Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ibalon (Epiko ng Bicol)

Si Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang malaking baboy-
ramo. Mayaman ang lupain ng Ibalon at doon na siya nanirahan. Siya ang kinilalang hari ng Ibalon.
May muling kinatakutan ang mga tao, isang malaki at mapaminsalang baboy-ramo na tuwing
sumasapit ang gabi ay namiminsala ng mga pananim. Si Baltog ay matanda na upang makilaban.
Tinulungan siya ng kanyang kaibigang si Handiong. Pinamunuan niya ang pagpatay sa mga
halimaw. Tumulong naman si Oriol, isang engkantadang nakapag-aanyong magandang dalaga na
may matamis na tinig. Naging payapa, lalong maunlad at masagana ang Ibalon. Subalit may isang
halimaw na namang sumipot. Ito ay kalahating tao at kalahating hayop. Siya si Rabut. Nagagawa
niyang bato ang mga tao o hayop na kanyang maengkanto. May nagtangkang pumatay sa kanya
subalit sinamang palad na naging bato. Nabalitaan ito ni Bantong at inihandog niya ang sarili kay
Handiong upang siyang pumatay kay Rabut.
Nalaman ni Bantong na sa araw ay tulog na tulog si Rabut. Kaniya itong pinatay habang
natutulog. Nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut. Diumano, masama man
si Rabut, dapat ay binigyan ng pagkakataong magtanggol sa sarili nito. Pinarusahan ng Diyos ang
Ibalon sa pamamagitan ng isang napakalaking baha. Nasira ang mga bahay at pananim. Nalunod
ang maraming tao. Nakaligtas lamang ang ilang nakaakyat sa taluktok ng matataas na bundok.
Nang kumati ang tubig, iba na ang anyo ng Ibalon. Nagpanibagong buhay ang mga tao ngayon sa
iba ng pamumuno ni Bantong.

Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit


(Epiko ng mga taga-Bagobo)

Sa Kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nagngangalang Tuwaang. Tinawag niya ang
kaniyang kapatid na si Bai Sinabi ni Tuwaang na may dalang mensahe ang hangin na pinapapunta
siya sa kaharian ni Batooy sapagkat may dalagang dumating sa kaharian ni Batooy ngunit hindi siya
nakikipag-usap sa mga kalalakihan doon. Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni
Tuwaang. Agad-agad na naghanda si Tuwaang at isinuot ang kanyang mga armas. Kinuha niya ang
kaniyang sibat at kalasag at tinawag ang kidlat upang dalhin siya sa lugar ng Pinanggayungan.
Humiga si Tuwaang sa tabi ng dalagang dumating sa kaharian ni Batooy at agad na nakatulog.
Bumunot ang dalaga ng isang buhok ni Tuwaang na nakalawit. Nagsalita ang dalaga at nakilala na
nila ang isa’t isa.
Ang dalaga ay ang Dalaga ng Buhong na Langit. Tumakas siya at nagtatago mula sa Binata
ng Pangumanon, isang higante na may palamuti sa ulo na abot ang mga ulap. Gusto siyang
pakasalan ng binata ngunit tinanggihan niya ang alok. Nagalit ang binata at sinunog ang bayan ng
dalaga. Pagkatapos magkuwento ang dalaga kay Tuwaang, dumating bigla ang Binata ng
Pangumanon, dala ang kanyang Patung na bumubuga ng apoy at pinagpapatay niya ang mga tao
sa kaharian ni Batooy. Naglaban si Tuwaang at ang Binata ng Pangumanon gamit ang kanilang mga
sandata. Ngunit magkasinlakas silang dalawa, at nasira ang kanilang mga sandata. Napatay ni
Tuwaang ang Binata ng Pangumanon. Pagkatapos ng labanan ay binuhay ni Tuwaang ang mga
namatay na tauhan gamit ng kaniyang laway. Dinala niya ang dalaga sa kaniyang bayan lulan ng
Sinalimba sasakyang gintong barko kasama ang kanyang mga tauhan.

You might also like