Lesson Plan Mga Kagamitan Sa Pagkain

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
\\ Antique
Region VI-
DIVISION OF ANTIQUE
Antique Integrated School

Banghay-Aralin
Special Education Transition in Care Skills
Non-Graded – Level II
Children with Autism and Intellectual Disability
I. Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakakamit ng


hindi bababa sa 75% na antas ng kasanayan sa mga sumusunod:

A. Pamantayang Pangnilalaman: Natutukoy ang iba’t ibang kagamitan sa


pagkain

B. Pamantayang Pagganap: Nakikilala ang iba’t ibang kagamitan sa


pagkain at ang mga paraan ng paggamit nito

C. Mga Kasanayang Pagkatuto: Nagagamit ang kaalaman sa pag-uuri ng


mga bagay na ginagamit sa pagkain

II. Nilalaman

A. Paksa: Iba’t ibang kagamitan sa pagkain

B. Mga Konsepto: Kasanayan sa Pagkain, Kagamitan sa Pagkain,


at Pag-iingat sa Sarili

C. Pagpapahalaga: Pag-iingat sa mga kagamitan

Kagamitang Panturo

A. Sanggunian: K to 12 Transition Curriculum Framework for Learners


with Disabilities at PIVOT 4A Learner’s Material for Grade 1

B. Kagamitan: Konkreto at larawan ng mga kagamitan sa pagkain (plato,


kutsara, tinidor, platito, placemat, baso, tasa, at chopsticks), larawan
ng hapag-kainan, television, powerpoint presentation, video ng
pampasiglang awitin, pocket chart, mystery box, Bluetooth speaker at
costume ng magician
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

Araw-araw na gawain

a. Pagbati
“Good Morning Class!” “Good morning Teacher Kristal. Good
morning classmates, it’s nice to see you
again.”

b. Panalangin
“Let us pray.” Sasabayan ng mga mag-aaral ang
panalangin ng guro.

Prayer Song
“Hands together (X2) 1, 2, 3 (X2)”
“Bow your heads now (X2) 1, 2, 3 (X2)”
“Close your eyes now (X2) 1, 2, 3 (X2)”

c. Balitaan

“Ngayon ay…Martes”
“Martes”
“Ika… 1”
“1”
“ng … Agosto”
“Agosto”
“taong 2023”
“2023”
“Ang panahon ngayon ay…”

“Ating kantahin ‘Ang Panahon’”

Sasabayan ng mga mag-aaral ang


awitin.
“Silipin natin ang bintana. Maaraw ba o
maulan?” “Maaraw”

“Ilan kaya ang batang lalaki na pumasok


ngayong araw? Itaas ang kamay ng mga Itatala ng guro ang bilang ng mga
batang lalaki. Itaas naman ang kamay ng pumasok.
mga babae.”

d. Pampasiglang Awitin
Aawitin ang ‘Kumain Nang Tama’.

Aawit ang mga mag-aaral.

e. Balik-aral

“Balikan natin ang ating pinagaralan


noong Miyerkules. Sinong nakakaalala ng
ating pinagaralan?” “Mga Pangunahing Pangangailangan ng
Halaman”
“Sino ang makapagbibigay ng mga
pangunahing pangangailangan ng mga
Halaman?” “araw”
“tubig”
“hangin”
“pagtatanggal ng mga damo”
“lupa”
A. Pagganyak (Activity)

Picture Analysis

“Knock-knock” “Who’s there?”


“Pagmasdan ang larawan na ito. Anong
bahagi ng bahay ang lugar na ito?”
“Hapag-Kainan”

“Mahusay! Ang Hapag-kainan ay isang


mesa kung saan dito ipinapatong ang
mga pagkain sa oras ng almusal,
tanghalian o hapunan. Dito sabay-sabay
na kakain at magsasalo-salo ang
pamilya.”

B. Pagsusuri (Analysis)

Magician’s Mystery Box


“Ang mystery box na ito ay naglalaman
Titingnan ng mga mag-aaral ang
ng iba’t ibang kagamitan, huhulaan niyo
mystery box at makikinig sa panuto ng
ang mga bagay na ilalabas ko dito.”
guro.

“baso”

“plato”

“tasa”

“Bigyan natin ng ang galing-galing clap Gagawin ang ‘Ang Galing-galing Clap.’
ang ating mga sarili.”

