Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

EDITORIAL

" Gerilyang Mangyan: Ang Diwa ng Bayanihan"


Sa kasaysayan ng Pilipinas, marami tayong natutuhan mula sa mga bayaning Mangyan
gerilya. Sa gitna ng mga modernong hamon, may mga mahahalagang aral na maaring natin
kunin mula sa kanilang karanasan.
Sa panahon ng giyera, ang Mangyan gerilya ay naging simbolo ng tapang at kahandaan
sa pagtanggol sa bayan laban sa dayuhang pwersa. Ngunit hindi lamang ito ang kanilang
ipinakita. Ang kanilang diwa ng bayanihan ay nagpapakita ng mas mataas na antas ng
pagtutulungan. Ang bawat miyembro ng komunidad ay nag-aambag sa kanilang kakayahan,
hindi lang para sa sariling kapakinabangan, kundi para sa ikabubuti ng lahat.
Nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Batas Republika Blg. 8371 o mas kilala
bilang Indigenous People's Rights Act of 1997, noong ika-29 ng Oktubre 1997. Layunin ng
batas na ito ang "Pagkilala, Proteksyon, at Pagpapalaganap ng Karapatan ng mga Katutubong
Kultura ng mga Pamayanan/Pamayanan ng mga Katutubong Mamamayan (ICCs/IPS) at para sa
iba pang Layunin."
Sa ika-2 ng Setyembre 2023, isang mahalagang yugto ng pagpapahalaga at pagyamanin
sa kultura at sining ng mga katutubong Mangyan ng San Jose, Occidental Mindoro ang
naganap. Ang Ama ng Bayan, si Rey Ladaga, ay nagkaloob ng limang Handloom Weaving
Machine kasabay ng pagsasanay sa mga katutubo sa Barangay Monteclaro. Ang hakbang na ito
ay hindi lamang simpleng pagtangkilik sa tradisyon ng Mangyan, kundi ito ay isang
pagpapakita ng pagpapahalaga at pagbibigay halaga sa kanilang mahalagang ambag sa kultura
ng bansa. Ang pagkakaroon ng mga Handloom Weaving Machine ay magbubukas ng pinto para
sa mas maraming katutubo upang maipagpatuloy at maipamana ang kanilang kahusayan sa
paghabi.
Sa kasalukuyan, may mga pagkakataon tayo na pwedeng makuha ang inspirasyon mula
sa Mangyan gerilya. Sa harap ng mga hamon tulad ng klima, pandemya, at iba pa, mahalaga
ang pagtutulungan. Ang ideya ng "bayanihan" ay hindi lamang sa oras ng krisis, ito ay
kailangang maging bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay.
Maaaring tularan natin ang diwa ng bayanihan na itinaguyod ng Mangyan gerilya sa
pamamagitan ng pagtutulungan sa komunidad. Dapat nating itaguyod ang pag-aalaga sa
kalikasan at pagtangkilik sa mga kultura at tradisyon na nagpapalakas sa ating pagkakakilanlan
bilang Pilipino. Sa paggabay ng mga aral ng Mangyan gerilya, maaaring magkaruon tayo ng
mas makabuluhang pagtutulungan at pag-unlad bilang isang bansa.
Ang diwa ng bayanihan na dala ng Mangyan gerilya ay hindi dapat kalimutan. Ito ay
isang alaala ng kanilang pambihirang pagsisikap at pagmamahal sa bayan. Sa pag-aalala sa
kanilang mga aral, maaaring magkaruon tayo ng mas malalim na pang-unawa sa kahalagahan
ng pagtutulungan at pag-aalaga sa isa't isa. Ipinapakita nito na ang pagkakaisa ay malakas na
sandata, at ang diwa ng bayanihan ay buhay at kailangang-kailangan sa ating panahon.

You might also like