Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

READING ENHANCEMENT ACTIVITY SHEETS (REAS)

Filipino 9
Ikatlong Markahan
Pangalan: ______________________________________________________________________
Paaralan:_______________________________________________________________________

Kasanayang Pampagkatuto: Nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na


masasalamin sa epiko (F9PB-IIIg-h-54)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto na nasa ibaba.

Rama at Sita
Halaw mula sa salin sa Filipino ni Rene O. Villanueva

Iginuhit ni Wil Freddrick Cruz

Sa gubat nanirahan sina Rama, Sita, at Lakshamanan nang ipatapon sila


mula sa kaharian ng Ayodha. Isang araw, isang babae ang dumalaw sa kanila.
Hindi nila alam, nagpapanggap lamang ang babae. Siya ay si Surpanaka, ang
kapatid ni Ravana, na hari ng mga higante at demonyo.
“Gusto kitang maging asawa”, sabi nito kay Rama.
“Hindi maaari,” sabi ni Rama. “May asawa na ako.”
Narinig ni Sita ang dalawa kaya lumabas siya. Niyakap ni Rama si Sita sa
harap ni Surpanaka. Nagselos nang husto si Surpanaka. Sa galit ay bigla siyang
naging higante. Nilundag niya si Sita para patayin. Pero mabilis na nayakap ni
Rama ang asawa at agad silang nakalayo kay Surpanaka, at siya namang
pagdating ni Lakshamanan.
“Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama.
Binunot ni Lakshamanan ang kaniyang espada at nahagip niya ang tenga at
ilong ng higante.
“Sino ang may gawa nito?” galit na sigaw ni Ravana nang makita ang ayos
ng kapatid. Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para makaganti kay Rama.
Sinabi niyang nakakita siya ng pinakamagandng babae sa gubat at inalok niya
itong maging asawa ni Ravana pero tumanggi ang babae. Nang pilitin daw niya,
tinagpas ng isang prinsepe ang kaniyang ilong at tenga.
“Tulungan mo ako, Ravana”, sabi pa nito. “Bihagin mo si Sita para maging
asawa mo.” Naniwala naman si Ravana sa kuwento ng kapatid. Pumayag siyang
ipaghiganti ito.
Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May kakayahan si Maritsa na mabago
ang sarili sa kahit anong anyo o hugis. Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at
Lakshamanan ang makakalaban, tumanggi itong tumulong.
“Kakampi nila ang mga diyos”, sabi ni Maritsa.
“Kailangang umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita nang
hindi masasaktan si Rama.” Nakumbinsi naman si Ravana kaya nag-isip sila ng
patibong para maagaw nila si Sita.

Sanggunian: Haduca, T. D. (2021). Filipino 9 (Panitikan ng Timog at Kanlurang Asya) Ikatlong


Markahan – Modyul 8: Epiko mula sa India . San Fernando, City: Department of Education -
SDO LA Union.

Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng
pinakawastong sagot.

1. Sino ang nagtangkang pumatay kay Sita dahil sa selos?


A. Lakshamanan B. Maritsa
C. Ravana D. Suparnaka

2. Saang bansa nagmula ang epikong “Rama at Sita”?


A. Bhutan B. India C. Iran D. Saudi Arabia

3. Anong pagpapahalagang Asyano ang masasalamin sa binasang bahagi ng


epikong “Rama at Sita”?
A. paglaban sa kaaway
B. pang-aagaw ng minamahal
C. pagmamahal sa may asawa
D. pagmamahal at pagtatanggol sa pamilya

4. “Gusto kitang maging asawa,” sabi nito kay Rama. “Hindi maaari,” sabi ni
Rama. “May asawa na ako.” Ano ang ipinahihiwatig ng hindi pagsuko ni
Rama sa panunukso ni Suparnaka?
A. natatakot sa asawa
B. naniniwala sa milagro
C. mapagmataas na pinuno
D. tapat at mapagmahal na asawa

5. Anong kultura ang sinalamin ng tauhan na si Maritsa nang tumanggi siyang


saktan ang magkapatid na sina Rama at Lakshamanan dahil kakampi sila
ng mga diyos?
A. mapamahiin B. pagiging duwag
C. masunurin at mapagmahal D. may paggalang sa mga
diyos

You might also like