Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Bakit daw Tumawid ng Ilog yung Kalabaw?

(Why did the Carabao cross the River?)


ni

Austin Tan

09089901403
austintan12@gmail.com
1. INT. HAPAGKAINAN - UMAGA
Almusal at rinig pa ang tilaok ng mga manok. Umuusok pa ang
bagong lutong kanin ng buksan ang takip ng kaldero.

Si OYO, 26, ay nagsasandok ng kanin at nagtitimpla ng kape.


Ang lola nitong si NELIA, 75, at lolong si JOVITO, 77, ay
kumakain ng almusal sa may hapagkainan.
May kakatok sa may gate ng bahay.

NELIA (O.S)
RJ. Pasok ka nalang, balong. Bukas
yan.
Si RJ, 26, kaibigan at kababata ni Oyo ang kumakatok.

RJ (O.S)
Ay sige Auntie.
Aabutin niya ang hawakan ng gate at bubuksan para makapasok.
Didertso na rin sa loob ng bahay.

JOVY
Kain RJ.
Magmamano si RJ sa dalawang matanda.
RJ
Tapos na ako uncle. Kumain na ako
sa bahay bago umalis.
NELIA
Kamusta? Tagal mo ring di nakapunta
dito no.
RJ
Oo nga po auntie. Dalawang taon din
ata.

NELIA
Nagtitinda pa rin ba si Mama mo sa
palengke?
RJ
Nagsara na si mama auntie sa
palengke. Humina na kasi ang benta.
Sa bahay na lang. Pero malakas pa
naman si mama auntie. Parang kayo.
Babalik sa upuan si Oyo.

(CONTINUED)
CONTINUED: 2.

RJ
Kailan ka dumating galing Manila,
Yo?

OYO
Kahapon. Kahapon ng umaga.
RJ
Tapos alis ka din bukas, pa Canada?

Dali-daling uubuisn ni Oyo ang almusal at iinumin ang kape.


Tatayo na rin sa pagkaupo.
OYO
Tara. Kunin ko lang selpon ko.

JOVY
Saan punta niyo?
RJ
Libot-libot daw sa bayan bago
umalis, uncle. Maghahanap rin daw
ng kalabaw para magpapicture siya.
NELIA
Kalabaw?

OYO
Mauna na kami pang, mang.
Hahatakin ni Oyo si RJ palabas at papunta sa tricycle ni RJ.
RJ
Auntie. Uncle.
NELIA
Oyo wag mo kalimutan mamaya hapon
samahan mo kami sa doctor ah. Alas
tres ha.
Aalis ang magkaibigan.

2. EXT. HIGHWAY - UMAGA

Nakahinto ang tricyle ni RJ sa tabi ng kalsada. Wala gaanong


dumadaan na mga sasakyan at sa paligid ay mga palayan.
Nagpapaturo si Oyo magdrive ng tricycle.

Sinsubukang paandarin ni Oyo ang tricycle. Sinisipa pero di


umaandar.
Nakatayo si RJ sa tabi ng tricycle. Sinisilip ang palayan.

(CONTINUED)
CONTINUED: 3.

RJ
Wala akong makitang kalabaw tol.
Nagsiliparan ata. Ayaw ka makita. O
baka tulog?

Mapapansin na di pa rin mapaandar ni Oyo ang sasakyan.


RJ
(lalapitan)
Wala pa rin? Lakasan mo pa kasi ah.
Oh Sige pa.

Lalakasan pa ang pagsipa. Hindi pa rin aandar.


RJ
Sige pa. Konti pa. Ang hina mo
naman.

Lalakasan pa.
RJ
Sige pa! Sige pa!

Lalakasan pa. Aandar na sa wakas ang tricycle.


OYO
(pupunasan ang pawis)
Panis. Panis. Sabi ko sayo e.
Natural ako dito.

CUT TO:
Nagdadrive na si Oyo ng Tricycle. Sobrang bagal ng takbo at
pahinto-hinto.

Nakaupo sa likod niya si RJ. Sinisilip ang relo. Naiinip


Bababa at maguumpisa ng maglakad.
RJ
Hintayin na lang kita doon tol.

3. EXT. GROCERY - UMAGA


Nakaabang si RJ at Oyo sa labas ng isang local grocery.
Nakapark ang tricycle kasama ng maraming tricycle driver na
nakatambay at naghihintay ng mga pasahero.
Maraming tao ang namimili.
Nagyoyosi sila RJ at Oyo.

