Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1
Panahon ng Renaissance
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Module Ikatlong
Markahan – Modyul 1: Panahon ng Renaissance Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat:
Elgemary S. Abata, Jerisse J. Parajes
Editor: Filipina F. Meehlieb, Lileth F. Oliverio,

Tagasuri: Lilifreda P. Almazan, Fatima D. Notarte, Leowenmar A. Corvera,


Edwin C. Salazar, Marina B. Sanguenza, John M. Anino, Alyn M. Tolero
Honorato Mendoza, Edwin G. Capon, Joel P. Plaza, Edwin C. Salazar,
Larry G. Morandante, Marino L. Pamogas

Tagaguhit:
Tagalapat: Aldrin V. Ubas, Paul Andrew A. Tremedal
Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Jr., Maripaz F. Magno
Josephine Chonie M. Obseñares, Karen L. Galanida,
Florence E. Almaden, Carlo P. Tantoy, Noemi D. Lim, Laarni C. Micayas

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng Caraga

Office Address: Teacher Development Center


J.P. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600

Telefax: (086) 342-8207: (085) 342-5969

E-mail Address: caraga@deped.gov.ph


8
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1
Panahon ng Renaissance
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kanikanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan


ang mga mahahalagang pangyayari sa panahon ng Renaissance. Ang kaalaman mo
sa panahong ito ay mabisang hakbang upang iyong makilala at mapahalagahan ang
mga naging ambag nito sa larangan ng pagbabagong pulitiko, ekonomiko at sosyo-
kultural. Makikilala mo rin ang mga taong naging tanyag sa kanilang mga obra
maestra sa iba’t ibang larangan.

Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos


upang maging mas maganda ang daloy ng iyong pag-aaral.

May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging


makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng
mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.

Ang modyul na ito ay nakapokus sa Panahon ng Renaissance na nahahati sa


mga sumusunod na paksa:

• Paksa 1- Kahulugan ng Renaissance


• Paksa 2- Ang Humanismo
• Paksa 3- Mga Ambag ng mga Humanista

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

Nasusuri ang mahahalagang pagbabagong politikal, ekonomiko at sosyo-


kultural sa panahon ng Renaissance. AP8 MELC1 Q1 WEEK1

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:

• naipaliliwanag ang mga dahilan kung bakit sa Italya nagsimula ang


Renaissance;
• natatalakay ang mga mahahalagang pangyayari sa pagsibol ng Renaissance;
• naipaliliwanag ang papel na ginagampanan ng mga Humanista sa pagusbong
ng Renaissance;
• naiisa-isa ang mga obra ng mga kilalang humanista sa iba’t ibang larangan;
• napahahalagahan ang mga kontribusyon ng Renaissance;
• nasusuri ang pulitikal, pangkabuhayan, at sosyo-kultural na kalagayan ng
Europa sa panahon ng Renaissance;
• nakapagmumungkahi ng mga paraan kung paano mapabubuti ang kalagayan
ng bansa sa iba’t-ibang aspeto tulad pulitikal, pangkabuhayan at
sosyokultural.

1
Subukin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang angkop na kahulugan ng Renaissance?


A. muling pagbabago C. muling pagkatuto
B. muling pagkagising D. muling pagsilang

2. Sa anong bansa umusbong ang Renaissance?


A. France C. Greece
B. Germany D. Italy

3. Sa anong larangan nakasalalay ang yaman ng mga lungsod-estado sa panahon


ng Renaissance?
A. kalakalan at industriya
B. pangingisda at pagsasaka
C. pagpapastol at pagbabarter
D. pagsasaka at pag-aalaga ng hayop

4. Anong kilusang intelektuwal ang nabuo noong panahon ng Renaissance?


A. Humanismo C. Propaganda
B. Pagbabago D. Reporma

5. Sino sa mga sumusunod ang kinikilala bilang “Prinsipe ng mga Humanista”?


A. Desiderius Erasmus C. Nicollo Machievelli
B. Giovanni Boccaccio D. William Shakespeare

6. Ang Renaissance ay nagmula sa Italya, alin sa mga sumusunod ang hindi


nagpapaliwanag kung bakit ito nagsimula sa Italya. A. Taglay nito ang
magandang lokasyon
B. Ang Italya ay kontrolado ng Papa sa Roma
C. Maraming unibersidad na pwedeng pag-aralan
D. Ang Italya ay mas malapit sa mga sinaunang Romano