C. Paglalahad (Presentation)
“Muli nating balikan ang mga bagay na
galing sa ating mystery box.”

“Ang bagay na nakuha natin sa mystery


box ay ang mga kagamitan sa pagkain.
Aalamin natin ngayong araw kung paano
gamitin ang mga ito.”
“Ano ang bagay na ito?”

“plato o pinggan”

“Mahusay! Plato o pinggan dito natin


nilalagay ang ating pagkain tulad ng
kanin at ulam.”

“platito”

“Tumpak! Platito ito ay maliit na plato.


Minsan ay ginagamit itong lagayan ng
ulam, pwede ring lagayan ng sawsawan,
lagayan ng tasa, or maaring magsilbing
tray kung bubuhatin ang isang mangkok
na mainit”

“kutsara”

“Tama! Kutsara ito ang ginagamit natin


sa pagsubo ng pagkain at paghigop ng
pagkaing may sabaw.”

“kutsarita”

“Mahusay! Kutsarita, ito ay mas maliit sa


kutsara, karaniwang ginagamit kasabay
ng tasa. Ito rin ay maaari nating gamitin
sa pagkain ng panghimagas.”

“tinidor”

“Magaling! Tinidor ito ay ginagamit sa


pagkain ng pasta o ng pagkaing hindi
nagangailangan ng paghiwa.”

“mangkok”

“Tumpak! Ang mangkok ay lagayan ng


mainit na sabaw o ulam na may sabaw.”

“baso”

“Tama! Baso, ito ay ginagamit kapag


iinom ng tubig o juice.”

“tasa”

“Mahusay! Tasa, ito ay ginagamit sa


paginom ng kape, gatas, o tsaa.”

Trivia Time

“Alam mo ba na chopstick ang tawag sa


ginagamit ng mga Chinese, Japanese at
iba pang mga Asyano sa pagkain. Ito ay Pagmamasdan ng mga mag-aaral ang
dalawang stick na pantay ang haba, at chopstick.
hinahawakan ng isang kamay.”

Ipapakita ng guro kung paano ginagamit Oobserbahan ng mga mag-aaral ang


ang chopstick. paggamit ng chopstick.

Pangkatang Gawain

Shadow Matching
“Tara! Ayusin natin ang plato, kutsara,
tinidor, at baso sa ating placemat. Ang
placemat ay ang patungan ng mga
kagamitan sa pagkain. Ito ay maaaring
yari sa tela, plastic o sa kahoy.”
“Sundan natin ang gabay na ito.”

Pagmamasdan ng mga mag-aaral ang


placemat.

Bago tayo magsimula sa pangkatang


gawain tingnan natin ang mga
pamantayan.
Mga Batayan Iskor
5 3 1
Nilalaman Tama lahat May isang May
ng sagot maling sagot dalawang
maling sagot
Kooperasyon Naipamalas Naipamalas Naipalamas Makikinig ang mga mag-aaral sa
ng buong
miyembro
ng
lahat
halos
ng
ng
miyembro
iilang pamantayan ng pangkatang gawain.
ang pakikiisa miyembro ang pakikiisa
ang pakikiisa
Takdang Natapos ang Natapos ang Hindi
Oras pangkatang pangkatang natapos ang
gawain sa gawain pangkatang
itinakdang ngunit gawain
oras lumampas
sa oras
“Ilagay natin ang pinggan.” Ilalagay ng mag-aaral ang pinggan.

“Ilagay naman natin ang kutsara.” Ilalagay ng mag-aaral ang kutsara.


“Ilagay naman natin ang tinidor.” Ilalagay ng mag-aaral ang tinidor.

I
“Ilagay naman natin ang baso.” lalagay ng mag-aaral ang baso.

“Magaling! Bigyan natin ng fireworks clap Gagawin ng mga bata ang fireworks
ang inyong mga sarili.” clap.

D. Paglalapat (Application)

Sorting by Attributes

Ipapakita ng guro ang mga bagong bagay


na ihahalo sa mga kagamitan sa pagkain.

Pagmamasdan at sasabihan ng mga


mag-aaral ang pangalan ng mga bagay.
Panuto: Pangkatin ang mga larawan, Hanay A Hanay B
ilagay sa Hanay A ang mga bagay na
ginagamit sa pagkain at ilagay naman sa
Hanay B ang mga bagay na hindi
ginagamit sa pagkain.