(CONTINUED)
CONTINUED: 4.

RJ
Alam mo na ba kailan balik mo?
OYO
Di ko nga alam e. 5 years? Mahal
daw pamasahe pabalik e.

RJ
Bakit ka ba lilipat dun?
OYO
Magcocollege na sila Loi at si
Louie e. Kailangan ng tulong.
RJ
Pagbalik mo niyan mayaman ka na
siguro. Pagawa ka ng mansyon dito.
Yung di na nababaha. Tapos bili ka
marami tricycle, iparada mo lahat
sa harap ng bahay mo.
OYO
Uwian pa kita ng isang bag ng snow
pagbalik ko. Benta niyo sa tindahan
niyo, 20 pesos isang supot.
Matatawa ang dalawa. Mapapansin ni Oyo si JOCELYN, nanay ni
RJ na paparating dala dala ang mga pinamili.

Dali-daling papatayin nila RJ at OYO ang mga yosi para di


makita.Sasalubungin ng dalawa si Jocelyn at kukunin ang mga
pinamili. Magmamano.
Mga Karton, Supot, Itlog, at mga Bote. Isa isang pupunuin
ang tricycle, taas hanggang ibaba, loob hanggang labas.

Papapaandarin ni Oyo ang tricycle pero di pa rin. Makikita


niyang pinapapanood siya ni RJ. Tatabi na lang at hahayaan
na si RJ na ang magpaandar at magdrive.

Aalis na sila.

4. EXT. TINDAHAN NILA RJ - UMAGA


Darating ang tricycle sa harap ng sari-sari store nila RJ.
May namimili sa labas. Ang kapatid ni RJ na si TIN-TIN, 12,
ang nagbantay habang wala sila.
Ibababa nila RJ at Oyo ang pinamili at ipapasok sa tindahan.

(CONTINUED)
CONTINUED: 5.

CUSTOMER
Jocy, ayaw nanaman ako pautangin
nung anak mo. Sabi ko palista ko
muna.

TIN-TIN
Ma nangungulit nanaman si Manong
Edwin.
JOCELYN
Aga-aga Edwin, mangungutang ka
nanaman. Red horse nanaman ba?
CUSTOMER
Yun lang naman. Babayaran ko naman
sa katapusan e.

JOCELYN
Nanaman? O sige, bigay mo na. Supot
ba?
COSTUMER
Oo.

Aabutan ni Tin-tin ng bote ng redhorse at supot. Isusupot ng


customer ang alak at lalagyan ng straw. Iinumin niya ito sa
labas ng tindahan.
OYO
Tin, pahiram nga ng papel at
bolpen.
Aabutan ng papel at bolpen ni Tin si Oyo.

TIN-TIN
Kuya padalhan mo ako bag ah.
OYO
Sige bilhan kita maraming plastic
bag. Tita, anong address na nga
nila Ma’am Cabalza? Yung english
teacher namin noon, diba alam mo?
JOCELYN
Diba sa Caritan Norte nakatira yun.
Sa may Burgos St. ata. Yung sa tabi
ng malaking simbahan.
OYO
Ah oo nga pala. Sino pa ba?

(CONTINUED)
CONTINUED: 6.

RJ
(nagbubuhat pa rin)
Mga paborito ba tayo? Si Sir Ulep
at Ma’am Mildred pwede din.

OYO
Sige. Tita alam niyo ba kung saan
sila din?

5. INT. BAHAY NI MA’AM CABALZA - UMAGA

Nakaupo sa may sala sila RJ at Oyo sa bahay ni Ma’am


Cabalza. Umiinom sila ng Iced Tea habang hinihintay ang
teacher nila nung elementary.
Papasok si MA’AM CABALZA,90, at inaalalayan ng anak papunta
sa upuan.
ANAK
Maiwan ko na muna kayo.
OYO
Hi Maam. Kamusta kayo?
RJ
Hi Ma’am. Naalala niyo pa kami?
MAAM CABALZA
(dahan-dahan ang pagsalita)
Mabuti naman ako mga anak. Ano na
nga pangalan niyo?
OYO
Oyo po ma’am.
RJ
RJ naman ako ma’am. Kami yung
estudyante niyo nung grade 3 kami.

OYO
Kami yung laging di mabigkas ng
maayos yung mga salita kapag
english, ma’am. Laging
napapagalitan. Sabi niyo kami yung
pinakabobo sa english na naging
estudyante niyo.
MAAM CABALZA
Ah oo. Kamusta kayong dalawa? Ano
ng balita sa inyo?