7. Alin sa mga pahayag ang hindi nagsasaad ng kahalagahan ng Renaissance sa


kasalukuyang panahon?
A. nagdudulot ng pagkakalito sa paniniwala ng mga katoliko
B. karamihan sa mga bansa ay binigyang halaga ang humanismo
C. naging batayan ang sinaunang pag-aaral sa mga makabagong kaalaman D.
pinag-ibayo ang pagiging malikhain at paglikha ng mga bagong kaalaman sa
iba’t ibang larangan lalo na sa agham

2
8. Alin sa mga obra ni Leonardo da Vinci ang makikita si Kristo kasama ang
kanyang labindalawang disipulo?
A. Mona Lisa
B. Tribute Money
C. The Last Supper
D. Madonna and the Chilz

9. Ano ang pinakamahalagang papel na ginampanan ng mga unibersidad sa


Europe sa panahon ng Renaissance?
A. Nagpalawak ng Simbahang Katoliko sa Italya
B. Nagtaguyod ng pagbuhay muli sa kulturang klasikal
C. Bumuhay muli sa mga turo at aral ng Simbahang Katoliko
D. Nagturo ng mga tamang pagpapahalaga bilang isang mamamayan

10. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ni Sir Isaac Newton sa larangan ng


agham?
A. Batas ng Universe
B. Teoryang Copernican
C. Teoryang Heliocentric
D. Batas ng Universal Gravitation

11. Sino ang tinaguriang “Makata ng mga Makata” sa panahon ng Renaissance?


A. Desiderius Erasmus C. Miguel de Cervantes
B. Francesco Petrarch D. William Shakespeare

12. Bakit tinawag na transisyonal na panahon ang Renaissance mula sa Medieval


tungo sa Modernong Panahon?
A. nagpasaya sa buhay ng mga Europeong mamamayan
B. mas pinalawig ang mga kaugalian at tradisyon sa Gitnang Panahon
C. naging panatiko ang mga Europeo sa turo at aral ng Simbahang Katoliko
D. nagdulot ng mga pagbabagong naging dahilan sa pagpapaunlad ng
imbensiyon at agham

13. Ang panahong Renaissance ay kakikitaan ng mga sumusunod na katangian


maliban sa isa:
A. Pagbibigay halaga sa tao at ikabubuti nito
B. Pagsunod sa kagustuhan ng simbahan
C. Paglikha ng iba’t- ibang anyo ng sining
D. pag-usbong mga mga humanista

14. Ano ang pinagkaka-abalahang gawain ng mga tao sa Italya bago sumibol ang
Renaissance?
A. mga gawaing pambahay
B. pagtuklas ng mga bagong lupain
C. pagpapaunlad ng kanilang agrikultura
D. mga gawain, aral at turo ng simbahan

3
15. Sino sa mga humanistang babae ang may akda ng Dialogue of Adam and Eve?
A. Isotta Nogarola C. Sofonisba Anguissola
B. Laura Cerata D. Veronica Franco

Balikan

Panuto: Marami ka nang napag-aralan tungkol sa mga kaganapan sa


Europe na siyang dahilan ng paglakas nito. Upang mataya ang dati
mong kaalaman, sagutan ang gabay na tanong sa ibaba. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng Katolisismo sa mga


pagbabagong naganap sa Europe?

2. Sa kasalukuyang panahon, ano ang nagging papel na ginagampanan ng


Simabahang Katoliko sa ating lipunan?

Tuklasin

Sa kasalukuyan, isa sa pinakamayamang kontinente sa daigdig ang Europa. Taglay


nito ang mga pamana at mga bagong ideya sa iba’t ibang larangan. Ano kaya ang
mga dahilan at napanatili nito ang kanyang katatagan?

Gawain 1: Ako ay Matatag


Panuto: Isulat sa bilog ang mga salita o lupon ng mga salitang naglalarawan sa
isang metatag na bansa. Gawin ito sa sagutang papel.

