dapat gawin sa

pagpagpapatala ng mga bata?

A. Gng. Ramos

B. Gng. Santos

C. Gng. Andrada

D. Gng. Gonzales
COVID-19

Ang Coronavirus (COVID-19) ay isang sakit na dulot ng virus. Ito ay maaaring

magmula sa karaniwang sakit gaya ng ubo't sipon hanggang sa mas malulubhang

impeksiyon tulad ng MERS-CoV, SARS-CoV at iba pang kaugnay.

Ang COVID-19 ay nakahahawang sakit. Karaniwang sintomas na dulot nito

ay lagnat, sipon, ubo, hirap at pag-iksi ng paghinga at iba pang problema sa daluyan

ng hangin. Kapag nakapasok ito sa katawan, maaari na itong makahawa sa ibang

tao na nakasalamuha mo. Kaya, kailangang mapanatili ang social distancing,

paggamit ng facemask, pagpapalakas ng katawan, pag-iwas sa matataong lugar, at

pananatili sa malinis na bahay.

Tandaan na walang halagang maaaring itumbas sa kalusugan.

1. Ano ang paksa ng talata?

A. N1H1

B. COVID-19

C. MERS-CoV

D. SARS-CoV

2. Paano nakahahawa ang sakit na ito?

A. kapag palaging lumalabas

B. kapag hindi nabakunahan

C. kapag nanatili sa bahay

D. kapag nakasalamuha sa taong mayroon nito

3. Ang taong ay may sakit na COVID 19 ay may_____.

A sipon at lagnat

B. ubo at sipon

C. sipon, lagnat, at pananakit ng katawan

D. ubo, sipon, lagnat, hirap at pag-iksi ng paghinga

4. Kinakailangang umiwas sa mataong lugar sapagkat_________.

A. mainit

B. hindi mo sila kilala


C. para maiwasan ang pagkalat ang virus

D. magulo at mahirap gumalaw

5. Anong pinakaangkop na islogan sa binasang teksto?

A. Laging Handa.

B. Iba ang may Alam.

C. Manigurado, I am Ready.

D. Ang kalusugan ay kayamanan.

Banta ng COVID-19

Sariling katha ni Catherine D. Diaz

Buwan ng Marso, 2020 nang magkaroon ng Enhanced Community

Quarantine dahil sa paglaganap ng Coronavirus o COVID-19. Malaking banta

ang sakit na ito sa kalusugan ng lahat dahil ito ay nakamamatay.

Nakahahawa o naipapasa ang sakit na ito kaya kailangang proteksiyunan,

ingatan at alagaan ang sarili.

Ang mga taong positibo sa COVID -19 ay nahihirapan sa paghinga, may

sintomas na lagnat, pamamaga ng lalamunan, ubo at pananakit ng katawan.

May mga positibo rin sa sakit na ito na hindi kinikitaan ng sintomas o ang

tinatawag na asymptomatic.

Proteksiyunan natin ang sarili at komunidad sa COVID-19. Para

maiwasan ang sakit na ito, ugaliing maghugas ng kamay nang madalas gamit

ang sabon at tubig, magsuot ng facemask pag nasa labas ng bahay, takpan

ang bibig kapag umuubo o bumabahing. Panatilihin din ang social distancing

at kalinisan.

Sundin natin ang mga tagubiling ito para maging ligtas tayo sa banta ng

COVID-19.

Mga Tanong:

1. Ano ang paksa ng binasang teksto?

2. Anu-ano ang sintomas ng COVID-19?

3. Paano mapangangalagaan ang sarili at komunidad laban sa


COVID-19?

4. Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga tagubilin o patakaran na

ipinatutupad tungkol dito?

5. Para sa iyo, magmungkahi ng iba pang pamamaraan para makaiwas

sa mapanganib na sakit na ito.

Qm: Ma, sasali po ako sa Ten Outstanding Boys and Girls in Region VI.

Ako po ang pambato ng aming school.

Ina: Talaga anak? Sige, susuportahan ka namin ng papa mo. Ano ba ang

maitutulong namin?

Qm: Malaki po mama. Siyempre, unang-una, moral support po ninyo.

Ina: Moral support? Aba’y kahit ano pa, suportado ka namin.

(Nakangiting wika ng ina.)

Qm: Maraming salamat po mama.

Ina: Ano-ano ba ang mga pamantayan sa pagpili diyan?

Qm: Pagsagot sa mga tanong 20%, pagsulat ng sanaysay 20%, pagiging

Kasapi ng samahan sa YMCA 20%, Kakayahang mamuno 20% at

20% sa mga parangal na natamo. Lahat pong iyan ay sa nakalipas

na dalawang taon.

Ina: Ang bigat pala. Pero palagay ko naman ay may laban ka anak.

Qm: Sana nga po mama. Gagalingan ko po. Kaya po nagbasa ako ng

napapanahong isyu na maaaring maging paksa sa pagsulat ng

sanaysay. Nagsasanay na rin po akong sumulat.

Ina: Sige anak. At para maipakita talaga ang moral support namin

sa iyo, sasamahan ka namin sa pagpunta ninyo sa Iloilo.

Qm: Yeheey! Iyan ang pinakagusto ko. (sabay yapos sa ina)

Ina: Alam na alam ko na iyan... O teka, ang niluluto ko pala.

(nakatawang sabi ng ina)


Mga Tanong:

1. Saan pupunta sina Remia at Gina?

2. Ano ang napansin ni Gina sa may kanto?

3. Bakit may mga pulis sa kanto?

4. Sa iyong pananaw, anu-ano ang masamang epekto ng pagbebenta ng

mga pekeng produkto?

5. Paano dapat mag-iingat ang mga tao upang hindi mabiktiam sa pagbili

ng pekeng produkto?

You might also like