(CONTINUED)
CONTINUED: 7.

RJ
Mabuti naman kami ma’am. Ako nag
tatricycle ma’am.
OYO
Ito ma’am aalis na ako pa-Canada.
Bisitahin lang sana namin kayo bago
ako umalis.
MA’AM CABALZA
Magpapaturo ka ba ng english bago
umalis?
OYO
Hindi ma’am. Magaling na ako. I’m
great.

RJ
Naalala niyo pa ba ma’am, yung
parang dapat english kami dapat
magsalita sa clasroom maghapon na
pinapagawa niyo sa amin?

OYO
Tapos kapag nagtagalog magbabayad
ng 5 pesos. Halos napuno din yung
alkansya ng clasroom noon.

MAAM CABALZA
Oo siyempre.
OYO
Di kami nagbabayad nun. Di kami
nahuhuli.

RJ
(matatawa sila)
Oo dahil di na tayo nagsasalita.
OYO
Tapos lagi niyo kami hinahabol
dahil pinagtatatwanan namin mga di
magaling magenglish.
RJ
Si Donna ma’am, naalala ko di
mabigkas yung Onomot... Onamotep...
Ano na nga yun?
OYO
Omanotopia... Onomatopea. yun

(CONTINUED)
CONTINUED: 8.

RJ
Onomatopea, Oo yun. Tapos binato mo
kami ng eraser dahil lakas ng tawa
namin.
OYO
Sapul ako sa mukha noon.
RJ
Oo. hahaha. Para kang clown nun.
Naalala mo yun maam?
MAAM CABALZA
Oo naman siyempre. (beat) Ayun
Mabuti naman ako mga anak. Ano na
nga ang pangalan niyo?

6. EXT. MALL - UMAGA


Nakatayo sa harap ng gingawang mall sila Oyo at RJ. Tinatayo
na ang mall sa dating bahay ni Sir Ulep.
RJ
Sigurado ka dito saktong bahay ni
sir Ulep?

OYO
Yun yung sinulat ko e. Alam ko rin
dito siya dati e.
Sisilip sa sinulat sa papel.

OYO
Oo tama e.
RJ
Baka nagcanada na din.

Dadaan ang sasakyan na pang eleksyon. Papanoorin nila ang


pagdaan nito. Nakaloudspeaker.
"Iboto ulit si Mayor, para sa patuloy na pagunlad ng bayan."

RJ
Kila Ma’am Mildred na lang?
OYO
Oo dun na lang. Matutuwa yun kapag
nakita tayo. Peyborit ako nun.
Kukurutin ang pisngi ko mamaya
sigurado.
Aalis sila RJ at Oyo.
9.

7. INT. SEMENTERYO - UMAGA


Nakatayo sa puntod ni Ma’am Mildred sila RJ at Ulep.

RJ
Malay mo dalawin ka mamaya, pisilin
ka sa pisngi.
OYO
Wag naman sana. Takot ako sa multo.
Umabot pala ng 77 si ma’am ano.
RJ
78.

OYO
Ay oo nga. 2021 minus 1943. 78 nga.
RJ
Lagay mo na yan.

Ilalagay ni Oyo ang hawak na dalang bulaklak. Magsasign of


the cross ang dalawa.
OYO
Ma’am dalawin mo daw si RJ.
Favorite ka daw niya. Pakurot daw
ng pisngi.
RJ
Huy. Wag. Labyu ma’am. (beat) Hanap
tayo kalabaw?

OYO
Sige.
Aalis sila.

8. INT. HOSPITAL - HAPON


Nakaupo sila Jovy at Nelia sa labas ng office ng doctor nila
sa puso. May kausap si Nely na matandang babae din.

Darating si Oyo.
OYO
Tapos na kayo, pang, mang?
JOVY
Hindi pa. Kami na ang sunod.
Uupo sa tabi ng lolo.

(CONTINUED)
CONTINUED: 10.

JOVY
Nakahanap ka na ng kalabaw?

OYO
Hindi pa pang.
NELIA
Oh nandito na pala si Oyo. Yo,
bless ka. Kamaganak yan sila.

Tatatayo at magbebless si Oyo sa matandang kausap ng lola.


Babalik pa na sana ng pigilan ng lola.
NELIA
Si tita mo pa.

Magbebless naman sa babaeng katabi ng unang pinagbless.