4
Matatag na bansa

Batay sa mga konseptong naitala sa itaas, paano mo mailarawan ang isang matatag
na bansa sa isang pangungusap? Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Suriin

Ang Pag-usbong ng Renaissance

Sa pagtatapos ng Gitnang Panahon o Middle Ages, maraming namatay sa


Europa sanhi ng Black Death at mga digmaan. Dahil dito, marami sa mga
mamamayan ang nagsimulang mawalan ng tiwala sa Simbahan. Kinuwestyon din
nila ang mga umiiral na paniniwala at gawi ng lipunan. Kinalaunan, sa pangunguna
ng mga edukado, isinantabi nila ang mga halagahin at paniniwalang pinairal ng
Simbahan at ibinaling nila ang kanilang atensyon sa kadakilaan ng nagdaang
sibilisasyon ng Greece at Rome. Ang panahong 1300-1600 ay kakikitaan ng
napakataas na antas ng malikhaing pag-iisip sa mga Europeano. Ito ang tinatawag
na Renaissance.

Ang salitang Renaissance ay hango sa salitang Pranses na nangangahuluga


ng “muling pagsilang” o rebirth. Layunin nito na muling ibalik ang kadakilaan ng
kulturang Greco-Romano sa pamamagitan ng pagpapanumbalik ng mga
karunungang klasikal at pagbibigay-halaga sa mga gawa at kakayahan ng tao sa
aspeto ng sining, agham, literatura at panitikan.

Ang Italya ay matatagpuan malapit sa Dagat Mediterranean. Dito karaniwang


dumadaong ang mga barkong nagdadala ng bagong produkto. Malaki ang paghanga

5
ng mga taga-Europa sa Italya dahil dito nagsimula ang ilang mahalagang pag-aaral
at pagtuklas kaya naging sentro ito ng pag-usbong ng Renaissance.
Sa panahong ito muling pinatili at pinanumbalik ang mga sinaunang kulturang
klasikal ng Gresya at Roma, na nakapagdulot ng sigla sa kaisipan ng Europa at
nagbigay daan sa maraming pagbabago sa larangan ng sining, arkitektura, agham
at eskultura. Umunlad din ang kanilang agrikultura bunga ng pagbabago sa
kagamitan at pamamaraan sa pagtatanim.

Naging inspirasyon din ang Renaissance sa mga mangangalakal dahil naging


maunlad ang ekonomiya at sa larangan ng eksplorasyon binigyang sigla ang mga
manlalakbay na galugarin ang mundo na kung saan naitatag ang mga bagong
imperyo ng Europeong mananakop. Sa panahong ito nabuhay muli ang interes ng
mga mamamayan sa kalikasan ng tao. Naglabasan ang mga taong may taglay na
kakayahan. Nabuksan ang isipan ng mga tao na gamitin ang kanyang abilidad at
talento sa pagtuklas ng mga bagay-bagay at nagresulta ng mga ambag na
napakinabangan ng lipunan.

