Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

“Mayor ng Bayan”

Ni: Christian Jay Escal


#MalikhaingPagsulat
#Anoangnangyarikayselya
Si Selya ay isang tumatakbo bilang Mayor ng Rosario malinis ang kanyang intensyon sa bayan.
Siya ay kilala sa bayan ng rosario dahil sa kanyang mga tinutulungan na mahihirap sa kanyang
lugar madami na din syang tinulungang makapagtapos ng pag aaral, nabigyan ng mga trabaho
para sa mahihirap, nagpaayos ng mga simbahan, at marami pang iba na proyektong
nakakatulong sa kanilang bayan. Galing sa mayamang pamilya si selya at siya kaisa isang anak
ang kanyang magulang ay mga negosyante sa ibang bansa at laging abala sa pagtatrabaho kaya
si selya ay lumaki sa kanyang lola sa Pilipinas. Napalaki siya ng lola niya na mabuting tao at may
takot sa Diyos. Nagkaron si selya ng mga kaibigan sa kanilang bahay dahil ang kanyang yaya ay
may dalawang anak na kasama niya sa trabaho mahirap ang buhay nila nagging matalik na
kaibigan niya ang mga anak ng kanyang yaya naiikwento ng mga kaibigan ni selya ang buhay
nila sa kanilang lugar kaya isang araw dinala ng mga kaibigan niya si selya sa kanilang lugar at
nakita ni selya ang maliit na bahay ng kaniyang mga kaibigan kahit siksikan sila sa maliit na
bahay ay masaya naman at buo ang kanilang pamilya. simple lang ang pagkain nila at minsan
hindi na sila nakakakain kung walang nakolektang mga kalakal ang tatay ng kaibigan ni selya
napagtanto ni selya na isa siyang maswerteng na tao at hindi niya naranasan ang ganitong
buhay. Dito na muo ang kanyang pangarap na maging Mayor ng kanilang lugar upang
matulungan ang mga kagaya nitong pamilya. Nakalipas ang madaming taon nakapagtapos si
selya ng pag aaral at tumakbo bilang mayor ng kanilang bayan nagging kilala siya at maraming
nakasuporta sa kanya. Si Don juan naman ay isang katunggali ni selya sa pagtakbo bilang Mayor.
Siya ay masamang tao, sarili lamang ang iniisip hangad niyang ang manalo upang makakorakot
sa pera ng bayan kayat bumibili sya ng boto sa mga ibang tao. Pagsapit ng eleksyon ay nanaig
parin si selya siya ay nanalo bilang Mayor ng Rosario walang nagawa si Don Juan sa nagging
resulta. Isang araw si selya ay dumalo sa isang medical mission sa kabilang barangay ngunit
habang papunta sya sa kanyang pupuntahan ay may humarang sa kanilang sasakyan mga
armadong tao sakay ng van at duon pinaputukan ang kanilang sasakyan kaya namatay ang mga
kasama ni selya at dinakip siya ng mga ito. Pinaghahanap ito ng mga pulis at mga mamamayan
ng rosario makalipas ang isang linggo ay may nakapagsabi na natagpuan ang bangkay ni selya sa
isang ilog at dito na nga nagluksa ang buong mamamayan dahil sa pagkamatay ni selya. Ngunit
may isang tao ang naglabas ng video na siya ay kasangkot sa pagdakip nila kay selya at naglabas
ng ebidensya na inutusan lang daw sila ni Don Juan wala silang nagawa dahil hawak ni Don Juan
ang kanilang pamilya kaya nila nagawa ang bagay na iyon. Napatunayan na nagkasala si Don
Juan at nakakulong na ito kung gayon ay nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ni selya.
Akala ni Don Juan na magtatagumpay sya sa kanyang plano na palitan bilang Mayor si selya.

You might also like