Pipigilan ulit sa pagbalik
NELIA
Tito yan.

Magblebless ulit. Titingin na kay Nelia kung yung mga


susunod ay kamaganak pa. Makikitang sasangayon si Nelia
gamit ang ulo. Magbebless pa ng dalawang beses si Oyo.
Babalik at uupo sa dulo, tabi ng lolo.

MATANDANG KAUSAP
Anong trabaho niya doon?
NELIA
Sabi nung anak ko, baka sa
restaurant muna daw. Yun daw madali
kapag bago o sa factory.
MATANDANG KAUSAP
Yung anak mo nandun na?

NELIA
Oo. Nauna na. Bale sasamahan niya
na doon.
MATANDANG KAUSAP
Ano namang trabaho niya doon?
NELIA
Sa hotel siya ang alam ko.
Housekeeping ba yun. Tapos may isa
pa siyang trabaho nakalimutan ko na
kung ano.
Hahawakan ng lolo ang kamay at magaabot ng 100 dollars sa
kamay ng apo.

(CONTINUED)
CONTINUED: 11.

JOVY
Hati kami ni mamang mo. Panggastos
mo doon.
OYO
Wag na pang.
Susubukang ibalik ni Oyo sa lolo niya.
JOVY
Sige na. Kunin mo na. Basta alagaan
mo lang si mama mo doon. Wag mo na
kami isipin dito at malakas pa
naman kami. Alagaan mo lang si mama
mo at tignan niyo lagi sarili niyo.
Okay na kami doon.

Lalabas ang secretary sa pintuan.


SECRETARY
MR AND MRS. BAQUIRAN.
NELIA
Oh tayo na. Oh siya mauna na kami.
Tatayo na sila Oyo, Jovy, at Nelia at papasok na sa loob ng
office ng doctor.

9. EXT. BAHAY NILA RJ - GABI


Darating si Oyo sa bahay ni RJ dala-dala ang biniling
pancit. Nagsimulang uminom na sila RJ at ang mga kaibigan
nila: Si Renz na may dala ng gitara, si Kim na buntis, si
Eric, si Joshua, at si Donna.
Maraming pagkain at alak sa mesa. Sasalubungin nila si Oyo.
Inuman, Kainan, Kwentuhan, Kantahan, Tawanan. Hanggang
umaga.

Sa huli tulog na ang lahat. At si Oyo gising pa. Lalabas ng


bahay at tatayo sa labas tabi ng kalsada. Giniginaw.
Nakikinig. Pinapakiramdaman.

10. INT. - BAHAY NILA RJ - MAGUUMAGA


Gigisingin ni Oyo ang natutulog na si RJ.

(CONTINUED)
CONTINUED: 12.

RJ
Anong oras na?
OYO
Alas singko.

RJ
Alas singko? Natulog ka ba?
OYO
Tayo ka na. Halika na.

RJ
Anong meron? Bat ang aga?
OYO
Maghahanap tayo ng kalabaw. Halika
na.

11. EXT. - KALSADA - MAGUUMAGA


Nagiikot sila RJ at Oyo sa bayan para makakita ng kalabaw.
Salitan sila sa pagdrive.
Nakita na nila ang buong bayan pero wala pa rin.

12. EXT - BRIDGE - UMAGA

RJ
Tabi mo nga muna, tol.
Itatabi ni Oyo ang tricycle.

Bababa si RJ at sisilipan ang gulong. Flat. Mapapakamot ng


ulo si RJ.
Bababa rin si Oyo para silipin.
OYO
Di ko napansin. Sorry tol.
RJ
Okay lang tol. Anong oras alis mo?

OYO
Ala una pa naman.
RJ
Naku po. Sige. Meron naman sigurong
malapit na talyer dito. Magtatanong
lang ako.

(CONTINUED)
CONTINUED: 13.

Iiwan ni RJ si Oyo sa may tricycle.


Habang nagaabang may mapapansin si Oyo sa malayo. Maglalakad
siya papalapit sa nakita.
Ang nakita ni Oyo ay isang tulay na di natapos. Bridge na
kalahati lang ang natapos at bukas ang dulo.
Maglalakad si Oyo sa kahabaan nito. Kita niya ang ilog sa
baba at mga bukirin at bundok sa dulo.

Hihinto siya sa dulo. Matapos ang ilang sandali ay darating


din si RJ.
Uupo sila sa dulo.
END

TITLE

You might also like