Mga Salik sa Pagsibol ng Renaissance sa Italya

Isa sa pinakamahalagang salik ng pagsibol ng renaissance sa Italya ay ang


kinaroonan nito. Sa mapa ng daigdig, matatagpuan ang Italya sa pagitan o dakong
gitna ng Kanlurang Europa at Kanlurang Asya. Dahil sa magandang lokasyon nito,
nagkaroon ng bentahe ang mga lungsod-estado ng Italya na sa panahong iyon, ang
pinakamayaman sa Europa, na nagkaroon ng pagkakataon na makipagkalakalan sa
mga bansa sa Kanlurang Asya at Kanlurang Europa. Nakatulong din ang
kinaroonang sentral ng Italya sa pagtanggap ng iba’t- ibang kaisipan mula sa
Kanluran at Silangan. Nabigyang- sigla ang kanilang pagnanasang mapanumbalik
ang tagumpay ng kabihasnang klasikal ng sinaunang Roma. Mahalagang papel ang
ginampanan ng mga unibersidad sa Italya, naitaguyod at napanatiling buhay ang
kulturang klasikal at ang mga teolohiya at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang
Griyego at Romano. Sa pagkakaroon ng malayang pag-aaral sa unibersidad, naging
praktikal ang mga tao sa kanilang pananaw sa buhay at mas naging malaya sa
paglinang ng kanyang mga kakayahan at kagustuhan. Higit na hinangad ng mga tao
ang lubos na kasiyahan sa kasalukuyang –buhay.
Ang Humanismo
Ang Humanismo ay isang kilusang intelektuwal na naniniwalang dapat
pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Gresya at Roma. Ito ay
pinangunahan ng mga Humanista. Sila ay mga iskolar na nanguna na muling
maibalik ang karunungang klasikal sa pamamagitan ng pag-aaral ng wikang Latin at
Greek, Retorika, Kasaysayan, Pilosopiya, Musika, Matematika, at Agham.
Ang kilusang ito ay hindi laban sa Kristiyanismo, manapa, ipinadadama nito
na hindi lamang ang paghahanda sa sarili sa susunod na buhay ang pangunahing
tungkulin sa mundo. Kundi, dapat din hangarin ng tao ang lubos na kasiyahang
pangkasalukuyan. Sa larangan naman ng sining at panitikan, sa halip na sumusunod
sa istilo na ginagawa noong panahong midyibal, ikinintal ang makabagong

6
pamamaraan sa pagpinta at pagsulat, binigyan daan ang realismo, perspektiba at
kariktan sa panitikan.

Mga Ambag ng Renaissance sa Iba’t ibang Larangan

Larangan Mga Humanista Kontribusyon


Francesco Petrarch  Kilala siya kinilala bilang
“Ama ng Humanismo.”

 Sinulat niya sa Italyano ang


“Songbook” isang
koleksiyon ng mga sonata
Sining at ng pag-ibig patungkol sa
Panitikan kanyang minamahal na si
Laura.

Giovanni Boccacio  Isinulat niya ang


“Decameron”, isang
tanyag na koleksiyon
ng isang daang
nakakatawang
salaysay.

Miguel de Cervantes  Isa siyang nobelista. Isinulat


niya ang
“Don Quixote de la
Mancha.” Ang laman ng
kanyang nobela ay katawa-
tawang kasaysayan ng
mga kabalyero.

Nicollo Machievelli
 Isinulat niya ang “The
Prince” kung saan
Sining at ipinayo niya na dapat
Panitikan gumamit ng
katusuhan,
kalupitan at panlilinlang ang
mga pinuno para matamo

7
ang kapangyarihan

William Shakespeare  Kilala siya bilang “Makata


ng mga
Makata.”
 Isinulat niya ang kilalang
mga dula gaya ng “Julius
Caesar,” “Romeo and
Juliet,” “Hamlet,” “Anthony
and Cleopatra,” at “Scarlet.”

Desiderius Erasmus  Kilala siya bilang “Prinsipe


ng mga Humanista.”
 Isinulat niya ang “In Praise
of Folly” kung saan tinuligsa
niya ang hindi mabuting
gawa ng mga pari at
karaniwang tao.

Michelangelo Bounarotti  Dakilang Pintor at iskultor ng


Sistine
Chapel sa Vatican.
Pinintahan niya ito ng
mga pangyayari sa
Bibliya mula sa paglikha
hanggang sa Malaking
Pagpipinta Pagbaha.

Leonardo da Vinci  Isa siyang kilalang pintor,


arkitekto, iskultor,
inhinyero, imbentor,
siyentista, musikero at
pilosoper.
 Pinakatanyag niyang obra
ay ang The Last Supper o
“Huling Hapunan.”

8
Raphael Santi  Kilala siya sa katawagang
“Ganap na
Pintor.”
 Ilan sa kanyang tanyag na
obra ay ang: Sistine
Madonna,Madonna and
the Child, at Alba
Madonna

Nicolas Copernicus  Ipakilala niya ang isang


teorya na nagsasaad na
ang araw ang sentro ng
sansinukob. Ang mga
planeta kasama ang
daigdig ay umiikot sa
paligid ng araw.

