Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Aming Pastor!

Isang biyayang tunay ang buhay na sa kanya’y pinagkaloob


Buhay na nagmula sa ating natatanging Diyos
Buhay na hinubog, at ginamit upang sa Ama’y maglingkod
Siya ang aming Pastor!
Tunay na biyaya na galing sa Panginoon!

Kapag siya’y nasilayan, sambit namin ay


“Kamusta po aming Pastor!”
Ngunit sa minsan at madalas lambing namin ay
“Tay! Tatay! Andito na ang iyong mga anak!”

Pastor na kakaiba, Tatay na mapagmahal


Nagsisilbing gabay sa aming takbuhin bilang isang lingkod
Walang ibang hinangad kundi ang bawat isa’y lumago
Mapabuti sa piling ng Panginoon

Turo niya sa amin magturingan na isang pamilya!


Pangaral niya samin matutong sumunod sa Maykapal
Magtiwala sa Panginoon sapagkat ang Diyos ay tapat
Pagdidisiplina’y dulot sa kanyang mga nasasakupan
Pagpapala’t Panalangin siyang laging buhos para sa kanyang mga tupa

Sa lahat na iyong gawa aming pastor, Isa lamang ang tugon


“Salamat po sa lahat!”
dulot ng iyong gawa’y buhay na kalugod lugod sa ating Ama.

Kung minsa’y nga’y nakakatuwa


Kapag sa mensahe’y bumanat na!
Minsan kami ay patawa tawa o pangiti ngiti lamang
Pero sa totoo’y nasa asintahan at tinatamaan na pala!
Aguyyy! Arayyy! Salamat sa pagtutuwid
Buhay naming mga lingkod lalong napapabuti

Sa aming Pastor na lingkod ng Diyos


Salamat sa pagmamahal mo sa amin ng lubos
Ikaw ang binigay na Pastol upang sa amin ay mag-alaga
At nais naming sabihin
“Ramdam naming sa iyo ang tunay na Pag-Ibig na galing sa Panginoon!”
Salamat sa Panginoon
Sapagkat ikaw ang aming nakasama sa tahanan ng Diyos
Kung saan kasama kami sa mga tupang
Pinagkatiwala sa iyong mga kamay

Aming Pastor! Aming Tatay!


Aming Pastor Arman ang tatay ng JTLOW Fam
Salamat po sa pagpapagamit ng buhay mo para sa aming ikakabuti!

Napakasarap maglingkod na kasama ang isang Ama na tulad mo!


Salamat Pastor Arman!
Dalangin naming buhay mo’y humaba pa at pagkalooban ka ng pinagpalang buhay!

Panginoon! Salamat sa aming Mabuting Pastor!

You might also like