Hanay A Hanay B

Gagawin ang Angel’s Clap.


“Opo”
“Magaling! Ngayon ay bigyan natin ng
Angel’s clap ang inyong mga sarili.”
Ang mga kasagutan ay iba-iba.
Pagpapahalaga (Valuing)
“Dapat po maingat nating inaayos ang
“Kayo ba ay tumutulong sa pagaayos ng mga gamit upang di mabasag o
kagamitan sa pagkain?” malaglag.”

“Sa papaanong paraan?” “Dapat po malinis ang mga kamay


kapag tumutulong sa pag-aayos ng
“Kapag kayo ay tumutulong sa pagaayos kagamitan sa pagkain.”
ng kagamitan sa bahay, ano ang mga
bagay na dapat nating tandaan?”

“Ang mga kagamitan sa pagkain tulad


ng plato, tinidor, kutsara, atbp.”

“Natutunan din po namin kung paano


E. Paglalahat (Generalization) ayusin ang mga kagamitan sa pagkain
sa isang placemat.”
“Ano ang mga natutunan niyo ngayong
araw?” “Natutunan din po naming kung paano
pangkatin ang mga bagay na ginagamit
“Ano pa?” sa pagkain at ang mga bagay na hindi
ginagamit sa pagkain.”

Pakikinggan ng mga mag-aaral ang


mahalagang punto ng aralin.

Tandaan Natin

“Ang mga kagamitan sa pagkain ay may


kanya-kanyang mga gampanin, dapat
alam natin ito upang maayos nating
magamit ang mga bagay sa pang-araw
araw nating pamumuhay. Gagawin ang galing-galing clap.

“Mahusay mga bata! Talagang


napatunayan niyong natutunan niyo ang Kukunin ng mga mag-aaral ang
ating paksang aralin ngayong araw.

“Bigyan niyo ng ang galing-galing clap


ang inyong mga sarili.”
“Kunin na ang inyong mga lapis para sa
ating pagsusulit. At hintayin na ibigay ng
guro ang inyong sagutang papel.”

IV. Pagtataya (Evaluation)

Panuto: Idikit sa placemat ang mga larawan ng mga kagamitan sa pagkain,


gamiting gabay ang mga anino ng larawan.
Mga Tala
Bilang ng mag-aaral Bilang ng mag-aaral na
Instructional Decision
na nakakuha ng nangangailangan ng iba pang gawain
(Pagpapasya sa
80% sa pagtataya para sa remediation
Pagtuturo)
10 9 8 7 6 5 4 3 2 1 0

V. Kasunduan
Panuto: Gamit ang script sa ibaba, magdula bilang isang Vlogger.

Vlogger Yarn???
Hello guys! Ako nga pala si ______________________ (Pangalan) ipapakita ko sa inyo
ang mga kagamitan sa pagkain, ito ang plato, kutsara, tinidor at baso. Ipapakita ko
naman sa inyo ang tamang pagaayos ng mga kagamitan sa pagkain.
Paalam hanggang sa muli 

Paalala sa mga mag-aaral:


Humingi ng tulong sa magulang o guardian sa paggamit ng cellphone. Gagamitin lamang ang
cellphone para sa video ng gawain pampaaralan. Ingatan ang paghawak ng mga kagamitan
sa pagkain upang hindi ito maibagsak.
Paalala sa mga magulang:
Gabayan ang inyong mga anak sa paggawa ng kasunduan. Tulungan sila sa pag-set-up ng
video ng cellphone at paghahanda ng mga kagamitan sa pagkain.
Ang placemat ay maaaring idagdag sa script lamang kung mayroon kayo sa bahay. Kung
walang placemat sa bahay ay huwag nang bumili.

Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya. _______

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa


remediation. _______

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng magaaral na nakaunawa sa aralin.


_______

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation? _______

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng aking


punongguro at superbisor?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

G. Anong kagamitang panturo ang aking naidibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Inihanda ni:
(Prepared by:)

KRISTAL JOY C. SACAY


SPED Teacher
Name:________________________________
• Panuto: Idikit sa placemat ang mga
larawan ng mga kagamitan sa pagkain,
gamiting gabay ang mga anino ng larawan.

You might also like