Agham
Galileo Galilei  Naimbento niya ang
teleskopyo na nakatulong
upang mapatotohanan
ang pahayag ni
Copernicus.

Andreas Vesalius  Isa siyang manggagamot na


nagbago ng pag-aaral ng
biology.
 Maingat niyang pinag-aralan
ang anatomiya ng katawan
ng tao.
 Siya ang nagsulat at
naglarawan ng unang
komprehensibong aklat sa
anatomy.

Zacharias Janssen  Siya ang unang


nakaimbento ng compound
microscope.

 Ginagamit ang ito upang


matingnan ang maliliit na
mga sample na hindi
makikilala sa mata.

William Harvey  Isa siyang manggagamot


Agham
na Ingles na unang

9
kumilala sa buong
sirkulasyon ng dugo sa
katawan ng tao.
 Ang pinakadakilang
tagumpay ni Harvey ay
kilalanin na ang dugo ay
mabilis na dumadaloy sa
katawan ng tao.

Anders Celcius  Si Anders Celsius, isang


propesor ng astronomiya sa
Unibersidad ng Uppsala,
Sweden, ay gumawa ng
isang sukat ng temperatura
noong 1741.
 Ang kanyang orihinal na
sukat ay may 0 degree sa
puntong kumukulo ang
tubig o boiling point at 100
degree kung saan nanigas
ang tubig o freezing point.

Daniel Gabriel Fahrenheit  Noong 1709 naimbento ni


Daniel Gabriel Fahrenheit
ang thermometer ng
alkohol, at ang thermometer
ng mercury noong 1714.
 Ipinakilala niya noong 1724
ang karaniwang sukatan ng
temperatura na nagdadala
ng kanyang
pangalangFahrenheit Scale-
na ginamit upang maitala
ang mga pagbabago sa
Agham temperatura.

10
Antonie Van Leeuwenhoek  Kilala siya bilang “Father
of Microbiology”.
 Nangunguna siya sa
larangan ng microscopy.
 Una niya naobserbahan
ang bacteria sa
pamamagitan ng
microscope.

Mga Humanistang Kababaihan sa Panahon ng Renaissance

Kakaunti lamang sa mga kababaihan ang nabigyan ng pagkakataon na


makapasok sa mga unibersidad sa Italy. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang
upang sila ay makilala at makapag-ambag sa panahon ng Renaissance.

Humanistang Babae Kontribusyon


Isotta Nogarola  Siya ang may akda ng Dialogue on Adam and
Eve at Oration on the Life of St. Jerome

Humanistang Babae Kontribusyon


Laura Cereta  Isinulong niya ang
makabuluhang pagtatanggol sa
pag-aaral ng humanistiko para
sa kababaihan.

11
Veronica Franco at Vittoria Colonna  Kilala sila pagsusulat ng mga tula.

Sofonisba Anguissola at  Ipininta nila ang Judith and her


Artemisia Gentileschi Servant with the Head of
Holoferness at ang Self Portrait as
the Allegory of Painting.

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang Humanismo?

2. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng Humanismo sa pagsibol ng


Renaissance sa Europa?

3. Ano ang implikasyon ng ipinakitang pagpupunyagi ng mga kababaihang


humanista sa panahon ng Renaissance?

Pagyamanin
Gawain 2: Dugtungan Mo
Panuto: Dugtungan ang mga kataga upang makabuo ng makahulugang talata.
Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

12
Renaissance dahil sa

Ang mga humanista ay maraming kontribusyon sa Panahon ng

Gawain 3: Tama o Mali


Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay naglalahad ng wastong
impormasyon at MALI naman kung ito ay hindi. Isulat ang iyong mga
sagot sa sagutang papel.

1. Ang kahulugan ng salitang Renaissance ay “muling pagsilang” o rebirth.

2. Ang Renaissance ay sumibol sa bansang Italya dahil sa magandang


kinalalagyan sa larangan ng kalakalan at matatag na lipunan.

3. Ang unibersidad ay lugar kung saan ginanap ang palakasan.

4. Napaunlad ng Italy ang kanilang kabuhayan dahil sa tulong ng kalakalan.

5. Tumibay ang tiwala ng mga mamamayan sa simbahang Katoliko dahil sa


Renaissance.

6. Ang mga Humanista ay mga iskolar na nangunguna sa pag-aaral ng


karunungang klasikal ng Greece at Rome.

7. Ang mga kalalakihan lamang ang sumikat sa Italya sa panahon ng


Renaissance.

8. Marami ang naging pamana ng panahong Renaissance sa iba’t ibang


larangan sa kasalukuyan.

9. Ang Renaissance ay transisyonal na panahon ng Middle Age at Modern Age.

10. Natamo ng Renaissance ang rurok ng kaningningan sa larangan ng


pagpipinta, eskultura, sining, agham at arkitektura.

Isaisip

13
Gawain 4: May Halaga Ako
Panuto: Magtala ng limang kahalagahan ng panahon ng Renaissance ayon sa
talahanayan. Gawin ito sa sagutang papel.

Agham Sining at Panitikan

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

Isagawa

Gawain 5
Panuto: Gumawa ng isang liham-suhestiyon sa kalihim ng Department of Science
and Technology (DOST) na naglalaman ng mga paraan upang higit na
mapaunland ang Sistema ng agham at teknolohiya ng ating bansa.

Rubric sa Paggawa ng Liham


Mahusay Katamtaman Nangangailangan Nakuhang
Pamantayan ng Pagsasanay Puntos
(5) (4) (3)
Ang mensahe Di gaano Walang mesaheng
Nilalaman ay mabisang naipakita ang naipakita.
naipakita. mensahe.
Napakaganda Maganda at Di maganda at
at malinaw ang malabo ang
napakalinaw pagkakasulat pagkakasulat ng
Pagkamalikhain
ng ng mga salita. mga salita.
pagkakasulat
ng mga salita.
May malaking Di gaanong Walang
kaugnayan sa may kaugnayan sa
Kaugnayan
paksa. kaugnayan sa paksa.
paksa.

14
Malinis na Malinis ang Marumi ang
Kalinisan malinis ang pagkabuo. pagkabuo.
pagkabuo.
Kabuuang Puntos

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Sino ang tinaguriang “Makata ng mga Makata” sa panahon ng Renaissance?


A. Desiderius Erasmus C. Miguel de Cervantes
B. Francesco Petrarch D. William Shakespeare

2. Bakit tinawag na transisyonal na panahon ang Renaissance mula sa


Medieval tungo sa Modernong Panahon?
A. Nagpasaya sa buhay ng mga Europeong mamamayan.
B. Mas pinalawig ang mga kaugalian at tradisyon sa Gitnang Panahon.
C. Naging panatiko ang mga Europeo sa turo at aral ng Simbahang Katoliko
D. Nagdulot ng mga pagbabago na naging dahilan sa pagpapaunlad ng
imbensiyon at agham.

3. Alin sa mga pahayag ang hindi nagsasaad ng kahalagahan ng Renaissance


sa kasalukuyang panahon?
A. Nagdudulot ito ng pagkakalito sa paniniwala ng mga katoliko.
B. Karamihan sa mga bansa ay binigyang halaga ang humanism.
C. Naging batayan ang sinaunang pag-aaral sa mga makabagong kaalaman.
D. Pinag-ibayo ang pagiging malikhain at paglikha ng mga bagong kaalaman
sa iba’t ibang larangan lalo na sa agham.

4. Ano ang pinagkakaabalahang gawain ng mga tao sa Italy bago sumibol ang
Renaissance?
A. mga gawaing pambahay
B. pagtuklas ng mga bagong lupain
C. pagpapaunlad ng kanilang agrikultura
D. mga gawain, aral at turo ng simbahan

5. Sinong sa mga humanistang babae ang may akda ng Dialogue of Adam and
Eve?
A. Isotta Nogarola C. Sofonisba Anguissola
B. Laura Cerata D. Veronica Franco

15
6. Alin sa sumusunod ang angkop na kahulugan ng Renaissance?
A. muling pagbabago C. muling pagkatuto
B. muling pagkagising D. muling pagsilang

7. Sa anong bansa umusbong ang Renaissance?


A. France C. Greece
B. Germany D. Italy

8. Sa anong larangan nakasalalay ang yaman ng mga lungsod-estado sa


panahon ng Renaissance?
A. kalakalan at industriya
B. pangingisda at pagsasaka
C. pagpapastol at pagbabarter
D. pagsasaka at pag-aalaga ng hayop

9. Anong kilusang intelektuwalang nabuo noong panahon ng Renaissance?


A. Humanismo C. Propaganda
B. Pagbabago D. Reporma

10. Sino sa mga sumusunod ang kinikilala bilang “Prinsipe ng mga Humanista?”
A. Desiderius Erasmus C. Nicollo Machievelli
B. Giovanni Boccaccio D. William Shakespeare

11. Ang panahong Renaissance ay kakikitaan ng mga sumusunod na katangian


maliban sa isa:
A. Pagbibigay halaga sa tao at ikabubuti nito.
B. Pagsunod sa kagustuhan ng simbahan.
C. Paglikha ng iba’t- ibang anyo ng sining.
D. Pag-usbong mga mga humanista.

12. Ang Renaissance ay nagmula sa Italya, alin sa mga sumusunod ang hindi
nagpapaliwanag kung bakit ito nagsimula sa Italya. A. Taglay nito ang
magandang lokasyon.
B. Ang Italya ay kontrolado ng Papa sa Roma.
C. Maraming unibersidad na pwedeng pag-aralan.
D. Ang Italya ay mas malapit sa mga sinaunang Romano.

13. Sa aling obra maestra ni Leonardo da Vinci ipinapakita ang isang mahalagang
eksena sa buhay ni Kristo kasama ang kaniyang labindalawang disipulo?
A. Mona Lisa
B. Tribute Money
C. The Last Supper
D. Madonna and the Child

14. Ano ang pinakamahalagang papel na ginampanan ng mga unibersidad sa


Europa sa panahon ng Renaissance?
A. Nagpalawak ng Simbahang Katoliko sa Italya.

16
B. Nagtaguyod ng pagbuhay muli sa kulturang klasikal.
C. Bumuhay muli sa mga turo at aral ng Simbahang Katoliko.
D. Nagturo ng mga tamang pagpapahalaga bilang isang mamamayan.

15. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ni Sir Isaac Newton sa larangan ng


agham?
A. Batas ng Universe
B. Teoryang Copernican
C. Teoryang Heliocentric
D. Batas ng Universal Gravitation

Karagdagang Gawain

Gawain 6: Tulong-tulong Tayo


Panuto: Magbigay ng suhestiyon kung papaano mapauunlad ng mga Pilipino ang
mga sumusunod na aspeto ng ating lipunan ayon sa talahanayan sa ibaba.
Gawin ang mga ito sa sagutang papel.

Larangan / Aspeto Paraan kung paano ito paunlarin

Agham

Edukasyon

Sining at Panitikan

Imbensiyon

17
18
Gawain 1
Tuklasin

19
20
Sanggunian
Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu,
Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna
Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ng
mag- aaral. Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of Education-
Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).
Mateo, Grace Estela C., Rosita D. Tadena, Mary Dorothy dl. Jose, Celinia E.
Balonso, Celestina P. Boncan, John N. Ponsaran and Jerome A. Ong. 2012.
Kasaysayan ng Daigdig : Batayang aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon.
Queszon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc.
Vivar, Teofista L., Nieva J. Discipulo, Priscilla H. Rille, Zenaida M. de Leon. 2000.
Kasaysayan ng Daigdig: Batayang Aklat sa Ikatlong Taon. Metro Manila,
Philippines: Sd Publications, Inc.

Project EASE ADM Module Araling Panlipunan 8 Module 11- Panahon ng


Renaissance

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Andreas_Vesalius Pierre_Poncet.jpg
https:/commons.wikimedia.org/wiki/File:Zacharias_Janssen.jpg
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:William_Harvey.jpeg
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Anton_van_Leeuwenhoek.
png https://en.wikipedia.org/wiki/Anders
Celsius#/media/File;Headshot of Anders Celsius.jpg
http://www.malenywx.com/weatherhistory/articles/gabrielfahrenheit

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-


BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like